03

1366 Words
3rd Person's POV; "Archie." Napatingin ang binata sa lalaking pumasok kasunod ang ilang tauhan. "Aalis na ako boss." Paalam ng ilang lalaki na nasa loob bago yumuko dala ang isang sobre. Pangiti-ngiting tumalikod ang mga lalaki bago naglakad palapit sa binata na nasa pinto. Yumuko muna ang mga ito bago tuluyang lumabas ng kwarto. "Anong kailangan mo Iver?" Tanong ng binata na nakaupo sa swivel chair matapos makitang sinundan nang kapatid ng tingin ang mga lalaki. "Kailangan mo ba talaga maghire ng professional killer para lang tapusin ang Acosta na yun Archie?" Bored na sambit ng binata bago humakbang palapit sa kapatid. "Wag mong pakialaman ang mission ko Iver, may pinagagawa sayo si daddy at yun ang pagtuunan mo ng pansin." Ani ng kapatid. "Whatever, by the way andito ako dahil kay kuya Arkhon." Napaangat ng tingin ang binata ng mabanggit nito ang kapatid. "Ano nanamang kalokohan ang ginawa ni kuya at pumunta ka pa dito." Ani ni Archie. -- "Anong kailangan mo?" Bored na tanong ng binata sa kabilang linya habang nakatingin sa laptop. ["Tangna Vandatt tulungan mo kami dito, we're trapped!"] Napakunot ang noo ng binata matapos kulikutin ang monitor at makita ang mga kaibigan na nasa elevator. "Papunta na ako diyan." Ani ng lalaki bago pinatay ang tawag. "Hzeck what happened?" Napatigil si Hzeck ng makitang nakatingin sa kanya ang batang Acosta na mukhang naagaw niya ang pansin ng bata mula sa paglalaro ng bigla itong tumayo. "Nandito kasi ang mga untie mo natrapped sila sa elevator pupuntahan ko sila sandali, dito ka lang wag mong iiwan ang papa mo." Ani ni Hzeck na kinatango ng batang lalaki matapos nito guluhin ang buhok ni Casspian at lumabas ng kwarto. Prenteng nakaupo ang batang lalaki sa kama ng ama ng lumipas ang ilang minuto nag ring ang phone na hawak ni Casspian. Unregistered ang number pero sinagot ng bata ang tawag. "Hello?" Patanong na sagot ng bata ng---. ["Baby, where are you? Pwede mo ba ako puntahan dito sa fire exit hindi kasi gumagana yung elevator papunta diyan. Hindi kasi ako makapasok dahil sa mga bodyguards ng daddy Cross mo.] Ani ng babae sa kabilang linya. "Okay auntie, I gotta go na.' Sagot ng batang lalaki bago nagpumilit bumaba ng kama at iniwan ang phone. Lalapit ito sa pinto para lumabas ng mapalingon ito sa ama na natutulog. Imbis lumabas naglakad ito pabalik at sumampa ulit sa kama para bigyan ng halik sa noo ang ama. "Papa, I'll be back okay?" Paalam ng batang si Casspian bago ulit bumaba at naglakad palabas. Habang naglalakad sa hallway salungat sa dinaanan ng binatilyong si Hzeck may tatlong doctor na nadaanan si Casspian na kinataka ng batang lalaki at kinatigil nito sa paglalakad. 'Dito ka lang wag mo iiwan ang papa mo.' "Si papa." Ulit ng batang lalaki bago umikot at naglakad pabalik. May nakita siyang tatlong doctor na papasok ng kwarto kaya mas binilisan nito ang paglalakad pabalik. "Pap---." Napatigil ang batang lalaki ng pagbukas niya ng pinto nakita niyang may hawak na patalim ang isa sa mga doctor at---. "Papa!" Sigaw ni Casspian ng---. "Patahimikin mo yang bata!" Sigaw ng isa sa mga doctor kaya hahawakan siya ng isa sa mga ito ng tumakbo ang batang lalaki papunta sa kabilang kama. "Papa! Wake up! They want to kill you papa!" Iyak ng batang si Casspian dahil sa takot at pag aalala. Inuga niya ang braso ng ama bago lumusot sa ilalim ng kama ng tangkain siyang hulihin ng isa sa tatlo. Cross Acosta's POV; "Papa! Wake up! They want to kill you papa!" "Papa!" "Papa! Help me!" "Anong ingay yun?" Ani ko sa sarili ko ng makarinig ako ng ingay sa kawalan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko bakit---. "Papa!wake up! Papa, I'm scared papa help me!" Ang boses na yun, yung batang lagi kong naririnig sa panaginip ko. "Papa!" Nahila ko ang hininga ko at saktong pagbagsak ng patalim naiiwas ko ang ulo ko at kahit hindi ko pa mararamdaman ang braso ko iniangat ko yun at tinulak ang taong may hawak na kutsilyo. "Arghhh." Napatigil ako ng magtatalon ang lalaking nasa gilid ko ng may ihahampas ito sakin kinuha ko ang basket na nasa study table at binato yun sa kanya. "F-Fuck." Mura ko ng kahit boses ko hindi ko gaanong marinig dahil sa panghihina. "Tamang-tama gising kana, matulog kana ulit at sa pagkakataon na ito habang buhay kana matutulog." Ani ng lalaki na may hawak na patalim. Babangon ako ng maibagsak ko ulit ang katawan ko ng makaramdam ako ng panginginig. Lalapit sakin yung lalaki ng---. "Arghhh! f**k!" Nanlaki ang mata ko ng may batang nanggaling sa ilalim ng kama ko ang kumagat sa kamay ng lalaki. "Don't hurt my papa!" "Ikaw na bata ka peste ka!" Hindi ko alam kung anong namuong galit sa dibdib ko ng makita kong sinapak niya yung bata sa mismong harapan ko. Hinang hina ako pero kusang kumilos ang katawan ko para bumangon at baliin ang kamay ng taong sumampal sa bata na hindi ko naman kilala. Matapos nito humiyaw binangga ko ang ulo niya sa pader at hinampas ko yung lalaking susugod sakin sa lamesa. "Putangina ka Acosta!" Mura ng lalaki at matatapakan niya yung bata ng sinalo ko yung sipa niya at tinutok ang patalim sa leeg niya. "Ibaba mo yang paa mo hindi ako magdadalawang isip na ibaon ito sa leeg mo." Nanggagalaiti kong sambit bago yumuko at nilagay ang bata sa braso ko. Nang makita kong hahampasin ako ng lalaki binaon ko ang patalim sa paa niya na kinasigaw nito sa sakit. "Cassp---." Napatingin ako sa pinto ng bumukas yun at pumasok sina Venus kasunod ang isang binatilyo na hindi ko din kilala. "Kuya Cross gising kan--- Gosh Casspian!" Nagtakbuhan sila palapit sakin pagkatapos ko mapapikit ng madiin ng makaramdam ako ng hilo hanggang sa magdilim ang lahat. "Cross!" 3rd Person's POV; "Stable na ang vitals niya and bumalik na din ang mga senses niya nabigla lang siguro ang katawan niya kanina lalo na't piniressure niya ang katawan niya para gumalaw." Ani ng doctor. "Damn it! Kasalanan ko ito hindi ko dapat iniwan sina Master dito." Nanggagalaiting sambit ni Hzeck na kinahilot sa sintido ni Dallas. "Bud wala kang kasalanan hindi kana nga natutulog para mabantayan ang mag-ama, mukhang pinagplanuhan talaga nila ito at ginamit pa kami para lang mapaalis ka dito." Ani ni Black Santos na kaedaran lang ni Hzeck. "How is he?" Tanong ni Venus sa doctor na nagchecheck sa batang si Casspian. "Wala naman siyang major injury maliban sa maliit na cut sa labi niya, bumagsak lang ang bata kaya ito nawalan ng malay." Ani ng doctor na kinahinga ng mga dalaga na nasa loob. Pagkaalis ng mga doctor maya-maya nagising na si Casspian. "Hey bud are you okay?" Tanong ni Caxe Dela Cruz sa batang lalaki ng magising na ito at tumingin sa ama na natutulog. "Hindi kaya natrauma ang bata? Dallas tawagan mo si tita Cherry bilis." Utos ni Daphne sa kakambal ng makita ang bahagyang pagkatulala. Mabilis na umalis si Dallas kasunod ang ilang boys maya maya---. "Ummm ... ahhh!! Waaah*huk*" Napatayo ang girls ng magiiyak si Casspian. "Shhh baby boy stop crying baby." Ani ni Venus na agad binuhat ang batang lalaki. "Cass wag ka ng umiyak gosh madami akong chocolate dito." Ani ni Valliant matapos pagpasa pasahan ng girls si Casspian na patuloy pa din sa pag-iyak. Napabuga ang binatilyong si Hzeck bago lumapit sa girls at dahan-dahan binuhat si Casspian. "Kiddo calm down, we're here." Ani ni Hzeck habang dinuduyan sa mga bisig niya si Casspian. "*huk*papa! They want to kill papa, Hzeck, I saw them Hzeck." Sumbong ni Casspian habang umiiyak na kinadilim ng anyo ng binatilyo bago niyakap si Casspian. "Shh I'm here poprotektahan ko kayo." Bulong ni Hzeck na kinahinga ng maluwang ng girls ng unti-unti ng huminahon si Casspian at nakatulog. Ihihiga na ni Hzeck si Casspian sa katabi ng ama ng mas kumapit si Casspian sa lalaki. Kaya imbis ibaba ito mas pinili nitong buhatin ang bata. "Mabuti pa inform na natin si Tito Cadmus na nagising na si Kuya Cross." Bulong ni Dreame na kinasang ayonan ng girls
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD