Oceane
Ilang oras din ang lumipas, hindi nga umalis si Castor sa aking silid. Tapos ko na rin gawin ang aking homework kaya naman kahit napipilitan, kailangan kong basahin ang librong ibinigay ni Castor sa akin.
“Ayan ha! Babasahin ko na po..” sabi ko
Napatingin siya sa akin. “Sana lang maka fifty pages ka today. Baka isang pahina pa lang antukin ka na.” sabi niya
“Uy grabe ka talaga sa akin.. nakakaantok kaya ang magbasa ng ganitong libro.” Katwiran ko naman
Ilang pahina na rin ang tapos ko na basahin bago mag alas-dyes ng gabi. Tumayo ako at lumipat ng pwesto. Naupo ako sa kama habang nakasandal sa headboard. Si Castor naman ay nakaupo sa bintana ko habang nakatingin lang sa labas ng Academy, kung minsan ay nililingon ako sa aking ginagawa.
Wala pa akong trenta minutos na nakaupo sa kama, naramdaman ko na ang pagsakit ng aking ulo.
"Aahh!" hawak ko ang ulo ko
Taranta namang nilapitan ako ni Castor. "Bakit? Anong nangyari?"
"Ang ulo ko sobrang sakit......" sabi ko na nabitiwan ko na ang librong hawak ko
"Ha? Mahiga ka muna, magpahinga ka!" sabi naman ni Castor
Inalalayan niya ako mahiga sa kama, tapos ay kinuha ang librong hawak ko.. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako.
Castor
HABANG mahimbing na natutulog si Oceaane. Tahimik ko siyang pinagmamasdan. Maingat kong hinihilot ng aking kamay ang ulo niya. Pagkatapos ay naupo ako sa bintana, hawak ko ang libro at hinanap ko ang pahina na binabasa niya kanina. Nakita ko ang pahina, may lukot pa ito dahil sa pagkakahawak niya kanina.
"Memory Spell!" napaisip ako.
‘Dahil lang sa salitang yon ay sumakit na ang ulo niya? Napaka imposible naman.’
Binantayan ko siya hanggang sumikat ang araw. Isang katok ang gumising sa kanya. Agad ko siyang nilapitan para kamustahin.
"Okay na ako.. sobrang hindi ko lang kinaya ang sakit ng ulo ko kagabi."
Isang katok muli mula sa pintuan. Ako nagbukas nito. Kitang kita ko ang bahagyang pagkabigla sa mga mata ni Zaiden Alfiro. Hindi niya inaasahan na ako ang magbubukas ng pintuan, bagaman alam niya na pwede akong maglabas pasok sa silid na iyon anuman oras.
“You’re here..” sabi ni Alfiro
"Bakit?" simpleng tanong ko
Sumilip ito sa loob ng silid, hindi niya makita si Oceane dahil dumiretso ito sa banyo.
"Nagbibihis siya sa banyo." Sabi ko
"Ganoon ba?" sabi niya. “Sabay sabay na tayo bumaba, Castor.”
“Sige.” Sabi ko naman
Tumalikod na si Zaiden at sumandal sa pader sa harap ng silid ni Oceane. Lumabas ako ng silid at nilapitan siya.
"May limitasyon ba ang memory spell na ginamit mo sa kanya?"
Napalingon siya sa akin. "Wala, bakit? May problema ba sa kanya?"
"Wala naman, naitanong ko lang." sabi ko na lang
Habang pinagmamasdan ko siya, kakaiba ang aura niya. Maaliwalas ito, na para bang masaya. ‘Ano kayang pinag- usapan nila ni Oceane kahapon?’
"Tara na!"
Sabay kaming lumingon ni Zaiden Alfiro. Nakangiting lumapit si Oceane sa amin.
"Anong nangyari sa inyo?" tanong niya
"Wala!" sabi naman ni Zaiden
"Sige tayo na.." sabi ni Oceane
Sabay sabay kaming tatlo na naglakad sa hallway ng dorm at naglakad papuntang dining area. Bago pa man din kami nakalapit sa table namin, napansin kong papalapit sa amin si Frost. May dala itong bulaklak.
"Good Morning!" nakangiting bati nito
"G-good Morning!" bati ni Oceane
"Para sayo.." iniabot niya ang isang kulay puting rose kay Oceane.
"W-wow, thank you." Sabi ni Oceane na mukhang hindi rin inaasahan ang ginawa ng Frost na iyon.
"Bakit mo siya binibigyan ng bulaklak?" tanong ni Zaiden
“Bakit Alfiro? Nagseselos ka?” tanong naman ni Frost
“Nagseselos? Bakit naman siya magseselos?” maang na tanong naman ni Oceane
Napatingin ako kay Zaiden Alfiro. “Bakit ka nga ba magseselos, Zaiden Alfiro?” tanong muli ni Frost
"Tayo na..” sabi ko na lang
Mabilis na bumalik sa table nila si Frost.
Magkakatabi kaming naupo sa table ng aming section level. Nasa gitna ako nina Alfiro at Oceane.
“Bakit parang galit sa’yo si Frost? Ibang klase siya makipag usap sa’yo.” Tanong ni Oceane kay Zaiden
Hindi agad sumagot si Zaiden, tumingin muna siya sa akin bago muling tiningnan si Oceane.
“H-hindi lang talaga niya ako gusto.” Sabi ni Zaiden
Napalingon naman si Oceane sa kinaroroonan ni Frost. May katabi itong babae, napatingin ako dito. Hindi familiar ang mukha niya. Habang abala sa pagkain ang dalawa, hindi ko naman maalis ang tingin ko sa babaeng kausap nun Frost.
"Bakit Castor?"
Napalingon ako kay Alfiro. Napatingin din ito sa babaeng tinitingnan ko.
"Kilala mo siya?" tanong ko
Sandaling nag isip si Zaiden Alfiro. "Not really! Nakita ko lang siya sa libing ni Papa, anak siya ni Adushe Catlesnake."
‘That’s the reason why she’s familiar. Face of a traitor’
"According to Adushe, she’s a transferee. Sa Germany siya nag aaral." Sabi ni Alfiro
“Anong ginagawa niya dito?” tanong ko
“I don’t know, baka gustong makasama ang parents niya.” Sabi ni Alfiro
Bukod sa mga Alfiro, marami pang tagasunod ang Dark Sorcerer katulad na lang ng mga Sightwater, Youngwhite, Neverclaw at Catlesnake.
"Hindi talaga ako mapalagay sa Frost na ‘yan. Pakiramdam ko may itinatago siya at may alam si Alyssa." Dagdag ni Alfiro
Napatingin ulit ako sa babaeng katabi ni Frost.
Zaiden
HINDI ako mapakali dahil sa ginawa ni Frost kanina. Hindi ko maintindihan ang rason kung bakit binigyan ni Frost ng bulaklak si Oceane.
"You really like flower.” Sabi ko kay Oceane. “I can give you more than that, with different kinds and colors.”
Tumingin lang sa akin si Oceane, kunot ang noo. “Bakit mo naman ako bibigyan ng mas maraming bulaklak at iba’t iba pa ang kulay?”
"You like flowers.." sabi ko
"Yes, I do. Pero I don’t need supply." Sabi niya
Tumahimik ako. Pinagmasdan ko na lang si Oceane habang nakatingin sa bulaklak.
"Bakit kaya niya ibinigay sa akin ito?" sabi ni Oceane. “Noong nakaraang araw, binigyan din ako ni lola ng bulaklak.”
"Sinong lola?” maang na tanong ko
“Ah yung tinulungan ko, nakilala ko siya sa Night Market.” Sabi niya
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. “Gusto mong lumabas ulit tayo mamaya?”
Lumingon siya sa akin. “Saan tayo pupunta?”
"Dun sa Elf Forest.. ipapakita ko sayo ang mga trolls.." sabi ko naman
Ngumiti siya sa akin. "Sige sasama ako.."
Pagkatapos ng klase, sakay sa broomstick lumipad kami sa buong kagubatan. Mula sa itaas kitang kita ang lawak ng Academy. Ang malawak na kagubatan at ang makinang na tubig mula sa mga ilog at sapa.
Pagdating sa Elf Forest, dahan dahan kaming bumaba sa broomstick at maingat na nagtago sa likod ng malaking bato. Kitang kita namin ang grupo ng mga elf, abala ang mga ito sa kanilang ginagawa.
"Ano ang mga iyan?!" bulong ni Oceane.
Isang kulay asul na troll ang nakita namin, tatlo ito.
"Ang malalaking nilalang na iyan ang mga Trolls at ang maliliit na nilalang ay mga Elf. Na meet mo na sila noon.” Sabi ko
Napalingon sa akin si Oceane. “Na meet ko na sila? Ang mga Elf na ‘yan?”
Dahil nabigla din ako sa pagkukuwento kay Oceane, hindi ko pinansin ang tanong niya, nagkunwari akong walang narinig. Mabuti na lang at hindi ito inulit ni Oceane, hindi ko rin alam kung ano pang alibi ang maari kong sabihin kung magtatanong siya ulit.
“Bakit nila ginagawa ‘yan sa mga trolls?” tanong niya
"Sila ang slave ng mga elf. Dito sa Wizarding World, isa ang mga Elf sa mga Royal Bloods na iginagalang bukod sa mga malalakas na wizards at witches."
"Talaga? Si Old Elf at si Mama, kabilang ba sila sa Royal Blood?" tanong niya
"Oo, isa kayo sa kilalang pamilya sa buong Elfwood, ang pamilya nyo ang itinuturing na dugong bughaw.." sabi ko naman
"Talaga?" hindi makapaniwala niyang reaksyon
Napangiti ako sa itsura niya. Para na naman siyang bata. After ilang minuto na panonood sa mga Elf ay niyaya ko ulit si Oceane. Sumakay kami sa broomstick at lumipad muli sa ere.
"Wow!" sabi ni Oceane pagkababa namin sa broomstick. "Ang laki ng bahay nyo.." mangha niyang sabi sa akin
Ngumiti lang ako sa sinabi niya. "Tara sa loob.."
Niyaya ko siya sa bahay ko, dahil sa Academy ako tumutuloy, tanging si Seven lang ang nakatira buong weekdays at sa weekend naman ay kasama na niya ako dito.