3rd Person's POV;
"How is he?" Tanong ni Valentine sa doctor.
"Meron bang record si Mr.Freya na nagkaroon siya ng amnesia?" Tanong ng doctor na kinatigil ni Tobi at Navaeh.
"W-Wala." Pagsisinungaling ni Navaeh sasagot ang doctor ng---.
"Cross!"
Napatayo ng ayos si Tobi ng makita ang alaga na hinahabol ang hininga at dali-daling bumaba ng kama.
"Arkhon magpahinga ka muna hindi--."
"Tumabi ka! Kailangan ko bumalik kay Cross! Hinihintay niya ako." Ani ni Arkhon at aalis ito ng---.
"Freya huminahon k---."
"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Arkhon matapos itulak si Navaeh at tingnan ito ng masama.
"Wag na wag mo akong tatawaging Freya, dahil isa akong Asuncion." Nag gigitgit na sambit ni Arkhon bago lumabas ng kwarto at kahit nahihilo pilit na humakbang si Arkhon palabas ng penthouse.
"Game over." Bulong ni Tobi habang tinatago ang ngisi at nakatingin sa dalawang tao na nasa kwarto.
"Anong gagawin natin Navaeh?" Tanong ni Valentine.
"Tawagan mo sina Archie kailangan nila ito malaman."
--
Habol ang hininga ni Arkhon matapos ito tumakbo papasok ng gubat at hindi ininda ang mga sugat na nakuha ng sumabit ito sa mga sanga habang siya ay tumatakbo.
"Cross!" Sigaw ni Arkhon bago tumakbo ulit hanggang sa makarinig siya ng alon na kinaliwanag ng mukha nang lalaki.
'Cross.' Tawag ni Arkhon sa isip ng makita ang binata na nakatayo sa gilid ng dalampasigan.
Mula sa kinatatayuan ni Arkhon kitang kita niya ang amo ng mukha ng binata at pagkislap ng mata dahil sa malaking buwan na nasa harapan.
Hahakbang ito palabas ng gubat para lumapit sa lalaki ng may humila sa kanya pabalik at bago niya pa matawag si Cross may nagtakip na panyo sa bibig niya kasabay ng kirot na nanggaling sa gilid ng leeg nang turukan ito ng kung ano.
'C-Cross.' Bulong ng lalaki hanggang sa unti unting makaramdam ng antok ang binata at mawalan ng malay.
--
"Arkhon." Bulong ni Cross hanggang sa tumulo ang butil ng luha na nanggaling sa mga mata ng binata.
"Nasaan kana? Kanina pa kita hinihintay." Dagdag ng binata habang dinadama ang lamig ng hangin sa kanyang katawan at init na nanggagaling sa kanyang mga mata.
Buong gabi nag-antay dun si Cross hanggang sa malapit ng sumikat ang araw at dumating ang dalawang speedboat sakay si Percy at Iggy.
"Cross." Ani ni Percy nang makababa sila sa speedboat at makita si Cross na nakayuko.
"Umuwi na tayo." Paos na sambit ni Cross na kinatango nina Iggy.
Kinuha ni Iggy ang mga gamit ni Cross na nasa dalampasigan bago inaya ang lalaki pasakay ng Speedboat.
Habang nasa byahe hindi umimik si Percy at ni hindi ito nag-abalang magtanong.
Maya-maya nung nasa kalagitnaan na sila pinatay ni Percy ang makina at umupo sa harapan ni Cross.
"Sa tingin ko hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan ang tyura mo." Ani ni Percy bago tingnan si Iggy na pinaikutan ang speedboat nila bago tumigil at tingnan si Cross.
"Anong gusto mong gawin ko Sawyer? Pumatay ng tao?" Bulong ni Cross na kinabuga ng hangin ng lalaki.
"Palamig ka muna, hindi ka pwedeng bumalik ng ganyan ... mapapatay ni Tito Cadmus si Arkhon once na makita kang nagkakaganyan dahil sa asawa mo." Malayo ang sagot na sambit ni Percy.
"Suko kana?" Tanong ni Iggy na kinakuyom ng kamao ni Cross.
"Ano pa bang magagawa ko Iggy? Kung alam niyo lang ang galit ko sa mga Freya, isa sa kanila ang pumatay sa taong tinuring ko na din na kapatid tapos si Arkhon f**k!" Mura ni Cross bago malakas na sinuntok ang edge ng speedboat.
'Kitang-kita sa mukha niya ang galit at sakit and sad to say ... wala kaming magawa.' Ani ni Percy sa isip.
Hindi nagreact si Iggy at Percy nang tumalon sa dagat si Cross.
"Kung may magagawa lang tayo." Bulong ni Iggy na kinabuga ng hangin ni Percy.
Cross Acosta's POV;
Habang papalubog sa dagat hindi ko maiwasang isipin ang maraming bagay na nalampasan namin ni Arkhon na magkasama.
Yung una naming pagkikita at paulit-ulit na pantataboy sa kanya.
Yung away naming dalawa dahil sa magkaiba naming posisyon sa C-lite president siya with perfect personality and image habang ako isang gangster na takaw sa gulo at taga tambak ng reports ni Arkhon.
'Ang sarap bumalik sa mga oras na simple pa samin ang lahat ng bagay, yung Arkhon na sobrang daling utuin dahil lang sa gusto niya maging bestfriend ko pumayag siya maging kabedmate ko. Tipong sa maliit lang na kwarto nakakagawa kami ng sariling mundo ... minsang tumakas at sumaya.'
Ang saya balikan ang lahat, ang saya isipin nung mga bagay na minsang nangyari sa iyong mga pangarap.
Matapos ko itaas ang kamay ko napangiti ako ng makita ko si Casspian at Hzeck.
Pumikit ako ng madiin at lumangoy paangat.
"Cross! Tangna natuluyan na yata ang gago!" Mura ni Iggy at tatalon ito ng ugain ko yung speedboat na naging dahilan para mapasinghap ito at bumagsak sa tubig.
3rd Person's POV;
"f**k!" Mura ni Iggy ng mapaahon ito at sakyan ni Cross ang speedboat.
"Umuwi na tayo." Bulong ni Cross matapos paandarin ang speedboat.
"Cross teka!" Sigaw ni Iggy matapos niyang abutin ang kamay ni Percy na agad siyang iniangat pasakay.
"Tangna okay na ba si Leader?" Tanong ni Iggy.
"Hindi ko alam, tara na." Yaya ni Percy bago pinaandar ulit ang speedboat at umalis.
--
"Papa!" Salubong ni Casspian matapos makita ang ama at salubungin ng yakap.
"Kamusta ka dito? Hindi ka naman nagpasaway kina Tito Chase at Hzeck diba?" Tanong ni Cross ba kinailing ng batang lalaki.
"Naging goodboy po ako dito papa,katulad po ng promise ko." Nakangiting sambit ng batang lalaki.
"Goodboy." Ani ni Cross matapos halikan sa noo ang anak.
"I'm tired Cass, pahinga lang si papa then before magdinner pagluluto kita ng favorite mo." Ani ni Cross sa anak bago umayos ng tayo at lampasan ang anak na sinundan lang siya ng tingin papalayo.
"Young master anong gusto mong kulay ng tulips na ilalagay sa veranda itong white or red?"
Biglang sulpot ni Hzeck galing kung saan habang may mga hawak na bulaklak.
"Anong problema CN?" Tanong ni Hzeck ng makita ang batang lalaki na sinusundan ng tingin ang ama pataas ng hagdan.
"Umuwi na pala si kuya Cross." Ani ni Hzeck ng makita ang binata.
"Hzeck if bibigyan ko ba ng flower si papa magiging happy siya?" Tanong ni Casspian.
"Happy? Sad ba si Kuya Cross? ... siguro pero sa tingin mo yung flower ang makakapagpasaya kay Kuya Cross?" Tanong ni Hzeck bago lumuhod sa harap ng batang si Casspian at ngumiti.
"Try this one, I think magiging happy siya kung ikaw mismo magbibigay." Ani ni Hzeck bago iabot ang isang pirasong white tulips na kinangiti ng bahagya ng bata bago tumakbo pataas dala ang bulaklak na binigay ni Hzeck.
"Ayusin mo nga ang sarili mo Cross!"
Napatigil si Casspian ng marinig niya ang boses ng lolo nito na si Cadmus sa kwarto ni Cross.
"Daddy ang sakit eh, kahit anong gawin ko nasasaktan pa din ako." Garalgal na sambit ni Cross na kinahawak ng mahigpit ng batang si Casspian sa tangkay ng bulaklak.
"Gusto ko makuha si Arkhon, gusto ko siyang habulin at kaladkarin pabalik dito ... pero anong gagawin ko kung gumawa nanaman ng gulo ang mga Freya mainvolve dito ang mga Acosta specially si Casspian."
"Cross." Kalmadong sambit ni Cadmus bago bahagyang lumuhod sa harap ng anak na nakaupo sa sahig at nakasadandal sa gilid ng kama.
"Anak may dalawa ka namang pagpipilian, maging successor ng mga Acosta at gamitin ang pamilya para makuha mo si Arkhon o hayaan na lang si Arkhon at manatili ka kasama ni Casspian."
"Daddy alam kong alam mo na hindi ako papayag na masira ang buhay ni Casspian, hindi ko hahayaang mapahamak ang anak ko dahil lang sa pagiging maksarili ko." Ani ni Cross ng---.
"Then bear that pain and face the consequence para sa anak mo." Ani ni Cadmus na kinayuko ni Cross ng bahagya.
"Katulad ng sinabi ko anak puno ng sakripisyo ang buhay, kung tatanggapin mo ang pagiging Acosta lahat ng bagay magagawa mo at mapapaikot mo. Mapoprotektahan mo si Casspian at makukuha mo si Arkho---."
"Then what daddy sayangin ko ang sakripisyo niyo ni mama? Magbuhay daga kami ni Casspian magtago ng magtago habang pinauulanan kami ng bala nang sarili naming angkan."
"Hell no daddy, hanggat wala pa sa tamang age si Casspian bibigyan ko siya ng tahimik na buhay at simple ... katulad ng pinangarap niyo minsan sakin ni mama."
"So? Yung pangalawa ang pinipili mo?" Tanong ni Cadmus na kinatahimik ni Cross.
"Ang hirap magdesisyon daddy, gusto ko bigyan ng buong pamilya si Casspian pero pano ko gagawin yun kung yung taong gusto namin makasama ayaw saming dalawa."