15

1509 Words
3rd Person's POV; "Cross ayos ka lang?" Tanong ni Nhate ng makitang namumutla ang binata. "Yeah, hindi lang maganda pakiramdam ko pag nasa dagat ako." Bulong ni Cross habang naglalakad sila papasok ng desk at papunta sa assigned cabin ng team. Bago makarating sa cabin nakita nila sa bar counter ang ilang artista at staff, may ilan pang tumawag kina Cross para ayain ang mga ito uminom. "Pass muna mga pre hindi maganda pakiramdam ni Cross." Sigaw ni Nhate na kinatingin ni Arkhon na nakaupo sa bar counter katabi si Valentine. Dahil nahihilo na talaga si Cross hindi na nito pinansin si Nhate at nagpatuloy sa paglakakad. Hanggang sa papalabas na ito ng main desk nang biglang makaramdam ng hilo si Cross na agad nasalo ni Lucas ng mabilis na tumakbo papasok sa main desk ang binata na mukhang kagagaling lang sa cabin area. "Cross." "Cross!" Sigaw ng ilan sa mga stuntman na nasa main desk at tumakbo paalis para sundan si Lucas na kasalukuyang buhat si Cross na walang malay. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Navaeh katabi si Sheena ng tumayo si Arkhon at naglakad palabas ng main desk. "Pupuntahan ko ang putanginang lasinggero kong manager." May inis na sambit ni Arkhon bago umalis. "Easy lang kayo meron lang anxiety si Cross sa dagat kaya siya nahihilo at namumutla since dapat may iniinom siyang gam--- anong ginagawa mo?" Tanong ni Tobi ng makitang hinahalungkat ni Arkhon ang gym bag ni Cross. "Walang gamot diyan si Cross hinalungkat na namin yan." Ani ni Lucas hanggang sa may inilabas na tissue si Arkhon, may ilang tableta dun at nakaplastic. "Saan mo nakuha yan?" Tanong ni Nhate bago tiningnan ulit ang bag ni Cross. "Ayaw ni Salves na may nakakakita ng gamot niya kaya--- pano ko nalaman?" Pabulong na tanong ni Arkhon sa sarili ng marealize na nakuha niya ang gamot without realizing kung pano niya nalaman na may butas na ginagawa si Cross sa mga ginagamit niyang bag sa ilalim ng mga gamit o damit para itago ang tissue na naglalaman ng mga gamot. --- "Hmm." Ungol ni Cross bago dahan-dahang minulat ang mata ng makita niyang hindi sa kanya pamilyar ang kwarto. Napabagon ito at napatingin sa labas ng bintana ng makitang gabi na pala at madilim sa buong kwarto. 'Nasa yacht ako bakit hindi ako nasusuka katulad kanina?' "Medyo pinabilisan ko ang pagpapatakbo nitong yacht sa driver kaya wag ka ng magtaka kung hindi ka na nahihilo." Napatingin si Cross sa madilim na bahagi ng kwarto nang lumabas si Arkhon na nakapamulsahang naglalakad palapit sa binata. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Cross ng maaninag si Arkhon matapos nito lumapit sa kama. "Responsibilidad kita as a succesor ng mga Freya since nakasakay ka sa private property ng pamilya ko, pag natuluyan ka dito ano na lang sasabihin ng ibang tao." Ani ni Arkhon na kinadilim ng anyo ni Cross. "For the 5th time Arkhon hindi ka isang Freya." May diin na sambit ni Cross bago tumingin ulit sa labas. "Umalis kana ayos na ako." Walang buhay na sambit ni Cross na kinakuyom ng kamao ni Arkhon. Hindi gusto ni Arkhon ang inasal ng binata pero mas lalong hindi niya gusto ang reyalidad na hindi niya kayang saktan ang lalaki. Tatalikod ito para umalis ng---. "Teka." Ani ni Cross na kinatigil ni Arkhon. "Lumapit ka dito." Utos ni Cross ng humarap sa kanya si Arkhon na kinakunot noo ng binata. "Hindi ako utus---." "You can't resist me Arkhon, stop fooling yourself." Putol ni Cross na kinatahimik ni Arkhon ng ilang minuto hanggang sa namalayan nanaman nito ang sarili niya na sumusunod sa lalaki. Magsasalita si Arkhon ng hilahin ni Cross ang kwelyo ng binata at siilin ito ng halik. His POV; Sabi ng utak ko itulak ko si Cross kasi mali at sigurado ako na kinaumagahan mumurahin ko nanaman ang sarili ko dahil naulit nanaman pero iba ang gusto ng katawan at puso ko, ibang-iba. Hawak ko ang balikat ni Cross matapos kong mabigla ng siilin niya nanaman ako ng halik ... pero kumpara sa kaninang umaga iba yun dinidilaan pa nga ni Cross at sinisipsip ang sugat na ginawa niya sa labi ko. "C-Cross." Bulong ko ng humiwalay siya at magkasalubong ang tingjn naming dalawa, para nanaman akong nalalasing na hindi ko maintindihan. Ang mga mata niya, tingin, amoy boses at galaw napakapamilyar ... naguguluhan ako kung totoo ang sinasabi nina Archie na puro kasinungalingan lang sinasabi ni Cross ... bakit ko ito nararamdaman? Bakit pakiramdam ko iisa kaming dalawa? Napaupo ako sa gilid ng kama ng maramdaman ko ang halik ni Cross sa leeg ko pababa sa dibdib ko matapos niyang hubarin ang suot kong longsleeve. "Sabihin mo, yung kaninang umaga hindi totoo diba?" Bulong ni Cross matapos ako tingnan sa mata na kinaiwas ko ng tingin ng maalala ko yung nakita ko kaninang umaga. "Nablangko ang utak ko that time kaya kung ano-ano na nasabi ko." Sagot ko bago tingnan si Cross na nakataas na ang gilid ng labi at sapuin ang pisngi ko. "Goodboy." Bulong ni Cross bago ako siniil ng halik at ihiga sa kama. Matapos niya akong halikan habol hiningang pinagpalit ko ang pwesto naming dalawa at tingnan siya sa mata. Napatigil ako ng ilang segundo ng may lumabas na scene ilang segundo lang yun pero katulad na katulad nito ang scenerio. "May problema ba?" Tanong ni Cross na kinatingin ko. "Wala." Bulong ko bago bigyan ng magaan na halik ang pisngi ni Cross pababa sa labi niya habang isa-isang binubuksan ang botones ng suot niyang staff uniform. 'Hindi ko alam kung sino ka sa buhay ko, basta ang alam ko lang ngayon hindi ko magawang kumawala sa hawak mo. Hindi ako makatanggi either pamilya ko nagagawa kong suwayin dahil sayo.' 3rd Person's POV; Kinaumagahan mabilis na nakarating ang team sa isla matapos iutos ni Arkhon na bilisan ang pagpapatakbo ng yacht na kinatuwa naman ng lahat dahil sa ganda ng buong lugar. "Okay guys 2 hours preparation, move para maaga natin matapos ang scenes at pare-pareho natin maenjoy ang view." Natutuwang sambit ng producer. "Move." Ani ng director na agad kinakilos ng nga staff at stuntman habang ang mga artista ay mabilis na naghubad at nagsuot ng swimsuit para mag sunbathing, habang ang boys ay nagkanya-kanyang upo sa gilid ng dalampasigan at nakikipagkwentuhan sa ilang girls. "Teka Cross tulungan na kita." Ani ni Lucas ng makitang nahihirapan si Cross na itayo ang isang tent na pagtatambayan ng mga staff para hindi mainitan ang mga ito habang nagtataping ang lahat. "Salamat." Ani ni Cross bago bumaba sa kinatatayuang upuan nang kuhanin ni Lucas ang tali. "Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ni Cross. "Hindi na pahinga kana lang." Ani ni Lucas matapos kindatan si Cross na kinailing na lang binata. "Dun muna ako pipicturan ko lang yung dagat since nagrequest sakin si Casspian." Paalam ni Cross bago umalis dun at kinuha ang phone niya para kumuha ng picture. Kasalukuyang kumukuha ng litrato si Cross ng mahagip ng camera ng phone niya si Arkhon na may hawak din na camera at pinipicturan siya. Naitago ni Cross ang phone niya ng ngumisi si Arkhon at naglakad palapit sa kanya habang nasa leeg nito ang camera. "Kumukuha ka din ba ng picture? Patingin nga ako kung gwapo ako sa kuha mo." Pangungulit ni Arkhon na kinapokerface ng binata. "Wag kang assuming di kita pinipicturan kumukuha lang ako ng ilang litrato para kay Casspian." Sagot ni Cross. "Unfair mo naman pala ako pinicturan kita tapos ako hindi mo pipicturan." Reklamo ni Arkhon. "Hindi ko kailangan ng picture mo, aanhin ko ang litrato kung bawat anggulo ng mukha at pagkatao mo nasa isip ko." Banat ni Cross bago tumalikod at naglakad palayo. "Hoy teka! Ulitin mo nga yun oy Salves!" Habol ni Arkhon ng mag sink in sa kanya ang mga sinabi sa kanya ni Cross. "Lumayo ka sakin Freya kung ayaw mong demonyohin ako at dagdagan ko yang sugat mo sa labi." Banta ni Cross ng kulitin siya ng lalaki. "Aware naman siguro sila sa existance ng nga staff na nandito noh." Ani ni Nhate sa nakatayong si Lucas at nakatingin kay Cross kasama si Arkhon. "I don't think so." Ani ni Tobi na kinahawak ni Nhate sa dibdib ng makita si Tobi sa tabi niya at sumisipsip ng buko. "Nakakagulat ka Tobi sa susunod wag kang bigla susulpot." Singhal ni Nhate. "Wag mo ako pansinin Nathaniel yang lalaki sa harapan mo ang tingnan mo baka biglang atakihin ng heart attack dahil nabroken." Ani ni Tobi na kinatingin ni Lucas. "Anong sinasabi mo? Sinong broken?" Pag-mamaang maangan ni Lucas. "Hindi ka magaling na artista bud, talent manager ako at masasabi kong wala kang talento pagdating sa pag-arte." Banat ni Tobi na kinangiwi ni Nhate. "Mabuti pa Revere ubusin mo na yang iniinom mo, isama mo na din yang buko ... mamaya may makarinig pa sayo." Saway ni Nhate bago tingnan si Lucas na tumingin ulit sa dalawa na nagtatalo sa hindi kalayuan. "Malas ko talaga, maiinlove na lang ako ... dun pa sa may nagmamay-ari ng iba."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD