Chapter 3

1392 Words
SHAIRA Sa tulong ng employer ko mabilis akong nakauwi ng pilipinas. Ito ang kagandahang ng complete at legal ang documents na hawak ko. Naging mabilis ang proseso ng requirements na kailangan ko para makauwi agad ng bansa. Walang susundo sa akin sa airport, hindi ko rin kasi sinabi na uuwi ako ngayong araw. Apat na oras lang ang byahe ng eroplanong sinakyan ko mula Kuala Lumpur hanggang Manila pero talo ko pa ang isang buong araw na naghintay makalapag ang eroplanong sinasakyan ko. Tensyon, stress at galit ang paulit-ulit na nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na sa ganitong paraan mawawala sa amin si Reign. Kami na lang ni Mama Zeraphine ngayon ang magkasama dahil mas pinili ni Reign wakasan ang buhay niya at sumuko sa pagsubok. Mas matanda sa akin si Reign pero mas malakas ang loob ko sa kan'ya. Ako ang mas naging ate sa aming dalawa kaya naman lalo kaming napalapit at talagang itinuring naming kapatid ang isa't-isa. Maraming tao sa labas ng bahay namin ng makarating ako at bumaba ng taxi. Ilan sa mga mukhang nakita ko ay familiar sa akin na alam kong mga kapitbahay namin. Mabilis akong pumasok matapos lagpasan ang bulto ng mga taong nasa labas at nakikipag lamay. Nadatnan ko si Mama Zeraphine na nakaupo kaharap ng kabaong na nakahimlay sa sala ng bahay. "Mama," tawag ko dito. Agad itong nag-angat ng tingin at kita ko sa mukha nito ang labis na pagdadalamhati. Maga at malalim ang mga mata nito na siguradong dahil kulang sa tulog at panay na pag-iyak. "Shairah anak, bakit hindi mo sinabing ngayon na ang uwi mo? Sana sinundo kita sa airport," sabi nito sabay tayo at yakap nito sa akin. "Okay lang po mama," sagot ko. Hindi rin kasi ako makapagsalita dahil parang nagbabara ang lalamunan ko sa tindi ng emosyong bumabalot sa akin. Katabi ko si Mama Zeraphine ng lapitan ko ang kabaong na tanging kalahati lang ang nakabukas. Isang payat, maputla at humpak na mga pisngi ni Reign ang nakita ko. Nagpapatunay na wala na nga itong buhay at tuluyan ng nawala sa amin. Tahimik akong umiyak habang maraming tanong ang dumadaloy sa isip ko kung bakit umabot dito ang itinuturing kong kapamilya bukod kay Mama Zeraphine. hindi ko napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak. Ang bigat sa dibdib na makita at madatnan na ganito ang kinahinatnan ni Reign gayong dati ay puno ito ng buhay at pangarap. “Sino ang lalaking nakabuntis sa kan'ya mama?” tanong ko kay Mama Zeraphine. "Hindi ko alam anak, hindi ko rin kilala. Hindi ipinakilala sa akin ni Reign at hindi rin dinala dito. Ang alam ko lang malimit sabihin ng kapatid mo na may napupusuan siyang lalaki at hindi naman sinabing may nobyo na pala siya at na buntis. Inilihim ng kapatid mo ang lahat kaya wala akong kahit anong alam tungkol sa kan'ya," malungkot na paliwanag ni mama sa akin. Gusto kong sumigaw sa galit at paghihinagpis. Masakit sa akin na nawala si Reign na hindi kami nito pinagkatiwalaan ng mahalagang bagay na dapat ay alam namin bilang kapamilya nito. Gusto kong magalit dito dahil pakiramdam ko naging selfish siya. Pero ng maalala ko kung gaano kahina ang loob ni Reign ay posibleng 'yon ang naging dahilan para maglihim ito. Palagi siyang may doubt sa bawat bagay. Palaging takot sumubok, pero bakit nagkagusto siya sa isang lalaking hindi pala siya kayang paninindigan? Kuyom ang kamao na umalis ako sa harap ng bangkay nito at mabilis na pumasok sa loob ng silid namin dala ang backpack na tanging dala ko. Hindi ko mapigilan ang labis na lungkot na umusbong sa puso ko. Ito ang silid namin ni Reign. Dito namin binuo ang mga plano namin sa buhay at dito sa loob ng kwarto na ito kami lumaking magkasama. "Reign bakit? Bakit takot kang sabihin sa amin ang totoo? Bakit hanggang sa huli naging mahina ka?" panay ang tanong ko habang nakatingin sa picture nitong nakasabit sa dingding. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na wala na nga ito. Buong buhay ko tanging siya ang naging kakampi ko sa lahat ng hamon ng buhay, kaya napakasakit sa akin na makitang ganito ang kinahinatnan niya. Kahit pagod at gutom sa mahabang biyahe hindi naging alintana sa akin ang lahat. Matapos ang dalawampung minutong inilagi ko sa silid namin ay nagpasya ako na lumabas at manatili sa harap ng lamay nito. Dalawang araw na lang ang natitira at ilibing ito. Ayaw kong sayangin ang mga panahon na nagmumukmok sa loob kaya minabuti kong lumabas. Mas gusto ko na ang ganito na nakikita ko kahit katawan n'ya man lang. Totoong sobrang masakit mawalan ng mahal sa buhay pero tatanggapin ko alang-alang sa ikatatahimik ng kan'yang kaluluwa. Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Heto at inihahatid na namin sa huling hantungan si Reign. Maraming kakilala na mga kapitbahay at kaibigan ni Mama Zeraphine ang pumunta at nakiramay. Binati ako ng mga ito at niyakap kahit pa ang ilan dito ay hindi ko mga kilala. Tanging kami na lang ni mama ang natitira ng yayain ko itong umuwi. Alam ko na higit kanino man ay kailangan nitong magpahinga. Katulad n'ya nagluluksa din ako pero tanging kaming dalawa lang ang magdadamayan sa ngayon. "Mama uwi na po tayo," tanging nasabi ko dahil tahimik itong lumuluha sa harap ng puntod ni Reign. "Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari Shairah," sabi nito habang humihikbi. "Maging ako din po mama, pero kailangan na po nating tanggapin ang lahat. Masakit na nawala sa atin si Reign ng ganito kaaga sa atin pero wala na po tayong magagawa nangyari na ang lahat. Tanggapin na lang po natin na hanggang dito na lang s'ya." Hindi ko alam kung para kay mama ba ang sinabi ko o para sa sarili ko dahil maging ako hirap tanggapin na wala na nga ito. Nakita ko na tumango si mama bilang pagsang-ayon sa sinabi ko sabay punas ng luha at niyakap ako ng mahigpit. "Promise me Shairah, hindi mo rin ako iiwan anak. Ikaw na lang ang meron ako. Wala na si Reign at hindi ko kakayanin na pati ikaw mawala pa." Umiiyak na sabi nito na nakasubsob ang mukha sa balikat ko. "Promise po mama, magiging matatag po ako at hindi ko kayo basta iiwan, pangako po," pangako ko. Alam ko malungkot ito oras na bumalik ako ng Malaysia pero alam ko na naiintindihan niya na kailangan ko itong gawin para sa amin. Buo ang plano sa isip ko na aalamin ko ang tunay na nangyari kay Reign at hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang mga sagot sa tanong ko. Nakauwi na kami ng bahay at agad kong sinamahan si mama sa loob ng kwarto nito para magpahinga. Matanda na ito at hindi makakabuti dito ang labis na puyat lalo na at pagod ito. Labag man sa loob nito pinainom ko ito ng sleeping pills para hindi na ito mahirapan na matulog dahil alam ko na oras na iwan ko ito sa kwarto ay agad na iiyak ito at iisipin na naman si Reign. Bumalik ako sa kwarto namin at dahil hindi ako makatulog ay binuksan ko ang cabinet na pag-aari ni Reign. Maraming mga gamit sa loob lalo na at mahilig ito sa mga kung anong koleksyon, maging damit o kahit anong gamit na gusto nito. Halos baliktarin ko na ang lahat ng gamit nito pero wala akong kahit na anong nakitang makapagturo sa taong kailangan kong makilala. Inabot na ako ng ilang oras at para ng dinaanan ng magnanakaw ang silid namin ng may napansin akong isang kahon sa ilalim ng cabinet nito katabi ng ilang kahon ng sapatos. Nang buksan ko ito tumambad sa akin ang mga larawan na ginupit mula sa dyaryo. Wala itong kahit na akong pangalan at tanging puro mukha lamang ng isang lalaki ang naroon. "Sino ka? Ikaw kaya ang may kaugnayan sa pagkamatay ni Reign?" tanong ko habang nakatitig sa mukha nito. Kailangan kong malaman kung sino siya dahil hindi itatago ni Reign ang mga ito kung hindi importante sa kan'ya ang taong ito. Posibleng siya na nga ang hinahanap ko. "Gagawin ko ang lahat para makilala ka at oras na malaman ko na ikaw ang may kinalaman sa pagkamatay ni Reign, sisingilin kita sa paraang alam ko," gigil na sabi ko sabay lamukos ng isang papel na may mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD