Chapter 8: The Alfiro's Mansion

1669 Words
Zaiden Pagpasok namin sa sala ng bahay, katulad pa rin ito ng dati, kung paano ko iniwan para pumasok sa Academy. Malinis ang buong bahay ngunit bakas pa rin ang kalungkutan bilang patunay na wala na akong kasama dito maliban kay Seven. "Ang ganda ng bahay nyo. Mayaman ka pala?" sabi niya Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Actually, si Dad ang nagpagawa nitong bahay, dito sila tumira ni Mommy after nila magpakasal." Tumango naman siya habang nakatingin sa akin. Naglakad kami sa kabuoan ng sala. Makikita sa magkabilang bahagi ng pintuan patungo sa library ang dalawang malaking banga na kulay asul. Sa tabi nito ay ang malaking salamin. Sa baba naman ng hagdan may dalawang malaking paso na may halaman sa magkabilang rail ng hagdan. Sa kaliwang bahagi naman ng sala, hinawi ko ang malaking kurtina kung saan natatakpan nito ang glasswall. Mula sa aming kinatatayuan sa glasswall makikita sa kabilang bahagi nito ang garden na puno ng mga halaman at bulaklak. “Wow, ang ganda ng garden nyo..” sabi niya “Si Mommy ang nagdesign ng garden, siya din ang nagtanim ng mga halaman. Si Seven na lang ang nagpatuloy para mapanatiling maganda ang hardin.” Sabi ko Naglakad kami papasok sa library kung saan palaging tumatambay noon si Dad. Naroon pa rin ang paborito niyang upuan di kalayuan sa fireplace. Ang mga bookshelves naman ang nagsisilbing wall ng silid na iyon, ang taas ng mga ito ay umaabot sa fifteen feet at ang mga libro ay humigit kumulang sa limang daang libo. “Mahilig kayo magbasa?” tanong niya “Me and my Dad. Si Mommy kundi gardening cooking ang ginagawa niya. Si Kuya naman mas mahilig siya sa sport, naging player na rin siya sa Wizards Tri-Pentsphera.” Kwento ko Lumingon siya sa akin. “So may kapatid ka?” “Yeah..” sabi ko na lang Sa gilid sa tabi ng glasswall kung saan makikita rin ang garden, lumapit si Oceane. Hinagod ng kamay niya ang paborito kong piano. “Tumutugtog ka rin ng piano?” tanong niya “Yeah, dati.” Sabi ko “Dati? Hindi ka na ba tumutugtog ngayon?” tanong niya Umiling lang ako saka bahagyang ngumiti. Naupo siya sa upuan sa harap ng piano, pinindot niya ang keyboard at lumikha ito ng tunog. “Marunong ka pala..” sabi ko Tumawa siya sa sinabi ko. “Hindi noh! Happy Birthday Song lang ‘yan. At iyan lang ang alam ko tugtugin.” Napangiti naman ako sa sinabi niya. Lumingon lingon ulit si Oceane sa kabuoan ng silid. "Bakit parang ang lungkot? Walang mga pictures..." Matagal bago ako nakasagot "Itinago ko na.." "Ha? Bakit? Buti pumayag ang Mama mo.." sabi niya "Wala na si Mama, ang totoo ako na lang mag isa ngayon.." sabi ko “Wala? What do you mean wala? Iniwan ka? Umalis siya?” tanong niya Umiling ako. “ Si Mommy, bata pa lang ako nang mamatay siya. Si Kuya at Dad naman.. three months ago.” "Ouch, so ulila ka na?" sabi niya Bahagya lang ako ngumiti. Napansin kong nalungkot ang mga mata ni Oceane. "Sorry! Sana hindi na ako nagtanong." Sabi niya Pinisil ko ang pisngi niya. "Bakit ka nagsosorry? Wala ka naman kasalanan kung bakit mag isa na lang ako ngayon." Tumahimik lang ito. “Everything happens for a reason…” Sabi ko Malungkot pa rin siya "Hey cheer up." Naupo din ako sa tabi niya. Tumingin siya sa akin. Bakas sa mata niya ang lungkot na naramdaman niya para sa akin. "Nalulungkot lang ako para sayo.." Hindi ako nagsalita, nakatitig lang ako sa kanya. "Mag isa ka na lang... malungkot kaya mag isa..." sabi niya Humarap ako sa kanya habang hawak ko ang magkabilang balikat niya. "Hindi naman ako nag- iisa, kasama kita diba?" sabi ko Tapos ay bigla ko siyang niyakap. Hindi ko sinisisi kay Oceane kung bakit mag isa ako ngayon. Kagustuhan nila ang lahat ng nangyari at ako, pinili ko lang ang tama. Castor HINDI ko nakikita si Oceane kanina pa. Ganoon din si Zaiden Alfiro. Naghintay ako sa may gate ng Academy. Ilang minuto pa ay dumating na ang dalawa. "Saan kayo nanggaling?" tanong ko kay Oceane "Pumasyal lang kami, Castor." sagot naman ni Zaiden Tumingin ako kay Zaiden ngunit ibinalik ko ang tingin ko kay Oceane. "Bakit di ka nagpaalam?" "Paano ako magpapaalam, hindi ko naman alam kung saan ka pupuntahan." Sabi ni Oceane Pagksabi noon ay naglakad na itong papalayo, marahil ay papasok na sa dormitory. Napalingon ako kay Zaiden Alfiro na nakatingin din lang kay Oceane. "Sinamahan ko lang siya lumabas, mas okay na ‘yon kesa lumabas siyang walang kasama, diba?" paliwanag naman ni Zaiden Alfiro. Hindi ako nagsalita. Sabay kaming naglakad papasok sa dorm. Habang papaakyat kami sa hagdan ng dorm, muling natanong si Alfiro. "Kamusta ang lakad mo?" tanong niya Bahagya lang ako sumulyap sa kanya. "May napansin akong kakaiba sa Frost na ‘yon." "Kakaiba? Katulad ng ano?" tanong ni Zaiden Tumigil kami sa paglalakad ng tumigil si Oceane sa harapan ng kanyang silid. Nakatayo ito sa may pintuan. "Ano bang pinag uusapan nyo?" tanong niya "Boys talk." Sabi ni Zaiden Alfiro "Talaga lang ha!" sabi naman niya. “Sige bahala kayo kung ayaw nyo ako isali sa usapan nyo.” Parang batang ibinagsak ni Oceane ang pintuan ng silid niya. Narinig ko naman na nagsmirked si Zaiden. "Atleast hindi ko nabura sa alaala niya ang ganyang attitude niya." Sabi pa ni Zaiden Alfiro "Tama ka." Sabi ko naman Naglakad ulit kami ‘gang makarating kami sa silid namin dalawa. Magkatabi lang ang silid namin ni Zaiden Alfiro. Pagpasok ko sa aking silid ay mabilis din akong lumabas sa bintana at saka tumalon sa puno di kalayuan sa aking silid, muli akong tumalon sa kasunod nitong puno kung saan nakatapat ito di kalayuan sa silid ni Oceane. Pumasok ako sa bintana ng silid ni Oceane. Nakita kong abala ito sa pagbabasa ng librong ibinigay ko. "Very good.." bati ko Ngumiti lang siya. "Anong nakain mo at seryoso ang pagbabasa mo nyan ngayon?" “Nagkwentuhan kami ni Zaiden kanina.” Sabi ni Oceane “Anong pinag usapan nyo?” tanong ko naman habang naupo ako sa gilid ng kanyang kama. Siya naman ay nakaupo din sa kama ngunit nakasandal sa headboard ang kanyang likod habang nakapatong sa tuhod niya ang libro. “Ulila na pala si Zaiden, kawawa naman siya noh?” sabi niya Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung bakit kailangan ikuwento ni Zaiden Alfiro ang kanyang buhay. ‘Gusto ba niya magpaawa kay Oceane?’ “Ang laki at ganda nga ng bahay niya kaso wala naman ibang nakatira kundi siya. Malungkot pag ganoon. Nalulungkot ako para sa kanya.” Dagdag pa ni Oceane “Iyon ang kapalaran niya.” Sabi ko na lang Huminga ng malalim si Oceane saka muling tumingin sa akin. "Castor, malapit na ang Ball Night.." "Oh ano naman ngayon?" sabi ko na di siya tinitingnan "Hindi ka ba a- attend?" tanong niya "Hindi ako aattend sa mga ganyang walang kwentang kasiyahan." Sabi ko “Anong walang kwenta? Maganda nga ‘yon para mas marami kang makilala.. malay natin may magustuhan ka sa mga dadalo, diba?” sabi pa ni Oceane “Wag ka nga magbiro ng ganyan.” Sabi ko "Kung ayaw mo ng ibang date, are you not going to ask me to be your date?" tanong niya. Imbes na sumagot ay tumayo ako sa kama at naglakad papalapit sa study table niya. "I don’t attend such events as Ball Night." Sabi ko "Kahit ako ang ka date mo, ayaw mo pa rin?!" tanong niya "I have important thing to do." Sabi ko "Ano naman importante ang gagawin mo?” tanong niya "May usapan kami ni Nazar.." pagsisinungaling ko "So ayaw mo talaga?" tanong niya Umiling ako. “Hindi ako aattened.” Sabi ko “Gusto ni Zaiden Alfiro na maging date ko siya, kung ayaw mo naman, pwede akong pumayag sa gusto niya.” Sabi pa niya Natigilan ako ng sandali. “Okay lang naman na siya ang date mo..” sabi ko "Talaga, payag ka ha! Sige sasabihin ko na sa kanya bukas na bukas na siya na ang date ko sa Ball.” Sabi ni Oceane “Basta mag enjoy ka lang..” sabi ko. "Babawi na lang ako sayo sa ibang paraan." Nag pouty lip siya. "Okay fine! Kahit kailan talaga boring ka" Naupo ulit ito sa kama niya. Hindi na niya ako kinausap. Napansin ko naman na nakalagay sa flower vase ang bulaklak na bigay ni Frost sa kanya. Nilapitan ko ito, ‘Bakit hindi nalalanta ang mga bulaklak?’ Habang pinagmamasdan ko ang bulaklak, napansin ko na hawak ni Oceane ang ulo niya. "Bakit?" naupo ako sa tabi niya "Sumasakit na naman ang ulo ko..." sabi niya "Mahiga ka muna.." Inalalayan ko siyang mahiga sa kama. "Masakit na masakit ba?" Hindi ito sumagot. Pero sa itsura niya, sinagot na niya ang tanong ko. "Makinig ka Oceane.. ulitin mo ang sasabihin ko okay?” Tumango lang siya. "My head is aching Twisting and burnin” “My head is aching Twisting and burnin” Inulit naman ni Oceane ang sinsabi ko. Pagkatapos nun ay tinanong ko siya ulit. "Kamusta pakiramdam mo?" "Masakit pa rin.." sabi naman niya habang nakapikit Sandali akong nag isip. Inilapat ko ang aking mga daliri sa kanyang noo. Dahan dahan ko itong hinilot habang nag cast ng spell. "Wiccan spell help her sleep Flow your magic thru my hand Wiccan spell help her sleep Flow your magic thru my hand Help her sleep, help her sleep Wiccan spell give her a rest Make her sleep make her sleep" Ilang sandali pa ay nakatulog na siya. Inayos ko ang comforter sa kanyang katawan saka ako tumayo sa kama. Kinuha ko ang libro sa kama binuklat ko muli ang libro, pero iba na ang binabasa niya kaya nakapagtataka kung bakit sumasakit ang ulo ni Oceane. Napalingon ako kay Oceane. ‘May kakaiba akong nararamdaman, at hindi ito maganda.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD