Chapter 5

2309 Words
SHAIRA Ilang araw na rin ang lumipas na laging nakasunod ako sa lahat ng balita na lumalabas tungkol sa singer na si Don Montenegro. Para na akong baliw na fanatic niya na lahat ng social media na may balita sa kan'ya ay finallow ko na. Gustuhin ko man na ma-convince ang sarili ko pero hindi ko magawa. Para ba kasing kilala ko ang pagkatao ng taong hinahanap ko kahit ang totoo ay tanging mukha lamang nito ang meron ako. Dalawang araw na lang ay matatapos na ang bakasyon ko. Kailangan kong bumalik sa Malaysia at tapusin ang trabaho at kontrata na iniwan ko doon. Ayaw ko rin naman kasing sirain ang tiwala ng mga amo ko lalo pa at pinagkakatiwalaan nila ako. Ayaw kong masira ang reputasyon naming mga pilipino sa kumpanya dahil talagang pinaghirapan kong ma-recognize nila ang effort at kakayahan ng mga pilipinong gaya ko sa trabahong pinasukan namin dito. Alam ko na hindi magiging madali sa amin ni mama ang maghiwalay. Ngayon namin kasi kailangan ang isa't-isa lalo pa at wala namang ibang nakakaunawa sa sitwasyon naming dalawa. Madaling sabihin ang mag-move on pero hindi ganon lamang iyon. Masakit at mahirap lalo na at mahal namin ang nawala. Gusto ko siyang bigyan ng katarungan pero hanggang ngayon nangangapa pa rin ako sa dilim ng tunay na pagkakakilanlan ng taong may kasalanan ng lahat. May lead na nga ako pero mukhang maging ako ay hindi ma kumbinsi ang sarili. May mali kasi eh, kahit hindi ko pa sila nakikita ay ramdam ko ang malaking pagkakaiba. Siguro nga ay nababaliw na ako o nadadala lamang sa labis na emosyon kaya ganito. Mukhang pati maliit na detalye na gaya nito ay nakikita ko. Pero kasi hindi eh, may doubt talaga kasi ako. Nahihirapan ako dahil maging ang sarili ko ay tinatalo ng mga agam-agam na pilit kong binibigyan ng katwiran. "Bahala na, ang mahalaga may konting detalye na akong nakuha tungkol sa kan'ya. Kung siya man ang lalaking nagkaroon ng kaugnayan kay Reign ay mahahanap ko siya. Alam ko na hindi madali lalo na at halatang mayaman at may pera ito. Hindi rin madaling makalapit sa kan'ya dahil isa siyang artista. Mas mahihirapan ako kaya kailangan na makabuo ako ng plano kung paano lalapit sa kan'ya. Isang mensahe ang lumabas sa screen ng cellphone ko kaya na baling dito ang atensyon ko. Si Jasmine ito na nakaisip na mag-send ng message sa akin. Hindi ko alam kung gaano ka abala ang bruha kaya ngayon lamang nakaalala na hanapin wko. Matapos makita na online ito ay tinawagan ko siya. Tamad kasi talaga ako sa chating dahil pakiramdam ko ay nagsasayang lamang ako ng oras. "Bakit ngayon ka lang nakaalala?" bungad ko dito ng sagutin ang tawag ko. "Uy, girl ang sungit naman. Hindi ba pwedeng kumustahin mo muna ako?" madramang tanong nito. "Eh, bakit nga? I mean, anong nangyari sa'yo at ngayon ka lang ulit nabuhay sa social media account mo?" walang paligoy-ligoy na tanong ko. Si Jasmin kasi ang uri ng tao na maya't-maya na lang ay nakamulagat sa cellphone. Imposible na mawala ito sa f*******: at hindi mag-online ng ganon katagal kaya alam ko na may nangyari dito. "Eh kasi girl, ano eh," hindi magkandatuto na sabi nito. "Bakit nga?" tanong ko pa. Mukhang may kailangan kasi talaga akong malaman. "Nahuli ko kasi ang walang hiyang chef cook na 'yon na may babaeng inuwi sa apartment niya. Akala ko pa naman matino ang walang hiyang 'yon dahil mukhang virgin pa at madasalin pero manloloko siya. Kung sino-sino pala ang dinadala sa bahay na tinutuluyan niya kaya heto mukha akong tanga na naniniwala sa kan'ya," mahabang sagot nito. Natampal ko ang noo ko sa inis. Ito na nga ba ang sinasabi ko, kahit kailan talaga ay walang mapagkakatiwalaan na lalaki. Suntok sa buwan ang nakatagpo ka ng tapat at matino. Lahat na lang ay mga sinungaling at manloloko na akala mo naman ay ikina-gwapo nila ang gano'n. Akala ko pa naman seryoso ang kumag na iyon sa kaibigan ko pero ang walang hiya two timer din pala. "Hoy, Shaira, kailan ka ba babalik dito? Naku kailangan ko ng back up at ginugulo ako ni chef cook kaya nag-off ako ng EBook ko. Kapag narito ka na matatakot iyon na manggulo dito sa hostel. Para siyang naglalaway na aso na nakabantay sa harap ng pintuan ng bahay," sabi pa nito. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang masasamgkot na naman agad ako sa gulo oras na bumalik ako sa Malaysia. Kaya pala nagtatawag itong kaibigan ko dahil kailangan na naman ang tulong ko. Ganito na lang parati ang nangyayari kapag nauuwi sa hiwalayan ang sweet na relasyon ng kaibigan ko. Para akong bodyguard nito na all out attention sa posibleng treat sa buhay nito. "Two days pa, babalik na ako. Huwag ka munang umuwi d'yan sa hostel kung maaari para hindi ka guluhin. Doon ka muna tumuloy sa bahay na tinutuluyan ni Linda at Wendy," sabi ko. Mga kaibigan at ka trabaho namin sila. Mga Malaysian national pero mabait at maasahan sa oras ng kagipitan na tulad nito. "Magpapa-assign sana ako sa branch natin sa Genting Highland kaso sabi ni Miss Wong hintayin kitang bumalik at kulang ang staff dito sa main branch," sabi pa nito. "Oo nga, saka masyadong malayo ang Genting para masundan ka doon ng taga luto mo," natatawa na sagot ko. Ang dami kasing kalokohan nitong kaibigan ko. Hayan tuloy problemado siya sa buhay ngayon. Sinabi ko na noon pa na walang maidudulot na maganda ang namagitan sa kanila ng mga naging boyfriends niya pero ang bruha ayaw makinig. Heto siya ngayon hindi malaman kung saan susuot at magtatago. "Kapag narito ka na Shaira hindi na ako magpalipat. Mas maigi na magkasama tayo. Hindi ako takot lumabas ng mag-isa kapag kasama kita," sabi pa ni Jasmine. Sa narinig ay natawa ako ng malakas. "Kailan ka pa na takot lumabas ng mag-isa gayong na ikot mo na halos ang buong Kuala Lumpur at Malaysia?" tumatawa na tanong ko. "Iba iyon, may treat sa security at kinabukasan ko kaya nag-iingat ako," madramang sagot ni Jasmine. "Hoy Jasmine, tigilan mo ako sa treat na drama mo. Siya ang nahuli mong may babaeng dinala at kinakalantari sa apartment niya, bakit ikaw ang matatakot sa kan'ya, aber?" salubong ang kilay at malakas ang boses na tanong ko. "Kasi nga Shai, hindi niya ako nilulubayan. Wala akong katahimikan dahil maya't-maya ay nakabuntot sa akin. Para siyang bodyguard ko tapos naapektuhan na rin pati ang trabaho naming dalawa kasi pinuntahan niya ako sa shop pero hindi naman nanggugulo basta naroon lang siya, binabantayan ang kilos ko. Nakakatakot kaya," reklamo nito. Hay sakit talaga sa ulo ang mga pisteng lalaki sa mundo. Sa inis dahil sa narinig ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at lihim na napamura ako. Pare-pareho talaga ang mga lalaki. Sa una ay sweet at ipapakita sa iyo na mahal na mahal ka tapos kapag na uto ka na at napaniwala sa palabas niya ay lolokohin at paglalaruan ka sa huli. "Uy Shai, hindi ka na sumagot d'yan," untag ni Jasmine sa akin mula sa kabilang linya. "Iniisip ko lang, bakit kailangan mong magtiis kung pakiramdam mo ay naabala ka na at banta siya sa kaligtasan mo. Bakit hindi ka mag-report o kaya ay magreklamo sa pulis at immigration? Sigurado akong kapag ginawa mo iyon either makukulong siya ay siguradong ma deport ang kumag na iyon," gigil na sagot ko. "Wag naman gano'n ka harsh girl. May pamilya siyang umaasa sa kan'ya d'yan sa pinas kaya ayaw ko siyang ipahamak," bigla ay malumanay na sagot ni Jasmine. "So, magtitiis ka na lang sa new stalker mo, gano'n ba?" kunot ang noo na tanong ko pero hindi ito kumibo. Ito ang maganda sa kaibigan ko, kahit nahihirapan na siya ay iniisip pa rin ni Jasmine ang kalalabasan ng magiging disisyon niya. Kahit ganito ang kaibigan ko ay malaki ang pagpapahalaga niya sa pamilya. Kung sabagay kung sakali na gagawin niya iyon sigurado na ang pamilya ng kumag na 'yon ang siyang maapektuhan. Kung bakit ba naman kasi hindi muna siya nag-isip ng maayos at gumawa ng tama. Hindi sana sila aabot sa ganito kung hindi siya nagloko. "Sa tingin ko ang pinakamabuting gawin mo ay kausapin mo siya ng maayos. Pagsabihan mo na kung hindi ka niya titigilan ay magre-report ka na kamo sa pulis. Sa tingin mo ba hindi pa siya naapektuhan sa ginagawa niyang pagsunod-sunod sa'yo? Sigurado akong hindi na pumapasok sa trabaho ang lalaking iyan kaya posibleng malaon at madali ay malaki ang posibilidad na matatanggal siya sa pinapasukan niya sa KLCC," mahabang paliwanag ko. Nakakaubos ng pasensya ang ganito. Imbes na trabaho ang harapin nila nauuwi sa kung ano-anong bagay. "Sige na nga, gano'n na lang ang gagawin ko. Kakausapin ko na lang siya para matapos na ang kabaliwan ng isang 'yon. Sana lang talaga ay makinig na siya sa akin at tigilan ako," sumusuko na sabi ni Jasmin bago mabilis na nag-paalam. Kung sabagay iyon naman ang mabuti. Kung sana ay lahat nadadaan sa maayos na usapan ay magiging payapa at tahimik ang mundo. Hapon na ng muling dalawin ko sa libingan niya si Reign. Nagtataka ako na luminga-linga at sinuyod kung may ibang tao ba sa paligid. May bulaklak kasi akong naabutan na nakapatong sa libingan ni Reign. Wala pa ito kahapon ng iwan ko ang lugar bago magdilim ng umuwi ako. Araw-araw kasi akong dumadalaw dito. Pakiramdam ko ay gumagaan ang loob ko sa isang oras na pananatili ko dito. Nakakapagtaka na may fresh flowers dito samantalang wala naman akong dinala at biniling ganitong bulaklak. "Manong, may nakita po ba kayong dumalaw dito at nagdala ng bulaklak na iyan?" tanong ko habang nakaturo ang isang daliri sa isang bungkos ng bulaklak. "Meron akong napansin kanina lamang mga kalahating oras na ang nakalipas. Saglit lang siya dito at agad na umalis," sagot ng matanda na sa tingin ko ay siyang naglilinis at nangangalaga sa lugar na ito. "Namukhaan n'yo po ba siya?" agad na tanong ko. Mukhang magkaroon ako ng iba pang lead tungkol kay Reign dahil sa tingin ko ay nasa paligid lamang namin kung sinuman ang dumalaw sa kan'ya lalo pa at alam nito kung nasaan ang libingan ng itinuturing kong kapatid. "Natatandaan ko po ang itsura niya, medyo may edad na po siya ma'am at mukhang kapamilya ninyo dahil nakita ko po siyang malungkot na nakatitig habang nakatayo sa harapan ng puntod," kwento nito. "Ano pa po ang nakita n'yo Manong?" tanong ko pa. Gustong-gusto ko kasing malaman ang posibleng may kaugnayan kay Reign. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko sa taong dumalaw dito. Kapag ina-analize ko kasi ang mga bagay-bagay ay lumilitaw ang iba pang katanungan. Posible kayang may iba pang boyfriend si Reign na hindi namin alam? Malihim kasi ito at sinasarili ang lahat ng bagay. Akala ko kilala ko na si Reign pero habang patuloy akong nag-imbestiga ay may mga detalye akong nakuha na hindi ko lubos maisip na si Reign ang may gawa. Nakuha ko kasi ang isa sa mga drawing pad ni Reign kung saan ang creepy ng mga nakaguhit doon. Para bang iyon ang laman ng imahinasyon niya na puno ng karahasan at mga pangit na mukha at larawan ng kung ano-anong uri ng nilalang. Nang makita ko iyon ay kinilabutan ako. Tahimik si Reign at maraming talent. Magaling siya sa art at matalino rin siya. Ang kaibahan lamang namin ay sakto lang ang kaalaman ko pero masipag at masigasig ako. Mahina ang loob ni Reign at takot na sumubok. Nakikita ko sa kan'ya ang kawalan ng confidence sa mga bagay-bagay na ginagawa. Takot siyang mag-isa dahil hindi naging maganda ang epekto sa kan'ya ng mga panahon na nag-palaboy-laboy siya sa kalsada. Wala akong nagawa ng nag-paalam sa akin ang lalaking kausap ko matapos ko itong abutan ng isang daan at pasalamatan. Lalong nagulo ang isipan ko dahil wala rin akong makuha na kahit anong koneksyon ni Don Montenegro kay Reign maliban sa mga ginupit na larawan nito na pinaka-tago-tago sa ilalim ng damitan niya. Kung sana ay may mga maka-pagtuturo sa akin kung paano nagkakilala ang mga ito at ano talaga ang naging ugnayan nila ay magiging madali sana sa akin. Dahil sa pagiging ma lihim ni Reign ay mas lalo akong nahirapan. Mukhang pa sekrito itong nakipag-relasyon kaya hindi kilala ni Mama at ng mga taong nasa paligid namin ang lalaking nakabuntis sa kan'ya. Frustrated akong na upo sa harap ng puntod ni Reign at nagsindi ng kandila. "Reign alam mo nagtatampo na ako sa'yo. Hindi ko maintindihan kung bakit naglihim ka sa akin gayong magka-sanggang dikit tayong dalawa. Tayo ang nagdadamayan pero nagawa mo akong paglihiman. Bakit? Bakit hindi ka nagtiwala sa akin na handa ka naming tulungan at unawain sa kahit anong paraan? Bakit pakiramdam ko ay ayaw mong mahanap ko ang kasagutan sa lahat ng tanong ko. Nagiging mas magulo ang lahat dahil sa mga nalalaman ko. Sino ba talaga ang lalaking nasa larawan na ginupit-gupit mo? Bakit pakiramdam ko ay isa siyang mahalagang bahagi ng buhay mo pero wala akong makita at makuhang kahit anong ebidensya na makapagtuturo at magkokonekta sa kan'ya sa pagkamatay mo. Ano ba talaga ang nangyari sa'yo at nagawa mong kitilin ang buhay n'yo ng baby mo?" malungkot na tanong ko habang hindi ko mapigilan ang malaking butil ng mga luha na naglalandas sa pisngi ko. Kung sana ay hindi nagtangka na ipalaglag ni Reign ang anak niya ay sana buhay pa silang dalawa. May mga pagkakataon na tinatanong ko si Reign kung bakit niya nagawa iyon pero para akong tanga na naghahanap at naghihintay ng kasagutan pero para itong hangin na nararamdaman pero hindi ko makita. Naging palaisipan pa sa akin ngayon kung sino ang lalaking dumalaw dito. Anong kaugnayan niya kay Reign at nagawa niyang puntahan ang libingan nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD