24

1470 Words
3rd Person's POV; Parehong nagulat ang dalawang binata na kinangisi ni Cross na siyang unang nakabawi. "Nice too see you again, Freya." Nakangising bawi ni Cross. "Masyado ka bang nagagwapuhan sakin at hindi kana makagalaw?" Ani ni Cross matapos suutin ulit ang hood na nahulog matapos nito lumingon sa lalaki. "Anyway, anong gusto mong bayad para sa pagkuha ng libro para sakin ... my place or your place?" "W-What the heck are you saying? Tinulungan lang kita para abutin itong libro." Nakakunot ang noong sambit ni Arkhon matapos tumikhim at iabot ang libro sa lalaki nang makabawi ito sa pagkatulala. "I just want to give you some gratitude para sa pagkuha ng libro para sakin." Ani ni Cross habang nakataas ang gilid ng labi na naglakad palapit sa binata hanggang sa mapasandal ang lalaki sa bookshelves. "Papa." Napatingin ang dalawa ng makita si Casspian at Hzeck na nagtatakang nakatingin sa dalawa. "Nandito na pala ang sundo ko." Nakangising sambit ni Cross matapos iabot kay Arkhon ang sariling calling card. "Call me sometimes kung hindi ka busy, besides ... malapit-lapit na din ang pagsasama natin sa isang sets." Ani ni Cross na kinatingin ni Arkhon matapos wala sa sariling kuhanin yun. Napatigil ang binata ng itungkod ni Cross ang kamay niya sa kabilang gilid ng ulo ng lalaki. "Hindi na ako makapag-antay na makatrabaho ka ulit." Bulong ni Cross na kinatuyo ng lalamunan ni Arkhon dahil sa presensya at epekto ng lalaki sa katawan at puso niya. -- "Arkhon!" Napakurap ang binata ng hampasin ni Tobi ang lamesa para maagaw ang pansin ng lalaki. "What the f**k is your problem Revere." Kunot ang noong tanong ni Arkhon na kinahilot ni Tobi sa sintido. "For petes sake Freya, 1 in a half hour na akong nagsasalita dito tapos hindi ka lang nakikinig? Pinaguusapan natin dito yung susunod mong project." May diing sambit ni Revere. "Bukas na natin pag-usapan yan wala ako sa mood para makinig." Bored na sambit ni Arkhon na kinapokerface ng binata. "Anong chismis Freya? Huli kitang nakitang ganyan 5 years ago pa." Ani ni Revere na kinatigil ni Arkhon at kinatingin sa binata. "What do you mean?" Tanong ni Arkhon na biglang nagkainteres sa sinasabi ng binata. "This is all about Acosta right?" Ani ni Tobi na kinatahimik ni Arkhon ng ilang minuto. "Nakita ko siya sa bookstore kahapon, damn I'm not freaking gay hindi ako naaattract sa kahit na sinong lalaki but f**k! Bakit hindi siya mawala sa isip ko?!" Frustrate na sambit ni Arkhon matapos sumubsob sa lamesa at sabunutan ang sarili. "Kaaway siya ng pamilya mo diba, wake up bud malaking gulo yan." Ani ni Revere. "Pina pupull out ng daddy mo yung contract para sa susunod na series Arkhon kaya---." "No, ilang taon ko hinintay ang project na yun Revere hindi ako papayag na masira yun dahil lang sa isang Acosta." Putol ni Arkhon kay Revere na kinataas ng gilid ng labi ng binata. Dahil alam niya na walang panalo si Arkhon pag nasa harapan niya na si Cross na kahit ang mga Freya walang nagagawa pag nagsimula nanamang kumilos ang tagapagmana ng mga Acosta. -- "Cross Buti naman nakarating ka." Ani ng gwapong binata na halos hubaran ng tingin nang mga babaeng nasa loob ng restaurant. "Bakit naman ako hindi pupunta." Pailing-iling na sagot ng binata bago umupo sa upuan na nasa harapan ng lalaki. "So? Anong atin? Pinapunta mo pa ako dito pwede ka namang pumunta ng bahay." Ani ni Cross na kinakamot sa pisngi ng binata. "Ayoko ng masuntok ulit ng pinsan mo." Sagot ni Lucas na kinatawa ng binata. "Sa susunod kasi pagpupunta ka ng bahay wag kang magdadala ng bulaklak." Puna ni Cross na kinapokerface ng lalaki. "Hindi niya naman kasi tinanong kung para kanino." Sagot ni Lucas na kinailing ng binata. "Oo nga pala ito yung pasalubong ko para sayo at kay Casspian?" Ani ni Lucas matapos kuhanin yung ilang paperbag na nasa katabing upuan. "Ang dami nito at may--- bulaklak pa." "Para yan kay Casspian ... nung nasa Thailand ako nakausap ko sa viper ang anak mo. Magdala daw ako ng iba't ibang klase ng bulaklak kaya yan." Ani ni Lucas na kinatawa ng binata bago kinuha yun. "Masyado mong iniispoild ang anak ko Lucas." Ani ni Cross. "Para ko na din anak si Casspian at isa pa halos ako na nagpalaki sa batang yun." "Siguradong matutuwa siya pag nakita ka, ilang buwan ka din nun hindi nakita." Ani ni Cross. "Lagi ko naman yun kausap sa skype, gumigising ako ng madaling araw para tawagan ang batang yun at panoorin siya gumawa ng mga perfume niya.". "Ang batang yun talaga iniistorbo ka pa." "Katulad ng sabi ko para ko na din anak yun, no issues." Nakangiting sambit ni Lucas na kinangiti ng binata dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng lalaki dahil nung mga time na lugmok silang mag-ama, si Lucas ang tanging umalalay sa kanilang dalawa at tumayong pangalawang magulang sa anak niya. "Bigla ko tuloy namiss si Nhate saang planeta na napunta yun?" Ani ni Cross na kinabuga ng hangin ni Lucas. "Huling pagkikita namin yung time na dapat sasama siya sakin sa Thailand." Ani ni Lucas na kinatingin sa kanya ng binata. "Ano ba talagang nangyari nun sa airport? Nabalitaan ko din kina Chase ang nangyari pinasara daw ni Revere ang airport sa buong pilipinas para mahanap si Nhate." "May kinalaman ka ba dun?" Tanong ni Cross na kinangiwi ni Lucas. "Wala, wala din naman sinasabi si Nhate basta before ang flight ko dumating siya sa bahay at sinabi niyang sasama siya sakin." Ani ni Lucas. "Hindi ko din maiwasang mag-alala, lalo na nung time na nakita ko si Vk galit na galit siya at sapilitang hinila si Nhate paalis." "Sigurado naman akong hindi masasaktan ni Vk si Nhate." Ani ni Cross matapos sumandal sa sandalan ng upuan at tumingin sa labas ng glass mirror. "Nag-aalala pa din ako, hindi ko pa din siya nakokontak hanggang ngayon at sa mukha ni Vk nun sa airport baka may hindi siya magandang gawin kay Nhate." Bulong ni Lucas na kinatingin ni Cross. "Don't worry papakontak ko kay dad si tito Reg, papatanong ko kung nasan si Vk at kung kasama niya si Nhate." Ani ni Cross na kinangiti ni Lucas. "Thanks bud." Matapos magbomb fist ang dalawa umorder na sila ng makakain. Habang kumakain patuloy lang sila sa pagkukwentuhan hanggang sa---. "Si Arkhon." "Girl may artista." Napalingon si Cross sa grupuhang pumasok sa restaurant na binati ng mga crew. Umupo ang mga lalaki kasama si Arkhon sa table na hindi kalayuan sa kanila. "Babe ikaw na magorder sakin." Malanding sambit ni Valentine na kasalukuyang nakalingkis sa binata na kinailing na lang ng mga kasamang lalaki ni Arkhon. Halata sa mukha ang irita ng binata pero mas pinili nitong kumalma. Matapos nito makuha ang menu napahinto ang binata ng masagi ng paningin niya ang kabilang bahagi ng restaurant malapit sa glasswall. Kahit nakahood at sunglasses kilalang kilala ito ng binata lalo na't ilang araw din itong gumugulo sa utak niya. Nakasandal ito sa glasswall na imbis sa table nakaharap, nakaharap ito sa kanya habang may hawak na baso at umiinom. Hanggang sa makita nito ang pagdila ni Cross sa gilid ng baso habang nakangisi matapos magsalubong ang mata nilang dalawa. "Arkhon ayos ka lang bat namumula ka?" Tanong ni Valentine na kinatikhim ni Arkhon matapos dumampot ng baso sa lamesa at uminom. "Ikaw na babe pumili ng order natin." Wala sa sarilng sagot ni Arkhon na kinakagat labi ni Valentine ng tawagin siyang babe ni Arkhon. "Cut it out guys single here." Hirit ng isa sa mga lalaking kasama nila. "Hindi ka single bud, feeling single ka lang talaga palagi." Napuno ng asaran sa lamesa nina Arkhon kaya dun nabaling ang pansin ng binata na kinangisi naman ni Cross dahil halatang iniiwasan nitong mapatingin sa pwesto niya. "Iba din epekto mo kay Arkhon." Bulong ni Lucas na kinataas ng gilid ng labi ni Cross. "Pag nasa sets na kami siguradong hindi niya na ako maiiwasan." Ani ni Cross bago umikot at humarap kay Lucas. "Hanggang ngayon ba si Arkhon pa din?" Tanong ni Lucas na kinatingin ni Cross. "Bud napagusapan na natin yan diba?" Ani ni Cross na kinatingin ni Lucas sa kabilang table. Kitang-kita niya ang pagsulyap ni Arkhon sa table nila kaya palihim itong napangisi at tumayo. "Cross." Tawag ni Lucas na kinatingin ulit ng binata, saktong pag-angat ng tingin ng lalaki yumuko si Lucas at bahagyang gumilid. Hinalikan lang ni Lucas si Cross malapit sa labi pero sa side ni Arkhon, parang naghahalikan talaga sila dahil dito---. "Arghh Arkhon!" Napatayo ang mga nasa kabilang table ng mabitawan ni Arkhon ang hawak na baso at matapunan sila ni Valentine. "S-Sorry Valentine." Ani ni Arkhon na hindi alam kung saan titingin at kung anong bagay ang gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD