25

1479 Words
3rd Person's POV; Parehong napatingin si Cross at Lucas sa kabilang table ng hindi malaman ng mga crew kung anong gagawin ng magsisigaw si Valentine dahil lang sa juice. "I'll give you some little favor, I guess." Ani ni Lucas na kinailing ni Cross ng makuha niya kung bakit yun ginawa ng binata. "Loko ka din, tara na hatid mo na ako." Ani ni Cross bago tumayo dala ang bulaklak at ilang paper bag. "Hindi mo dala yung kotse mo?" Tanong ni Lucas matapos kuhanin ang ilang dala ni Cross. "Gamit ni Hzeck at Casspian ... inimbita sila sa home party ng kaibigan nila sa K-Mandit Village malapit lang sa penthouse." Sagot ni Cross habang naglalakad sila palabas ng restaurant. "Party? Himala pumayag si Casspian." Ani ni Lucas. "Family ng kaibigan ni Casspian at ilang kaibigan lang naman nila ang imbitado, sigurado kung may ibang tao sa party siguradong taga- village din ang mga imbitado kaya hindi ako nag-aalala." Bago sumakay sa kotse pinasok muna ni Cross ang mga bulaklak at sasakay itong ng passenger seat nang---. "Arkhon." Ani Cross ng hilahin siya paharap. "Sinusundan mo ba ako?" May inis na sambit ng binata na kinapokerface ng lalaki. "As far as I know ako unang nakapasok ng restaurant." Sagot ni Cross sa binatang ngayon ay nagdidilim ang mukhang nakatingin sa kanya. Hindi nagsalita si Arkhon hanggang sa hilahin nito ang lalaki papunta kung saan. "Cross!" "Arkhon!" Nagkatinginan sina Lucas at Valentine nang sabay nilang tawagin ang dalawang lalaki. "Sakay." Walang emosyong utos ni Arkhon. "May kasama ako at hindi mo ako tinawag---." "May utang ka sakin diba? Sakay." Putol ng binatang si Arkhon matapos buksan ang pintuan ng kotse. "p*****t ah, nice pick up." Sarcastic na sagot ni Cross bago pumasok sa kotse. "Damn it." Bulong ni Arkhon matapos ibalibag ang pinto ng kotse at umikot para sumakay. "Hindi ka ba natatakot masira ang image mo Acosta? Kung sino-sinong lalaki ang kasama mo nagkikiss pa kayo in public?" Nag gigitgit na sambit ni Arkhon matapos niya paandarin ang kotse palabas sa parking lot ng restaurant. "Ano naman sayo kung masira ang image ko?" Bored na sambit ni Cross habang nagtitipa sa phone at isampa ang dalawang paa sa dashboard. "Ganyan ka bang klase ng artista? Malaking opportunity ito para sa isang artist na masali sa ganitong series. Tapos---." "Yung totoo Freya kaya mo ba ako sinakay dito para sermonan?" Ani ni Cross bago tinanggal ang suot na sunglasses at tignan ang binata. "Ano ba talagang pinuputok mo? Sa pagkakaalam ko nakadisguise ako at kung magkiss man o magsex kami ni Lucas in public wala ka ng pakialam dun." Napahawak ng mahigpit sa manubela si Arkhon bago mas pinabilis ang pagpapatakbo sa sasakyan. -- "f**k!" Mura ni Cross ng parang laruan siyang naihagis ni Arkhon sa kama at babangon siya ng mabilis na pinatungan siya ng lalaki na kinatigil ng binata ng bahagya. "Tell me naalala mo ba ako?" Tanong ni Cross na kinadilim ng anyo ni Arkhon. "Oo ikaw lang naman yung stuntman na walang ginawa kung hindi guluhin ang buhay at mundo ko." "Ikaw yung taong gusto pumatay sakin diba?" Napapokerface si Cross at papalag ito ng hawakan siya ni Arkhon sa dalawang kamay at ipitin ang katawan niya. "Bitawan mo ako." May diin na sambit ni Cross. "Traydor ka, muntikan na akong maniwala na gusto mo ako makasama tapos malalaman ko kina Iver na balak mo akong patayin kaya ako nawalan ng malay." "Saan naman nanggaling ang kasinungalingan na yan!" Sigaw ni Cross na kinatigil ni Arkhon lalo na nung unti-unting tumulo ang luha ni Cross. "Hinding-hindi ko magagawa yun sayo! Inantay kita! Binigay ko sayo yung sulat ... ano bang sinasabi mo?!" Bulyaw ni Cross na kinaingit ni Arkhon matapos mapahawak sa ulo ng pumitik yun. "Arkhon." Ani Cross ng mapaupo si Arkhon sa sahig. "A-Anong sulat?" Tanong ni Arkhon matapos mapapikit ng madiin ng pumitik nanaman ang sintido niya. "W-Wala wag mo ng alalahanin, k-kalimutan mo na." Nag-aalalang sambit ni Cross matapos bumaba at hawakan ang ulo ni Arkhon na kinatigil ng binata. "Wag mo ng piliting alalahanin ang lahat, kung hindi mo kaya." Bulong ni Cross na puno ng pag-aalala ang mata na sa unang pagkakataon nakita ng binata. Nang magtama ang kanilang mga mata napaiwas ng tingin si Arkhon at napasandal sa gilid ng kama habang hawak ang ulo. "Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko." "Hindi ako makapaniwala na pagtatangkaan mo ang buhay ko kasi kung lahat ng yun mission lang bakit mo paulit-ulit ibibigay ang sarili mo sakin." "Arkhon." Bulong ni Cross ng makita ang expression ni Arkhon na punong-puno ng pagdududa. "Ano ba talagang nangyari? Bigla kang nawala sa set." Tanong ni Arkhon bago tumingin kay Cross. "Wala ka ba talagang naaalala na kahit na ano?" Tanong ni Cross habang tinitingnan sa mata si Arkhon. "Naaalala ko lang nasa Cabin tayong dalawa at yung tanong mo na kung sasama ako sayo if yayain mo ako lumayo." Sagot ni Arkhon na kinasapo ni Cross sa noo bago nanghihinang sumandal sa kamang sinasandalan ni Arkhon. "Thanks god kahit papaano may naalala ka pa tungkol sakin." Ani ni Cross. "Pero hindi ko maalala kung pano tayo nagkakakilala either--- bakit nawawala ang ala-ala ko?" Napatingin si Arkhon sa mga kamay ng may marealize hanggang sa---. "Argh ang sakit!" "s**t! Arkhon sabing wag mong pilitin." Tarantang sambit ni Cross ng mapadaing si Arkhon dahil sa sakit ng ulo. "Natatakot ako, bakit wala akong naaalala--- naaalala ko yung nasa sets pero hindi ko maalala kung pano kita nakilala paanong--- f**k!" "Arkhon huminahon ka." Ani ni Cross na kinatigil ni Arkhon nang sapuin ng binata ang pisngi niya. "Andito ako Arkhon, paulit-ulit mo man ako kalimutan ... andito lang ako hindi kita iiwan." Bulong ni Cross na kinalambot ng expression ni Arkhon. His's POV; Sabi ni daddy wag kong pagkakatiwalaan si Acosta pero heto nanaman ako nagpapadala sa mga salita niya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko siya naaalala pero ang puso at buong sistema ko nagrereact pag nasa paligid siya. Hindi dapat ako maniwala o magtiwala pero katulad ng mga nauna parang may sariling utak ang katawan ko, kusang sumusunod sa galaw at salita niya. Hinawakan ko ang pisngi ni Cross at sinalubong ang tingin niya. "Bakit mo ba ito lahat ginagawa? Bakit kahit saan ako pumunta sumusunod ka?" Tanong ko habang nakatingin sa mata ni Cross. "Kasi andito ka at nangako tayong dalawa na habang buhay tayo magsasama." Sagot ni Cross na kinapikit ko ng madiin, mas lalo lang ako naguguluhan ... totoo lahat ng sinasabi ni Cross pero bakit magsisinungaling sakin ang pamilya ko. "Arkhon." Bulong ni Cross na kinamulat ko ng mata. Napatigil ako ng kuhanin ni Cross ang phone ko na nasa ibabaw ng kama. May kinulikot siya dun at tumingin sakin. "Hindi ko alam kung kailan mo makakalimutan ang araw na ito, kung maaalala mo pa ba ulit." "Sa kabila ng paglimot mo sakin at pagkabura ng ala-ala nating dalawa, masaya pa din ako kahit ilang beses mo akong nireject at binabalewala." "Kabaliwan pero totoo lahat ng yun Arkhon." "Sa kabila ng pagkawala lahat ng ala-ala mo, nanatili pa din nasakin ang puso mo ... at ang bagay na yun ang kaisa-isang dahilan bakit hindi ako sumusuko." "Baka bukas o sa mga susunod na buwan, wala ka nanamang Cross Acosta na maalala. Nakakapagod ding maghabol sayo pero mahal kita at magtitiis ako habang umaasa na babalik ulit lahat ng ala-ala mo. Babalik ka sakin at kay Casspian bubuo ng pamilya katulad ng pinangako natin sa isa't isa." Ani ni Cross bago magbaba ng tingin at may kung anong pindutin sa phone ko. "Cross." Bulong ko na kinaangat ng tingin ni Cross sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya hanggang sa dumikit ang labi ko sa mga labi niya. Hindi ko maalala pero lahat ng ito pamilyar. Napakapit ako ng madiin sa magkabilang bahagi ng bedsheet na nasa likuran ni Cross hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na yakap ng mahigpit si Cross. Bagay na sa parehong gustong gawin ng isip at puso ko, yakapin ng mahigpit ang lalaking nasa mga bisig ko at wag pakawalan. "Takot na takot ako Cross, ayokong makalimutan ang pakiramdam na ito Cross ayoko." Bulong ko hanggang sa kumawala sa yakap ko si Cross at tumingin sakin. "Hangga't mahal mo ako hindi yun mangyayari Arkhon." Bulong ni Cross na kinabilis ng t***k ng puso ko. Napatigil ako ng halikan ako ni Cross sa labi at hubarin ang suot kong suit. "Bakit?" Tanong ni Cross ng hawakan ko ang kamay niya ng tangkain niyang hubarin ang longsleeve ko at mapatitig sa mata niya. 'Damn this devil ... sinong santo ang hindi bibigay kung ganitong nilalang ang nasa harap mo.' "Nothing." Sagot ko bago binitawan ang kamay ni Cross at hinayaan siyang hubarin ang suot kong damit at halikan siya sa labi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD