Oceane
Habang naglalakad kami para sa susunod na subject, panay ang reklamo ko kay Castor. Ikinuwento ko sa kanya ang ginawa ni Zaiden sa klase. At syempre, hindi na naman siya interesado sa kwento ko.
"Nakakapikon talaga siya alam mo ba iyon?" gigil kong sabi
Hindi ito nagsasalita. Patuloy lang sa paglalakad. "Hey nakikinig ka ba?" tanong ko kay Castor
Tumingin ito sa akin habang patuloy kami sa paglalakad
"I thought only the mind forgets." Simpleng sabi ni Castor
Napataas ang kilay ko.‘Saan naman nanggaling yon?’
"What?!" reaksyon ko naman
Umiling lang ito saka ako iniwan. Tumatakbo akong sumunod sa kanya.
Next subject namin ay Spells 2. Magkatabi kaming naupo ni Castor at umupo naman sa tabi ko si Zaiden Alfiro.
"I'm Chanter a Class X Witch. I'll be teaching you Spells 2: Spell Casting."
Mukhang strict ang prof namin. Hindi siya ngumingiti man lang.
Second Level na ako pero wala akong maalala na nakatapos ako ng first level. May mga notes at books na ipinabasa sa akin sina Mama at Papa noong bakasyon, malaking tulong daw ‘yon para hindi ako mahirapan sa second level. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon, bigla kasi sumakit ang aking ulo.
“Ayos ka lang?” tanong ni Castor
Napatingin ako sa kanya habang nakalapat ang tatlong daliri ko sa aking sentido.
“Bigla kasi sumakit ang ulo ko.” sabi ko
"So everyone open your books to page…" sabi ni prof
Napalingon ang lahat ng magtaas ng kamay ang isa sa klase.
"Wala po ba tayong sitting arragement?" tanong ni Bryan, ang classmate ko na parang uminom ng isang dosenang growing potion.
Sobrang tangkad nya kasi, mabuti na lang mataas ang kisame ng room.
"No! Kung saan kayo komportable maupo walang problema sa akin, basta siguraduhin nyo lang na may naiintindihan kayo sa ituturo ko or else…" sabi ni Prof
Tumahimik ang lahat, hinihintay ang susunod na sasabihin ni Prof. ‘Or else anong gagawin nya sa amin?’
“Hindi ko kayo ipapasa.” Dagdag ni Prof
Hindi lumilingon si Castor sa akin, nakatingin lang siya sa prof at minsan ay sa labas. Ako naman ay pa simpleng sumusulyap sa katabi ko, baka kasi nakatitig na naman siya sa akin. Ngunit napahiya ako, nakatingin siya sa libro at mukhang seryoso. Napahawak ako sa batok ko, hinilot ko ng bahagya.
‘Parang magkakasakit yata ako..’
"We can still be friends right?"
Tumigil ako sa paghilot sa aking batok, dahan dahan kong tiningnan ang katabi ko. Seryoso si Zaiden Alfiro habang nakatitig sa akin. Hindi ako nakapagsalita, nabigla ako sa tanong niya.
"Ha?!" 'Anong sinabi nya? Naging friend ko na ba siya?'
Bahagya siyang lumingon kay prof saka muling ibinalik ang tingin sa akin.
“Sabi mo still? Bakit naging friends na ba tayo?” natatawa ko pang tanong
"Can we be friends?” tanong niya
Hindi ako sumagot, habang nakatingin ako sa kanyang mga mata, may kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib.
"I’ll take that as yes!” nakangiting sabi niya
Hindi na ako agad nakapagsalita. Napalingon lang ako kay Castor saka ko muling tiningnan si Zaiden Alfiro.
"What makes you think na gusto kitang maging kaibigan?” tanong ko
Nakangiti pa rin sa akin si Zaiden. “I just know.”
Pagkasabi noon ay umayos na ito ng upo at humarap na siya sa unahan para pakinggan ang kanina pang nagsasalita na prof.
"Everyone repeat after me.. "ha- nehm"."
"Ha- nehm!"
"Ha-nehm means to fix.. so if you want to fix something hold your wand, swish it and together with the flick say Ha-nehm."
Ginawa namin lahat ang sinabi ni Prof Chanter. Yung sirang bagay na nasa table namin ay nabuo ulit na parang hindi nasira.
"So guys tandaan nyo lang na ang ha-nehm is use to fix the object ok?"
Tumango naman ang lahat ng estudyante. "Turn your books to page fifteen." Sabi ni prof
Napalingon ulit ako kay Castor, nagbubuklat siya ng libro.
"This is a simple and basic spell to protect your belongings... if someone touches an object enchanted with this they will turn into anything you want them to be. Tingnan nyo ito guys.."
Isang libro ang inilapag ni Ms. Chanter sa table niya pagkatapos ay sinabi nya ito.
"Anyone who touches my things
give them a cursed
Make them anything that has paws."
Nagdadalawang isip pa si Joy habang dahan dahang tumayo at naglakad papalapit kay Miss Chanter.
"Wag ka matakot. Sige touch it.."
Nang mahawakan ni Joy ang libro, napangiti pa siya dahil wala naman nangyari sa kanya pero after ng mga thirty seconds ay naging pusa siya. pusa na may ribbon.
"See? Ganyan ang mangyayari sa mga malilikot ang kamay!"
Tumatawa pa rin kami sa itsura ni Joy. Kahit lobster na mukha pa ring maarte. Ibinalik din ni Miss Chanter si Joy sa dati. Mabilis itong bumalik sa kinauupuan niya.
"Page eighteen na tayo guys... sino ang familiar sa transfiguration spell?"
Marami ang nagtaas ng kamay. "Good! So na try nyo na ba?"
Lahat ay sumagot ng hindi pa.
"Ituturo ko sa inyo ang basic transfiguration spell, basic lang muna kasi mga estudyante pa lang kayo... so sinong gusto magvolunteer?"
Walang nagtaas ng kamay sa amin kahit isa. Natawa naman si Miss Chanter.
"Hey guys wag kayo matakot.. basic spell pa nga lang ang itinuturo ko.."
Wala pa ring nagtaas ng kamay sa amin.
"Ok sige ako na lang! Use your imagination, isipin nyong mabuti kung ano ang gusto nyo maging... concentrate lang kayo tapos isipin nyo kung anong hayop ang gusto nyo maging then chant this:
“With this wand, let me change,
Change me into something
What my mind is thinking.
Now change me to be a dog
So mote it be!”
Hindi pa kami kumukurap ng makita namin maging cute na cute na aso si Miss Chanter. Umakyat ito sa lamesa at nag palakad lakad pa ito sa ibabaw. After five minutes bumalik na ulit siya sa dati. Pumalakpak naman kaming lahat. Mukhang may favorite teacher na ako.
Matapos ang buong klase sa maghapon ay tumambay kami ni Castor sa may fountain. Maganda kasi dito bukod sa maaliwalas, masarap talaga tumambay. Si Castor naman ay umakyat sa puno di kalayuan sa fountain saka nahiga sa sanga nito.
"Bumaba ka nga dyan.." sabi ko
"Ayoko dyan sa baba." Sabi naman ni Castor
Kumunot naman ang aking noo. "Ha? Bakit?"
"Ayoko na pinagtitinginan ako.. " sabi niya
Pagkasabi noon ay tinakpan na niya ng braso niya ang mukha niya at mukhang matutulog na siya. Inis na inis naman akong naglakad pabalik sa may fountain.
“Kahit kelan talaga, ang boring niya. Nakakainis!” bulong ko sa hangin
Habang nakatayo ako sa harapan ng fountain, na enjoy ko ang malamig na hangin. Muli kong naramdaman na may nakatingin sa akin kaya naman lumingon lingon ako sa paligid hanggang sa mapansin ko si Zaiden Alfiro na nakatitig sa akin. Nang mapansin niyang napatingin ako sa kanya, kumaway ito. Hindi ako ngumiti sa kanya. Imbes ay bumalik ako sa bench at naupo. Nagbuklat ako ng libro.
"Oceane!"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Zaiden Alfiro nakaupo sa tabi ko.
"Anong kailangan mo?" medyo inis kong sabi
Napangiti ito. Nakaramdam ako ng kaba. Kahit pa sikat ito sa buong Academy dahil sa pagiging magandang lalaki nito, may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing titingin at ngingiti siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung ano iyon. Lumayo ako ng bahagya sa kanya.
"Mamaya pwede lumabas ang mga estudyante para pumasyal sa Night Market." Sabi niya
“Alam ko.” sabi ko naman
“Lalabas ba kayo ni Castor? Gusto ko sana sa inyo na lang sumabay.” Sabi ni Zaiden
Nakatitig na naman siya sa akin. Sa tuwing tinitingnan ko ang mga mata niya, nakikita ko lang ay lungkot kahit nakangiti siya.
"S-sige! Ok lang." sabi ko
"Thanks." Sabi niya
Ngumiti lang ako. Napansin ko na naman na nakatitig siya sa akin. Bahagya akong sumulyap sa kanya.
"You know you're scary, why do you always stare at me?" tanong ko
Huminga ito ng malalim ."Na miss kasi kita!" mahina niyang sabi ngunit sapat na iyon para marinig ko ito.
Parang tumalon ang puso ko sa sinabi niya. ‘Ano ito? Kinikilig ba ako?’
Napalingon ako sa kanya. “What do you mean?”
Bahagya lang siyang ngumiti at hindi na nagsalita. Umiwas na rin siya ng tingin sa akin at ibinaling ito sa kinaroroonan ni Castor.
‘Anong meron sa lalaking ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?’ Ngayon ko lang siya nakilala, pero bakit parang…. Ang tagal na!’
Ipinagbabawal sa Academy ang magsama ang lalaki at babae sa iisang silid kung hindi ito library, dining hall at room sa klase. Mahigpit sa loob ng dormitory dahil ang mga Fourth Level, sila ang nagbabatay sa amin. Ngunit balewala ito kay Castor na kayang maglabas pasok sa aking silid ano man oras niya gustuhin. Bagaman alam ni Headmistress Alyora ang tungkol dito, wala naman iba pang nakakaalam sa pagtambay ni Castor sa silid ko.
“Ano ayos na ba itong suot ko?” tanong ko kay Castor
Nakaupo siya sa may bintana habang nakatingin lang sa bawat kilos ko.
Nagsmirked siya. “Akala ko ba sa Night Market tayo pupunta?”
“Oo, doon nga.” Sabi ko naman
Mabilis siyang nakalapit sa akin sa isang kisap mata ko lang. Hawak niya ang robe ko at iniabot ito sa akin.
“Isuot mo ito.” Sabi niya sabay abot ng robe ko
“Hindi naman kailangan na isuot ito.” Sabi ko sabay kuha ng robe
“Malamig sa labas, kung ganyan ang suot mo baka magkasakit ka.” Sabi naman niya
Bahagya akong napangiti. ‘Napaka boring talaga ng taong ito. Okay naman ang suot ko ah!’
Humarap ako sa salamin saka ko muling pinagmasdan ang aking suot na tshirt na kulay baby blue at half leg na paldashort na kulay puti.