3rd Person's POV;
"Papa, I want my daddy." Bulong ni Casspian na kinatigil ni Cross.
"Ayoko ng maliitin ka pa ng ibang tao papa and Agasse promised me na poprotektahan niya tayo, hindi mo na kailangan isipin ang safety ko." Bulong ni Casspian na kinalambot ng expression ni Cross.
"Anak." Bulong ni Cross bago lumuhod sa harap ni Casspian at punasan ang pisngi ng anak.
"Anak bakit mo ito ginawa? Cass napakabata mo pa para magdesisyon ng gani---."
"Pero papa magagawa ko po makapag decide para sa inyo at ito lang ang magagawa ko para maprotektahan ka at mapasaya si papalolo." Umiiyak na sambit ni Casspian na kinatigil ng binata.
"Anak hindi mo kailangan ito gawin, bawiin mo ang---."
"N-No papa." Putol ni Casspian bago mabilis na umiling at umatras.
"We need Agasse para maprotektahan tayo at mabuo tayo nina Daddy, ayokong makita kang umiiyak o minamaliit ka ng ibang tao papa ayoko."
"Casspian anak."
"Papa, trust me hindi ko po ito pagsisisihan kahit na anong mangyari at hindi ko ito babawiin."
---
Hindi alam ni Cross ang irereact ng magbago ang expression ni Casspian at makitang desidido talaga ang anak.
"Casspian hindi mo kami kailangan alalahanin ng daddy mo okay? Anak gagawin ko lahat para ibalik dito ang daddy mo hindi mo kailangan ito gawin." Ani ng binata.
"Sorry papa pero nakapagdecide na ako."
"Katulad ng sinabi ni Agasse baby pa lang ako pinagkasundo na ako sa kanya dahil may dugo akong Acosta a-and someone wants to protect me." Ani ni Casspian bago yumuko.
"Please papa, para sa safety natin tanggapin mo na."
--
"Dad hindi ko alam kung ito na ang karma ko sa mga katarantaduhang ginawa ko sa inyo." Bulong ni Cross habang may hawak na wine at nakatingin sa ibaba ng veranda.
"Yan din yung naisip ko nung time na nawala sakin ang mama mo." Ani ni Cadmus nang makalabas ito sa kwarto ni Casspian at lumapit sa anak na umiinom mag-isa.
"Sa dami ng pagmamahan ni Casspian bakit ang katigasan pa ng ulo ko."
"Wag mo ng sisihin ang sarili mo Cross siguro nga bata pa si Casspian para gumawa ng ganitong desisyon para sa pamilya niyo, pero ginawa lang ni Casspian kung anong tama." Depensa ni Cadmus kay Casspian.
"Daddy hindi mga ordinaryong tao ang mga Zoldic, nag aalala ako sa maaaring mangyari kay Casspian sa hinaharap, kaya ganun na lang ang takot ko ng makakita ng Zoldic sa apartment ko." Pag-amin ni Cross na kinabuga ng hangin ng lalaki.
"Kahit hindi ito gawin ni Casspian pagiging isang Zoldic pa din ang tatahakin niyang daan, ginamit lang ni Casspian ang pagkakataon na yun para matulungan ka."
"Anong sinasabi mo dad? Gusto mo pumayag ako sa kasunduan na yun?" May inis na sambit ni Cross na kinatingin ni Cadmus.
"Cross as far as I know hindi ka pinuntahan ng isa sa mga Zoldic para magpaalam sayo, ininform ka lang nila na may nakipagkasundo sa kanila para sa anak mo."
"Dad ako ang ama ni Casspian at ako lang ang may karapatang magdesisyon para sa anak ko." Sagot ni Cross.
"Pero ang anak mo ang nagdesisyon na pumayag sa kasunduan para sa kaligtasan niyo, anak makinig ka hindi mo mapoprotektahan si Casspian once na gumawa kayo ng hakbang na hindi magugustuhan ng mga Freya."
"Nasa dugo mo ang pagiging Acosta pero hindi ang titulo nito, kung mapatay ka nila walang magagawa ang pamilya para madepensahan ka." Ani ni Cadmus.
"Dad hindi ko kailangan ng kahit na ano para sa pamilya ko kahit ang titulo ng pagiging Acosta, kahit ang mga Zoldic hindi ko sila kailangan para maprotektahan ang pamilya ko." Sagot ni Cross at tatalikod ito para umalis ng---.
"Minsan ko na din yan nasabi sa sarili ko Cross."
"Naniwalang kaya ko mabuhay katulad ng simpleng tao, katulad ng buhay na minsan na pinangarap ko kasama ang mama mo." Ani ni Cadmus.
"Nababago mo ang tadhana pero hindi ang pangalang dala mo. Hindi ang responsibilidad o dugong nanalaytay sa ugat mo."
"Pag pinanganak kang ibon, hindi ka pwedeng mabuhay bilang manok,bibe at pabo. Ginawa kang merong paa at pakpak pero obligado kang lumipad dahil sa ganung nilalang ka ginawa." Bulong ni Cadmus na kinatigil ni Cross.
"Kausapin mo si Casspian, Cross." Ani ni Cadmus bago harapin ang anak.
"Sating tatlo alam kong ikaw ang mas makakaintindi sa kanya."
Cross Acosta's POV;
Matapos magpaalam ni dad naglakad ako papunta sa kwarto ni Casspian at bubuksan ko na yung pinto ng---.
"Hzeck galit ba papa ko sakin?"
"CN intindihin mo na lang si kuya Cross, ayaw lang niya na pagsisihan mo yung desisyon mong ginawa in future."
"Bata ka pa Cass at yung ginawa mo para mo na ding kinulong ang sarili mo sa isang madilim na kwarto, humulma ka ng isang kadenang habang buhay mong dadalhin sa hinaharap."
"Wala naman yung pinagkaiba sa pagiging Acosta Hzeck diba?"
Napahawak ako ng mahigpit sa doorknob ng marinig ko ang sinagot ni Cross.
"CN ano bang sinasabi mo?"
Nang silipin ko sila sa loob nakita ko si Cass na nakayuko at hawak ang isang picture frame.
"Sa tatlong buwan naming pagsasama ni papa at ilang taon na pagsstay ko sa palasyo kasama si papalolo naiintindihan ko ng hindi madali ang pagiging Acosta, Madami sa aking naiinggit na mga bata nung time na ipakilala ako ni papalolo na tagapagmana. Ang saya-saya ko kasi feeling ko may bago na ulit akong mukha, kinaiinggitan hindi nilalait ng iba, pero tuwing nakikita ko si papalolo at papa na nahihirapan dahil hindi nila makasama ang taong mahalaga sa kanila at wala akong buong pamilya tinatanong ko ang sarili ko dapat ba akong matuwa?"
Pakiramdam ko para akong binagsakan ng langit at lupa ng marinig ko ang mga salitang lumalabas sa bibig ng anak ko.
Limang taon pa lang si Casspian pero ang mga bagay na pumapasok sa isip niya hindi dapat iniisip ng mga batang katulad ng kanyang edad.
'Pag pinanganak kang ibon, hindi ka pwedeng mabuhay bilang manok,bibe at pabo. Ginawa kang merong paa at pakpak pero obligado kang lumipad dahil sa ganung nilalang ka ginawa.'
--
"Papa." Tawag ni Casspian ng lumabas ito sa kwarto kasunod si Hzeck.
"Agasse?"
"Umupo kayo." Ani ko kina Cass at Hzeck na mabilis umupo sa kinauupuan kong sofa.
Sana lang tama ang desisyong gagawin ko, para sa pamilya at magiging anak ko.
Sana lang.
3rd Person's POV;
Tahimik ang lahat na nasa loob ng apartment hanggang sa basagin yun ng lalaking nakaitim na hood na katabi ng binatilyong nakipagusap kay Cross nung una nitong pagdating sa apartment.
Nakamaskara ang lalaki pero ramdam ni Cross ang bigat ng presensya nang lalaking kaharap kaya mas lalo siyang nagdadalawang isip na magsalita.
"Siguro nasabi na sa inyo ni Jusue ang tungkol sa kasunduan." Malamig na sambit ng lalaki.
"Gusto ko lang linawin kung ano mang nasa kasunduan, hindi porket pumapayag na ako na ikasal ang anak ko sa anak mo papayag akong ilayo niyo si Casspian sa akin." Ani ni Cross.
"Nasa kasunduan yun pero kinausap na ako ni Agasse tungkol diyan, mananatili sa puder niyo ang batang lalaki pero pag napahamak ang batang yan ... isusunod ko siya malinaw ang napagkasunduan naming dalawa." Sagot ng lalaki na kinagulat ni Cross.
"T-Teka po." Ani ni Cass na kinatingin sa kanya ni Cross at ng lalaking nakamaskara.
"Totoo po ba yung sinabi ni Agasse na kailangan niyang lumayo sakin ng 15 years hindi ko na siya makikita?" Tanong ni Casspian bago tingnan si Agasse na nakatingin kung saan.
"Tapos na ang mission niya dito, pumayag kana sa kasunduan ng hindi pinipilit ganun din ang iyong ama. Makakabuti na din yun sa inyong pamilya dahil pag pinagpatuloy ni Jusue ang pagsunod-sunod sayo maaari kang mapahamak." Sagot ng lalaki na kinatahimik ni Casspian.
"Kung wala na kayong katanungan aalis na kami, napirmahan niyo na din ang contract kaya wala na kaming kakailanganin pa." Ani ng lalaki bago tumayo.
"Casspian, lahat ng hiniling mo kay Agasse lahat yun mangyayari, tauhan at lahat ng kailangan ng inyong pamilya."
"Pero pagdating mo ng 21 kailangan mo ng ihanda ang sarili mo para sa lahat ng napagkasunduan ng pamilya."
Walang emosyong sambit ng lalaki bago umalis kasunod ang napakarami nitong tauhan kasunod ang batang Zoldic na tahimik na umalis ng hindi sinusulyapan ang batang lalaki na sinusundan siya ng tingin.
"Teka!"
Sigaw ng batang si Casspian matapos tumakbo palabas at sundan ang mga lalaki.
"Agasse teka!" Habol ni Casspian ng isa-isang sumakay ang mga nakablack in man sa mga kotse.
"Aray!"
Daing ng batang lalaki ng madapa ito na kinaluha ng mata ng bata.
Nakita niyang isa-isa umandar ang kotse.
"Agasse." Bulong ni Casspian habang naiiyak at nakatingin sa mga sasakyang paalis.
"Kahit kailan napakalampa mo." Napatigil si Casspian ng may pares na sapatos ang tumigil sa kanyang harapan.
"Agasse." Bulong ng batang Acosta ng lumuhod sa harapan niya ang binatilyo at ipantay ang sarili sa bata.
"Bakit mo ako tinatawag?" Tanong ni Agasse matapos punasan ni Casspian ang mata at tingnan ang lalaki.
Dahan-dahan tumayo si Casspian at pinagpagan ang sarili bago kinuha sa itim nitong cargo short ang maliit na lalagyan ng isang perfume spray.
"Ako mismo ang gumawa niyan, yan yung pinakaunang nagawa kong pabango gamit ang mga bulaklak na paborito ko."
"Hindi ko alam kung magugustuhan mo yung amoy pero gusto ko ibigay yan sayo."