3rd Person's POV;
Napabuga ng hangin si Cross ng tumalikod si Arkhon at lumabas ng kwarto.
"Mukhang mahihirapan talaga ako maibalik si Arkhon." Ani ni Cross bago tahimik na kinain ang dinala ni Arkhon para sa kanya.
Nang araw na din yun nag aya na umuwi si Cross umuwi at nagpasundo sa mga kabarkada.
"Pasensya na mukhang naistorbo ko kayo sa trabaho niyo." Ani ni Cross kay Percy na buhat ang anak niya habang si Iggy ay dala ang ilang gamit nila mag-ama.
"Ayos lang yun Cross nasa tambayan din kaming tatlo nung time na tumawag ka." Sagot ni Iggy.
"Nag-away nanaman ba kayo ni Arkhon?" Tanong ni Percy ng mabasa ang expression ni Cross.
Hindi nagsalita si Cross hanggang sa sumabat si Iggy.
"Hindi nakakaalala si Arkhon pero alam kong alam mo na ikaw lang ang kaisa-isang tao na makakapagpabalik sa kanya satin, hindi ka niya naalala pero alam kong may nararamdaman pa din siya sayo since bumabalik siya sa dating Arkhon pag nasa paligid ka." Ani ni Iggy.
"Meron na lang ako 1 in a half month Iggy para ipaalala sa kanya lahat pero pano ko gagawin yun kung nasa side pa din siya ng mga Freya." Sagot ni Cross na kinatahimik ni Iggy.
"This past few days din nararamdaman kong may sumusunod-sunod ng tingin sakin, nag aalala din ako para kina Casspian kaya hindi ako pwede magpadalos-dalos." Bulong ni Cross na kinamulat ng mata ng batang si Casspian na nakahilig sa balikat ni Percy na buhat siya.
"Kidnappin na lang kaya natin si Arkhon tapos padala natin siya sa isang isla kasama ka Cross." Natatawang suhesyon ni Iggy na kinangiwi ni Percy.
"Wala kang originality napanood ko na yan sa isang Thai drama." Basag ni Percy na kinatawa ni Hzeck ng magtalo yung dalawa hanggang sa mapatingin siya sa batang si Casspian na nakatingin kung saan at parang may iniisip.
Cross Acosta's POV;
"Papalolo!"
"Ang apo ko." Ani ni Daddy bago binuhat si Cass na mabilis na yumakap sa mga tuhod niya.
"Naligaw ka Cross anong ginagawa mo dito?" Pawalanghiyang tanong ni daddy na kinapokerface ko.
"Chinecheck ko lang si Rook baka inadobo mo na since palugi na ang kompanya mo." Padaskol na sagot ko bago pumasok sa penthouse at ibagsak ang katawan ko sa sofa na kinangiwi ko ng konti ng maramdaman ko nanaman ang kirot.
"Gago, hindi mangyayari yun kahit wala ka." Ani ni dad na kinataas ng gilid ng labi ko matapos tingnan si dad na pinisil ang pisngi ng anak ko.
"Cass wag kang gagaya sa tatay mong hambog okay? Ikaw ang susunod kay lolo at magiging tagapagmana ng mga Acosta diba?" Paninigurado ni dad kay Casspian na kinatango ng anak ko.
"Opo lolo, I'll help you po no matter what happen and lolo ano po yung hambog?" Inosenteng tanong ni Casspian na kinailing ko na lang matapos mag-explain ni dad kung ang word na yun.
Hanggang sa pumasok sa isip ko si Arkhon, hindi pala ako nakapagpaalam sa kanya either magpasalamat.
'Pero pano ko gagawin yun kung ayaw niya nanaman ako kausapin.'
---
Habang nakatingin kay Cass na tumutugtog ng plawta hindi ko maiwasang isipin ang buhay namin ni Cass ng wala si Arkhon o kahit kasama man lang ito.
"Tinuro mo pala kay Cass yung tugtog na tinuro ko sayo." Ani ni dad matapos tumabi sa kinauupuan kong bench kung saan kitang kita si Cass na nakaupo sa nakatumbang puno at tinutugtog ang plawta sa harap ni Hzeck.
"2 times ko lang sa kanya tinuro yan but he almost perfect it." Ani ko na kinatawa ng mahina ni Dad.
"Yeah fast learner si Cass hindi katulad ng daddy niya na isang linggo bago niya makuha yung kanta." Natatawang kwento ni dad na kinangiwi ko.
"Wala akong time ipractice yun dad kaya isang linggo." Palusot ko na kinatawa ni dad ng bahagya bago sumandal hanggang sa maramdaman ko ang tingin sakin ni dad.
"Kamusta ang mission mo kay Arkhon?" Tanong ni dad na kinabuga ko ng hangin.
"Not good, tuwing naoopen ko yung kina Tito Alcide nagbabago ang mood niya at nag-aaway kami ... hindi totally na nagaaway pero--- ewan." Sagot ko bago tingnan si Casspian.
"This past few days nakakatanggap ako ng report na nahihirapan na ang mga Freya na kontrolin si Arkhon, hindi nila nahahawakan si Arkhon sa leeg pag ikaw na ang pinag-uusapan." Ani ni dad na kinatingin ko.
"What do you mean?" Tanong ko.
"Alam na ng mga Freya na umaaligid ka kay Arkhon, hindi ka lang magalaw ng magkapatid dahil hinaharangan sila ni Arkhon ... pero once na malaman ito ni Allen hindi ko alam kung anong gagawin ng hayop na yun sa anak niya para mapalayo sayo." Sagot ni Dad na kinakuyom ng kamao ko.
"Bakit hindi kumikilos si tito Alcide dad? Lawyer siya forpetes sake at may rights sila kay Arkhon ... bakit hinahayaan nilang magkaganito si Arkhon." Ani ko na kinabuga ng hangin ni Dad.
"Tatlong taon hindi tumigil si Alcide para makuha si Arkhon pero habang nagpupumilit sina Aila mas nagagalit si Arkhon at ayon sa batas si Arkhon lang ang pwedeng pumili ng pamilya kung saan siya sasama." Sagot ni dad.
"Cross." Napatingin kami ni dad sa bukana ng penthouse na konektado dito sa loob ng garden nang lumabas sina Tita Aila at Tito Alcide.
"Tita." Bati ko bago tumayo at bahagyang yumuko.
"Cross." Ani ni tita matapos lumapit sakin at hawakan ang mga kamay ko.
"Nalaman ko kina Percy na pumasok ka sa kompanya ng mga Freya kamusta na ang anak ko." Punong puno ng pag-aalala na tanong ni Tita.
"Mukha naman po maganda ang pakikutungo ng mga Freya kay Arkhon, since mukhang spoild ang anak niyo." Sagot ko na kinahinga ng maluwang ni tita.
"Tita wag na kayo masyadong mag-alala siguradong, maalala din tayo ni Arkhon at babalik siya dito." Ani ko na kinangiti ni tita ng konti.
"Sana nga Cross dahil hindi ko na alam ang gagawin ko para maayos pa ang pamilya ko, nawawala nanaman si Alica at si Arkhon hindi na kami maalala." Nangingilid ang luhang sambit ni tita na kinayuko ko ng bahagya.
Pakiramdam ko kasi ako lahat ang may kasalanan bakit nagkakaganito ang pamilya ng mga Asuncion.
"Aila wag ka na masyadong mag-alala nangako si Creed na hahanapin niya si Alica." Ani ni Tito Alcide matapos bahagyang yakapin si Tita.
'Ano bang maaari kong gawin para maibalik si Arkhon?'
Ani ko sa sarili bago tingnan si Casspian na patuloy pa din na tumutugtog.
3rd Person's POV;
Sa loob ng 2 days hindi nakita ni Arkhon si Cross na kinainis niya ng sobra nitong mga nakaraang araw idagdag mo pa ang makukulit niyang kapatid na walang ginawa kung hindi sabihin na layuan si Cross na hindi naman sinasabi kung bakit.
"Director ready na ako para sa next taping." Napatingin ang binata ng pumasok si Cross na hindi man lang siya tinapunan ng tingin na mas kinainis ng binata.
"Tamang-tama ang dating mo magsisimula na ang next scene mag ready kana." Ani ng Director na kinayuko ni Cross bago lumabas ng tent.
"Tss." May inis na sambit ni Arkhon na kinatingin ng manager lalo na ng makita ang pagkakagusot ng mukha ng alaga.
"Kahit si Vincent de Vinci mahihirapang ipinta yang mukha mo." Komento ni Tobi habang naaaliw na nakatingin sa alaga.
"Shut up Revere hindi ka nakakatulong, pag nainis ako ipapalit ko yang mukha mo sa mukha ni Monalisa." Pikon na sagot ni Arkhon na kinangiwi ni Tobi ng maimagine yung mukha niya sa painting ni Monalisa.
--
"Sa isang isla?" Ulit ni Cross ng mag-announce ang director nang mag-iiba sila ng location.
"Yes, vacation na din daw yun para sa team since ilang week na lang tapos na ang series natin." Nakangiting sambit ng director na kinatingin ni Arkhon.
'Kyaah vacation.'
'Isa daw yun sa mga isla ng mga Freya ang bait talaga ng CEO.'
'Excited na ako.'
"Anong problema?" Bulong ni Lucas na nasa likuran ni Cross.
"Nothing iniisip ko lang kung anong susuutin ko dun." Pagsisinungaling ni Cross na kinatawa ni Lucas.
"Ano ka babae?" Ani ni Lucas na kinangiwi ng binata.
"Loko tara na nga tulungan mo ako tanggalin itong mga nakakabit sakin nangangati ako." Yaya ni Cross sa kaibigan na instructor ng paalisin na sila ng director sa tent.
"Teka akin na." Ani ni Lucas ng makapasok sila sa Tent ng mga staff at abutin ni Cross ang lock ng body gear na nasa likuran niya protection para hindi siya gaanong masaktan kung babagsak o may mangyaring aksidente habang nasa taping.
Matapos tanggalin ni Lucas ang lock binuksan nito ang zipper at ibaba niya yun ng may pumigil sa kamay niya na kinatingin ni Lucas at kinalingon ni Cross.
"What are you doing?" Nagdidilim ang anyong sambit ni Arkhon na kinakunot noo ni Lucas matapos tabigin ang kamay ng binata.
"Tinutulungan ko si Cross magbihis." Kunot ang noong tanong ni Lucas.
"As far as I know instructor ka ni Cross at hindi assistant." Banat ni Arkhon.
"Kaibigan ko si Cross ano naman kung tulungan ko siya magbihis? Wait ano bang problema mo? ... Ano ka asawa?"