Chapter 2

1662 Words
SHAIRA Dahil first monday ng buwan kailangan kong pumasok ng maaga at may general meeting kami para sa monthly report namin. Policy na kasi ng Mircoz Cosmetics BHD na may half day kaming meeting and training. Dito namin makikita ang status ng sales at improvement ng company. Maganda naman ang kumpanyang pinapasukan ko dalawa lang kami ni Jasmine na pilipina at may dalawang Indonesian then the rest is Chinese and Malay na. Maayos din katrabaho ang mga ito kahit pa may pagkatamad lang talaga siguro. Alam ko iba kaming mga pilipino, namamayagpag kami sa sipag at tiyaga. Kaya naman number one ako pagdating sa overtime insensitive. Sabi nga ni Jasmine, gora lang para sa ekonomiya. Natapos ang training namin sa new product na ilalabas namin ngayong buwan ng tinawag ako ni Miss Wong. "Shaira come to my office," sabi ni Miss Wong ang vice president ng kumpanya. Sumunod ako dito matapos kong sumagot ng yes ma'am at naupo sa harap ng mesa nito. "I'm very happy with your performance this past few years, you're one of the asset of this company." Panimula nito, hindi ko alam kung bakit nito sinasabi ang mga iyon dahil usually kapag may bad news ay nauuna ang good news. "Baka kaya ako pinupuri nito dahil papauwiin na ako? Hindi kaya nalaman ng mga ito na nakasapak ako ng kalahi nila?" mga tanong sa isip ko. "Thank you madam," tanging sagot ko dahil hindi ko talaga alam kung saan pupunta ang usapan ito. Pumasok si Miss Debbie na may dalang folder at naupo rin sa harapan ko kaya mas lalong nangatog ang tuhod ko. "Lord, 'wag naman sana akong pauwiin, hindi na po ako mananapak ng lalaki promise," abot kabang panalangin ko. Tabingi ang ngiti na nasa labi ko. Hindi ko nga alam kung ngiti nga ba o ngiwi. "Shaira, you might not be aware that Miss Elaine is going back home and we are not going to renew her contract. So we're looking for her replacement. Since you work under her and you know the whole operation very well, we decided to take you as her replacement," mahabang paliwanag ni Miss Debbie na nagpalaki ng mga mata ko. Nanlalaki ang mga mata na nag-palipat-lipat ang mga tingin ko sa mga ito. "Really madam? For real?" mukha man akong gaga sa reaction ko pero hindi kasi ito ang inaasahan ko. "Yeah, starting today you will start acting as branch manager in Wangsa Melawati branch. We expect the best in you, so don't disappoint us," saad naman ni Miss Wong. Grabe ang magkapatid na ito ang aga ng pasabog. Kaya pala last month panay ang utos sa akin na pumunta sa iba't-ibang branch para mag-training ng mga new staff. Na surprise talaga ako. "Thank you po papa Jesus," lihim kong pasalamat habang tumayo ako para abutin ang folder na may lamang contract ko. Matapos ang maikling briefings lumabas ako ng opisina ni Ms. Wong at lutang parin na naglalakad. "Kenapa happy sangat?" bungad ng kasamahan kong Indonesian na ang ibig sabihin ay bakit ang saya ko daw? Ngumiti lang ako at hindi sumagot, dakilang ususera at inggitera ito mahirap na masira pa ang mood ko at may makatikim na naman na inosenteng tao. Pumasok ako ng shop at nadatnan ko si Miss Elaine na nagsisimula ng magligpit ng mga gamit. "I'm glad they listen to my suggestion. Congratulations Shaira," sabi nito na ngumiti sa akin. Na-shock ako, shocking na siya pala ang nagrecomend sa akin gayong matindi ang pangigilag at takot ko dito. "Thank you so much Miss Elaine, I didn't expect this to happen," mula sa pusong sagot ko. Halos lahat kasi takot dito kasama na ako, napaka-strict at serious nito palagi. "Nah, you deserve that Shaira. Among all of the people here, you're the only one I know that has a big potential to manage this place," seryosong saad nito. Awang ang labi ko sa narinig dahil never in my wildest dreams na maririnig ko ito mula dito. "I know thank you is not enough, so let me hug you please," sabi ko habang naluluha. Alam ko kasing ito na ang huling beses na makikita ko ito dahil susunod ito sa asawa nito sa Australia at doon na manirahan. "You're a good person Shaira, keep it that way," huling sinabi nito matapos kaming magbitiw ng yakap at lumabas ng pinto ng opisina nito na ngayon ay sa akin na. Masayang Jasmine ang nadatnan ko sa hostel kinagabihan ng makauwi ako. "Girl congrats, sosyal may manager na akong friend. Mag-celebrate tayo dali!" Excited na yaya nito na ngayon ay nakabihis na at talo pa ang rarampa sa kung saan man sa taas ng high-heel na suot. "Girl naman saan ang lakwatsa mo aber?" pinandilatan ko ito. Nalibot na yata nito ang Kuala Lumpur sa dalas ng pag gagala nito sa labas. "Madilim na kaya," paalala ko. Dito kasi kahit mag-alas otso na ay padilim pa lang ang paligid. "My date ako girl," saad nito na ngayon ay panay dutdot ng hawak na cellphone. "Sino na naman yang nauto mo?" nakangusong tanong ko. Ang babae kasing ito ang bilis lang magpalit ng jowa. "Si Axel, isang pinoy na chef sa KLCC," masayang sabi nito. Kilala ko ang Axel na iyon mainit ang dugo ko doon at talo pa ang linta makabakod kay Jazmine. Hindi naman sa naiinggit, masakit lang talaga sa mata ang pda nilang dalawa na akala mo sila lang ang tao sa mundo. "Bahala ka basta mag-condom kayo para walang ebidensya," derecho na sagot ko. Pinandilatan ako nito ng mga mata at hindi ko inaasahan hahampasin ako nito ng suklay na tumama sa noo ko. "Aray!" pasigaw na reklamo ko. "Gaga, ang dumi ng utak mo. Tama lang mahampas ka para maalog kunti utak mo. Kung anu-anong lumalabas diyan sa bibig mo!" nakapamewang na sabi nito sa akin. "Sira, pinapaalalahanan lang kita. Mamaya n'yan makabuo kayo ano," sabi kong nakairap dito. Ganito naman kami ni Jasmine sweet enemy ang drama. Malakas na tawa ang narinig ko mula kay Jazmine. "Paano kami makakabuo Shaira? Tinitignan pa lang ako nanginginig na. Inaakit ko nga pumapalag palagi. Alam mo namang dating pastor iyon kaya ang lakas ng control sa sarili. Sweet lang s'ya pero hindi hot," pumipilantik ang kamay na sabi nito. Ang babaeng ito talaga may pagkamalandi din eh. "Ah basta, ingatan mo yang mani mo dahil kapag nabiyak 'yan, hindi gaya ng plastic na pwede na gamitan ng epoxy pandikit ano," sabi ko habang pinapanuod itong inuulit na naman ang eyeliner sa mata. "Opo Miss Maria Clara, Bakit hindi ka na lang nagmadre Shaira? Infairness bagay sa'yo. Sister Shaira," nakangising sabi pa nito. "Ang dami mong alam," ang tanging nasagot ko, dahil miski ako sa sarili ko hindi ko alam kung bakit hindi ako attracted sa kahit na sino sa mga lalaking nakilala at nakasalamuha ko. "Hindi kaya lesbian ka Shaira?" malaking mga mata ni Jasmine ang nakita ko ng bigla akong napatingin dahil sa tanong nito. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, hindi rin naman nangyari na nagkagusto ako sa babae. "No, impossible," siguradong sagot ko. "Aba dapat lang, naku memoryado mo na yata bawat sulok ng katawan ko ano. Mahirap na baka pinagnanasaan mo pala ako," exaggerated na sabi pa nito. "Aba Jasmine, anong pinagnanasaan ko diyan sa'yo?' yang flat na puwet mo o yang malaki mong binti?" natatawang sabi ko. Maliit lang kasi itong babae kaya mahilig mag suot ng mataas na sapatos dahil na rin sa height nito. "Ay s'ya, aalis na ako girl dadalhan na lang kita ng favorite mong keow teow," sabi nito bago lumabas ng pinto. Dahil naiwan akong mag-isa wala akong ginawa kun'di ang manood sa YouTube. Nakatutok ang mata ko sa cellphone na hawak ko ng mag-ring ito at makitang tumatawang si Mama Zeraphine. Agad ko itong sinagot dahil bihirang tumawag ito. "Hello ma," excited na sabi ko. "S-shaira anak," nauutal na sabi nito. Napatayo ako at kinakabahan na nagtanong dito. "Ma anong nangyari?" hindi magkamayaw sa kabang tanong ko pa. "Si Reign anak, si Reign wala na s'ya," humihikbi na sagot nito. "Ha? Paanomg wala na s'ya?" naiiyak na tanong ko. "Binawian na siya ng buhay Shaira, kanina lang. Hindi na siya umabot ng hospital ng isugod ko at hindi ko rin naisalba kahit ginawa ko na ang lahat. Maraming dugo na kasi ang nawala sa kan'ya at huli ko ng nalaman," paliwanag nito sa pagitan ng pag-iyak. Halos sumabog ang ulo ko sa mga naririnig. "No! Reign bakit? Paano nagkaganoon mama?" umiiyak na ring tanong ko. "Hindi ko alam anak, wala akong ideya na buntis siya at ipinalaglag nito ang dinadala. Lagi lang siyang matamlay at mukhang pagod kaya hinayaan ko na lang magpahinga at magkulong sa kwarto. Tatawagin ko sana para sa tanghalian ng hindi siya sumagot kaya binuksan ko ang pinto at nakita ko na napakaputla nito," paliwanag ni mama. "Huli na anak ng madala ko siya sa ospital, dead on arrival na siya ng dumating kami. I'm sorry Shai wala akong nagawa para maisalba si Reign," malakas na hagulgol nito. "Wag mong sisihin ang sarili mo mama, wala kang kasalanan. Choice ni Reign ang ginawa niya at labas ka doon," umiiyak na sabi ko. Nahahati ang puso ko sa mga naririnig ko pero mas nasasaktan ako na marinig na sinisisi ni Mama Zeraphine ang sarili nito. Sa buong buhay namin puro pagmamahal ang ipinakita nito sa amin. Kaya anuman ang mangyari hindii ko kakalimutan 'yon. "Nasaan ang nakabuntis kay Reign?" naisip ko na itanong dahil pananagutan nito si Reign at ang batang dinadala sana nito. "Hindi ko alam anak, nabasa ko ang sulat ni Reign na ayaw ng pamilya ng lalaki kay Reign kaya hindi siya pinanagutan," malungkot na sabi ni mama bago nagpaalam. Kung ganun kasalanan ng lalaking 'yon kung bakit nawalan sa amin si Reign. Kung inaakala niyang maging masaya siya sa pag-abandona sa mag-ina niya ay nagkakamali siya. Babalikan ko siya at ipapaalala ang lahat. "Ako ang maniningil Reign, igaganti kita pangako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD