3rd Person's POV;
[Lumipas ang sampung taon.]
"Hindi talaga kami makapaniwalang sa loob ng limang taon nagawa mong makaabot ng ganitong level, halos lahat ng actress sa buong bansa gustong makatrabaho ang isang Cross Salves." Ani ng isa sa mga host ng show na kasalukuyang iniinteview si Cross na nakangiti sa camera.
"Katulad ng ibang artista marami din akong napagdaanan, naranasan kong umextra sa mga movies ng mga veteran na artist pati na din ang maging stuntman." Sagot ni Cross na natatawa matapos ipakita sa malaking screen kung saan siya lumabas bilang extra or mga supporting actor sa ilang palabas.
"At talaga namang kahanga-hanga may ilang new actors pa nga daw ang nagagalit sayo dahil nga daw naagawan mo sila ng eksena lalo na ng popularity."
Hindi sumagot si Cross at natawa na lang dahil aminado siyang lagi siyang napapaaway sa mga sets.
"Mukhang kilala mo na ang magiging co-star mo sa susunod na series na gagawin mo." ani ni Tobi ng makita ang lalaki na nanonood ng t.v at nakatitig sa binatang nasa show na pinanonood.
"Pamilyar ang mukha niya sakin." Nakakunot ang noong ani ni Arkhon na kinatawa ng binata.
"Malamang, stuntman yan ng co-star mong si Navaeh sa dati niyong series." Sagot ni Tobi matapos tingnan ang binata na nakakunot pa din ang noo.
"Aga mo yata umuwi ngayon Arkhon."
Napatingin si Arkhon at Tobi sa taong kumuha ng remote at pinatay ang t.v.
"Bakit mo pinatay nanonood ako. =_= "
"Kanina pa nag-aantay sayo si mommy sa opisina tapos ikaw nanonood lang dito." Singhal ni Iver sa kapatid na kinaismid ng binata.
"Sabi ko na ayokong magpakasal kay Valentine."
"What the heck Kuya Arkhon nangako ka dun sa babae tapos paaasahin mo la---."
"Wala akong maalala Iver kaya pwede wag niyong ipilit ang ayaw ko, hinding hindi ko pakakasalan si Valentine." Sagot ni Arkhon bago tumayo sa kinauupuan at umalis.
"Arkhon teka." Habol ni Tobi kay Arkhon na walang lingon-lingon na umakyat ng hagdan.
"Anong nangyari?"
Napatingin si Iver ng pumasok ang isa pang kapatid kasunod ang mga tauhan.
"Si kuya kasi, ako kinukulit ni mama sa opisina kumbinsihin ko daw si kuya." Naiinis na sumbong ni Iver.
"Tss habang patagal ng patagal mas lalong tumitigas ang ulo ni kuya." Ani ni Archie habang niluluwagan ang suot na necktie at lumapit sa kakambal.
"Pwede na kayo umalis." Ani ni Archie sa mga tauhan matapos akbayan ang kakambal na bumuga ng hangin.
"Kailangan na lang natin ireport ito kay daddy dahil siguradong magsusumbong nanaman si mommy at ako nanaman ang patay. =_= " ani ni Iver habang naglalakad pataas ng hagdan.
"Nasaan na ba yung mga papeles na pinadadala ko sayo galing sa embassy?" Tanong ni Archie ng makapasok sila sa library ng mansyon.
"Oo nga pala nadala ko yata sa kwarto ko." Sagot ni Iver.
Lalabas ulit ito ng opisina ng isara ni Archie ang pinto na kinatigil ni Iver.
"Anong problem---."
Napatigil si Iver ng halikan siya ni Archie sa labi at itutulak nito ang binata ng mas yakapin pa siya ng lalaki at siilin ng halik.
"Kuya ano ba?!" May diing pasigaw ni Iver habang pilit na tinutulak ang kapatid.
"Wag ka ng maglaban Iver." Bulong ni Archie matapos umikot at isandal si Iver sa likuran ng pinto.
"Kuya tigilan mo na ito ... magkapatid tayo maawa k---."
"Alam kong alam mo na hindi yun totoo." Bulong ni Archie na kinasinghap ng binata ng hubarin ng lalaki ang suot niyang longsleeve.
Cross Acosta's POV;
"Give it back to me Vandatt!"
Napatigil ako kasunod ang Redtape ng bumungad samin si Casspian na hinahabol si Hzeck.
"What the heck si Casspian ba yan?" Bulong ni Iggy na kinatawa ko ng mahina dahil sa reaction nila matapos makita si Casspian.
Mahaba na kasi ang kulay pulang buhok nito na ngayon ay nakaipit at kung tititigan mo siya mas mukha pa talaga itong babae kaysa sa lalaki.
Nakasuot ito ng longsleeve dahil nasa bahay lang ito siguradong tanging boxer lang ang suot nito.
"Hzeck! Susumbong talaga kita kay papa!" Sigaw ni Casspian na mukhang hindi pa din kami napapansin.
"Ayoko nga ... papakita ko ito kay--- kuya Cross."
Napatingin silang dalawa samin na kinalaki ng mata ni Casspian lalo na ng makita sina Percy.
"Tito Percy." Salubong ni Casspian na agad niyakap ang tatlong gago sa likuran ko.
"Ang galing yung mga bisita niyakap tapos ako hindi? =_= " pagpaparinig ko sa anak ko na agad napatingin sakin.
"Papa naman selos ka agad." Natatawang sambit ni Casspian bago ako niyakap.
"I miss you papa, nagpromise ka ah isang buwan ka magsstay ngayon sa mansyon." Ani ng anak ko, na kinatawa ko ng mahina matapos mapagmasdan ang maamong mukha ng anak ko.
"Makakalimutan ko ba naman yun." Sagot ko bago tingnan si Hzeck na agad yumuko sa harap ko.
"Kuya Cross." Bati ni Hzeck na agad ako niyakap.
"Kamusta kayo dito? Yung study niyo?" Tanong ko sa dalawang bata.
"Okay naman papa." Sagot ni Casspian bago sumimangot.
"But Hzeck always bullying me pag nagkakamali ako ng sagot sa tutor ko." Sumbong ni Casspian na kinailing ko.
"Lagi na lang kayong dalawa nag aaway, mabuti pa kuha niyo kami ng inumin ng mga tito niyo." Utos ko na agad sinunod nina Cass at Hzeck.
"Cross wala kabang balak ipasok sa school si Casspian? Look ...hindi na bata ang anak mo hindi siya pwedeng laging nakakulong dito." Ani ni Percy habang naglalakad kami papunta sa living room.
"Nagusap na kami ni Casspian, papasok siya sa C-lite once na maghighschool siya."
"Hanggang ngayon ba takot pa din sa tao si Casspian?" Tanong ni Iggy na kinabuga ko ng hangin.
"Yun nga ang inaalala ko walang tiwala sa ibang tao si Casspian at nag aalala talaga ako sa kalagayan ng anak ko." Ani ko.
Nang dumating sina Casspian at Hzeck nagsimula na kami magusap-usap para sa sunod kong project.
"Siguradong matutuwa ka sa next project na ibibigay ko sayo." Ani ni Percy matapos iabot sakin ang envelop na agad kong kinuha.
"Ilang taon din ang inantay natin para makuha ang opportunity na yan." Ani ni Iggy na kinataas ng gilid ng labi ko ng makita ang list ng maincast.
"Hindi ako magkakainteres na makarating dito kung hindi ko inaantay ang pagkakataon na ito." Nakangising sambit ko bago ibaba ang envelop at tingnan ang Redtape na inangat ang hawak na can ng beer.
"Hindi ka papasok sa ganitong industriya kung hindi para sa kanya." Ani ni Iggy na kinangisi ko.
"Masyado na akong madaming sinakripisyo at hindi na ako papayag na hindi makuha ang gusto ko." Nakangising sambit ko bago itaas ang hawak na beer.
--
Katulad ng pinangako ko kay Casspian matapos ko magdesisyon pumasok sa ganitong industriya pagkatapos ng isang broject isang buwan para sa aming dalawa.
Matapos namin maglaro sa Arcade at kumain nagyaya si Casspian na pumasok ng bookstore para bumili ng mga libro. I don't mind naman dahil nakadisguise ako at kampanteng hindi ako makikilala ng kahit na sino habang nakahood ako at nakashades.
Pero kahit ganun hindi pa din namin maiwasang makaagaw ng atensyon mapa-lalaki man o babae dahil kina Hzeck at Casspian.
Napailing na lang ako sa idea na mas lalo kong dapat bantayan ang anak ko.
"Papa look ang daming books dito." Natutuwang sambit ni Casspian habang tumitingin-tingin ng libro para iuwi.
"Hzeck puntahan mo si Casspian." Utos ko ng may ilang binatilyo ang nagtatangkang lumapit kay Casspian.
10 years old pa lang ang anak ko pero ang features at height nito parang nasa 15 years old na.
Mabilis namang tumango si Hzeck at lumapit kay Casspian.
Nang mapansing may ilang sales lady at costumer na nakatingin sakin umalis na ako sa pwesto ko at napagpasyahang maghanap na lang ng mga librong mababasa habang nasa penthouse.
Nagtingin-tingin ako sa mga shelves hanggang sa maagaw ang pansin ko ng bagong volume ng harrypotter na matagal ko na ding hindi nabasa.
Last time ko yata nabasa yun nung 10 years old pa lang ako.
'Magandang basahin yun pag papatulugin ko si Casspian.' Tumingkayad ako para abutin yun na kinamura ko din nang hindi ko man lang yun mahawakan dahil sa taas.
Napatigil ako ng may kamay na kumuha nun sa itaas at saktong pag-ikot ko napatigil ako ng tumama ang labi ko sa ibabang labi ng taong nasa likuran ko na mabilis napaatras ng magtama ang mata naming dalawa.
"Ikaw."