3rd Person's POV;
"Arghh aray!"
Daing ni Arkhon ng magising ito kinaumagahan habang hawak ang ulo.
"Ang sakit fuck." Mura ni Arkhon hanggang sa bumukas ang pinto at---.
"Freya anong nangyari?" Tanong ng lalaki ng makita ang binata na halfnaked na nakaupo sa kama at sapo ang noo.
"Revere gamot ang sakit talaga." Ingit ni Arkhon na kinataranta ng binata at dali-daling kinuha ang lalagyan sa dala nitong bag.
Nang makuha nito ang gamot agad yun ininom ni Arkhon.
"Mabuti pa magpacheck up kana Arkhon napapadalas na yang sakit ng ulo mo." Suhesyon ng manager.
"Hindi pwede Revere malapit na ang taping, hindi pwedeng may lumabas na kahit na anong issue tungkol sakin." Bulong ni Arkhon bago minulat ang mata at nakitang hindi pamilyar ang buong kwarto.
"Hotel room? Anong ginagawa ko dito?" Tanong ni Arkhon bago tingnan ang manager.
"Wag mo ako tingnan ng ganyan nagtext ka lang sakin kanina na sunduin ka dito." Ani ni Tobi na kinakunot noo ni Arkhon.
"Paano mangyayari yun kagigising ko lang?" Ani ni Arkhon na kinataas ng gilid ng binata.
"Baka naman kasama mo dito si Valentine nakalimutan mo lang." Banat ni Tobi babatuhin siya ni Arkhon ng nadampot na unan nang---.
"Ang amoy na ito." Bulong ni Arkhon matapos maamoy ang unan na nadampot sa gilid niya.
"Nagshashahu ka ba Freya? Yung totoo-- what the f**k Arkhon! I'm just joking here." Reklamo ni Tobi ng ibato sa kanya ni Arkhon ang lampshade na agad nasalo ng binata.
"Hindi ko alam kung bakit ako nandito." Ani ni Arkhon habang sapo ang noo at inaalala ang nangyari kahapon.
"s**t!" Mura ni Arkhon ng pumintig ang sintido niya.
"Arkhon." Tawag ni Tobi ng makita ang naguguluhang expression ni Arkhon at sakit sa mukha nito.
--
Before ang exact week ng conference para sa new series nagpatawag ng meeting ang board para sa mga maincast,crew,staff,producers and talent managers sa mismong studio.
Lahat ng cast magkakakilala na dahil halos lahat ng cast na susunod na project minsan nang naging magkakatrabaho.
'Totoo ba ang balita? Sina Arkhon at Cross ang magiging maincast ng sunod nating project.'
'Yun ang balita, then si Ms.Valentine at Ms. Tyra daw.'
'Naeexcite na ako sa susunod nating project mga bigtime na actors and actress ang gaganap.'
Napabuga na lang nang hangin si Arkhon dahil sa mga bulungan na naririnig sa loob.
"Hey babe kanina ka pa?" Tanong ni Valentine matapos umupo sa tabi niya at halikan sa pisngi ang lalaki.
'Gosh si Ms.Valentine bagay talaga sila ni Arkhon.'
'Answeet.'
Kasalukuyang nasa dalawa ang mata ng lahat nang taong nasa loob ng bumukas ulit ang pinto na kinatingin ni Arkhon.
'Si Cross.'
'Gosh ang gwapo.'
'Ang badboy ng H.K Group.'
Habang naglalakad ang lalaki papasok kasunod ang manager at ilan pang lalaki hindi maalis-alis ni Arkhon ang mga mata sa binata lalo na't sa hindi maintindihang kadahilanan gusto ito ni Arkhon lapitan.
"It's been a years since ng magkasama ulit tayo sa iisang project." Ani ni Lucas matapos makipagbomb fist sa binata nang lumapit ito sa pwesto niya.
"Tagal na din nun." Ani ni Cross matapos sumandal sa lamesa at abutin ang binigay na can ng beer na binigay ni Lucas at makipagtitigan kay Arkhon na nasa kabilang bahagi ng lamesa at nakatingin sa kanya.
"Masaya ito." Bulong ni Bright Roqas na siyang talent manager ni Cross ng makita ang grupo ni Navaeh na papunta sa pwesto nina Arkhon.
Cross Acosta's POV;
Dahil nabobored ako sa nangyayaring meeting sa hall ng studio nagpaalam akong pupunta ng comfort room.
Habang naglalakad sa hallway nagulat ako ng may humila sakin papasok ng staff room at isinandal sa pader.
"Nasasanay ka yatang hila-hilahin ako." Pokerface na komento ko ng makita ang taong bigla na lang humila sakin.
"Nagkita ba tayo kahapon?" Kunot ang noong tanong ni Arkhon na kinatahimik ko.
'Hindi niya nanaman ako naalala.'
"Bakit hindi ka sumagot? Anong ginawa mo sakin?" Nag gigitgit na tanong ni Arkhon.
Tuwing magkikita na lang ba kami laging ganito? Lagi siyang may galit sakin.
"Wala akong gaanong tulog Arkhon wag mo akong simulan." Ani ko at aalis ako ng hilahin ako ni Arkhon at---- siniil ng malalim na halik.
Napapikit ako ng maisandal ako ni Arkhon sa likod ng pintuan at yakapin ang katawan ko.
"A-Arkhon." Ani ko ng bumaba ang halik ni Arkhon sa gilid ng leeg ko.
"Damn, ano bang ginagawa mo sakin?" Habol hiningang bulong ni Arkhon na nakasiksik sa leeg ko at yakap ang bewang ko.
Kakawala ako ng mas hinigpitan yun ni Arkhon.
"5 minutes Acosta." Bulong ni Arkhon.
"Galit ako sayo pero ito ang gusto kong gawin sa ngayon."
Napapikit ako ng bahagya bago binaba ang kamay ko at sumandal sa pintuan.
"Ano bang nangyayari sating dalawa Arkhon?" Bulong ko bago minulat ulit ang mga mata ko at tumingin sa reflection naming dalawa sa salamin.
"Ganito ba kahirap maging masaya? Lahat na lang ng problema kailangan nating haraping dalawa." Ani ko na kinatingin sakin ni Arkhon.
Matapos magtama ang mata naming dalawa napangiti ako ng mapait ng makitang naguguluhan siya pero mas pinili nitong hindi magsalita.
"Ngayon pa lang Freya nagsosorry na ako dahil punong-puno na ako ... kung kinakailangan ko pabagsakin ang mga Freya para makuha ka gagawin ko."
"Anong sinasabi mo?" Tanong ni Freya matapos kumalas sakin at tingnan ako ng masama.
"Hindi pa din ako sumusuko and this time kukuhanin kita sa ayaw mo man o gusto."
"At sa tingin mo papay---."
Naputol ang sasabihin ni Arkhon ng umayos ako ng tayo at tingnan siya ng masama.
"I didn't even asked you Freya, I'm just warning you." Ani ko bago tumalikod at umalis ng staff room.
Bahagya kong niluwagan ang suot kong necktie bago kumuha ng stick nang sigarilyo sa bulsa at sindihan yun.
'Masyado ng humahaba ang panahon na hindi ko nakakasama si Arkhon, pikang-pika na ako sa nangyayari saming dalawa dahil sa mga Freya.'
3rd Person's POV;
"Ano?"
"Kalahati sa shareholders ng company natin pinull out ang mga share nila, ilang branches din natin ang nagsara dahil sa H.K company na sinusulot ang mga bigtime costumers natin mula sa malaysia."
"f**k him." Nanggagalaiting sambit ni Archie ng marinig ang Company na bigla na lang sumulpot at unti-unti pinababagsak ang kompanya na tinayo niya ng ilang taon.
"Tawagan mo si Iver may papagawa ako sa kanya." May inis na sambit ni Archie na agad kinatalima ng secretary.
"Inuubos mo talaga ang pasensya ko Acosta."
--
Naging hectic ang schedule ni Cross matapos ang isang linggo nang pagsabayin niya ang taping at pag-aasikaso niya sa company katulong ang pinsan nitong Cohen.
"Cut!" Sigaw ng director.
"Goodjob guys, 1hour break" announce ng director na kinabuga ng hangin ni Cross.
"Cross." Tawag ni Bright matapos ibato ang phone na hawak sa lalaki na agad nasalo ng binata.
"What is it?" Tanong ni Cross matapos mabasa ang name ng caller.
["Pinadala ko na diyan yung papers na kailangan mo pirmahan para sa meeting bukas pati na din ang schedule mo next week para sa meeting niyo ng investor."]
Bungad ni Cohen sa kabilang linya.
"Copy." Sagot ni Cross bago binato kay Bright ang phone na kasalukuyang inaayos ang sarili sa salamin hawak ang compact mirror.
"Matutulog ako sa taas gisingin mo na lang ako pag simula na." Bored na sambit ni Cross sa manager matapos lampasan ang lalaki at naglalakad papasok sa penthouse na nirentahan ng company para sa taping.
"Okay." Sagot ni Bright ng hindi tinapunan ng tingin ang lalaki.
"Damn bakit ba ang gwapo mo Bright?" Banat ng binata habang nanatiling nakaupo sa mga lamesang nasa labas at nakatingin sa salamin.
Matapos pumasok ng penthouse nakangiti siyang nilapitan ni Tyra na may dalang box.
"Cross gusto mo ng chocolate?" Nakangiting tanong ng dalaga.
"Hindi ako mahilig sa sweets." Walang emosyong sagot ni Cross matapos lampasan ang babae na kinawala ng ngiti ng dalaga.
"Cross teka bakit m---."
Hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin ng makitang nasa hagdan na si Cross at ni hindi man lang nito siya inabalang tingnan.
"Pero nung highschool pa ako kinain mo ang chocolate na ginawa ko para sayo." Nalulungkot na bulong ni Tyra habang nakatingin sa papalayong bulto ng binata.