Zaiden
TOK TOK
Ilang sandali pa bumukas ang pintuan. “Zaiden, bakit ang aga mo?” tanong niya
Ngumiti lang ako sa kanya. “Wait lang ha! Tingnan mo nga di pa ako nagsusuklay.” Sabi niya sabay hawak sa buhok niya
“Sige lang, maghihintay na lang ako dito sa labas ng room..” sabi ko naman
Hindi na niya isinara ang pinto ng silid niya, kaya kitang kita ko habang inaayos niya ang buhok niya. Napangiti ako. Simpleng pony tail lang ang ginawa niya sa buhok niya pero nagbago kaagad ang itsura niya. Mas nahighlight ang ganda ng mukha niya. Palagi kasi siyang nakalugay. Semi curly ang buhok niya kaya naman mukha siyang manika. May kulay pa ito pag nasisinagan ng liwanag ng araw.
“Tara na!” anyaya niya
Sabay kaming naglakad sa hallway ng dorm. Lahat ay napapatingin sa amin, dahil siguro katulad ko first time nilang nakita na nakapony tail si Oceane.
“Ano bang mali sa akin at nakatingin silang lahat?” bulong niya sa akin
“Walang mali sa’yo, you’re just beautiful.” Sabi ko naman
Hindi na siya nagsalita pa. Nang makalabas kami sa dorm, marami ng estudyante sa labas ng hallway ang sabay sabay na naglalakad papunta sa dining hall.
“Hindi ko yata napapansin si Castor?” tanong ko
“Baka nag hunt sa gubat.” Sabi niya
Hindi na ako nagtanong pa, hanggang sa makarating kami sa dining hall. Magkatabi kaming naupo sa table ng section level namin.
“Palagi kasi sumasakit ulo ko nagsusumbong na siguro yon kina Mama at Papa..” sabi naman niya
Napatingin ako sa kanya. “Sumasakit ang ulo mo? Bakit?” tanong ko
“Ilang gabi na nga. Mabuti na lang nandoon si Castor, nagagawa niyang patulugin ako sa tuwing sumasakit ang ulo ko.” Sabi naman niya
Napaisip ako. ‘Sa tuwing nakikita ko siya mukha naman siyang okay. Ibig sabihin sumasakit ang ulo niya sa tuwing hindi kami nagkikita.’ Napatingin ako sa paligid pagkatapos ay sa kanya. ‘Kung tama ang hinala ko, sa gabi malimit sumakit ang kanyang ulo, ito lang ang oras na tanging si Castor lang ang kasama niya at nakikita siya.’
“Anong sabi ni Castor?” tanong ko ulit
“Wala naman, nagtataka lang, tapos ginagamitan niya ako ng spell para makatulog..” sabi niya
Tumahimik ako. Nakakapagtaka naman talaga. ‘Bakit sa gabi lang maaring sumakit ang kanyang ulo? At bakit? Imposible naman na epekto ito ng memory spell na ginawa ko sa kanya, alam kong tama iyon bago ako naglakas ng loob na i-cast sa kanya ang spell.’
“Good Morning!”
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa likuran namin. Ito ay walang iba kundi si Frost at may hawak na naman itong isang white rose.
“Hi!” bati ni Oceane
“Para sa’yo!” white rose ang iniabot ni Frost kay Oceane.
“S-salamat!” sabi naman ni Oceane
“Have a great day!” sabi pa nito
Mabilis na umalis si Frost at naglakad papalapit sa kanilang table.
“Binigyan ka na naman niya ng bulaklak.” Medyo inis na sabi ko
Muli namin hinarap ang pagkain. “Hindi ko rin alam. Wala akong ideya.” Sabi naman niya
‘Dahil siya ba si Jacob o dahil wala lang siya magawang matino sa buhay niya.’
“Probably, he likes you.” Sabi ko
“Ako? Parang imposible naman, may girlfriend na siya diba? Natatandaan mo ang babaeng kasama niya nun nakita natin sila sa Night Market?” sabi naman niya
Hindi ako sumagot. Lumingon lang ako sa table ng Section Wind. Abalang nakikipag kwentuhan si Frost sa katabi niyang babae ang Catlesnake. Inipit ni Oceane ang tangkay ng rose sa libro habang nakalabas naman ang pinaka ulo nito para di malanta.
Hindi ko maitago ang pagkainis ko sa lalaking ‘yon. Bukod sa bastos siyang makipag usap sa akin, hindi rin niya pinalampas si Oceane. Hanggang ngayon, may pagtingin pa rin ako kay Oceane, kaya naman masakit sa akin na may ibang pumorporma sa kanya kahit kaharap ako. Kahit pa burado na ang kanyang alaala, gumagawa naman ako ng paraan para matanggap niya ako ulit sa buhay niya bilang isang mabuting kaibigan at tao. Unti unti ko na rin nakukuha muli ang kanyang tiwala at ayoko na masira ito. Kahit pa gusto kong aminin sa kanya na gusto ko pa rin siya hanggang ngayon, hindi maari, kailangan ko maghintay muli ng tamang oras para ipaalam sa kanya ang totoo kong nararamdaman.
Habang abala ang lahat sa pagkain, dumating si Headmistress kasama ang iba pang prof. Naupo sila sa gilid ng dining area.
“Hello everyone, Good Morning!” panimula ni Headmistress.
“On Friday we will held the annual Ball Night, so I personally invite all students from the first level to the fourth level to attend..”
Marami ang natuwa sa announcement. Pumalakpak pa ang iba. Pagkakataon na kasi ito para sa mga estudyanteng may mga crushes, mga inlove at mga may planong manligaw.
“We will choose the King and Queen for the night. So I am encouraging you guys to ask your crush to be your date for the Ball Night. Wear your most beautiful dress and enjoy the night.”
After breakfast naging usap usapan ang tungkol sa Ball Night. Lahat ay abala sa paghahanap ng date. Hindi naman ako nangulit kay Oceane, na invite ko na siya to be my date at hinihintay ko na lang ang sagot niya. After class, tumambay kami sa may fountain. Napansin kong may binabasa siyang libro. Makapal ito at luma na.
“Ano yan?” tanong ko sa kanya
“Ito? Pinapabasa sa akin ni Castor..” sabi niya
“Pahiram ha!” sabi ko naman
Iniabot niya ang libro sa akin. Medyo na curious ako sa librong ito, sa kapal nito hindi mo maiisip na sobrang gaan nito na para bang lobo at ang mga nakasulat dito ay hindi ko maintindihan, sa tingin ko ay lumang lengwahe ng mga wizard ang ginamit para maisulat ang libro.
Muli kong ibinigay kay Oceane ang libro. “May naintindihan ka sa mga nakasulat diyan?” tanong ko
“Oo naman.” Sabi nito. “Bakit?”
“Lumang alpabetica ang ginamit diyan, sa tingin ko nga si Old Elf lang ang makakaintindi sa nakasulat diyan. But I’m so impressed dahil nababasa mo pala yan.” Sabi ko
“Talaga?” sabi ni Oceane sabay tingin sa libro. “Pero ordinaryong letra lang naman ang mga nakalagay dito.”
“Bakit mo kailangan basahin iyan?” tanong ko
“I need to learn the ancient spell, so I can be more powerful before my 18th birthday.” Sabi niya. “Nagtataka nga ako kung bakit kailangan ko pa maging powerful, anong sense non diba?”
Sasagot pa sana ako sa sinabi niya ng makita kong mabilis na lumipad si Altheia at nagpaikot ikot ito sa mukha ni Oceane, naging dahilan naman yon para mas kumalat sa hangin ang fairy dust niya.
“Aacchhoo!” Sabay takip ni Oceane ng ilong.
Ayaw na ayaw niya ang fairy dust ni Altheia kaya naman palagi silang nag aaway.
“Ikaw talaga!!!!” gamit ang dalawang kamay, hinuhuli niya si Altheia. Tuwang tuwa naman ang maliit na fairy sa ginagawa ni Oceane.
“Altheia nakakainis ka na ha!”
Napahinto sa paglipad si Altheia. “Huli ka!”
Gamit ang dalawang kamay, naikulong niya si Althiea. Inipit niya ang katawan at pakpak nito kaya naman hindi ito makagalaw. Napatingin ako kay Altheia. Nakakunot ang noo nito.
“Kilala mo ako?” nagtatakang tanong ni Altheia
“Oo naman.. bakit tingin mo nagka amnesia ako at di kita makikilala?” mayabang na sabi pa ni Oceane
Inalog ng inalog ni Oceane ang kamay niya habang hawak ang fairy, dahilan yon para mahilo ito. Pagkatapos ay inilapag niya ito sa upuan.
“Kahit kailan, nakakainis ka!” reklamo ni Altheia habang hawak ang ulo.
Napatingin ako kay Oceane. “Paano mo siya nakilala?” tanong ko
Saglit na nag isip si Oceane. “H-hindi ko maalala pero, tama naman ako diba, Altheia ang pangalan mo?” baling nito kay Altheia.
Hindi sumagot si Altheia, imbes tiningnan niya ng masama si Oceane. Napaisip na naman ako. ‘Natatandaan niya si Altheia? Pero lahat ng alaala niya ay nabura na. May magulo sa nangyayari. Kung naaalala niya si Altheia, possible kaya na unti unti ng bumabalik ang alaala niya?’