ELLY Ngayon ang unang araw ko sa trabaho bilang utility staff sa Pioneer Corporation, dalawang araw na ang nakalipas mula nang makita kong may kasiping na ibang babae ang asawa ko sa kanyang silid. Mula nang sandaling iyon hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang lungkot at sakit na naidulot nito sa akin. Hanggang ngayon ay tila ba may nakabara pa rin sa lalamunan ko kaya hindi ko magawang makaramdam ng kaginhawaan kahit saglit man lang. Hindi ko maintindihan kung bakit pare-parehas pa rin na sakit ang nararamdaman ko ngayon, kahit hindi naman ito ang unang beses na makita ko ang eksenang iyon sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit pa rin. Sa tagal nang ganito ang buhay ko ay hindi ko magawang maintindihan kung bakit hindi pa rin ako sanay na masaktan sa mga bagay-bagay sa