Chapter 6: Please Remember Me

1509 Words
Oceane Paglabas namin ng gate ng Academy, nakaramdam na ako ng lamig ng simoy ng hangin. Hapon na kasi yon at malakas ang hangin. Tamang tama lang para makaramdam ka ng relax sa katawan. Dahil may robe naman kaming suot, hindi masyado tumatagos ang lamig sa buo namin katawan. "Namimiss ko ito.." biglang sabi ni Zaiden Alfiro "Ha?" reaksyon ko naman Bahagya siyang ngumiti sa akin. "Next week Ball Night, ginagawa iyon tuwing ikalawang taon sa Academy." "Talaga?” sabi ko habang nagpatuloy kami sa paglalakad "Will you be my date?" tanong niya Napatingin ako sa kanya. ‘Niyaya nya ako na maging date niya sa Ball Night.’. Medyo nagulat ako sa sinabi ni Zaiden. "Ha? B-bakit ako? Madami naman babae dyan diba? Madami kang fans na gustong maka date ka… why me?” "Because I want you to be my date." Sabi niya “Hrm, h-hindi kasi ako sanay sa ganyang party.. baka mas maganda kung sa dormitory na lang ako..” sabi ko “Masaya sa Ball Night, sayang naman kung di ka dadalo.” Sabi niya “H-hindi kasi talaga ako sanay sa ganyan baka maging wall flower lang ako..” sabi ko Napangiti siya. “That will not happen.” Sabi niya. “Pag isipan mo.. marami kang makikilala mula sa iba pang section.” Hindi na ako nagsalita pa. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakarating kami sa isang napakagandang puno. Kulay pink ang dahon nito at mabango ang mga bulaklak nito. "Ang ganda!" sabi ko ng hindi ko napigilang mamangha sa ganda ng punong yon. Napatingin siya sa akin. "Nagustuhan mo?" "Oo naman.. ang ganda ganda kaya!" sabi ko naman Nakita kong ngumiti siya. “Tara..” sabi ko Hinawakan ko siya sa kamay saka tumakbo kaming paikot sa malaking puno. Nang matapos maikot ang puno. Nahiga ako sa lilim nito. "Grabe, napagod ako sa pagtakbo.." sabi ko. “Ang saya saya ko..” "Talaga? Sana ang mga alaalang ito na lang ang makikita mo sa panaginip mo.." mahina niyang sabi Magre-react sana ako sa sinabi niya ng bigla akong mapuwing. May kung anong bagay ang pumasok sa loob ng aking mata. "Aray!" Napabangon ako. Habang kinakamot ng daliri ko ang isang mata ko na napuwing. Napabalikwas din siya. "Bakit?" "Ang mata ko.." sabi ko habang nakalapat ang kamay ko sa mata ko. "Let me see.." inalis niya ang kamay ko sa mata ko. Nakapikit pa rin ang mga mata ko dahil hindi ko maidilat. Naramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko. Ibig sabihin malapit na naman ang mukha niya sa akin. Ilang centimeters na lang ay mahahalikan na niya ako. Maingat niyang idinilat ang mata ko saka hinipan ito. Pagkatapos ay isang insekto ang kinuha niya dito. “May pumasok na insekto sa mata mo.” Sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang kanyang mukha malapit sa akin. "Ok na ba?" tanong niya ulit "O-oo.. salamat!" sabi ko Naluha ang mata ko dahil sa puwing. Isang panyo ang iniabot niya sa akin. "Heto.." Kinuha ko naman yon at ipinunas ito sa mata ko. Naamoy ko ang pabango nito. Bigla na naman akong nakaramdam ng kaba. "Bakit?" nakita ko sa mga mata nito ang pag aalala. "Masakit pa ba?" Hindi ako sumagot. Tumitig lang ako sa kanya. Naramdaman ko naman na na-concious siya sa ginagawa ko. “Dati ang tingin ko sa’yo ay weird..” sabi ko “Talaga? Bakit naman?” tanong niya “Palagi ka kasi nakatingin sa akin, nakakatakot kaya.” Natatawang sabi ko Ngumiti siya. “Sorry I can’t help it.. na miss talaga kita.” Halos pabulong na ang huli niyang sinabi "Sino ka ba talaga?" tanong ko Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko alam kung hindi ba niya narinig ang aking tanong o ayaw lang niya sagutin. “Bakit ayaw mo sabihin sa akin kung sino ka talaga? May nangyari ba kaya ayaw mong sabihin sa akin?” tanong ko Seryoso siyang tumingin sa akin. “Curious ka? Bakit?” tanong niya "I feel something is hidden in you, everytime we talk and I look in your eyes.” Sabi ko. “Your eyes are loney, as if I couldn’t explain.” Ilang segundo din niya akong tinitigan saka siya bahagyang ngumiti. "Talaga? Nakakabasa ka ng isip thru eye contact?" "I can’t read minds but I can feel you. Ang lungkot lungkot mo even you smile a lot." Sabi ko "Ikaw talaga, kung ano anong iniisip mo.." pinisil niya ang dalawa kong pisngi habang pinaglapit niya ang mga tip ng ilong namin. "Kaya namimiss kita.." mahina niyang sabi "Ano?" kunwari kong tanong ‘Bakit palagi niyang sinasabi na namimiss niya ako?’ "Wala, tayo na baka hanapin ka na ni Castor.." Nauna siyang tumayo at inalalayan niya akong tumayo. Sabay kaming naglakad pabalik sa Academy. Napasimangot ako nang mapansin kong malayo na ang aming nilalakad. "Pagod ka na?" tanong niya Napalingon ako sa kanya. "Hindi pa!" Nagsmirked siya saka umupo ito sa harap ko. "Sumakay ka sa likod ko, bubuhatin kita ‘gang makarating tayo sa Academy." "Mabigat ako, di mo ako kaya,.." sabi ko "Eh di kakayanin ko.. Sige na.." nakangiti niyang sabi Ilang sandali rin akong pinilit ni Zaiden na sumakay sa kanyang likod para hindi na ako maglakad pabalik sa Academy. Sa huli, dahil pagod na rin naman talaga ako, sumakay ako sa likod niya. Malayo layo na rin ang kanyang nilalakad na pasan pasan ako sa kanyang likuran. Mukha naman siyang hindi nahihirapan. Nun una ay nahihiya akong yumakap sa balikat niya. Pero dahil binuhat niya ako at mukha namang di siya masama, yumakap na ako sa balikat niya para mas maging komportable din ang pagbubuhat niya sa akin. Ang akala ko pa ay maiinis siya sa ginawa ko, ngunit wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Pagdating sa gate ng Academy ay ibinaba na niya ako. "Aray ang sakit ng balakang ko..." sabay hawak nito sa balakang niya "Hala! Sabi ko sayo mabigat ako.." hawak ko naman sa kanya. Bigla siyang tumawa. "Joke lang!... tara na sa loob.." Hinampas ko siya sa braso. "Grabe, akala ko totoo, nakakainis ang biro mo." Umayos siya ng tayo, matangkad siya ng ilang inches sa akin na ang aking ulo ay kapantay ng kanyang ilong. “Nag alala ka ba?” tanong niya “Oo naman noh!. Hindi naman ako abusadong tao.” Sabi ko na inis pa rin sa ginawa niya “Alam ko, masaya din ako na concern ka pala sa akin.” Sabi niya Hindi kami nag uusap hanggang sa makarating kami sa tapat ng room ko sa dorm. Tumigil kami sa tapat ng pintuan at lumingon ako sa kanya. “Salamat sa pagsama sa akin. Nag enjoy ako.” Sabi ko Ngumiti siya. “Mabuti naman, kasi ako I enjoyed being with you.” Kumunot ang noo ko pero hindi ko na itinanong ang ang kanyang ibig sabihin sa kanyang sinabi. “Sige good night!” sabi ko Isasara ko na sana ang pinto ng silid ko ng tumakbo siya at iharang ang kalahati ng katawan niya dito. "Ano bang ginagawa mo?" tanong ko Ibinukas ko ulit ang pinto para makalabas siya. "Good night!" nakangiti niyang sabi Napangiti ako sa sinabi niya. "Ok sige! Good night!" Unti unti niyang inalis ang pagkakaharang ng kanyang katawan sa pintuan ng aking silid. Isinara ko ng mabilis ang pinto para di na siya makasiksik pa. Habang nagpapalit ako ng damit, napapangiti ako sa nangyari kanina. ‘He’s nice… hindi naman pala siya masamang tao katulad ng iniisip ko.’ "Saan ka nanggaling?" Narinig ko ang boses ni Castor mula sa labas ng cr. Mabilis akong nagbihis at lumabas ng cr. Nakatayo siya sa may bintana habang nakatingin sa akin. "Namasyal lang sa labas." Sabi ko "Sinong kasama mo?” tanong niya "Sinamahan ako ni Zaiden Alfiro." Sabi ko naman Naglakad ako papalapit sa study table ko, siya naman ay nanatili sa kanyang kinatatayuan. “So okay na pala kayo..” sabi niya “Yeah! He’s nice naman pala.” Sabi ko sabay tingin sa kanya Naupo siya sa bintana. "Binasa mo na ba ang libro?" "Magbabasa pa lang po.." sabi ko "Basahin mo na para may malaman ka kahit konting spell.." sabi naman ni Castor “Grabe ka sa akin. Hindi naman nagmamadali ang librong ito. May mga homework pa kaya akong gagawin noh!” inis kong sabi Napangiti si Castor sa reaksyon ko. “Sige hihintayin kong makatulog ka bago ako umalis dito sa silid mo.” Lumingon ako kay Castor. "Castor, may naging girlfriend ka na ba?" tanong ko "Wala." mabilis niyang sagot "Talaga?" sabi ko "Magtatanong ka tapos di ka maniniwala." Sabi naman niya “Kaya pala..” sabi ko “Anong kaya pala?” maang na tanong niya “Wala ka bang nagugustuhan? Para naman hindi ganyan ang mood mo palagi. Dapat may inspiration ka para good vibes at hindi masungit.” Sabi ko “Wala pa isip ko ang mga ganyang bagay, abala lang ‘yan sa pagbabantay ko sa’yo.” Sabi niya Napangiti na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD