Oceane
MASAMA ang pakiramdam ko ng hapong iyon dahil sa sipon. Kung hindi sana ikinalat ni Altheia ang fairy dust niya sa mukha ko, hindi ako magkakasakit.
Habang nakahiga ako sa kama, nagflashback sa akin ang reaksyon nina Altheia at Zaiden.
“Kilala mo ako?”
“Oo naman.. bakit tingin mo nagka amnesia ako at di kita makikilala?”
“Paano mo siya nakilala?”
“H-hindi ko maalala pero, tama naman ako diba, Altheia ang pangalan mo?”
“Bakit ganoon ang reaksyon nilang dalawa? Bakit nagulat sila na kilala ko si Altheia? Ang weird..” sabi ko sa sarili ko
Biglang sumulpot sa silid ko si Castor, kumunot ang noo nito ng makita ako nakahiga sa kama kaya naman bumangon ako at naupo.
“Saan ka nanggaling?” tanong ko sa kanya
“Binisita ko lang ang mga magulang ko.” sabi naman niya
Hindi na ako kumibo pa. Gamit ang tissue suminga ako.
“Sipon?” tanong niya
“Oo, buysit kasi yung fairy na yon palagi na lang ako pinagtitripan.” Sabi ko sabay tapon ng tissue sa basurahan.
Kumunot ang noo niya. “Sinong fairy?”
“Si Altheia..” sabi ko naman
Napansin ang katulad na reaksyon niya, kapareho ito ng reaksyon ni Zaiden Alfiro kanina.
“Bakit nagulat ka rin?” tanong ko. “Dapat ba hindi ko kilala ang fairy na ‘yon?”
“What do you mean? Sino pa ba ang may ganitong reaksyon?” tanong niya
“Sino pa, eh di yun kaibigan mong si Zaiden Alfiro. Ang OA kaya ng reaksyon nyo.” Sabi ko
“Bakit mo naman naisip yan, oh eto padala ni Miranda..” sabi niya
Iniabot niya sa akin ang isang paper bag. “Ano ito?”
“Damit siguro.” Sabi niya
Naupo siya sa bitana, binuksan ko naman ang paper bag. Nagulat ako sa nakita ko, agad ko itong inilabas at iniladlad sa hangin.
“Wow!” sabi ko
Inilapat ko ang damit sa katawan ko. Tapos ay nagpaikot ikot ako. Nagsmirked naman si Castor sa akin.
"Isukat mo na kaya!" sabi niya
"Hmp! Ayoko, maluluma kaagad.. sa Ball na lang!" kumindat pa ako kay Castor bago muling itinupi ang damit at inilagay sa cabinet ko.
"Bahala ka.” Sabi niya. “Kamusta ka naman? Hindi ba sumakit ang ulo mo ngayon maghapon?”
"Hindi naman.” Sabi ko. “Tuwing gabi lang naman sumasakit ang ulo ko, baka dahil sa pagod sa maghapon.”
"Tatlo na ang rosas,” sabi niya
Hindi ko napansin na nilapitan pala ni Castor ang vase malapit sa kama ko.
"Yeah! Binigay sa akin ni Frost kanina ang isa." sabi ko
Tumingin siya sa akin. "Nanliligaw?" tanong niya
Nagsmirked ako."Of course not!"
"Then what's the reason?" tanong ni Castor
Nilapitan ko siya saka pinisil ang ilong niya. "Daig mo pa si Papa kung mag imbestiga ah!"
Tinabig niya ang kamay ko. “Nagtataka lang ako. Kung walang gusto sa’yo ang lalaking ‘yon, walang dahilan para bigyan ka niya ng bulaklak.” Sabi ni Castor
Lumapit ako sa study table ko at binuklat ang libro na pinapabasa sa akin ni Castor.
“Magkaibigan nga kayo ni Zaiden Alfiro, pareho kayo mag isip, advance..” sabi ko
“Iba naman ang pagtatanong niya sa pagtatanong ko.” sabi ni Castor
Lumingon ako kay Castor. “Anong naman pinagkaiba noon? Pareho nyo binibigyan ng malisya ang pagbibigay ni Frost sa akin ng bulaklak.”
“Sa akin kaibigang tanong, ang kay Alfiro selos.” Sabi ni Castor
“Selos? Bakit selos? Hindi naman naliligaw sa akin si Zaiden Alfiro, at wala rin naman signs na gusto niya ako. Imposible na magustuhan ako nun.” Sabi ko
“Hindi imposible ang sinasabi ko.” sabi ni Castor
Tinitigan ko si Castor, mukha naman siya nagsasabi ng totoo pero hindi talaga ako kumbinsido na nagseselos si Zaiden Alfiro.
“Ah ewan ko sa’yo. Basta sa akin, walang malisya sa ginagawa ni Frost.” Sabi ko
Hindi na nagsalita pa si Castor.
Mga ilang minuto pa lang mula ng maupo ako sa study table ko at magbasa ng libro na ibinigay ni Castor sa akin ng agawin ni Castor ang libro sa akin.
"Hey! Bakit?" reklamo ko
“May gusto lang akong malaman..” sabi niya
“Malaman na ano?” tanong ko. “Ibalik mo na sa akin, please!”
“Sandali lang..” sabi ni Castor
Kahit anong agaw ang gawin ko hindi ko makuha sa kanya. Mabilis ko siyang itinulak at di nya yon inaasahan. Natumba siya sa sahig.
"Bakit mo ako itinulak?" tanong niya sa akin
Tatayo sana siya ng tapakan ko ang dibdib niya. Nakapamewang pa ako.
"Alam mo mister, dapat marunong ka manghiram.." sabi ko
Hinawakan niya ang paa ko at tinabig ito. Na out of balance tuloy ako. Natumba ako sa ibabaw niya. Mabuti na lang at naipang tukod ko sa sahig ang dalawa kong kamay. Halos three inches na lang ang layo ng mga mukha namin. Muntik ko na siyang mahalikan.
Pareho kami natigilan ng mga sandaling iyon. Hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko.
"Salbahe ka talaga!" sabay hampas ko sa braso ni Castor
Mabilis akong tumayo. Wala naman kibo na tumayo si Castor, pero hindi pa rin niya isinoli sa akin ang libro.
Mabilis siyang lumapit sa may binatan sa isang kisap mata lang. "You rest first, I will take this book with me, I want to make sure of something before I return it to you." pagkasabi nun ay walang lingon man lang na tumalon siya sa bintana.
‘Anong ibig sabihin noon?'
Napahawak ako sa aking dibdib habang nakatingin sa may bintana.
Ilang oras mula ng makalabas sa aking silid si Castor, muli akong nahiga sa kama. Maaga pa at hindi pa ako inaantok kahit tapos ko na gawin ang aking takdang aralin. Umupo ako at pinagmasdan ang vase, napangiti ako sa mga bulaklak.
‘Bakit parang hindi yata nalalanta kaagad ang mga ito? Hindi rin bumubuka ang mga bulaklak.’
Ilang sandali pa, nakaramdam na naman ako ng sobrang sakit ng ulo. Imposible naman na dahil ito sa sipon, dahil ang pakiramdam ko ay nahihilo ako. Katulad ito ng sakit noong mga nakaraang gabi. Dahan dahan akong nahiga sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko. Masakit pa rin ang ulo ko. Walang nangyayari. Ibinulong ko sa hangin ang spell na nabasa ko sa makapal na libro.
"Wiccan spell help me sleep
Flow your magic thru my hand
Wiccan spell help me sleep
Flow your magic thru my hand
Help me sleep, help me sleep
Wiccan spell give me a rest
Make me sleep make me sleep’
Ilang sandali pa ay nakatulog na ako.
Zaiden
Nasa dining area kami at kumakain ng agahan. At katulad ng mga nakaraang umaga, may bagong bulaklak na naman si Frost para kay Oceane.
"Binigyan ka na naman niya!" sabi ko
"Magkaibigan nga kayo ni Castor, binibigyan nyo ng malisya ang ginagawa ni Frost. May girlfriend na ‘yon tao oh!” sabi ni Oceane.
Napatingin kami sa kinauupuan ni Frost, katabi nito si Alyssa na masayang nakikipag usap sa kanya.
"Hindi ba nakapagtataka? May girlfriend na siya pero ikaw ang binibigyan niya ng bulaklak.” diretso kong sabi
Saglit na napaisip si Oceane. “Well nakapagtataka naman talaga..” sabi niya
"Dapat ‘wag ka na tumanggap ng bulaklak sa susunod, baka makita pa ni Alyssa, magkagulo pa.” sabi ko
Hindi na siya nagsalita pa, nakatingin na lang siya sa kinauupuan nila Frost pagkatapos ay sa akin.
“Kahit sinong kasintahan magagalit kung makikita niya ang boyfriend niya na may ibang babae na binibigyan ng bulaklak.” Sabi ko
“Is it true?” bigla niyang tanong
“What?” tanong ko
“Nagseselos ka kay Frost sa tuwing binibigyan niya ako ng bulaklak kaya ganyan ang reaksyon mo?” tanong niya
“Sinong nagsabi sa’yo?” tanong ko
“Do you like me?” tanong niya
Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya, nagulat ako sa mga sinabi niya.
“So hindi totoo..” sabi niya. “Wala lang talaga masabing matino si Castor.”
Muli niyang ipinagpatuloy ang pagkain, ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
“I like you..” sabi ko
Napalingon naman siya sa akin. Tumigil siya sa paglalakad. Nakatayo kami sa hallway papunta sa library para sa subject namin ang Herbology Level Two kay Prof Maison Akdy.
“What?” tanong niya. “Sorry pero tama ba ang narinig ko? Gusto mo ako?”
Tumango naman ako. “Yeah, I really like you since the first day I met you..” sabi ko
Kailangan ko na umamin sa kanya, isa pa siya naman ang unang nagtanong sa akin, wala ng dahilan para tumanggi pa ako.
Kumunot ang noo niya. “Talaga? Eh ilang buwan pa lang tayo magkakilala, I guess mga three months pa lang..”
Bahagya akong napangiti. Kung naaalala niya ang lahat, higit isang taon na kami nagkakilala at isa pa, sa pinagdaanan namin noong nakaraang taon, kilala ko na siya.
“Oh bakit ka natatawa?” tanong niya
“Hindi na mahalaga ‘yon. Inaamin ko na sa’yo ngayon, totoo ang sinabi ni Castor sa’yo nagseselos ako kay Frost.” Sabi ko
“S-so totoong gusto mo ako?” napansin ko na nagblush siya. “B-bakit?”
Kumunot naman ang noo ko. “Anong bakit? Kailangan pa ba ng dahilan para magkagusto ako sa’yo?”
Napahawak siya siya mukha niya, tinakpan niya ito ng kamay niya. “Oh my owl.. nagba blush ako.”
Bahagya akong natawa saka inalis ang kamay niya sa mukha niya. “Okay lang ‘yan..” sabi ko
Inalis naman niya ang kamay niya sa mukha niya saka tumingin sa akin. “Zaiden Alfiro, hindi porke’t nagba blushed ako sa sinabi mo eh pareho na tayo ng nararamdaman. Nagulat lang ako sa ginawa, alam mo na unexpected revelation.”
“Alam ko naman ‘yon. Gagawin ko pa rin legal ang pagpaparamdam ko sa’yo na gusto talaga kita.” Sabi ko
Kumunot naman ang noo niya. “What I mean is, liligawan kita. That’s the proper way.”
Natigil ang pag uusap namin ng mabangga siya ng isang lalaking estudyante. Muntik na siyang matumba mabuti na lang at nahawakan ko siya kaagad sa kanyang balakang. Abala kasi ang dalawang estudyante sa pagkukuwentuhan at narinig namin ang tungkol sa Ball Night mamayang gabi.
“Mamayang gabi na nga pala ang Ball, pumapayag ka ba na ako ang maging date mo?” tanong ko
Natahimik ito sandali, parang nag iisip.
“O-okay lang. Ayaw din naman ni Castor umattend sa Ball, so wala naman akong ibang choice diba?” nakangiting sabi niya
Pagkatapos ay naglakad na ito palayo. Habang nakatingin ako sa kanya papalayo, tumalon ako saka mahinang sumigaw ng “yes”. Pinagtinginan pa ako ng ibang estudyanteng dumadaan.