20

1298 Words
Cross Acosta's POV; "Saan niyo ba ako dadalhin!" Nangagalaiting sigaw ko matapos ako ipasok ni Elliot sa kotse at pagitnaan ako ng dalawa. "Pupunta tayo ngayon sa mga Freya." Sagot ni Cohen na kinamura ko matapos niyang iistart ang kotse. "Don't tell me isusurrender niyo ako sa mga putanginang yun para mamatay!" Singhal ko kay Cohen. "Now I know nakakatanga talaga ang pagmamahal." Out of the blue na sambit ni Percy na nasa passenger seat. "What do you mean by that." May diin na sambit ko. "See, nevermind." Tatawa tawang sagot ni Percy magsasalita ako ng---. "Pagdating sa mansyon papasok kami, nasa sayo na yun kung papasok ka o hindi." Ani ni Cohen na kinadilim ng anyo ko. "Bakit ba hindi niyo ako maintindihan? Hindi---." "Hindi lang kasi namin matanggap na ganun mo kadaling isinuko si Arkhon Cross, halos ikamatay na ng tao yung mga time na kailangan mo ng tulong ... yung sapilitan ka ding kinuha ng grupo ni Janus at nasa ilalim ka ng impluwensya ng drugs." Putol ni Percy na kinakuyom ng kamao ko. "Wag mo ako sumbatan Percy dahil lahat na ng bagay ginawa ko para maibalik sakin si Arkhon, hinayaan ko siyang pumili kahit sa huli alam kong pagsisihan ko." Nanggagalaiting sambit ko na kinatingin ni Percy sa rare view mirror. "Hindi ko iniexpect na ganyan kahina ang tinuring na leader ng grupo." "Anong sabi mo?!" Susugurin ko si Percy ng sabay akong iniupo ng kambal na Sikat. "Wag mong masamain ang sinasabi namin Cross kasi lahat naman yun totoo, hindi mo ba nakikita ang sarili mo ngayon?" Ani ni Rise na kinatahimik ko. "Mas matanda ka samin, hindi ka namin naiintindihan lalo na sa sitwasyon niyo ni Arkhon." "Pero Cross kaya mo bang makitang mapunta sa iba si Arkhon na alam mo kung gaano ka kamahal nung tao? Gagawin mo siyang miserable dahil lang naging duwag ka now tell me, hindi ka ba nun naging unfair kay Arkhon?" Ani ni Cohen na kinatahimik ko ng ilang minuto hanggang sa huminto kami sa madilim na bahagi ng lugar. "Malapit na dito ang mansyon at balak namin kaladkarin pabalik si Arkhon." Ani ni Cohen bago lumabas kasunod si Percy. Binuksan na din nina Rise at Elliot ang pinto sa magkabilang bahagi ng kotse. "Ikaw na bahala Cross kung susunod ka samin o hindi." Ani ni Elliot mula sa labas at ilagay ang small knife sa upuan bago umalis. 3rd Person's POV; "Wag kayong papatay." Bilin ni Cohen matapos nilang talunin ang gate at makitang magpaikot ng patalim sa kamay ang kambal na Sikat. "Nah, I can't promise." Sagot ni Elliot na kinatingin nina Percy. "El." Ani ni Chase na kinagusot ng mukha ni Elliot matapos umiwas ng tingin. "Whatever." Bulong ni Elliot bago naunang maglakad na kinakibit balikat ni Rise. "Sino kayo?!" Nagkanya-kanyang takbo ang redtape ng paputukan sila ng mga tauhan ng mga Freya. Habang nagkakaputukan sa mansyon ng mga Freya tahimik na tinanggal ni Cross ang tali sa katawan at paa. 'Pero Cross kaya mo bang makitang mapunta sa iba si Arkhon na alam mo kung gaano ka kamahal nung tao? Gagawin mong miserable si Arkhon dahil lang naging duwag ka now tell me, hindi ka ba nun naging unfair kay Arkhon?' "Ano bang alam nila sa nararamdaman ko?" Bulong ni Cross hanggang sa maalala ang mga pangako nitong binitawan kay Arkhon na ititigil na ito at hindi na guguluhin. 'I love you Cross.' Napahawak ng mahigpit sa patalim si Cross ng maalala nito ang mga oras na kasama nito ang binata at mga pangako nito sa kanya. "Ano ba ang kailangan kong gawin Arkhon para bumalik ka sakin?" Bulong ni Cross bago bahagyang yumuko. "Ano na lang ang panghahawakan ko kung tanging ala-ala na lang ang meron tayo.' "Percy!" Sigaw ni Chase ng mahuli ng mga goons si Percy at pinagtulungan ito ibagsak. Papaputukan ng isa sa mga ito si Percy ng bigla na lang tumumba yun, ganun din ang iba pa ng mabilis silang patulugin ni---. "Cross." Tawag ni Chase matapos patumbahin ang lalaking humarang sa kanya. "Pakiramdam ko wala si Arkhon dito." Bulong ni Cross habang hinihilot ang kamao. "Don't tell me dahil sa string et---." "Gago." Putol ni Cross. "Konti lang ang mga bantay sa labas kahit dito kaya malakas ang kutob ko na walang Freya ang nandito." Ani ni Cross bago lampasan sina Percy at Chase. Tahimik na sinundan nang dalawa si Cross hanggang sa makarating sila sa ikalawang palapag, nakita nila dun si Iggy at ang kambal na Sikat. Inisa-isa nilang buksan ang pinto hanggang sa mapahinto si Elliot sa isang pinto nang hindi bumukas yun. "Baka andito si Arkhon." Ani ni Elliot bago tumabi matapos lumapit si Percy kasama sina Cross. "Ako na magbubukas." Pagpiprisinta ni Rise habang may kung anong kinukulikot sa pinto. *click* "Saan mo naman natutunan yan? =_=." Tanong ni Elliot. "Wag ka ng magtaka may girlfriend akong leader ng budol-budol gang." Banat ni Rise na kinangiwi ni Elliot dahil kilala niya ang tinutukoy nito. "Walang tao." Ani ni Percy ng makitang walang tao dun. "Pero kwarto ito ni Arkhon, naaamoy ko ang pabango niya dito." Sagot ni Cross bago humakbang sa kama at---. "Kanino yan?" Ani ni Iggy ng pagtanggal ni Cross ng kumot sa kama may nakita siyang camera. "Kay Arkhon ito." Bulong ni Cross matapos kuhanin yun at buksan. Cross Acosta's POV; Naikuyom ko ang kamao ko ng ipalabas dun ang cctv footage ng araw na yun. "Bumalik na ang ala-ala ni Arkhon kaya siya kinuha?" Ani ni Iggy habang nasa kotse kami at bumabyahe pauwi. "Kung bumalik na ala-ala ni Arkhon siguradong siya ang kusang babalik sa mansyon." Sabat ni Chase. "Anong problema?" Tanong ni Cohen. "Papahanap natin si Arkhon kay Tito Alcide at kung maghaharap ulit sila sa korte ng mga Freya siguradong sasama na sa kanila si Arkhon." "Kung hanggang ngayon naalala niya pa ako." Ani ko na kinatingin nina Brian. Kung hindi pa malala ang sakit ni Arkhon makukuha namin siya ng walang kahirap-hirap pero kung mangyari nga ang kinakatakutan namin pareho ni Revere, suntok sa buwan ang gagawin naming pagpapabalik kay Arkhon. -- "Cross." Napatingin ako kay tita Aila ng tumabi ito sa kinauupuan kong bench matapos nito pumasok sa pinakagarden ng apartment building na kinatitirhan namin ni Arkhon. "Ang bilis lumaki ni Casspian." Komento ni tita ng makita ang anak ko na nakaupo sa hindi kalayuan katabi si Hzeck at pinapanood ang mga carpa na lumalangoy sa maliit na pond na nanduon. "Ang lungkot lang kasi nung mga time na baby pa si Cass wala ako para alagaan siya, ngayong nandito naman ako wala akong ginawa kung hindi alalahanin si Arkhon." Bulong ko habang nakatitig sa anak ko. "Sa mga mata at kilos mo Cross nakikita ko sayo si Astrid at Cadmus nung time na pareho silang umiiyak sa araw ng kasal nila." Ani ni Tita Aila na kinatingin ko. "Sa mata nila gusto nila kapitan ang isa't isa tumakas at magpakalayo-layo pero iba dun ang ginawa nila." "Mas pinili nila maghiwalay na dalawa para ang mga anak nila ang mabuhay, para sakin ang pagmamahal na yun ay hindi naikukumpara sa kahit na sino at ano mang uri ng pagmamahal dito sa mundo. "Yun ang pagmamahal na hindi mauunawaan ng kahit na sino." Dagdag ni Tita Aila bago ako tingnan. "Dahil anak ka nila alam kong isasakripisyo mo din ang sarili mong kaligayahan para sa anak mo at alam ko na maiintindihan din yun ni Arkhon." "Sinasabi mo ba tita na hayaan ko na si Arkhon sa mga Freya?" Ani ko na kinabuga ng hangin ni Tita bago ngumiti at haplusin ang buhok ko. "Kami ang magulang ni Arkhon at gagawin namin lahat para maibalik siya dito, kailangan ka ng apo ko at sa ngayon siya muna ang pagtuunan mo ng pansin." "Tita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD