17

1335 Words
3rd Person's POV; Lumipas ang tatlong araw nila sa isla at hindi makapaniwala ang lahat na isang scene na lang tapos na silang lahat. "Guys isang scene na lang bukas, double time para sa preparation and for the cast congrats and goodluck para sa pag ere nito next ... next month." Ani ng director na kinahiyaw ng buong staff at kinapalapak ng mga cast na nagtrabaho para sa series. Nang gabing yun nagkasiyahan ang lahat sa loob ng penthouse, inuman at kantahan dahil sa hapon gagawin ang last scene pwede nila iadvance ang pag-eenjoy. Habang nagkakasiyahan ang lahat sa penthouse para namang may sariling mundo sina Arkhon at Cross sa loob ng Cabin ng binata. "A-Arkhon hmmp." Pigil na ungol ng binata habang ang mga braso nito ay nasa noo at nakapatong sa ibabaw niya si Arkhon na patuloy sa pagulos at kasulukuyang hinahalikan sa leeg ang binata. Pag angat ng tingin ni Arkhon bahagyang natulala si Arkhon ng makita ang binata at expression ng binata. Nakapikit si Cross at ng magbukas ng mata ang lalaki bahagyang lumambot ang expression ni Arkhon at binigyan ng magaan na halik si Cross na agad sinagot nang binata. --- "Pag sinabi kong sumama ka sakin sasama ka?" Tanong ni Cross na kinatigil ni Arkhon at kinalingon sa binata. "Kung dadalhin mo ako sa mga Asuncion hindi." Sagot ni Arkhon habang nakasandal sa headboard ng kama at humihithit ng sigarilyo. "Palitan natin ang tanong ko." Ani ni Cross bago itungkod ang braso patalikod at tingnan si Arkhon. "Kung ilalayo kita sa Freya sasama ka sakin? Hindi kita dadalhin sa mga Asuncion, ako ... si Casspian at ikaw lang." Tanong ni Cross na kinatingin sa kanya ni Arkhon. "Hindi ka ba natatakot na mamatay? Hindi mo kilala ang---." "Yung tinatanong ko ang sagutin mo." Ani ni Cross na kinaismid ni Arkhon bago umiwas ng tingin. "Sasama ako kahit nasaan ka." Sagot ni Arkhon na kinataas ng gilid ng labi ng binata. "Kahit hindi mo ako naalala? Pano kung totoo sinasabi ng mga Freya na lolokohin lang kita?" Tanong ni Cross na kinakunot noo ni Arkhon bago tiningnan ulit ang binata. "What the heck is that? Kinukumbinsi mo ba ako sumama sayo o pinaglalaruan mo lang ako." Singhal ni Arkhon na kinatawa ng binata. "I'm just asking at the same time binibiro lang kita." Natatawang sagot ni Cross na kinatulala bahagya ni Arkhon sa lalaki bago umiwas ulit ng tingin. "Nababaliw na siguro ako, napossesed ako ng demonyong may mukha ng anghel na nag anyong tao." Bulong ni Arkhon na kinataas ng gilid ng labi ni Cross bago gumapang palapit sa binata na kinatitig ni Arkhon ng ilang minuto dito. Nabitawan ni Arkhon ang hawak na sigarilyo ng siilin siya ng halik ni Cross at takluban ang sarili nila ng comforter. His POV; Napaungol ako at kinakapa-kapa ang phone ko sa study table ng magring yun. "Heylo." Inaantok na sagot ko. ["Where the f**k are you bud, 2 hours na lang before magstart ang taping!"] Sigaw ni Revere sa kabilang linya na kinangiwi ko at kinabangon. "Pupunta na ako diyan." Inaantok na sambit ko matapos patayin ang tawag at tingnan ang oras. '4:00 pm. =_= what the f**k buong araw ako tulog?' Napangiwi ako at napahawak sa tiyan ng kumukulo na yun, napatingin ako sa paligid ng kwarto at sa tabi ko ng mapansin na wala na si Cross at bihis na din ako. Tatayo na sana ako para lumabas ng makakita ako ng tray sa lamesa na nasa ibaba ng kama. "Pagkain." Ani ko bago lumapit dun at pag-angat ko ng tray napatigil ako ng may mahulog na sobra. "Ano ito love letter ni Cross?" Natatawang sambit ko bago kuhanin yun at umupo sa kama hawak ang tray. Binuksan ko ang sobre at nilabas ang sulat. 'Ginawa ko ang sulat na ito dahil alam ko hahanapin mo ako once na magising ka, gusto ko magdecide kang hindi mo ako nakikita ... katulad ng sinabi mo sumusunod ka sa mga sinasabi ko without realizing it and this time I'll let you decide Arkhon ... gusto ko sumama ka sakin hindi sa dahil nakokontrol kita ... gusto ko sumama ka kasi yun ang gusto mo. Again gusto mo pa din ba sumama? Iwan ng lahat ng ito pati na din ang mga Freya?' Napatigil ako ng ilang minuto ng mabasa ko ulit yun, hanggang sa pumasok ulit sa isip ko ang mga sinabi sakin ni Dad ... ang ginawa ng mga Acosta kay Adele at pag sira ng mga Asuncion sa pamilya ko. 'Hihintayin kita sa likod ng kabilang bahagi nitong isla Arkhon, pag pumunta ka ibig sabihin nakapag decide kana talaga at sasama ka. Pag hindi ka pumunta pagkatapos lumubog ng araw ... hindi mo na ulit ako makikita.' 'Hindi mo na ulit ako makikita.' Napamura ako sa isipan ko ng magsimula nanaman maghalo-halo sa utak ko, nagdadalawang isip ako at ganito ang nangyayari pag hindi ko nakikita si Cross. 'f**k it.' --- "Guys be ready!" Sigaw ng assistant director sa mga cast at staff na nasa unahan at inaayos ang island wedding namin ni Valentine. Matapos ako ayusan ng hairstylist at make up artist umalis na ang lahat ng staff. 'Hindi talaga magpapakita si Cross?' Matapos tumunog ang wedding song nagsimula ng maglakad si Valentine at umiyak ito katulad ng nasa script. 'Arkhon Asuncion tinatanggap mo ba si Cross Salves bilang kabiyak sa hirap man o ginhawa.' Napasinghap ako ng pumitik ang sintido ko. 'Not now.' Parang tangang sambit ko sa sarili. Hanggang sa makakita ako ng mga scenario. Putol-putol at magulo pero---. 'Magpapakasal na kami.' Ani ni Cross habang nakatingin sa grupuhan na minsan ko na din nakita sa apartment ni Cross. 'Cross anong kasal? Ang bilis naman yata sigurado kana ba diyan?'Rinig kong tanong ng lalaking---. 'H-Haru.' 'Cross hindi mo pwedeng basta iannounce yan hindi---.' 'Gusto kong patunayan sayo na hindi kita iiwan.' 'Hindi ba kayo nabibigla? Hindi na basta ang kasal Cross.' "Arghh!" Daing ko bago mapaluhod habang hawak ang ulo ko ng makaramdam ako ng sobrang sakit. "Arkhon! Anong nangyayari sayo?!" Rinig kong sigaw ni Tobi napahawak ako sa ulo ko ng mas sumakit yun. "Tumawag kayo ng doctor bilisan niyo!" "Arkhon!" 'Cross hindi mo naman kailangan ito gawin, oo natatakot ako pero hindi ibig sabihin nun gusto ko pakasalan mo ako para lang maniwala akong hindi mo ako iiwan.' "A-Ang sakit." Ingit ko nang maramdaman kong parang hinahati sa dalawa ang ulo ko sa sobrang sakit. 'Nitong mga nakaraang araw since ng nakausap ko si dad lahat ng bagay sakin hindi na naging sigurado. Naguguluhan ako dahil siguro alam kong kailangan ako ni dad at may mga responsibilidad sa akin na naghihintay.' 'C-Cross.' 'Pero kung may isang bagay man ako na sigurado at mula nung una hindi nagbago.' May nagpop nanaman na scenerio at ang scenario na yun ay ang araw na---. 'Gusto kitang makasama habang buhay Arkhon.' Ang silver ring at si Cross, sa kanya yung singsing. 'Ano mang daan piliin ko in future gusto ko kasama kita, hindi kita iiwan dahil isasama kita Arkhon.' "Arkhon! Ayos ka lang ba? Arkhon!" 'Selfish na ako kung selfish Arkhon pero bukod sa makasama ka wala na akong ibang gusto. Hindi ako papayag na mawala ka pa sakin kaya pasensya ka sa ayaw mo man o gusto susunod ka sakin.' 'Napakaselfish mo at demanding na hindi ko na kinatakha dahil isa ka pa ding Acosta.' Pano ko nagawang kalimutan ang araw na pinakamasaya sa buong buhay ko. At paano ko nakalimutan ang kaisa-isang tao na bumuo sa pagkatao at mundo ko. 'Kung ano mang piliin at desisyon mo Cross pinapangako kong hindi ako aalis sa tabi mo, sasamahan kita.' "f**k! Arkhon! Gumising ka!" Unti-unting dumilim ang paningin ko hanggang sa lamunin ako nito kasabay ng ilang scenerio pa kasama si Cross. Ang taong gusto ko makasama hanggang sa dulo at ang kaisa-isang bagay na hindi ko kayang mawala sa buhay ko. 'C-Cross antayin mo ako ... sasama ako sayo, hindi na ulit tayo magkakalayo. Hintayin mo ako.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD