Chapter 3: Frost Youngwhite

1935 Words
Oceane Isang katok sa pinto ang narinig ko kaya naman agad kong isinuot ang robe at lumingon sa kinaroroonan ni Castor ngunit wala na siya, marahil ay lumabas na sa aking silid. "Hi!" Nakangiting bati ni Zaiden Alfiro pagbukas ko ng pinto. Nagtaka naman ako. "P-paano mo nalaman ang silid ko?" tanong ko "Ha?" maang niyang reaksyon Ewan ko ba, parang nag iisip siya ng isasagot niya. Napakamot ito sa batok. "With this…..." Itinuro niya ang name ko sa pintuan. ‘Oo nga naman may pangalan ko nga naman, bakit pa ako nagtanong diba?’ "Ready ka na ba?" tanong niya “Ah yeah!” sabi ko sabay lumabas ako ng silid Lumingon muna ako sa loob ng silid ko bago ko tuluyang isinara ito. Habang naglalakad kami sa hallway ng dorm, napansin kong napapatingin sa amin ang lahat. "Anong meron? Bakit nakatingin sila sa atin?" bulong ko Lumingon lingon na naman si Zaiden Alfiro. "Palagi naman sila ganyan tumingin pag magkasama tayo, kahit dati pa." sabi ni Zaiden Kumunot ang noo ko. “What do you mean kahit dati pa?” tanong ko Hindi na sinagot ni Zaiden Alfiro ang tanong ko dahil pagbaba namin sa dorm, isang gwapong lalaki ang sumalubong sa amin. Tinitigan ko siya, parang kilala ko na siya kaya lang hindi ko siya maalala. "Zaiden pare!" umakbay pa ito kay Zaiden Alfiro pagkatapos ay tumingin sa akin. "Kamusta ka na?" nakangiti nitong bati na para bang matagal na kaming magkakilala "O-ok lang!" sabi ko naman Tinitigan muna ako nang lalaki bago siya tumingin kay Zaiden, feeling ko pinag uusapan nila ako gamit ang mga mata. Bumaling ulit ang lalaki sa akin. "Sorry, feeling close ako. I'm Tim nga pala!" pakilala niya "Hi!" nakangiti ko namang bati. “Oceane.” Ilang sandali pa dumating si Castor. Tulad ng tipikal niyang araw naglalakad ito na nakalagay ang isang kamay sa bulsa habang seryoso lagi sa buhay. "Tayo na!" iyon lang ang sinabi ni Castor. Apat kaming naglakad sa kagabutan papunta sa portal papasok ng Night Market. Habang naglalakad, napansin kong tinititigan ako ni Tim. Naiilang tuloy ako sa magkaibigan na yon. Napansin naman ni Castor ang paghawak ko sa braso niya. "Bakit?" tanong ni Castor "Ha? Wala! Wala lang!" sabi ko Hanggang sa makarating kami sa Night Market nakahawak ako sa braso ni Castor. Halos lahat ng makasalubong namin ay napapatingin sa amin. Dumaan kami sa Katie’s Home of Broomstick. May kukunin daw doon si Tim. Sa labas ng store, makikita ang isang magandang display ng broomstick. Sa tatak nito at presyo mamahalin talaga ito. Naglakbay ang isip ko, isang malabong pangitain ang nakita ko, pagkatapos ay kumirot na naman ang aking dibdib. "Bakit?" Nagulat pa ako ng magsalita si Zaiden Alfiro, hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya. Nakatingin siya sa aking kamay na noon ay nakahawak sa aking robe sa tapat ng aking dibdib. "Is something wrong? " Nakatitig na naman siya sa akin, pero ngayon imbes na lungkot ang nakikita ko sa mga mata nya, pag aalala naman. "W-wala wala naman..." mabilis akong umalis sa tabi niya. Tumakbo ako papalapit kay Castor. Napatingin naman siya sa akin paglapit ko. “Namumula ka. May sakit ka?” tanong niya “H-ha? W-wala akong sakit.” Sabi ko Hindi na nagsalita si Castor, nakatingin siya sa mga grupo ng estudyante na nagkukwentuhan di kalayuan sa amin. "Your friend is really weird!" sabi ko. Lumingon pa ako kina Zaiden Alfiro at dun sa Tim na kaibigan nito. "They are not my friends..." sabi ni Castor na hindi man lang ako tinitingnan. Kumunot ang aking noo. "Ha? Bakit kilala ka nila?" Tiningan ako ni Castor. "They are your friends, right?" Mabilis ang pag iling na ginawa ko. "Ofcourse not!..." Napansin kong bahagyang ngumiti si Castor. ‘Friends ko ba talaga sila? Paano? Kailan? Bakit?’ Tatlong oras din kaming nagpaikot ikot sa Night Market para bumili ng mga requirements sa school. Hinihintay ko sina Zaiden at Tim sa labas ng Jakos Clothing Store isang matandang babae ang lumapit sa akin. “Hija, maari ba akong humingi ng tulong sa’yo?” tanong nito “Ah sige po.” Sabi ko naman May dalang apat na bag nang pinamili ang matandang babae, ang isang bag ay may laman na mga rosas. “Maari mo bang, itali ang dalawang bag na ito para masmadala ko ng maayos?” sabi niya Itinuro niya ang dalawang bag na sinasabi niya. “Ah sige po, ako na bahala.” Sabi ko naman Ilang sandali lang ay nagawa kong itali ang dalawang bag, mas madali na itong madadala ng matanda. “Maraming salamat, hija.” Sabi ito “Wala po iyon. Kaya nyo na po ba ito buhatin lahat?” tanong ko Ngumiti ang matanda sa akin. “Oo kaya ko na ito. Malaking tulong ang ginawa mo.” Kumuha ng isang rosas ang matanda mula sa kanyang isang bag at iniabot ito sa akin. “Heto, para sa’yo hija.” Sabi nito “Ay naku lola wag na po.” Sabi ko naman “Tanggapin mo na. Hindi naman magtatampo ang aking asawa kung kulang ng isa ang aking dalang bulaklak. Sige na..” sabi ng matanda Kinuha ko ang bulaklak saka ako ngumiti sa matanda. “Salamat po, napakabagong bulaklak po nito.” Sabi ko “Talagang mabango iyan hija. Pinitas ko pa iyan sa aking hardin.” Sabi nito “Eh lola bakit may dala kayong bulaklak kung sa hardin nyo naman po pala ito pinitas? Wala po ba sa bahay ang asawa nyo?” tanong ko Umiling ang matanda. “Dadalhin ko ito sa aking asawa.” “Nasaan po baa ng asawa nyo, lola?” tanong ko “Ilang buwan na mula ng ako’y kanyang iwan, gayon man ang pag dalaw ko sa kanyang puntod araw araw ay malaking bagay para sa akin. Para ko na rin siyang kasama.” Sabi nito “Ang sweet naman po ninyo..” sabi ko “Oceane..” Napalingon ako sa kinaroroonan ni Tim. Kasama na nito sina Castor at Zaiden. Nakatayo sila sa labas ng store di kalayuan sa akin. “Sige po lola, mag iingat po kayo.” Sabi ko “Salamat ulit hija.” Sabi ng matanda Mabilis naman akong tumakbo papalapit sa kinaroroonan nila, hindi sinasadyang bumagsak ako sa kalsada. "Aray!" Napaupo ako. Nabangga kasi ako. Parang nakakita ng multo sina Zaiden Alfiro at yung kaibigan nito. Si Castor naman, bagaman natigilan din wala naman itong reaksyon. Hindi nga nila ako tinulungan na tumayo at pulutin ang mga nalaglag na gamit. Matapos ko damputin ang mga pinamili ko sa kalsada at muling ibalik sa bag, napatingin ako muli sa tatlong lalaking kasama ko. Nakatitig sila sa isang lalaki na halos, dalawang metro lang ang layo sa amin. Nakaupo ito sa isang coffee shop, at mula sa labas kung saan kami nakatayo ay makikita siya sa loob dahil sa glass wall ng shop. "Hey anong nangyari sa inyo?" Hinarap ko silang tatlo. Wala ni isang sumagot sa tanong ko. Napansin kong tumingin si Zaiden Alfiro kay Castor. "Hey! Ano bang nangyayari sa inyo?" Wala pa rin sumagot sa tanong ko. Nagulat na lang ako ng may magsalita mula sa aking likuran. "Hi!" Napalingon ako. "Hi!" Hindi naman bumati sina Zaiden, Castor at Tim. Tahimik lang silang nakatingin sa lalaki. "May problema ba? Kanina ko pa sila napapansin na nakatingin sa akin." nagtataka namang tanong sa akin ng lalaki. "Ha? H-hindi ko rin alam eh." Sabi ko Ngumiti ito. Isang pamilyar na ngiti na di ko alam kung kanino. "Anong Section mo sa Academy?" tanong nito “Ah Section Fire ako, Second Level.” Sabi ko “Ah, sa tough section ha!” sabi nito "Ikaw anong Section ka?" Napalingon ako sa nagsalita, si Zaiden. "Section Wind Second Level." Sabi ng lalaki Napansin kong nagkatinginan ang tatlo sa sinabing yon ng lalaki. "Pare anong pangalan mo?" tanong naman ni Tim "I'm Frost, by the way.." sabi nito Iniabot nito ang kamay niya sa akin, pero ng aabutin ko na, biglang sumingit ang isang kamay. Kumunot ang aking noo ng makilala kung kaninong kamay iyon. "I’m Zaiden magkakapareho kaming section." Sabi ni Zaiden "I’m Tim, pare!" sabi naman ni Tim "Castor.." sabi lang ni Castor “Ako naman si…” singit ko naman “I know you, Oceane, right?” nakangiting sabi ni Frost “Y-yeah! Paano mo nalaman?” tanong ko “You’re famous, pinag uusapan ka ng lahat.” Sabi nito Sumulyap ako sa tatlo bago muling lumingon kay Frost. “Talaga? Bakit naman ako magiging sikat?” tanong ko “Well, according to hearsay, kasalanan mo kung bakit namatay ang matalik mong kaibigan.” Sabi nito “What?!” gulat kong reaksyon. “A-anong sinasabi mo?” “Wala sa itsura mo ang pagiging tsismosa.” Seryosong sabi ni Castor “Hindi totoo ang kwento tungkol kay Oceane. Kung sino man ang nagsabi, siya ang leader ng mga tsismosa.” Sabi naman ni Tim “Hindi naman ako naniniwala sa mga kwento lang. Isa pa..” sabi ni Frost sabay tingin sa akin. “Wala sa itsura mo ang traydor.” Sabay tingin kay Zaiden Nagkatitigan sina Zaiden at si Frost. Nakaramdam ako ng tension sa titigan nila. “Pinaparinggan mo ba siya?” tanong ko kay Frost Ngumiti sa akin si Frost. “Siya si Zaiden Alfiro, katulad mo, sikat din siya sa Academy. At ang pamilya niya, sikat din bilang…” Nagulat kami ng hawak ni Castor ang leeg ni Frost at nakasandal na ito sa glass wall ng shop. Hindi namin namalayan sa sobrag bilis niyang kumilos. “Castor..” sabi ko “Itikom mo ‘yang bibig mo kung ayaw mong ubusin ko ang dugo sa katawan mo.” Narinig kong sabi ni Castor Tumahimik ang lalaki at bakas sa mukha nito ang takot. “What the hell is happening here?” Napalingon kaming lahat sa nagsalita mula sa may pintuan ng coffee shop. "Alyssa?" sabay sabi nila Tim at Zaiden Napalingon naman ang babae sa dalawa. Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha nito ng makita kami. Binitiwan naman ni Castor si Frost. "Zaiden, Tim.." sabi ng babae "Kilala mo si Frost?" tanong ni Tim Napalunok si Alyssa bago siya ngumiti. "Ofcourse, he’s my fiancé. Let’s go Frost.." sabi nito saka hinawakan niya sa braso ang lalaki at sabay silang umalis. "Parang may something..” Napalingon sa akin ang tatlong lalaki. “Hindi ko maipaliwanag pero parang may something talaga.” “Bakit? May naaalala ka ba sa lalaking iyon?” tanong ni Tim Kumunot ang aking noo. “W-wala. Bakit?” “Tim..” sabi ni Zaiden ngunit sa akin siya nakatingin. “Stop.” “Bakit ang seryoso nyo?” tanong ko. “Anong meron sa Frost na iyon at naging seryoso kayo?” “Tapos ka na mamili diba? Bumalik na tayo sa dorm.” Sabi ni Castor sa akin “Ha? Diba tayo kakain o papasyal man lang?” tanong ko “Pagod na ako. Gusto ko ng matulog.” Sabi ni Castor “Sus! Palagi ka naman pagod.” Sabi ko “It’s better if babalik na tayo. Malamig na ang simoy ng hangin, baka magkasakit ka.” Sabi naman ni Zaiden Kumunot ang noo ko. Hinawakan naman ni Zaiden ang kamay ko. Agad kong inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. “Hey, wag mo akong hawakan.” Sabi ko Saglit na natigilan si Zaiden saka muling nagsalita. “S-sorry.” “Tara na.” anyaya ulit ni Castor Hinawakan ako ni Castor sa braso para umalis na sa lugar na yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD