3rd Person's POV;
"Don't tell me nagseselos ka kaya bigla ka nalang sumugod dito." Ani ni Lucas na kinagusot ng mukha ni Arkhon.
"Ako magseselos? Sa isang lalaki? What the heck, I'm not a freaking gay at sa tingin mo magugustuhan ko yan?patawa ka." Natatawang sambit ni Arkhon matapos tingnan si Cross na walang emosyong nakatingin sa kanya.
"Wag mo ng ideny Mr.Freya ikaw ang pinunta ni Cross dito alam ko." Ani ni Lucas na kinatingin ni Cross at Arkhon.
"Narinig ko din kayo nung araw na nag overnight tayo dito sa univerity at magkasama kayo sa locker room, bakit lagi mong dinideny si Cross at sinasabi ang mga bagay na yan sa harap ng ibang tao? Kitang-kita namang---."
"Manahimik ka." Ani ni Arkhon na kinakunot noo ni Lucas.
"Isang pagkakamali lang ang nangyari ng gabing yun, bored lang ako that time since hinahabol niya ako at paulit-ulit na sinasabing asawa ko siya ginrab ko na ang opportunity and as usual mas masarap pa din ang tunay na babae kaysa sa lalaking mukha lang baba---."
*blaag*
"Cross!"
Nanlaki ang mata ni Lucas ng tumumba si Arkhon matapos siyang suntukin ni Cross dahilan para bumagsak ang lalaki.
"Inintindi kita Arkhon dahil alam ko hindi mo lang ako maalala dahil sa aksidente pero hindi ko iniexpect na hindi lang pala amnesia ang sakit mo pati pala kakitiran ng utak minana mo sa pamilya mo." Nanggagalaiting sambit ni Cross matapos salubungin ang tingin ni Arkhon sa kanya.
"I'm a devil right? Then I'll show you who's Cross Acosta was." nagdidilim ang mukhang sambit ni Cross bago hilahin ang kwelyo ni Arkhon at siilin ng halik ang binata.
Marahas, pilit at walang awa ... nakaramdam na ng sakit si Arkhon kaya pilit niyang tinulak ang lalaki pero bago pa ito tuluyang lumayo naramdaman niya ang hapdi sa gilid ng labi ng binata matapos yun kagatin ni Cross para maipasok nito ang dila ni Cross sa bibig niya.
"Stop messing me Asuncion, nakalimutan mo lang ako pero alam kong alam mo kung anong klase akong tao." Bulong ni Cross matapos hawakan sa panga si Arkhon at ilapit ang bibig sa tenga ng binata.
"Kung anong gusto ko nakukuha ko at kung anong nainisin ko napapaikot ko."
--
"Arkhon anong problema." Ani ni Tobi ng pumasok sa dressing room si Arkhon at wala sa sariling sumubsob sa lamesa.
"H-Hindi ko alam Tobi." Bulong ni Arkhon na kinatigil ni Tobi ng makita ang panginginig ni Arkhon.
"Si Cross ba?" Ani ni Tobi na kinasinghap ni Arkhon matapos marinig ang pangalan ng lalaki.
"Pakiramdam ko hindi sakin ang katawan ko pag nasa paligid siya, iba ang iniisip ko sa gusto kong gawin." Bulong ni Arkhon.
"Diba sabi sayo nina Sir Iver layuan mo si Cross? Delikado daw siyang tao diba at isa siyang Acosta." Ani ni Revere.
"Revere alam ko, delikado siya pero katulad ng sinabi ko iba ang naiisip ko sa ginagawa ko." Naguguluhang sambit ni Arkhon matapos hawakan ang dibdib niya.
"Para akong napopossesed pag nasa paligid si Cross, tinititigan at sinusunundan ko siya ng hindi namamalayan nagiging iba ako to the point na hindi ko na makilala ang sarili ko."
"Naguguluhan na ako." Naiinis na sambit ni Arkhon na kinatahimik ni Tobi ng ilang minuto.
"Ano ba kasing nangyari?" Basag ulit ni Tobi sa katahimikan.
Cross Acosta's POV;
Nakatingin lang ako sa labas habang nasa loob kami ng van at bumabyahe papunta sa daungan ng yacht na pagmamay ari ng mga Freya.
Napapikit ako ng madiin ng makita ang takot sa mata ni Arkhon ng makita niya ang side ko na yun na ilang beses niya na nakita kung hindi nawala ang mga ala-ala naming dalawa.
Napabuga ako ng hangin ng pumasok sa isip ko ang idea na kailangan kong gawin ang huling bagay na naiisip ko para bumalik sa amin si Arkhon.
"Ayos ka lang?"
Rinig kong tanong ni Lucas na nasa kabilang bahagi ng bintana at sa gitna namin si Nhate.
"Nakakaloko yung tanong mo Lucas kita mong nag-away sila ng lovedovey niya tapos tatanong mo kung okay lang si Cross." Sagot ni Nhate ng---.
"Teka may lovedovey ka Cross, yung asawa mo ba?" Biglang sulpot ni Jim na nakaupo sa harapan kong upuan.
"Whoa may asawa ka na Cross siya ba yung nanay nung poging anak mo? Siguradong artistahin din yun ang gwapo ni Casspi." Sabay ni Danilo matapos lumuhod sa upuan at humarap saming tatlo.
"Wag nga kayo mga chismoso hanggang dito lang yung usapan oh." Banat ni Nhate na kinailing ko na lang ng magkaingay ang buong team na nasa van.
Kung nasa mood ako baka nakipagsabayan pa ako.
Hanggang sa makababa kami ng daungan nangungulit ang mga gago pero mukhang wala namang pakialam ang ilang producers na nakakasabayan namin may iba pang nakikisabayan.
Kung alam lang nila kung sino ang tinutukoy kong asawa.
"Oh my god Arkhon napano yang labi mo?"
Napatingin ako sa hindi kalayuan ng marinig ko ang boses ni Ms.Valentine at agad din umiwas ng tingin ng makita kong hawakan ni Valentine ang labi ni Arkhon at mapatingin sakin si Arkhon.
"Oy Cross tara na." Ani ni Lucas matapos akong akbayan at ayain papasok sa yacht na sasakyan namin.
"Wow! Grabe ang laki pang high class talaga." Komento ni Jim.
"Nakakahiya kayo wag kayong ganyan." Saway ni Nhate pero parang ewan naman kung makagala ng tingin kulang nalang kuminang ang mata matapos namin makasakay ng yacht =_=."
"Malaki ang yacht na ito, pwede kayo magpahinga, gumala, mag-enjoy at kumain, 24 hours ang byahe mula dito hanggang sa isla medyo malayo pero alam ko naman na hindi kayo mabobored dito."
Napabuga na lang ako ng hangin ng marinig ko kung ilang oras ang sistensya ng kalbaryo ko sa gitna ng dagat.
Pumasok ang lahat sa cabin habang ako mas pinili ko na lang sa labas at lumapit sa railing para makita ang dagat.
Matapos ang ilang minuto umandar na ang yacht kinuha ko ang mint candy ko sa bulsa at sinimulan ko na nguyain yun.
Nakasandal lang ako sa railing paharap bago bahagyang yumuko at pinatong ang baba ko sa bakal para makita ang reflection ko sa dagat.
Napatigil ako ng makita ko si Haru at nung time na niligtas niya ako matapos kong tumalon sa dagat para iligtas si papa Callius at sundan ako ni dad.
Mula sa dagat nakita ko si Haru na mabilis na lumangoy at hinila ako paangat.
"Haru." Bulong ko bago bahagyang hinawakan ang tapat ng dibdib ko.
"Patawarin mo ako nung time na kailangan niyo ako, wala ako."
"Pangako Haru, pagbabayarin ko lahat ng taong gumawa nito sayo ... oras na matapos ko ang problema at makuha ko si Arkhon."
3rd Person's POV;
Nasa balkonahe si Arkhon ng isa sa mga cabin na nasa yacht habang tahimik nitong iniinom ang hawak na baso ng wine at pinagmamasdan ang lalaking nasa ibaba.
Nasa ganung posisyon si Arkhon ng lumapit ang manager nitong si Tobi na hawak ang isang bote ng wine at nilaklak.
"Mukha ngang possesed ka Arkhon nasuntok kana kanina nagagawa mo pa siyang titigan ng ganyan." Ani ni Tobi na kinatingin ni Arkhon.
"What do you mean?" Nakakunot ang noong tanong ni Arkhon na kinailing ni Tobi bago sumandal sa railing patalikod at nilaklak ang wine na hawak.
"Minsan tingnan mo ang reflection mo habang kaharap si Cross para malaman mo ang sinasabi ko." Ani ni Tobi.
"Hindi ko alam kung ano kayo dati ni Cross hindi ko masasabi na totoo ang sinasabi niya na kasal kayo o nagsisinungaling siya para lang maibalik ka sa pamilya mo."
"Wala akong maalala kahit na ano, sa mga Freya man o sa kahit na sino." Ani ni Arkhon na kinakibit balikat ni Tobi bago ininom ulit ang wine na nasa bote.
"Pero kilala mo ang sarili mo diba? At sa kinikilos mo toward him, sigurado akong napakalaki ng parte ni Cross sa buhay mo para mawala ka sa sarili mo pag malapit ang lalaking yan sayo." Dagdag ni Tobi na kinatigil sandali ni Arkhon.
"Naalala ko tuloy nung time na hinire ako ng magkakapatid na Freya para maging psychiatrist s***h assistant mo, inatake ka ng depression na hindi mo alam kung bakit, nalulungkot ka ng walang dahilan at sabi mo may kailangan kang balikan hindi mo naman alam kung sino." Ani ni Tobi.
"Kailan yan bakit hindi ko maalala? Last year?" Tanong ni Arkhon na kinatingin ni Tobi.
"Are you freaking serious Freya?" Nakakunot ang noong tanong ni Tobi na kinatitig ni Arkhon sa kanya ng ilang minuto.
"Hindi ko din maalala kung saan at bakit tayo nagkakilala." Bulong ni Arkhon na kinatitig sa kanya ni Tobi ng ilang minuto.
Hanggang sa natawa si Arkhon at tumingin ulit sa baba.
"Joke lang masyado kang seryoso Tobi, pinakilala ka ni kuya Iver diba nung birthday niya." Natatawang sambit ni Arkhon na kinaseryoso ng mukha ni Tobi.
Hindi umimik ang binata bago tahimik na nilaklak ang wine at tumayo ng ayos.
"Kukuha lang ako ng wine sa baba namimiss ko uminom." Paalam ni Tobi bago walang lingon-lingon na lumabas ng cabin.