21

1317 Words
3rd Person's POV; "Look Hzeck ang ganda." Ani ng batang si Casspian bago ipakita sa binatang si Hzeck ang paru-parong nasa mga palad. "Oo nga ang ganda." Nakangiting sambit ni Hzeck habang nakatingin sa mukha ng batang si Casspian. "Hzeck." Tawag ni Casspian ng lumipad ang paru-paro nang may makita siyang mga black in man na papalapit sa kanila. "Dito ka lang young master." Tinago ni Hzeck sa likuran niya si Casspian ng makita niya ang isa sa mga Freya na nagdidilim ang mukhang humakbang palapit sa kanila. "Nasaan si Acosta?" Tanong ni Iver matapos hablutin ang kwelyo ni Hzeck na walang takot na nakatingin sa kanila. "Ikaw nakita mo?" Maangas na tanong ni Hzeck ng---. "Hzeck!" Sigaw ni Casspian ng suntukin ni Iver si Hzeck na dahilan para bumagsak ito sa sahig. Lalapit si Casspian ng hilahin ni Iver ang buhok ng batang Acosta at tutukan ng baril sa ulo. "Casspian!" Sigaw ni Hzeck lalapit ang binata ng may humampas sa kanya sa likod. "Let go of me!" Sigaw ni Casspian habang nagpapasag. "Nasaan si Cross Vandatt." May diin na sambit ni Hzeck matapos iangat ang mukha ni Casspian na kinakuyom ng kamao ng binata. "Wag mong idamay dito ang bata." May galit na sambit ni Hzeck tatayo ito ng sipain ito ng lalaki at lalaban ito ng---. "Isang hakbang mo sabog ang ulo ng batang ito." Banta ni Iver matapos ikasa ang baril na hawak at nakatutok sa ulo ni Casspian na ngayon ay nanginginig na nakatingin sa baril matapos nito maalala ang nangyaring gulo sa ospital. "Bitawan mo ang anak ko Freya." Napatingin ang lahat sa bukana ng garden ng pumasok si Cross na walang emosyong lumapit sa mga lalaki. "Iba din ang lakas ng loob mo Acosta, ano ba talaga ang gusto mo mangyari ha?" Mabilis na nasalo ni Hzeck si Casspian ng itulak ito ni Iver at babagsak sa sahig. "Ibalik niyo sa amin si Arkhon para matapos na ang gulo na ito Freya."bored na sambit ni Cross na kinakuyom ng kamao ni Iver. "Ibalik? Nagpapatawa ka ba? Isa ka lang namang succesor na walang titulo ano bang pinagmamalaki mo?" Natatawang sambit ni Iver bago humakbang palapit kay Cross at---. "Papa!" Sigaw ni Casspian ng hampasin ni Iver sa mukha si Cross dahilan para bumagsak ito sa sahig. "Papalag ka?" Ani ni Iver matapos tutukan ng baril si Cross at si Hzeck na yakap si Casspian nang tatangkain ng binata na lumaban. "Kung papatayin kita ngayon Cross walang magagawa ang sino man sa kaibigan mo kahit ang mga Acosta kung hindi umiyak at makipaglibing." Ani ni Iver bago yumuko at hawakan ang panga ni Cross na ngayon ay nagdidilim ang mukhang nakatingin sa kanya. "Hinding hindi mo makukuha si kuya Arkhon kahit na anong gawin mo." Nakangising sambit ni Iver bago bitawan ang mukha ni Cross at tumayo ng ayos. "Nasa iisa pa ding organisasyon ang mga Freya at Acosta kaya kung sakaling ayaw namin lumikha ng ikakagulo ng organization." "Pero kung pipilitin mo ako at humarang ka pa din sa dinadaanan ko, hindi na ako magdadalawang isip na tapusin ka." Ani ni Iver bago lampasan si Cross at sundan ng mga tauhan. "Papa." Bulong ni Casspian ng makita ang bahagyang pagyuko at pagkuyom ng kamao ng ama. "Papa." Nangingilid ang luhang tawag ni Casspian matapos lumapit sa ama at yakapin ang ulo ni Cross. Mabigat ang paghinga ng binata habang pilit na pinapakalma ang sarili dahil sa galit na namumuo sa dibdib ng binata. "Pasensya na Cass walang magawa si papa para maibalik ang daddy mo dito." Bulong ni Cross matapos yakapin ang anak pabalik. "Mabubuo din tayo papa, love ka ni daddy at nakikita ko yun ... I know po darating ang right time na maalala niya tayo at makakasama natin siya." --- "Agasse! Nasan ka!" Sigaw ni Cass mula sa pinakaloob ng garden ng apartment kung nasaan ang mga naglalakihang pader na nagsisilbing hangganan ng garden. "Alam ko nandito ka lang nasaan ka." Bulong ni Casspian habang nakayuko. "Agasse ha? I like that name specially kung ikaw ang nagsasalita." Napalingon si Casspian sa punong hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. May binatang nakaupo sa pinakamalaking bahagi nang sanga ng puno, katulad ng una, pangalawa at pangatlo nilang pagkikita may suot pa din itong hood na nagtatago sa kalahati ng mukha ng lalaki. "Pumapayag na ako sa gusto mo mangyari, pero gusto ko na ibigay mo lahat ng hihilingin ko." Ani ni Casspian na kinataas ng gilid ng labi ng binata. Cross Acosta's POV; "Ano ito Casspian?" Hindi makapaniwalang sambit ko ng may dumating na napakaraming black in man at lahat sila may mga dalang suit case. Lahat sila nakaluhod sa harap ni Casspian na nanatiling nakayuko. "Casspian!" May inis na sigaw ko sa anak ko. Hindi sila tauhan ng mga Vandatt either ng mga Acosta. "Papa wag ka po magalit." Bulong ni Casspian habang nakayuko. Hindi ko maiwasang matakot lalo na't hindi ko gusto ang mga presensyang nararamdaman ko sa kanila. "Anak sabihin mo sino ang mga taong yan." Ani ko matapos lumapit at iharap sakin ang anak ko. "S-Sila ang---." "Mga tauhang napagkasunduan namin ng fiancé ko." Napatingin ako sa pinto sa lalaking naglalakad palapit samin, nakahood ito at nakatago ang kalahati ng mukha kaya hindi ko ito maaninag. Pero sa galaw at presensya niya siguradong napakadelikado nitong tao. "Sino ka?" Nakakunot ang noong taonong. "I'm Agasse Jusue ... Zoldic." Pagpapakilala ng lalaki na kinalaki ng mata ko bago tinago sa likod ko si Casspian at bahagyang umatras. "Anong kailangan mo sa anak ko?" Nanggagalaiting sambit ko. "Papa." "Andito ako para ibigay ang mga bagay na hinihingi ng fiancé ko." Pacool na sagot ng lalaki bago bahagyang inikot ang paningin sa apatment ko. "Fiancé? Are you out of mind? Hindi ako papaya---." "Wag!" Sigaw ni Casspian matapos ako tutukan ng baril ng mga lalaking nakasunod sa tagapagmana ng Zoldic. Hindi ako tanga para hindi sila makilala, kilala ang mga ito sa business at underground pero anong ginagawa nila dito? "Agasse umalis na muna kayo hindi ko pa nakakausap ang papa ko tungkol dito." "Casspian." Kinakabahang tawag ko sa anak ko bago lumuhod sa harapan niya. "Tell me hindi ka nakipagkasundo sa kanila diba?" Bulong ko kay Casspian na kinatigil ko ng ilang minuto matapos yumuko ng anak ko. "Casspian tumingin ka sakin anak! Bawiin mo kung ano mang sinabi mo sa kanila." May diing utos ko ng---. "Sad to say pero pumirma na siya ng pauna naming contract." Sabat ng lalaki na kinatingin ko. "Hindi ako papayag limang taon pa lang ang anak ko para makipag kasund---." Naputol ang sasabihin ko lumuhod ang lalaki sa harap ko. "Lord Jusue!" "Andito ako hindi bilang Zoldic kung hindi bilang kaibigan ng inyong anak." "Kailangan namin itong gawin ni Casspian kung hindi papatayin siya ng ama ko. Ang kasunduang ito hindi lang para sa sarili ko kung hindi para na din sa inyo at sa kaligtasan ng batang mapapangasawa ko." Ani ng binatilyong nasa harap ko na kinagulat ko, paano nangyaring mapapangasawa ng isang Zoldic ang anak ko. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi makapaniwalang sambit ko. "Hindi ko maaaring sabihin ngunit ayun sa kasunduan, kailangan maipakasal sakin si Casspian sa edad na 21 at pumirma sa contract sa edad na 10." "Hindi ako makakapayag sa gusto niyong mangyari kakausapin ko si daddy hindi pwedeng maikasal ang anak ko lalo na sa mga Zoldic." Nanggagalaiting sambit ko. Hindi ako huhukay ng paglilibingan ng anak ko gagawan ko ito ng paraan. "Kahit kausapin niyo si Mr.Acosta wala siyang magagawa lalo na't hindi naman siya nakipagkasundo sa amin ng anak niyo." Ani ng batang Zoldic bago tumayo at mag-angat ng tingin. "Magulo na ang buhay namin mag-ama! Pwede ba wag na kayo makisabay pa!" Sigaw ko lalapit ako ng yakapin ako ni Casspian sa hita na kinatigil ko lalo na ng humagulhol ng iyak si Casspian habang nakayakap sa mga hita ko. "C-Casspian." Bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD