02

1335 Words
Chapter 2 3rd Person's POV; "Lord Hzeck." Sabay-sabay na yumuko ang anim na black in men sa binatang nakasandal sa gilid ng pinto ng isang kwarto. "Nacheck niyo na ba ang lahat?" Tanong ng binata matapos imulat ang mata at mag angat ng tingin sa mga lalaki na nanatiling nakayuko. "Nagawa na namin lahat ng pinag-uutos niyo Lord Hzeck." Sagot ng isa sa mga ito bago inabot ang isang log book. "Isa sa mga Vandatt." Ani ng isa sa mga binatang nasa monitor. "Hindi tayo makakalusot hangga't nandiyan ang guardian ni Acosta." Sabat ng binatang may hawak ng laptop. "Isa lang yan bata." Hirit ng lalaki na kinangiwi ng katabi nitong binata. "Alam mo ba na ang batang sinasabi mo muntikan ng pumutol ng ulo ko." Ani ng binata na kinatingin ng lalaki. "Anong gusto niyong gawin natin tumunganga?" Ani ng lalaking may hawak na laptop hanggang sa makita nila sa monitor na maglabas ng patalim ang binatang si Hzeck na nasa monitor at---. "f**k!" Napatayo ang ilan sa mga lalaki ng nakita nilang lumipad yun sa pag aakalang tatamaan sila. "Nabubwisit na ako sa pangingialam ng batang yan." Nagdidilim ang anyong sambit ng binata habang nakatingin sa monitor na ngayon ay hindi nakaconnect sa lugar kung nasaan ang lalaki. --- "Hzeck nagpapahinga ka pa ba?" Napaangat ng tingin ang binata ng pumasok sa loob ang tatlo sa Redtape kasunod ang dalawa sa tauhan na pinagkakatiwalaan ng lalaki. "Nakakapagpahinga lang naman ako pag may ibang nagbabantay kay Master Cross." Ani ni Hzeck bago bahagyang inistretch ang braso at leeg habang nakaharap sa laptop. "Kami na muna bahala dito Hzeck, pahinga kana muna." Ani ni Percy na kinabuga nang hangin ng lalaki bago sinara ang laptop. "Sige pero dito na ako matutulog kuya, inaantok na din kasi ako kanina pa." Ani ni Hzeck matapos humikab at maibaba ang laptop. Nang makahiga sa sofa si Hzeck lumapit si Iggy sa walk in closet na nasa closet at kumuha ng kumot para sa binata. "Dito ba natulog si Casspian?" Ani ni Percy ng makita ang batang lalaki na nakahiga sa kama yakap ang ama. "Siguro." Ani ni Iggy matapos lagyan ng kumot si Hzeck at kuhanin ang laptop na nasa lamesa. Chineck nito ang ilang cctv videos at nakumpirma ng tatlo na dun na natutulog ang batang lalaki. "Hindi na talaga siya kinuha ni Alica dito." Ani ni Chase ng makita ang cctv records nung mga nakaraang araw. "Naririnig kaya ni Cross ang anak niya?" Tanong ni Percy ng makita ang ilang records kung saan binabasahan siya ni Casspian ng fairytales. "Sana naman gumising na si Cross kailangan siya ng bata." Ani ni Percy bago humakbang palapit sa kama at haplusin ang buhok ng batang lalaki na natutulog katabi ang ama. "I just wondering kung anong irereact ni Cross pag kagising niya once na malaman ni Cross ang ginagawa ng mga Freya kay Arkhon." Ani ni Iggy matapos damputin ang ilang magazine na nakapatong sa coffee table at buksan. "Ang nakakapagtaka bakit hindi man lang gumagawa ng paraan ang mga Asuncion para maibalik si Arkhon." Ani ni Chase na kinabuga ng hangin ni Percy. "Bakit ba napaka kumplikado ng buhay." Ani ni Percy. "Leader gumising kana, kailangan mo pang bawiin si Arkhon sa mga Freya."dagdag ng binata habang nakatingin kay Cross na mahimbing pa din na natutulog. His POV; Matapos kong magshower kinuha ko ang maliit na towel sa lalagyan ko at lumapit sa malaking salamin na nasa bathroom. Habang pinupunasan ang buhok ko napatigil ako ng makita ko yung silver ring na nakasabit sa necklace na nasa leeg ko. Hanggang ngayon hindi ko pa din maalala kung bakit may wedding ring ako kung ang sabi naman nina dad wala akong naging girlfriend o asawa. Ilang beses ko ng tinangka itong itapon pero hindi ako komportable na inaalis yun sa katawan ko kahit hindi ko alam kung kanino yun nanggaling. Umiling-iling ako bago kinuha ang cream ko sa lalagyan at naglagay sa mukha. Magshashave na ako ng magring ang phone ko na nasa sink, hindi ko na sana sasagutin ng makitang si Iver yun, isa sa mga kapatid ko. "Yo dude." Ani ko matapos i-on ang video call at igilid yun. "Dude uuwi ka ba ngayon? Nagset nanaman kasi si mommy ng date para say---." "Busy ako bud pasabi kay mommy na aalis ako ngayon, nagset kasi ng appointment ang production sa may-ari ng location para sa next taping namin sinasama ako hindi naman ako makatanggi dahil isa ako sa main cast." Putol ko kay Iver na kinatawa ng kapatid ko sa kabilang linya. "Then expect mo na ang mga black in men ni mommy na kakaladkad sayo papunta dito." Ani ni Iver na kinasimangot ko bago damputin ang phone ko at tingnan si Iver. "Andiyan ka naman siguradong hindi mo hahayaan mangyari yun sa gwapo mong kapatid lalo na makakaapekto yun sa image ko." Pagiinarte ko sa kapatid ko na kinailing nito. "Fine ... fine I'll try to call Archie para makumbinsi si mommy but make sure na alam ni daddy kung saan ka pupunta " ani ni Iver na kinangiti ko ng malapad.. "Thanks dude, I'll call him later." Ani ko bago ibaba ang phone ko ng mamatay ang tawag. Matapos ko magshave naghilamos na ako ng mukha at lumabas ng bathroom dala ang phone ko. *toot*toot*toot* Saktong 7pm kinuha ko na ang lalagyan sa drawer ko at kumuha ng ilang tableta para inumin. "Hanggang ngayon ba nag tatake ka pa din ng medicine" Napatingin ako sa lalaking tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto ko bago nakangising binaba ang mga hawak na paper bag sa lamesa. "As far as I know rest time ko na ngayon anong ginagawa mo dito Revere." Pokerface na tanong ko. "Wala naman dinala ko lang dito ang regalo ng mga fans mo, actually meron pa sa compartment ikaw na kumuha." Ani ni manager na kinapokerface ko. "Sayo na o kaya itapon mo hindi naman ako interesado." Bored na sambit ko bago kinuha ang tshirt na nasa ibabaw ng kama at sinuot. "You need to take a photo with this shits Freya kaya ko ito dinala dito." Ani ni Revere na kinagusot ng mukha ko. "With or without that thing hindi mawawala ang mga fans ko cut this out Revere, I'm tired." Naiinis na sambit ko hanggang sa---. "f**k!" Mura ko ng may box na tumama sa ulo ko. "Wag kang masyadong kampante Freya baka nakakalimutan mong nasa entertainment industry ka, karisma at acceptance ng netizens ang tangi mong bala." Ani ni Revere na kinagusot ng mukha ko lalo na ng seryoso na ako nitong tingnan. "Damn it fine!" Nagdadabog na sambit ko bago humakbang paalis at isasara ko ang pinto ng---. "Pakisara ang compartment ng ayos." Bilin ni Revere na kinatingin ko sa kanya ng masama. Hindi ito nagsalita at ngumiti na lang ng matamis dahil sa inis ko binagsak ko ang pinto at lumabas ng unit. "Peste siya bakit ba siya ang napili kong manager." Reklamo ko habang naglalakad papunta sa elevator. 3rd Person's POV; Matapos maisara ang pinto nawala ang ngiti ng lalaki at lumapit sa drawer kung saan niya nakita kanina nakatayo ang binata. Hinalungkat niya yun hanggang sa may nakuha siyang lalagyan at agad na binuksan. Kinuha niya lahat ng laman nun at nilagay sa isang plastic na nasa bulsa bago kumuha ng isa pang plastic na naglalaman ng ilan pang tableta at nilagay yun sa lalagyan. "Revere! Yung susi tangna ka hindi mo binigay." Mura ni Arkhon pagbukas niya ng pinto at agad na gumusot ang mukha ng lalaki ng makita ang manager na nakahiga sa kama niya at natutulog. Lalapit siya sa lalaki ng mahagip ng mga mata niya ang susi na nakapatong sa coffee table. Mabilis niyang kinuha yun imbis lumapit pa sa lalaki tumalikod na ito at walang imik na lumabas ulit ng kwarto. Nang marinig ang yabag ng binata papaalis dahan-dahan minulat ng lalaki ang mata bago humilig at tumingin sa pinto na pinaglabasan ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD