Chapter 4

2333 Words
SHAIRA Sa loob ng halos dalawang linggo na pananatili ko dito sa bansa ay wala akong ibang ginawa kun'di alamin ang pagkakakilanlan ng lalaking nakita ko ang mukha sa mga ginupit-gupit na larawan na nakatago at nasa sa loob ng isang kahon sa silid ni Reign. Malaki ang hinala ko na may kaugnayan siya sa nangyari sa itinuturing kong kapatid at sa batang dinadala nito. Gamit ang social media ay naghahanap ako ng posibleng pagkakakilanlan nito. Pinost ko na rin ang larawang nakuha ko pero iisa ang itinuturo na pangalan ng mga taong naka-chat ko. Isang Don Montenegro ang nabanggit sa mga comment sa post ko sa social media account ko. Hindi ako familiar sa pangalang nakuha ko dahil isa umano itong sikat na singer ng isang banda kung saan ay maraming mga show dito sa bansa. Heto ako ngayon, nakaharap sa laptop ko. Pilit na pinagkukumpara ko ang mukha sa larawang nakuha ko kumpara sa mga larawang narito sa harap ko na nakuha ko sa mga gamit ni Reign. Sa unang tingin ay wala akong nakikita na pagkakaiba lalo na at i-isang hulma ang mukhang nasa harapan ko. Pero isang bagay ang napansin ko, laging nakangiti ang Don Montenegro na nasa mga larawan sa social media sa lahat ng mga larawang kuha sa kan'ya. Kung pagbabasehan ko ang mga larawan nitong naka-post online ay maningning ang kan'yang mga mata na tila ba walang problema sa buhay. Magaan ang awra nito malayo sa mukha ng lalaking nasa ibabaw ng mesa ko ang larawan. Kabaliktaran ng mga larawan sa social media ang isang ito. Tila ba tahimik itong tao, matigas ang personality na nakikita ko na tila ba pasan ang problema sa mundo. Siya ang uri ng taong masasabi kong bihirang ngumiti at tila may kung anong misteryo sa pagkatao nito ang nakatago pero na baba-naag kong nakadungaw sa mga mata niya. Mahiwaga ang personality ng lalaking hinahanap ko kaya naguguluhan ako kung pareho lamang ba sila ng taong nakikita ko sa social media. Sa uri ng trabaho ko sanay akong kumilatis ng ugali at personalidad ng mga taong nakakasalamuha ko base sa kilos at hulma ng kanilang mukha sa harap ko. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Reign ang larawang ito dahil kahit anong hanap ko mula sa mga lumang magazine pati na rin mga dyaryo ay wala akong makitang larawan ni Don Montenegro na kapares nitong hawak ko. Kunot ang noo na bumalik ang tingin ko sa screen ng laptop ko. Isang bagay din ang napansin ko malaki ang pagkakaiba ng pananamit ng dalawang larawan na pinag-kinukumpara ko. Rugged ang looks ni Don Montenegro sa mga social media post na nakita ko. Malaki ang kaibahan sa formal attire ng lalaking tiningnan ko sa ibabaw ng mesa ngayon. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng muling sumulyap ako dito. Salubong ang kilay na kinuha ko ang isang larawan at pinaka-titigan ng matagal. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin dahil pa bagsak na binitiwan ko ito matapos na biglang lumakas ang kaba at kabog ng dibdib ko. Hindi kaya mangkukulam ang isang ito. I mean, baka part ng witchcraft dahil nakakatakot tingnan ang maitim na mga mata nito. Tama, baka nga gano'n, siguro siya rin talaga si Don Montenegro at iba ang ipinapakita na awra sa publiko para hindi siya pag-hinalaan. Sa na isip ay agad akong napatayo sa kinauupuan ko at pinuntahan si mama na tahimik na nanonood sa sala ng isang noontime show sa telibisyon. "Mama, nariyan pa po ba si Mang Pedring na kapitbahay nating manghuhula at mangtatawas?" tanong ko. "Bakit bigla mong naisip si Pedring, Shaira? Sino ang ipapatawas mo?" nagtataka na tanong nito. Alam ko na hindi ko pwedeng sabihin dito ang balak kong gawin dahil hanggang ngayon ay malungkot ito at labis na nagluluksa sa pagkamatay ni Reign. "Patingnan ko sana kung may masamang espirito ang nasa paligid ko mama. Hindi kasi ako mapakali at iba ang pakiramdam ko," pagda-dahilan ko. "Naku baka naninibago ka lang. Isa pa, sa tagal mong wala dito sa pilipinas ay maraming nagbago sa paligid natin. Baka namamahay ka lang, gusto mo ba ipaghanda kita ng pagkain?" seryosong tanong ni Mama. Alam ko kasi na bilang doktor ay hindi siya naniniwala sa ganito. Ako kasi ay naging open minded ako sa mga ganitong bagay. Dati ay tulad rin niya ako na walang pakialam sa ganitong bagay pero nagbago ang pananaw ko ng tumira ako sa Malaysia. Simula ng tumira ako kasama ang dalawang Indonesian na ka trabaho ko ay may mga bagay na hindi ko maipaliwanag ang nangyari sa akin doon. Meron umano silang kakayahang makakita ng mga hindi nakikita ng karaniwang mga mata. Bukas umano ang senses at third eye kaya may mga pagkakataon na nakikita silang kung ano sa hostel na tinitirhan namin maging sa shop na pinapasukan namin. Alam ko na nakakatawa ito sa part ng iba pero walang mawawala kung susubukan ko. "Ano ka ba Shaira, 'wag ka ngang nagpapaniwala sa gan'yan. Manalangin ka sa panginoon na gabayan ka at bigyan ng spiritual guidance and support ng hindi ka nadadala sa tukso tulad niyang naiisip mo," panagaral pa ni Mama. Nakalimutan ko nga pala na masyadong relihiyoso ang Mama Zeraphine ko at imposible na maniwala siya sa hula at tawas. Kung sabagay tama siya, bakit nga naman ako tatakbo kay Mang Pedring kung pwede naman akong magsimba at magdasal dito sa loob ng bahay? "Pero kasi, iba iyon eh," reklamo ng kabilang bahagi ng isipan ko. Hay, matindi na talaga ang epekto sa akin ng pagkawala ni Reign. Para na akong hindi normal at kung ano-anong pumapasok sa isipan ko. "Halika, samahan mo ako sa kusina ng makakain na tayo ng tanghalian. Kanina pa kita hinihintay pero mukhang abala ka sa iyong trabaho sa loob ng silid mo," sabi pa ni mama. Alam kong ang alam niya ay bahagi ng trabaho ko ang mga pagkakataon na nakikita ako nitong babad at nakatutok sa social media account ko kaya hindi na siya nagtataka at nagtatanong kung bakit halos doon na na ubos ang oras ko. "Maupo ka na," utos ni mama sabay turo ng upuan na laan sa akin. Lihim na napakagat labi ako ng sulyapan ang pwesto kung saan madalas maupo si Reign sa tuwing kakain kami my sabay-sabay gaya nito. Sobrang miss ko na siya, hindi ko man siya tunay na kapatid at ka dugo pero higit pa doon ang samahan at turingan naming dalawa. Nakakalungkot lamang na umabot kami sa ganito. Ni hindi ko man lamang nalaman kung anong problema niya kaya hindi ko siya nadamayan sa mga panahong higit na kailangan niya ako sa tabi niya. "Heto, paborito mo ang niluto ko," sabi ni mama ng ilapag sa hapag kainan ang dalang ulam. Amoy pa lang ay na gutom na ako. Paborito ko talaga ang afritada lalo na at gaya nitong kambing ang karne na niluto niya. Masarap magluto si mama nito at walang ibang makakapantay sa ulam na niluto niya. "Upo na po mama," aya ko dito. Kanina n'ya pa pala kasi naihanda ang hapag kainan kaya nasa harap ko na ang rice cooker na may lamang kanin. Nakasanayan na kasi namin na dito ilagay ito para mabilis na sumandok oras na nagutom ang kung sino. "Nami-miss ko na si Reign, mas nakakalungkot lalo kapag umalis ka ulit at bumalik sa abroad," malungkot at emosyonal na pahayag ni mama. Alam ko na higit sa akin ay nakasama ng matagal ni mama si Reign. Maaga kasi akong natanggap sa trabaho kaya madalas ay wala ako dito sa bahay kahit noon pa. Pakiramdam ko tuloy ay nagkulang ako sa kanila kaya napabayaan ko si Reign. Akala ko kasi noon ay ayos lang ang lahat pero nakalimutan ko na mahina nga pala ang loob ni Reign kaya mabilis siyang matakot at sumuko. "Ako rin po mama miss ko na rin po siya. Pero, kailangan po nating tanggapin ang lahat para na rin kay Reign. Alam ko na hindi siya matahimik kung makikita niya kung paano tayo nanghihina ng dahil sa pagkawala niya," sabi ko sabay gagap ng kamay nito. "Pasensya ka na anak, emosyonal ako lagi pagdating sa nangyari kay Reign. Hindi ko kasi agad na tiningnan ang kapatid mo kaya kahit isa akong doktor ay hindi ko siya nailigtas ng mangyari ang trahedyang iyon. Napabayaan ko siya sa pag-aakala na nagpapahinga lamang siya," humihikbi na sabi nito. Alam ko na hanggang ngayon ay sinisisi niya ang sarili sa maagang pagkawala ni Reign. Tulad ko ay may guilt din na dinadala si mama sa pagkamatay ng itinuturing naming kapamilya. "I'm sorry anak, gustuhin ko man na maging matatag at tanggapin ang lahat ay may mga pagkakataon na gaya nito na hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naalala ko kasi siya lalo na ngayong magkatabi tayo tapos kulang ng isa," sabi nito sa pagitan ng pagpahid ng pumatak na luha. Napakagat labi akong tumayo at yumakap dito. Pareho kami ng nararamdaman ngayon. May pagkakataon na parang gusto kong pagalitan si Reign. Kung bakit kasi pinili niyang maging mahina samantalang narito naman kami at pwede niyang gawing inspirasyon. Saglit pa ay naupo ako pero tinangay na naman ako ng mga bagay na dumadaloy sa isipan ko sa kung saan. Isang tapik sa palad ko ang nag-balik sa akin sa realidad. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang malungkot na mukha ni mama. "Hayaan mo anak, katagalan ay magiging maayos rin ang lahat. Matatanggap din natin ang nangyari. Hayaan mo lang na mag-luksa ako para sa kapatid mo," mahinang sabi ni mama. "Sige po ma, narito lamang po ako. Kahit anong mangyari ay hindi ko po kayo pababayaan. Babalik po ako sa abroad pero huli na po ito. Tatapusin ko lamang ang kontrata ko at mag-iipon para po maging maayos ang buhay natin oras na bumalik ako dito sa bansa," pangako ko kay Mama Zeraphine. "Sige anak, basta piliin mo kung ano ang makabubuti sa'yo," nakakaunawa na sabi nito. Ito ang gusto ko kay mama, mabilis siyang makauna. Magaan siyang kausap despite the situation. Ito ang isang bagay na humahanga ako sa kan'ya. Ang bilis niyang magpalit ng emosyon. Kung sana ay gaya niya ako ay may peace of mind ako ngayon, pero kasi, magkaiba kami. Nakatanim sa puso at isipan ko ang kagustuhan ko na malaman ang totoo lalo na ang makilala ang taong sangkot sa pagkamatay ni Reign. "Anak heto, kain ka na," sabi ni Mama. Isang tipid na ngiti ang sinagot ko saka mabilis na inabot ang kanin na binigay ni Mama at nilagyan ang pinggan sa harapan ko. Alam ko na kailangan kong maging malakas kaya hindi ko dapat pabayaan ang sarili ko. Kakailanganin ko ang malakas na enerhiya oras na natagpuan ko ang lalaking hinahanap ko dahil magtu-tuos kami. Siguro nga ay masaya at malaya pa siya sa mga oras na ito. Posible rin na hindi niya alam pa ang nangyari kay Reign kaya hindi man lamang siya sumipot sa burol nito at pumunta man lamang maging sa lugar kung saan nakahimlay ang katawan ng kapatid ko. Sa inis ay panay ang subo ko sa pagkain na nasa harap ko. Alam kong masarap ang luto ni mama pero mas higit na tinatalo iyon ng mga plano at bagay na laman ng isipan ko. "Anak, mukhang gutom na gutom ka. Kung alam ko lang na nagtitiis ka ng gutom sa silid mo kinatok na sana kita kanina pa. Kung sabagay ay ala una na rin pala kasi," puna ni Mama sa mabilis na subo ko ng pagkain. Natigilan ako sa paglunok at nabitin sa ere ang kursarang hawak ko. Kung alam ko lamang na ito ang pakahulugan n'ya ay nag-dahan-dahan sana ako. "Hindi po mama. Actually, masarap po kasi talaga ang luto mo kaya hindi ko po napigilan na kumain ng mabilis," sagot ko habang nananalangin na sana ay tanggapin nito ang dahilan ko. Kita ko ang isang malapad na ngiting sumilay sa labi nito matapos marinig ang sinabi ko. Laking pasasalamat ko naniwala siya dahil ang totoo ay na gi-guilty ako. May pagkakataon kasi na nawawala ako sa sarili at kung saan-saan napupunta ang pag-iisip ko kaya minsan ay nagkakamali si mama ng basa sa kilos ko gaya ngayon. "Hindi ka pa rin nagbabago anak, matakaw ka pa rin. Mabuti na lamang at hindi ka lumba-lumba na bumalik dito," natatawa na sagot ni mama. Sa nakita kong kasiyahang bumakas sa mukha nito ay napangiti na rin ako. "Naku mama, paano akong tataba sa Malaysia e, wala ka doon. Masarap nga luto nila pero walang makakapantay dito sa paborito kong luto mo," nakangiti na sagot ko sabay subo ulit ng pagkain na hawak ko. "Naku, bolera kang bata ka. Teka wala man lamang bang Malaysian na nagkakagusto sa'yo doon at mukhang wala akong nakikitang tumatawag sa'yo na manliligaw mo?" tanong pa nito. Natigilan ako sa narinig ko, sasabihin ko ba dito ang karanasan ko kaso baka lalong mag-alala lamang ito. "Wala po, busy kasi talaga ako mama. Isa pa po, hindi ko pa gustong makipag-relasyon. Bata pa naman ako," sabay tawa ko at mabilis na uminom ng tubig sa harap ko. "Baka lang kasi anak kaya ayaw mo pang mag-asawa ay iniisip mo ako. Ayos lang ako kung gusto mo na. Mas gusto ko na nga na lumagay ka sa tahimik ng maranasan ko naman magka-apo," seryosong sabi nito. "Wag kang mag-alala ma, pangako pagkatapos ng kontrata ko bibigyan kita agad ng apo," pangako ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lalaking bubuntis sa akin o kaya ko nga bang panindigan ang sinabi ko pero sa ngayon ay iyon ang tanging magagawa ko para mabago ang malungkot na repleksyon sa mukha ni mama. Alam ko na posibleng iniisip na naman nito si Reign dahil biglang tumamlay ito. Tulad ko ay nanghihinayang din siya sa maagang pagkawala ng itinuturing na anak at pati na rin ng batang nasa sinapupunan niya. Nakakapang-hinayang pero wala na kaming magagawa doon dahil mismong si Reign na mismo ang pumili at nag-disisyon para sa sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD