16

1387 Words
3rd Person's POV; "Nasaan si Hade, Kyle!" "Sa tingin mo ba sasabihin ko talaga sayo?" "Demonyo ka talaga Kyle, minahal ka ni Hade tapos ganito gagawin mo sa kanya!" Kasalukuyang nagkatutukan ng baril si Navaeh at Arkhon ng---. "Anong nangyari?" Tanong ng producer ng mapahinto sa pagsasalita si Arkhon. "Cut!" Sigaw ng director. "Arkhon anong nangyari?" Nakakunot ang noong tanong ng director. "Director nakalimutan ko yung line ko."sagot ni Arkhon. "Tangna." Mura ni Tobi ng muntikan na itong mahulog sa kinauupuan dahil sa sinagot ng alaga. "Nakalimutan niya?" Ulit ni Nhate na kinakunot noo ni Cross. "Pasensya na Direk last month ko pa nabasa ang part na ito hindi ko na matandaan yung iba pang line." Pakamot-kamot sa ulong sagot ni Arkhon. "Manager Revere!" Sigaw ng director na kinangiwi ng manager. -- Kasalukuyang inaayusan ng make up and hairstylist si Cross ng---. "Kausapin ko sandali si Cross." Napatingin sa reflection ng salamin si Cross nang may magsalita sa likuran niya at nakita nito ang manager ni Arkhon. "Sige po." Ani ng isa sa mga staff bago namumulang mga umalis matapos sila ngitian ng binata. "Anong kailangan mo?" Tanong ni Cross bago iikot ang swivel chair at harapin ang lalaki. Matapos magsara ang pinto hindi umimik si Cross ng lumuhod si Tobi at yumuko bilang pag-galang. His POV; Kasalukuyan kong binabasa ang manuscript at mga line na kakailanganin ko sa mga susunod na araw nang umupo si Valentine sa katapat kong upuan. "Mukhang busy ka ah." Panimula ni Valentine. "Wag ngayon Valentine busy ako." Bulong ko habang iniisa isang buklatin ang manuscript hanggang sa hawakan ako ni Valentine sa kamay na kinatingin ko. "Masasabi mo pa kaya yan pag nakilala mo ako." Bulong ni Valentine matapos mapako ang tingin ko sa suot niyang singsing. "Anong sinasabi mo?" Ani ko habang nakakunot ang noong inangat ang tingin ko. "Arkhon, sa loob ng ilang taon nagsikap at nagtiis ako na hindi ka makita ... Ayaw ng pamilya mo sakin kasi mahirap lang ako kaya pinaghiwalay niya tayong dalawa at itong singsing na ito ang tanda na nagsama talaga tayong dalawa." Ani ni Valentine na kinatigil ko ng itaas niya ang kaliwang kamay at pinakita ang singsing. "Fiancé mo ako at itong singsing na ito dalawa lang sa buong mundo, yung nasa akin tapos yung sayo ... nangako ka na babalikan mo ako Arkhon pero hindi ko iniexpect na kakalimutan mo talaga ako." Bulong ni Valentine. "Imposible yang sinasabi mo hindi kita kilala." Nag gigitgit na sambit ko tatayo ako para umalis ng---. "Arkhon alalahanin mo naman ako ... k-kailangan kita." Napatigil ako ng yakapin ako ni Valentine at umiyak. "Valentine nasa site tayo, hindi kita maalala at hindi ko alam ang sinasabi mo." 3rd Person's POV; "Cross anong nangyayari? Kulang na lang baliktarin mo ang buong cabin ... ano bang hinahanap mo?" Tanong ni Nhate ng makita ang ginagawa ng lalaki. "Nhate nawawala yung singsing ko." Ani ni Cross na kinakunot noo ni Nhate. "Anong singsing? Hindi ka naman nagsusuot ng mga accessories diba?" Ani ni Nhate ng---. "Wait yung wedding ring?" Nanlalaki ang matang tanong ni Nhate ng maalala yung time na pinagmamalaki sa kanya ni Arkhon yung wedding ring na binigay sa kanya ni Cross. "Hindi ko sinusuot yun kasi magiging issue kung may makakita nun at pareho naming suot ni Arkhon, nasa bag ko lang yun ... Nhate wala bang pumasok dito?" Tanong ni Cross nang tumulong na din sa paghahanap si Nhate. "Magkasama tayo maghapon Cross remember?" Sagot ni Nhate bago sumilip sa ilalim ng kama. "Hindi pwedeng mawala yun." Bulong ni Cross bago umupo sa kama at ilabas lahat ng gamit niya. --- Sa paghahanap ng singsing ni Cross lumabas ito ng cabin para tingnan ang mga lugar na pinuntahan niya simula ng dumating siya sa isla. Busy ang lahat sa taping dahil bakante nun si Cross kung saan-saan na ito nakarating ng walang sumisita sa kanya. Naglalakad papasok si Cross para pumunta sa penthouse kung nasaan ang ilang stuntman para sa practice ng---. "Ano pa bang gusto mong patunay Arkhon?" Napatigil sa paglalakad si Cross ng marinig ang boses ni Valentine. Imbis papunta sa penthouse humakbang si Cross para sundan ang mga boses. Nang makarating ang binata sa tagong lugar napatigil si Cross ng makita si Arkhon at Valentine na magkadikit ang mga labi. Hindi nakagalaw si Cross at para pa itong nabato sa kinatatayuan dahil sa nakikita. Kasunod sa pagatras nito ang kaluskos at titingin si Arkhon sa pwesto nila ng may humila kay Cross paalis. Napatigil ang binata ng mahagip nito ang likuran ni Cross, susundan ito ni Arkhon ng hawakan siya ni Valentine sa braso. "Arkhon wag kang magpapadala sa lalaking yun, niloloko ka lang niya isa siya sa mga taong gusto ka makuha." Ani ni Valentine na kinakuyom ng kamao ni Arkhon. "Hindi kita maalala Valentine kahit alam mo lahat ng tungkol sakin, hindi kita maalala." Ani ni Arkhon. "Hindi mo din maalala si Cross diba? Bakit mo siya susundan? Arkhon ayoko ng mawala ka pa ... past mo na si Cross matagal na kayo tapos since ng dumating ako." Ani ni Valentine bago niyakap si Arkhon. "Alalahanin mo ako Arkhon please." Bulong ni Valentine. "Ayos ka lang?" Tanong ni Lucas ng huminto sila sa isang maliit na kubo. "Tama si Nhate nakakaloko yang tanong mo kung ayos lang yung tao kung nakikita mo namang nasasaktan diba." Banat ni Cross habang nakayuko. Natahimik ng ilang minuto si Lucas ng kahit nakayuko kitang-kita nito ang butil ng luha na tumutulo sa mata ng binata. "Cross." Bulong ni Lucas bago humakbang palapit sa lalaki at aabutin nito ang pisngi ni Cross para punasan ang luha ng binata nang may sumalo sa mga kamay niya. "Arkhon." Ani ni Cross bago pinunasan ang sariling pisngi ng makita ang binata na nasa pagitan nilang dalawa ni Lucas. "Don't touch him." May diin na sambit ni Arkhon na kinakunot noo ni Lucas bago tinabig ang kamay ni Arkhon na nakahawak sa kamay niya. "Pano mo nagagawang angkinin ang bagay na hindi mo naman maalala?" May diing tanong ni Lucas. "Hindi sapat na rason ang hindi ko maalala para pumayag akong angkinin ng iba ang pakiramdam kong sa akin talaga." Nagdidilim ang anyong sagot ni Arkhon bago hilahin si Cross at umalis. "Arkhon bitawan mo ako!" Sigaw ni Cross habang pilit na kumakawala kay Arkhon. "Labas." Utos ni Arkhon sa mga katulong na nasa penthouse. "Sabi ko labas!" Sigaw ni Arkhon na kinatalima ng mga katulong na nagtatakang nakatingin sa dalawa. Nang sumara ang pinto at makalabas lahat ng katulong at staff na nasa loob, buong lakas na tinabig ni Cross ang kamay ni Arkhon na nasa braso niya. "Ano si Lucas ba ha? Anong meron sa inyo ng Lucas na yun?" Nanggagalaiting sambit ni Arkhon matapos siyang tingnan ng masama ni Cross. "Anong pakialam mo kung anong meron samin ni Lucas? Magsama kayo ni Valentine." May diing sambit ni Cross aalis ito ng hawakan siya ni Arkhon sa braso. "Ano babalikan mo yung Lucas na yun ha?" Nanggagalaiting sambit ni Arkhon. "Bitawan mo nga ako! Ayoko na Arkhon at tandaan mo ito, ito na ang huling beses na magkikita tayo dahil aalis na ako after nitong taping hindi na kita guguluhin katulad ng gusto mo." "Kalimutan mo na lahat ng nangyari sa ating dalawa at magsama kayo ng Valentine na yun." Giit ni Cross na may galit sa mga mata. Tatalikod ulit ito ng hilahin siya ni Arkhon at halikan sa labi, itutulak ni Cross si Arkhon ng mas hinigpitan pa nito ang yakap sa binata at mas pinalalim ang halik. Unti-unting lumambot ang expression ng binata hanggang sa maghiwalay ang labi nilang dalawa. "Hindi mangyayari ang gusto mo Cross dahil nung time na pumasok ka at ginulo mo ang mundo ko, sinara ko na ang pinto at sinigurado kong hindi kana makakalabas pa." "Hindi mo ako maalala diba? Ano pang gusto mong mangyari? Useless lang ang pagbuntot-buntot ko sayo, may Valentine kana, maganda, matalino at sabi mo diba mas masarap ang tunay na baba---." Naputol ang sasabihin ni Cross ng siilin ulit siya ng halik ng lalaki. "Wala akong pake sa sinasabi mo Cross ... hindi ibig sabihin na hindi kita maalala makakaya ko ng mawala ka pa ... sabihin mo lang na hindi totoo lahat ng sinasabi ni Valentine maniniwala ako sayo without hesitating."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD