04

1773 Words
3rd Person's POV; "Limang taon na akong tulog?" Hind makapaniwalang sambit ni Cross ng magising siya at magtanong ito kung ilang araw na siyang nasa hospital. Tiningnan niya ang mga tao na nasa loob hanggang sa---. "Nasaan si Arkhon at ... Haru." Ani ni Cross matapos mapako ang paningin nito sa binatilyong may buhat sa bata na kahiwig ng guardian. "S-Si Arkhon n-nasa mga F-Freya at si Haru ano." Napatingin si Cross kay Percy na mabilis umiwas ng tingin ng magtama ang mata nilang dalawa. "Ano Sawyer? Where's my f*****g guardian." May diing sambit ni Cross na kinawala ng kulay ng girls ng makita ang pagdidilim ng anyo ng binata. "He's dead." Ani ni Hzeck na kinatingin ng binata. "Dead? Hindi pwede mangyari yun? Tama ng lokohan na ito nasaan si Haru." Ulit ni Cross na may inis sa mukha. Hindi umimik ang boys na kinapikit ng madiin ng binata. "Kailangan kong makausap si Daddy." Ani ni Cross ng---. "Cross kailangan mo magpahinga hindi pa---." "Call that f*****g oldman now!" Sigaw ni Cross na kinatalon ng ilang girls na kahit ang batang lalaki na kanina ay natutulog bigla na lang umiyak. Napatigil si Cross at napatingin sa bata na ngayon ay nagpapalahaw habang buhat ni Hzeck. "Cass shh sto---." "Who's that kid?" Tanong ni Cross na kinatingin ni Hzeck. "Anak niyo siya ni Alica." Sagot ni Percy na kinatingin ni Cross. "Imposible ang sinasa---."naputol ang sasabihin ni Cross ng may maalala siya. Hindi ito nagsalita ng ilang minuto bago inabot ang batang si Casspian na huminto agad sa kaiiyak ng buhatin siya ng ama. Dahil maliit lang ito na bata madali itong naiangat ni Cross na kinalambot ng expression ng binata lalo na ng abutin ni Casspian ang pisngi niya. "Siguro naman hindi na natin kailangan ipa DNA test ang batang yan para maconfirm natin na anak mo si Casspian." Ani Iggy na kinatahimik ni Cross. "Tawagan niyo si Dad gusto ko siya makausap." Walang buhay na sambit ni Cross habang buhat ang anak. "Hindi na kailangan andito na ako." Napatingin ang lahat sa pinto ng bumukas yun at niluwa ang lalaking kahit may bakas na katandaan hindi mo pa din ito maiiwasang hangaan dahil sa taglay pa din nito ang karisma nung ito ay may kabataan pa. "Iwan niyo muna kami." Ani ng matanda na kinayuko ng mga taong nasa loob bago lumabas kasunod si Hzeck. "Now tell me kung anong nangyari sa guardian ko at kay Arkhon." Mahinahong sambit ni Cross dahil sa pag-aalalang matakot ang anak na naguguluhang nakatingin sa papalolo at ama niya. Cadmus Acosta's POV; Sinabi ko lahat kay Cross ang nangyari lalo na ang panlalaban ni Arkhon ng tangkain siyang kuhanin ni Alcide sa mga Freya sa pag-aakalang yun talaga ang tunay niyang pamilya. Kitang-kita ang galit sa mga mata ni Cross at ang pagkuyom ng kamao nito na nakahawak sa bedsheet. "Pagbabayarin ko silang lahat sa ginawa nila sa guardian ko at pagkuha nila kay Arkhon." Nanggagalaiting sambit ni Arkhon. "Papa are you mad?" Napatingin kami kay Casspian pareho ng magsalita ito. "No Kiddo." Sagot ni Cross matapos guluhin ang buhok ni Casspian. "Kailangan mo pa ba makita ang DNA test ni Casspian?" Tanong ko na kinatingin ni Cross. "Pag anak mo daddy kahit baboy, aso, manok at bibe yan hindi mo na kailangan ng patunay." Sagot ni Cross bago tiningnan ulit si Casspian. "Ano ng balak mo Cross?" Tanong ko na kinatingin ni Cross sakin. "Bubuuhin ko ang pamilya ko, ako, si Arkhon at ang batang ito." Sagot ni Cross na kinangiti ni Casspian. "Papalolo you heard it? Papa Cross make a family with me and--- Who'se Arkhon papa?" Inosenteng tanong ni Casspian matapos tingnan ang ama. "Makikilala mo din siya." Bulong ni Cross bago ako tiningnan. "Gusto kong humingi ng favor dad." Ani ni Cross. "Anything son." Ani ko na kinabuga ng hangin ni Cross bago umiwas ng tingin. "Gusto ko ng bahay para sa anak ko." Ani ni Cross na kinatawa ko ng mahina. "Fine, ipapasok ko ba dito?" Natatawang tanong ko na kinatingin sakin ng masama ng anak ko. "Are you freaking serious old man." Inis na tanong ni Cross na kinagusot ng mukha ko. "Gusto mo ulit tumira sa lansangan Cross." Ani ko ng---. "Papalolo wag mo ng pagalitan si daddy handsome ka po diba?" Ani ni Casspian na kainailing ko na lang bago natatawang binuhat si Casspian. "Buti pa ang apo ko maganda na, hindi pa sinungalin--- " "Lalaki siya dad.=_=" paninira ni Cross sasagot ako ng makita ko si Cross na nakatingin kung saan. "May binigay na sulat si Percy sakin galing kay Haru." ani ko na kinayuko ni Cross. "Bakit si Haru pa dad?" Bulong ni Cross na kinatahimik ko. "Lahat ng bagay may dahilan at kapalit Cross." Ani ko. 3rd Person's POV; Lumipas ang dalawang buwan fully recovered na si Cross at hinayaan na din siya ng mga doctor lumabas. "Damn nakalabas din." Ani ni Cross habang nag-iinat at makalabas ng ospital. "Dude magpagupit kana din daig mo pa ang ermitanyo na tumira sa kweba dahil sa haba ng buhok mo." Ani ni Percy matapos hawakan ang buhok ni Cross na hanggang balikat na. "Kung hindi yan shinishave ni Hzeck siguradong papatok ng ermitanyo yan ng kweba." Banat ni Iggy na kinapokerface ng binata. "Hindi kayo mga kaibigan tangna kayo." Mura ni Cross na kinatawa ng Redtape. Maya-maya napatigil ang tatlo ng may humintong van hindi kalayuan sa kanila. Bumaba si Hzeck at binuksan ang backseat ng van. "Papa!" Sigaw ni Casspian bago nanakbong lumapit sa kanila na kinalaki ng mata ni Cross ng madadapa ang batang lalaki pero bago pa makahakbang si Cross nasalo na si Casspian ng guardian. "Mahina ang tuhod ni Casspian." Natatawang sambit ni Iggy na kinataas nito ng kamay ng tingnan siya ng masama ni Cross at sikuhin ni Chase. "Papa!" Salubong ni Casspian matapos siyang ibaba ni Hzeck at yakapin sa tuhod. "Hey bud, goodmorning." Nakangiting sambit ni Cross bago binuhat ang bata at hinalikan sa noo. "Pasensya na Master Hzeck nalate kami nangulit pa kasi si Cassp---." "Call me kuya Cross or tito besides mas matanda ako sayo ng ilang taon." Ani ni Hzeck. "Akward nun dude, sa age malayo ang gap ... pero sa heigh---." "f**k you Martinez lumayo- layo ka sakin kalalabas ko lang ng ospital baka gusto mong ikaw naman ang maconfine." Putol ni Cross na kinatawa ng Redtape. "Sorry Master Cross pero guardian niyo ako hindi pwe---." "Sorry to tell you pero iisa lang ang guardian ko at si Haru yun." Putol ni Cross na kinayuko ng bahagya ng binata. "I hate you papa." Napatingin ang Redtape at si Cross ng tingnan nang masama ni Casspian si Cross. "Tss relax bud." Napatigil ang batang lalaki ng dutdutin ng binata ang noo ng anak. "I want you to protect this little one, Vandatt." ani ni Cross matapos hawakan ni Casspian ang daliri na kinatingin din ng batang lalaki. "Sayo ko lang pinagkakatiwala si Casspian dahil alam ko, hindi mo din siya pababayaan at iiwan." Ani ni Cross na kinangiti ng Redtape ng lumiwanag ang mukha ng binatilyo. "S-Salamat po." Ani ni Hzeck na kinangiti ni Cross bago maglakad at tapikin ang binata, bago ito tuluyang lampasan habang buhat ang anak. His POV; Napabuga ako ng hangin matapos kong basahin ang ilan sa manuscript. "Anong problema?" Tanong ni Manager na kinatingin ko. "Damn you Revere pano mo nagagawang kumain bago magsimula ang taping." Mura ko sa manager ko na parang bata na kumakain ng chips. "As far as I know ikaw lang ang cast ng series na ito hindi ako." Hirit ni Revere na kinapokerface ko. "Anyway kilala mo ba kung sino ang Co-star mo dito?" Ani ni Revere. "Hindi ako interesado as long as isa ako sa main cast wala akong pakialam." Sagot ko bago binuklat ulit ang manuscript. Tsk anong klaseng kwento ito? Masyadong madrama at clingy. "Freya nice to see you here." Napaangat ako ng tingin at napataas ng kilay nang may dalawang tao na lumapit sakin. "Ang liit talaga ng mundo Rimas diba?" Ani ko bago tumayo at tingnan ang lalaking pinanganak yata para guluhin ang mundo ko. "Parang kahapon lang nasa langit ako, nakita lang kita pakiramdam ko nasa impyerno na ako tapos kaharap ko yung demonyo." Banat ko na kinaubo ng punyeta kong manager na tatawa-tawa sa sulok. "Anong sabi mo?" Susugudin ako ni Navaeh ng yakapin siya ng babaeng nasa tabi niya na kinakuyom ko ng kamao. "Hayaan mo na siya babe." Malambing na sambit ni Sheena bago ako tiningnan. "Hindi pa kasi siya nakakamove on." May pangaasar na sambit ni Sheena na mas kinadilim ng anyo ko. Lalapit ako ng hawakan ako ni manager at bumulong. "Easy bud ang daming tao dito, kung gusto mo maheadline at ipatapon ka ng daddy mo sa bermuda triangle patulan mo bigyan pa kita ng kutsilyo." Bulong ni Manager na kinasama ko sa kanya ng tingin. "Damn yo---." Nabitin sa ere ang sasabihin ko ng may humintong van hindi kalayuan sa pwesto namin at may bumaba na grupuhan ng mga lalaki. "Andiyan na pala yung mga stuntman." Ani ni Revere hanggang sa mapako ang tingin ko sa lalaking huling bumaba sa van. Nagusot ang mukha ko at napahawak sa dibdib ko ng magtama ang mata naming dalawa. "Anong nangyari sayo?" Tanong ni Manager ng bigla akong tumalikod at dinampot ang mineral water na nasa lamesa ko. "Oy babe ayos ka lang bakit ka namumutla?" Tanong ni Sheena na kinatingin ko. "Tamang-tama nandito na pala kayong tatlo." Napatingin kami sa Director ng lumapit ito sa amin kasama yung lalaki kanina. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya lalo na ng matitigan ko siya ng mas malapitan, f**k it posible bang magmukhang anghel ang isang lalaki? Ang amo ng mukha nito iba sa nakikita ko sa mata at presensya niya. Hindi ko maiwasang mabwisit sa sarili ko dahil aminado akong malakas ang karisma ng lalaking ito pero kailangan ko ba maguluhan kung inggit ba ang nararamdaman ko attract--- saan nanggaling yun? "Freya!" Nabitawan ko ang hawak kong mineral water ng sumigaw sa tenga ko si manager dahilan para umigkas ang kamay ko at batukan si manager. "Ano bang prob---." Naputol ang sasabihin ko ng may tumikhim. "D-Director sorry medyo iniisip ko kasi yung line ko." Pagsisinungaling ko ng makita kong natatawa si Director sa inasal ko. "Anyway that's okay naiintindihan ko naman lalo na sa stuntman ka nakatingin." Ani ni Director na kinalaki ng mata ko at kinatawa ni Revere. Hindi na ako nagreact at napasimangot na lang ng makita ko ulit yung lalaki nang tinaas nito ang gilid ng labi bago tumalikod at humakbang palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD