Oceane
ISANG katok ang gumising sa akin. Hindi ko naman pinansin, pero patuloy pa rin ito sa pagkatok, kaya napilitan akong bumangon at binuksan ko ang pinto.
"Tim?" kunot noo kong sabi
Nakatingin ito sa akin na para bang nagulat pa sa itsura ko. Halatang halata kasi na kakabangon ko lang sa kama.
"Magandang umaga!" nakangiting bati nito.
Pinunasan ko pa ng aking daliri ang dalawa kong mata. "Bakit? Anong meron?"
"Malapit na magbreakfast, sabay sabay na tayong apat na bumaba at pumunta sa dining hall." Sabi niya
Napatingin ako sa alarm clock ko sa gilid ng kama. Malapit na mag 7am.
“Okay, sige. Give me 10 minutes.” Sabi ko
Ngumiti naman si Tim saka sumaludo sa akin. “Yes Ma’am!”
Bahagya akong natawa sa ginawa niya habang papalayo na siya sa aking silid.
Agad kong isinara ang pinto at naligo, pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniform namin. Naghihintay sina Tim at Zaiden sa may sala ng dorm. Nakaupo ang dalawa habang seryosong nag uusap.
"Si Castor?" tanong ko
Napalingon sila sa akin. Ewan ko ba, kahit kakaiba ang pakiramdam ko sa dalawang ito. Magaan naman ang loob ko sa kanila. Para bang matagal ko na silang kilala.
"Dumaan ako sa room niya, pero walang sumasagot. Baka maaga siyang lumabas ng Academy para maghanap ng pagkain.." sabi ni Zaiden
“Ah okay.” Sabi ko
Tumayo naman ang dalawa at sumabay sa akin sa paglalakad. Tulad ng dati, panay sulyap sa akin ni Zaiden Alfiro. Hindi ko naman siya pinapansin. Sa dining area, nagbubulungan ang lahat at para bang may nangyari na di ko pa nababalitaan.
Pagpasok namin sa malaking pintuan ng dining area, lahat sila ay nakatingin sa aming tatlo. Ngunit nagkamali ako, dahil sa akin lang sila lahat nakatingin. At nakapagtataka, kumpleto ang apat na Headmaster and Headmistress ng bawat Section.
"Anong meron?" tanong ko
Nagkibit balikat lang si Tim habang himiwalay na ito ng lamesa. Kami ni Zaiden Alfiro ang magkatabi sa upuan dahil wala si Castor.
"Kamusta? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" tanong nito
Napalingon ako kay Zaiden Alfiro. "Ayos naman.. nakatulog naman ako."
Lumingon ulit ako sa grupo ng mga prof sa bandang gilid. Parang may open forum sila doon. Seryoso ang kanilang mga itsura na para bang may kakaibang nangyari.
"Ano kayang meron? Bakit parang kakaiba ang araw na ito?" tanong ko kay Zaiden
"Siguro dahil dun sa guy na na meet natin kahapon.." sabi naman ni Zaiden
"Talaga? Sino ba ang lalaking iyon?" tanong ko
Hindi sumagot si Zaiden dahil napukaw ang aming atensyon ng tumayo ang Head ng Wind Section
"Hrrmm!" panimula nito. tumahimik ang lahat.
"Magandang umaga sa inyong lahat! Ako si Professor Zamu Wiseforester, Headmister of Wind Section.”
Pumalakpak naman ang lahat. Nasa edad 80's na siya, matangkad at gwapo. Isa siya sa founder ng Section Wind Eagle sa Academy.
"Marahil ay naguguluhan ang lahat at nagtataka dahil kasama nyo kami sa umagang ito sa ating magarang almusal. Gusto ko lang linawin ang balitang kumakalat sa ating paaralan at para magawa ito kailangan ako mismo ang magpakilala sa kanya, si Frost Youngwhite." Sabi ni Heamister Zamu
Napatingin ang lahat sa lalaking tumayo at nakangiting nakatingin sa mga kapwa niya mag aaral.
"Ang kumakalat na balita tungkol sa kanya ay walang katotohanan. Siya ay mula sa angkan ng mga Neverclaw- Youngwhite at ang magpapatunay nito ay si Alyssa Sightwater na kanyang kababata." Sabi ni pa ni Headmister Zamu
“Hindi ko gets, Zaiden. Anong balita ang kumakalat? Parang wala naman akong naririnig na tsismis.” Sabi ko
Lumingon sa akin si Zaiden. “Kamukha kasi siya ng isang namatay na estudyante last year.”
“Namatay? Last year? Bakit siya namatay? Bakit hindi ko maalala na may nangyaring ganoon?” tanong ko
Ilang saglit na natigilan si Zaiden, na para bang nagdadalawang isip na sagutin ang aking tanong. Huminga siya ng malalim.
“Inatake siya ng Soul Eater, sinubukan siyang iligtas ni Nurse Ayo ngunit malakas ang lason na kumalat sa kanyang katawan.” Sabi ni Zaiden
Nagflashback sa akin ang sinabi ni Frost sa harap ng isang coffee shop sa Night Market.
“Well, according to hearsay, kasalanan mo kung bakit namatay ang matalik mong kaibigan.”
“Zaiden, ang namatay ba na sinasabi mong kamukha ni Frost ay matalik kong kaibigan?” tanong
Hindi sumagot si Zaiden sa tanong ko ngunit halata sa mukha niya na nagulat siya.
“Wala talaga akong matandaan. Bakit ko naging matalik na kaibigan ang kamukha ni Frost? Kilala mo rin ba siya? Kilala rin ba siya ni Castor?” tanong ko
Imbes na sumagot ay hinawakan ni Zaiden ang aking balikat saka mabilis na hinapit papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Zaiden.. bitiwan mo ako.” Sabi ko
Narinig naman niya iyon kaya inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin. Kapansin pansin ang lungkot sa mata ni Zaiden Alfiro.
‘Anong klaseng reaksyon ang ginagawa niya? Bakit kailangan niya ako yakapin? Bakit malungkot ang mga mata niya?’
Subject: Magical Creatures and its Origin.
"Nakakita na ba kayo ng Bogies? Or Boggarts o Boggey Man?" tanong ni Prof Saatchi
"Hindi pa po ako Sir!" sigaw ni Lantis, ang epal sa level namin.
"Bogies, they are short, dark, and furry goblins who like to scare children, as they are the only ones who can easily see them. They are quite sly and mischevious, but are not very intelligent.They are small with black fur, and have red eyes that occasionaly glow with mischeif." Paliwanag naman ni Prof Saatchi
"Naencounter ko na pala yan.." si Lantis ulit
Napatingin ang lahat sa kanya, pagkatapos ay napailing na lang si Prof Saatchi. "Tumahimik ka na Lantis.." saway ng Prof
Naupo naman si Lantis. Pero patuloy pa rin sa pagsasalita at pag kukwento sa katabbi niya.
"Marami tayong pwedeng panlaban sa Boggart pero pag grupo na yan or Boggart Army kung tawagin, ang tanging kailangan natin ay Healing Elixir.."
Bagong picture na naman ang ipinakita niya sa amin.
"Perytons are the souls of men who have died far from their homes. They look like green feathered deer, but their shadows are human, revealing their original form.”
"Totoo po ba sila?" tanong ko naman
"Totoo sila..." sabi naman ni Lantis. “Hindi ka pa nakakakita ng katulad nila?”
Hindi ako sumagot, imbes tinaasahan ko siya ng kilay saka muling ibinaling ang tingin ko kay Prof.
"Leprichauns appeared as small old men with grey beards and twinkling eyes. They originally were thought to wear red coats with silver button, brown pants, black shoes with silver buckles, and a green pointed hat. Leprichauns love to play tricks on humans, especially those humans who search for their hidden pots of gold." Dagdag ni Prof Saatchi
"Leprichauns are related to faries. They are excellent secret keepers and will never tell a lie, although they don't always tell the whole truth." napalingon ako kay Zaiden Alfiro.
‘Paano niya nalaman yon?’
"Very Good Mr. Alfiro! Nagbabasa ka ng libro.."
‘So nabasa nya lang pala.’
Subject: Divination Second Level
"Dreams are an open window into our subconscience. Often the things we see in our dreams can be our minds trying to tell us something that our conciounce mind can't understand. Dreams can sometimes be messages from spirits, ghosts or other supernatural sources."
Nganga naman kaming lahat kay Prof Mikida Seekerwell. Ang itsura niya ay mukhang model at pambato ng Wizarding World sa Miss Universe. Ang ganda ganda niya at mukha siyang fairy. Pero ang subject na itinuturo niya, sobrang boring, nakakaantok.
"Oceane!" patuloy ako sa paglalakad habang nakatingin kay Zaiden Alfiro.
'Ano na naman kaya ang kailangan nito?'
"Saan ka pupunta?" sumabay siya sa paglalakad sa akin
"Gusto kong lumabas, parang kasing nakaka suffocate sa Divination." sabi ko sa kanya ng di siya tinitingnan
"Pwede ba akong sumama? Gusto ko rin ng sariwang hangin mula sa gubat." Sabi naman niya
"Sasama ka?" napalingon ako sa kanya
"Yeah! Ok lang ba?" tanong niya
"Sige!" pagkatapos ay inalis ko na ang tingin ko sa kanya.