TOTBW CHAPTER 10

1561 Words
Chapter 10 "Uh.." Napadaing ako nang bigla akong makaramdam ng sakit sa likuran ko nang umakma akong ikilos ang katawan ko. "Samantha.." Isang paos at malalim na boses ng pamilyar na tao ang nagpagising ng buong diwa ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at hindi nga ako nagkamali, si Tryone nga. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at takot habang nakatingin sa akin na para bang nagdadalawang isip na hawakan ako. Nag-iwas ako ng tingin dito at ipinalibot ang mga mata ko sa buong silid. Teka, nasaan ako? Napansin ko ang isang bagay na nakakabit sa kaliwang kamay ko kaya roon ko lang nakumpirma ang hipotesis ko. Nasa ospital ako. Anong nangyari? "I'm sorry.." He again spoke that made me look at him. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero kakaiba ang naging reaksyon ko nang makita siya. Sorry? Niminsan ay hindi ko narinig si Tyrone na binibigkas ang ganoong salita. I should be happy, right? He just said sorry to me! Pero bakit parang kinakabahan pa ako? Bakit parang mas natatakot pa ako? I composed myself, "A..Anong nangyari?" I asked. "A..Aksidenteng tumama ang likod mo sa.... Sa..." he stopped as if he cannot say the remaining words. "Don't do it again! Try me, Samantha! Try me." "Good." "Ah!" Wala sa sariling napasinghap ako nang biglang maglaro sa isipan ko ang eksenang iyon. Naalala ko na. He almost kill me. I could still feel the pain on my back na para bang may kung anong matulis na bagay ang nakatusok doon. Tinulak niya ako. Nakakatakot siya. I glanced at him and caught him staring at me as if he was reading my mind. Nakaramdam na naman ako ng pagkataranta nagtulak sa aking kumilos upang sana ay talikuran ito nang tumagas na naman ang kakaibang sakit na nanggagaling doon kaya napadaing ako. "Samantha!" Mabilis akong dinaluhan nito, hinawakan nito ang braso ko na nagpataranta sa akin kung kaya't mabilis kong ipinagaspas ang braso ko upang alisin ang kamay niya. Laking pasalamat ko nang wala akong natanggap na reklamo o kahit sigaw nito, imbes ay tahimik lang itong umayos ng tayo. "S---Sorry.." He again said. I gulped. "Please call my mom." I almost whispered. "Samantha, c--can we first talk?" pag-iiba pa nito sa usapan na ikinailing ko. No, I don't want to talk to him for now. Ayaw ko muna. Natatakot ako. He almost killed me! At paniguradong mauulit na naman iyon kapag mananatili pa ako sa tabi niya! Ayaw ko! "I want my mother." I insisted. "Samantha, I'm sorry about what happened last night. H...Hindi ko iyon sinasadya." wika nito. Hindi sinasadya? Paano kung namatay ako? Hindi rin niya sinasadya? Iyon lang ba ang kaya niyang ipaglaban? "Please, stop." "Hindi ko iyon sinasadya. Nadala lang ako sa galit ko. Sa kalasingan ko." "I know. Now, please stop. Alam kong mali ko. Hindi ka naman mauubusan ng dahilan, hindi ba? Kung hindi sana ako nangialam sa iyo, kung hindi sana ako nagpadala sa pag-aalala sa iyo, hindi sana ito mangyayari. Kasalanan ko. Ngayong sinabi ko na, please, stop talking to me." I ended the conversation. I just don't want to hear his voice. Naaalala ko lang ang mga malakas nitong sigaw at pananakit nito sa akin. Tiniis ko lahat ng pananakit niya dahil akala ko ay sa pamamagitan niyun ay mababayaran ko ang mga kasalanan nagawa ko sa kaniya, pero ngayong naabot ako sa ganitong punto. Doon ko lang napagtantong lumalagpas na pala siya sa limitasyon niya. Doon ko lang napagtantong sobra na pala ang tiniis ko. "Hindi mo naman ako ipapakulong, 'di ba? H--Hindi mo naman ito sasabihin kina tita, 'di ba?" Mapait akong napangiti sa sinabi nito. So that's the reason why he apologized. Ayaw niyang makulong. Ayaw niyang masira ang tiwala nina mommy dahil apektado ang kompanya nila. At higit sa lahat, Ayaw niyang masira ang pangalan niya sa mata ng maraming tao lalo na't isa siya sa pinakakilalang negosyante. "Don't worry, I won't." I said, and without me noticing it, I drop of tear rolled down on my right cheek. Tahimik lang akong umiiyak habang nakahiga patalikod sa kaniya. Pakiramdam ko ay nagtiis ako para lang sa wala. I almost died for just nothing, and that makes me hate myself. "Baby.." Naalimpungatan ako nang makaramdan ako ng marahang haplos sa buhok ko. "Sam, anak." Narinig ko ang boses ng ina ko na siyang hinahanap ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni mommy na nagpaluha sa akin. "Mommy." I called as I extended my arms to hug her. At dahil hindi kakayanin ng katawan ko ang tumayo, si mommy na lamang ang yumuko upang bigyan ako ng mainit na yakap. "Oh, God. What happened to you, anak? May masakit ba? Saan?" she asked worriedly. "W--Wala po, mom." I answered as I quickly wiped my tears away. "What happened, Sam? Why are you here? Please, tell me." I gulped. Should I tell her? "Where is he, mom?" "Si Tyrone? Nasa labas siya, anak. Now, could you please explain to me what happened?" mom asked. I shook my head, "N-Nadulas po ako habang naglilinis ako ng bahay, mom. I..I didn't notice na may natapakan pala ako kaya n..nadulas po ako. A--And there's something sharp that was placed in the table." I lied. Mukhang napaniwala ko naman ka agad si mommy. Buti na lang. "How are you feeling now? Masakit pa ba?" she asked. I gave her a small smile, "No, mom. Hindi na po masakit." I answered. "Okay, kanina habang tulog ka, dumating ang cater dito sa ospital at hinatid ito. Sabi ni Tyrone, almost 16 hours ka nang tulog at hindi ka pa kumain. Kaya mo bang umupo, anak?" Mom asked as she took the plate beside my bed. "I'm not yet hungry, mom." "Gutom ka man o hindi, kakain ka pa rin. Kailangang magkalaman ang tiyan mo, baby. You already skipped breakfast kaya dapat kumain ka ngayon." mom insisted. Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi nito. Kaya sa huli, napilitan pa rin akong kainin ang pagkain. I don't like the taste of that food, sobrang tabang na parang nagtitipid lang sila rito at nang magkasiya sa mga pasyente. We just talked about some things, I asked mom about where is dad, sabi niya ay nasa Visayas daw ito dahil may kailangan siyang daluhang pagtitipon. We even didn't notice the time. Now, it's already 6PM, and mom really needed to go for no one is left in our house, but only the helpers. Kaya ngayon ay naiwan na naman akong mag-isa rito sa kwarto. I badly wanted to stand and stroll around but my body doesn't want me to do so. Mas pipiliin ko na lang sigurong manatili rito kay sa naman umuwi ako sa bahay at puro sigaw at pananakit lang naman ang matatanggap ko. Gusto kong magpahinga. Kahit sandali man lang. Masyado nang pagod ang katawan ko, lalo na ang puso ko na siyang parating nakararamdam ng sakit. I was in the middle of deep thinking but then I heard the sound of opening of the door. Galing doon, iniluwa si Tyrone na may dalang supot. "Hi," Nag-iwas ka agad ako ng tingin. Napalingon na lang ako sa gilid ko dahil nagsimula na namang magwala ang kalooban ko kaya hindi ako mapakali rito sa posisyon ko. "I bought some foods for you." he said. By just hearing his voice, I can tell that he was nervous. Why? Was he doing that to at least convince me not to tell mom about what happened? He really is afraid to lose their business. I understand him. "You don't need to do that, kasi naman ako magsasalita kay mommy tungkol sa nangyari. May kasalanan din naman ako." I spoke. Hindi naman ito nakapagsalita. See? Tama nga ako. Bakit kailangan niya pang magkunwari, where in fact, nasusuka na siya sa kaloob-looban niya seeing himself doing and acting like this to me. I cleared my throat to at least break the reigning silence between us. Don't be too desperate, Samantha! He once have feelings towards you but you broke him! Now, what would you expect?! Na por que na-aksidente ka, magkakamabutihan na ulit kayo? Hell no! Sinasaktan na naman ako ng sariling pag-iisip ko. Para bang tinutulak niya akong gawin ang kaisang bagay na kailanma'y hindi ko kaya. Pero kasi, sa sitwasyon kong ito. My heart was covered with so much fear. Kung noon ay palaging nagtatalo ang utak at puso ko, ngayon pakiramdam ko ay nagkakaisa na sila. And that's for my self, this time. I will choose my self. I composed myself, "Gusto kong umuwi muna sa bahay namin." There, I finally said it. I didn't look at him, I don't want to. Wala rin akong narinig na sagot nito kaya nagpatuloy ako, "Gusto kong magpahinga muna." I paused when I felt something hindered on my throat. "I realized that, I think, I've done enough. I've done my part." I forced my self not to cry, and so I succeeded. I glanced at him. Nakita ko itong nakatingin sa baba na para bang sobrang lalim ng kaniyang iniisip. Pero sa tingin ko naman ay naririnig niya ang mga sinasabi ko. "Sa tingin ko naman ay bayad na ako sa mga kasalanan ko, 'di ba?" I said. "Kaya sa pagkakataong ito, pipiliin ko naman ang sarili ko." •ohmy_gwenny•

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD