Zaiden
First day of school year. Second level na ako. Tatlong buwan na ang lumipas matapos mangyari ang trahedya sa aking buhay. Namatay ang aking kapatid at ama dahil sa pagtatraydor ko sa Dark Sorcerer, mailigtas lamang ang babaeng gusto ko. Nailigtas ko nga siya sa kamatayan at tatlong buwan na rin mula noong huli ko siyang makita.
Sumulyap ako sa malaking orasan sa main building, ilang minuto na lang at magsasara na ang mataas na tarangkahan, ngunit hindi ko pa siya nakikita. Muntik na ako mawalan ng pag- asa, ilang minuto pa ang lumipas at muling tumibok ang puso ko.
Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti ng makita ko ang dalawang taong kilala ko na sabay naglalakad papasok sa tarangkahan.
"Hi!" bati ko sa kanila. “Kamusta na?”
Tumigil sina Castor at Oceane sa harapan ko.
"Ayos lang. Anong ginagawa mo dito?" casual na tanong ni Castor sa akin
Sumulyap muna ako kay Oceane saka ako nagsalita. “Hinihintay ko kayo.”
Isang sulyap lang ang ginawa ni Oceane sa akin, pagkatapos ay lumingon na siya sa paligid. Huminga ako ng malalim.
“Tara na?” sabi ko
Tumango naman si Castor, hindi naman nagsalita si Oceane
Saka kami sabay-sabay pumasok sa loob ng Academy Maraming nagbago sa buhay sa loob lamang ng tatlong buwan, bukod sa pagiging ulila, hindi ko inaasahan na magiging magkaibigan kami ni Castor. Tinulungan ko siya na ibalik ang kaluluwa ng mga kalahi niya at ngayon ay gumawa sila ng isang maliit na animo’y bayan sa teritoryo ng mga Elf.
At dahil sa kagustuhan ni Nazar na mabantayan ang kanyang anak, pinayagan ni Headmistress Alyora na pumasok si Castor sa Academy. Dahil na rin na isa siyang half vampire, kinailangan niyang mapanatiling kalmado ang kanyang sarili sa tuwing papasok sa Academy. Inaasahan ko na rin na magiging kasama namin siya sa Section Fire kung saan nakapasa siya sa pagsusulit para makasabay namin siya sa klase bilang Second Level.
KRING!
Tumunog na ang bell, ibig sabihin malapit na magsimula ang klase. Ang unang subject namin para sa araw na ito ay Magical Creatures and its Origin.
"Good Morning Second year! Kilala nyo na ba ako? I'm Saatchi, your professor for Magical Creatures and its Origin."
Tulad ng dati, pagpapakilala, kwentuhan at ang boring na talent portion. Nakaupo lang ako di kalayuan kina Castor at Oceane na magkatabi sa upuan. Hindi ko maiwasan na hindi siya tingnan, at dahil doon bumabalik lahat ng alaala, nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Siguro guilt na rin ito dahil sa aking mga nagawang kasalanan sa kanya. Napatingin siya sa akin. Para akong bata na, biglang iwas ng tingin sa kanya. Palihim akong sumilip at nakita ko na kausap na niya si Castor.
Lunch break, dumiretso kami sa dining area magkakasabay kaming tatlo. Hindi ko kayang nakikita na masyadong kumportable si Oceane kay Castor kaya naman palagi akong nasa unahan nila.
"Castor, bakit panay ang tingin sa akin ng kaibigan mo? Nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin." narinig kong tanong ni Oceane.
"Ang dami mong napapansin." sabi ni Castor
Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Oceane. Dahil nauuna ako sa kanilang dalawa, una akong nakarating sa pintuan ng Dining Hall, ngunit kusang huminto ang aking mga paa sa pintuan pa lang. Huminga ako ng malalim, nang makita ko ang mga First Level sa unang table. Muling bumalik ang alaala namin ni Oceane sa table na iyon.
“Ano pang ginagawa mo dyan? Tara na sa loob.” Sabi ni Castor ng makalapit sila ni Oceane sa akin
Bahagya lang ako napangiti habang muling sinulyapan si Oceane na nagsimula ng pumasok sa loob ng Dining Hall.
Oceane
"SOBRANG weird ng kaibigan mo.Natatakot na ako sa kanya ha!" bulong ko kay Castor.
Napapansin ko kasi na lihim na sumusulyap sa akin yung kaibigan ni Castor. Ang sabi niya sa akin si Zaiden Alfiro daw ‘yon. At sa tuwing nahuhuli ko naman ito na nakatingin sa akin, biglang iiwas ng tingin.
"Kumain ka na lang." sabi ni Castor
Walang interes makinig sa akin si Castor sa tuwing magtatanog ako o magkukwento tungkol sa wirdo niyang kaibigan. Lumingon ako muli sa lalaking iyon, may kausap na itong mga babae sa tabi kaya naman muli kong ibinaling ang aking paningin sa masasarap na pagkain sa lamesa.
Next subject namin Potion for Secondary Wizard. Maganda at maaliwalas ang room. Kumpleto rin sa gamit ang mahabang lamesa. Pagpasok namin sa loob wala yung prof kaya naman mabilis akong pumili ng magandang pwestong uupuan. Hindi naman pumapasok sa room si Castor, naiilang siya sa mga estudyanteng kasama namin. Papasok na lang daw siya pag nandoon na ang prof.
Muli akong nakaramdam na parang may nakatingin sa akin, at hindi nga ako nagkamali. Nahuli kong nakatingin sa akin si Zaiden Alfiro. At sa mga sandaling iyon, hindi siya umiwas ng tingin, naramdaman ko na lang na nakatitg na rin ako sa kanya. Para akong naalimpungatan ng marinig kong magsalita ang prof namin kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya.
"Kamusta second year? Well, ako ang magiging prof ninyo sa Potion for Secondary Wizard. I'm Malcus." Pakilala nito. “Well, class gusto ko may sitting arrangement tayo so I can recognize you easily. I will know kung sino ang wala sa klase ko kaya naman stand up class.. aayusin natin ang upuan nyo.”
Matapos ayusin ang mga upuan, nagsimula ng magtawag ng last name si Prof Malcus. Sa tingin ko, by last name ang sitting arrangement ang gusto niya.
“So maraming letter A.. last ka Mr. Alfiro..kasunod mo na si Ms. Gyresky, Ms. Humin next ka kay Ms. Gyresky..” sabi ni prof
Napatingin muna sa akin yung Zaiden bago lumapit sa upuan sa unahan. Sumunod naman ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Halos kalahating oras pa lang kami sa klase, hindi na ako mapakali. May something sa lalaking katabi ko na hindi ko maipaliwanag. Napapansin ko ang lihim na naman niyang pagsulyap sa akin pagkatapos ay ngingiti.
"So I'll be teaching you guys on how to make a wish potion.. so everyone open your cabinet under your table and do the potion." dirediretsong sabi ng prof.
Ipinatong ko sa ibabaw ng table ko ang salt, ang cup at my note na kailangan ng isang hibla ng aking buhok.
"Put the salt in the water then hair strand and say:
"I'd have to drink this
A will and drinks three
There will be .. "
"Put salt in the water then hair strand and say:
"I'd have to drink this
A will and drinks three
Three will take "
Ginawa ko ang nakasulat sa board at saka ibinulong sa hangin ang wish ko. Napatingin ako sa katabi ko. Eksaktong bumulong siya sa hangin ng kanyang wish at napalingon ako sa kanya. Ilang segundo rin siyang nakatitig sa akin saka siya bahagyang ngumiti at muling ibinalik ang tingin sa libro.
'Ano kayang problema nito? Nakakapikon na!'
Magkasalubong ang aking kilay sabay tapik sa braso ng katabi ko. Nang lumingon siya, tumaas ang kanang kilay ko.
"Is something wrong? " mataray kong tanong
"Ha?" maang nitong tanong
"Hindi ka lang weird, bingi ka pa! Alam mo bang nakakapikon ka na ha?" inis ko naman na sabi
Hindi siya sumagot, imbes ay nakatitig na naman siya sa akin.
"Bakit palagi kang nakatingin sa akin? Do you have a problem with me? " tanong ko
Imbes na sumagot sa aking tanong, ngumiti ito sa akin kaya naman mas lalo akong napikon.
"At talagang inaasar mo ako noh?" gigil kong tanong
"No! I just remembered someone...." nakangiti nitong sabi
Pagkasabi nun ay bigla itong tumayo. Dun ko lang napansin na tapos na pala ang klase namin.