06

1535 Words
3rd person's POV; "Hey baby ... yes, naglunch kana?" Napatigil sa paglalakad si Arkhon pabalik sa tent site ng marinig niya ang boses ng taong buong araw gumulo sa kanyang utak. Nakatalikod ito sa pwesto niya at may hawak na phone. "No ... okay, uuwi na si daddy diyan after ng work ko." Napakunot ang noo ng binata ng marinig ang huling sinabi ng lalaki bago pinatay ang tawag. "Alam mo bang masama ang nakikinig sa usapan ng iba?" Ani ni Cross bago bahagyang lingunin si Arkhon na gusot ang mukhang nakatingin sa binata. "Nanggaling pa sa taong kulang na lang hubaran ako sa tingin, kanina." May pagkadisgusto sa mukhang sagot ni Arkhon na kinataas ng gilid ng labi ng binata bago nakapamulsahang humakbang palapit sa pwesto ng lalaki. "Bakit ka ganyan makatingin?" Maangas na tanong ni Arkhon habang nakikipagsukatan ng tingin kay Cross na ngayon ay nakapako ang tingin sa bukas na botones ng suot na Longsleeve ni Arkhon. Iaangat ni Cross ang kamay para hawakan yung kwintas nang humakbang paatras si Arkhon at hinawakan yun. "Hindi mo naalala kung sinong may-ari niyan pero kung maipagdamot mo para namang sayo." May pagkasarcastic na komento ni Cross. "Anong sinasabi mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Arkhon. "Tama nga si Tito Alcide hindi mo ako naaalala." Ani ni Cross na kinatigil ni Arkhon. "So? Isa ka din sa mga taong pinadala ng matandang yun para lokohin ako." Ani ni Arkhon. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Ani ni Cross bago tumalikod at aalis ito ng hawakan siya ni Arkhon sa braso na kinatigil nila pareho. Dahil nagulat din si Arkhon mabilis niyang nabitawan si Cross matapos siyang bahagyang tingnan ng binata. "Umalis kana dito kung ayaw mong maipapatay ni dad pagnalaman niyang spy ka ng matandang yun." Banta ni Arkhon na kinataas ng gilid ng labi ni Cross. "I'm not into to anyone Arkhon, andito ako para sayo." Ani ni Cross bago tuluyang tumalikod at umalis. His POV; Sunod-sunod ang mura ko sa isipan nang hindi ako maka concentrate sa ginagawa ko, f**k it gusto ko siya makita na hindi ko maintindihan. "Hey Arkhon." Napaangat ako ng tingin ng makita ko si Sheena na umupo sa upuan na nasa harapan ko. "Anong kailangan mo?" Medyo kalmadong tanong ko habang nakatingin sa manuscript na ilang beses ko ng pinaulit-ulit sa isip ko. 'Tangina lang nababasa ko pero hindi ko maintindihan, posible ba na mamental block yun dahil lang sa punyetang dumedemonyo ng utak ko ngayon.' "Nagseselos ka ba?" Napaangat ako ng tingin kay Sheena matapos niyang sabihin yun at hindi sinasadyang mapatingin ako sa lalaking kanina pa gumugulo sa sistema ko na ngayon ay nakikipagsparring sa instructor nila. "What the f**k are you saying?" May inis na tanong ko bago binigyan ulit ng pansin ang pesteng manuscript na hawak ko. "Sa amin ni Navaeh, Arkhon hindi ko naman kasi sasagutin si Navaeh kung pumayag ka sa gust---." "Past is past Sheena umalis kana." Putol ko. Malaki ang respeto ko sa babae pero dahil kay Sheena may idea na ako na hindi lahat ng babae deserve ang tinatawag na respeto. Lalaki ako yeah may needs ako pero hindi ibig sabihin nun kailangan ko ipersuade ang gusto ng ex girlfriend ko na magsex kami ng hindi pa kami kasal. "Are you a gay Arkhon?" Ani ni Sheena na kinapokerface ko. "Kung ayaw mong tawagin ko ang manager ko at ipakaladkad ka paalis dito sa tent ko, umalis ka sa harap ko." Kalmadong sambit ko na kinairap niya sa kawalan bago nagdadabog na umalis. Pano ko nga ba ulit nagustuhan ang babaeng yun? Right kasi sinabi sakin nina Iver na patay na patay ako dati sa babaeng yun at childhood friend ko siya. 'Pero bakit ganun wala akong maalala.' Napapikit ako ng madiin bago binigyan ulit ng pansin ang binabasa kong manuscript. 3rd Person's POV; Lumipas ang mga araw-araw mas naging busy ang lahat sa kani-kanilang trabaho, specially si Cross na napapadalas ang pasok dahil siya ang double ng isa sa main cast ng series at gumagawa ng mga delikadong stunts. Dahil sa baguhan pa lang sa team si Cross madalas ito pumapalpak dahil sa baguhan pa lang din ito sa industriya na kahit sabihin mo lang na double siya ng isa sa maincast kailangan niya pa din ng buhay at expression. "Jusko lord, for the 45th time lagyan mo ng buhay ang pagbagsak mo. Hindi pwede yung ganyan tumatagal ang taping dahil sayo." Ani ng director habang nakatingin kay Cross na balewala lang na bumangon at pasimpleng hinawakan ang balikat. "Direk." Napatingin ang baklang director kay Lucas ng bahagya itong yumuko bilang pag galang. "Wala pang isang buwan sa team namin si Cross, tinitrained ko pa lang siya para maging capable sa team at---." "Eh kung ganun alisin niyo yan dito at palitan niyo." Singhal ng baklang director dahilan para matawa si Arkhon na nakaupo lang hindi kalayuan sa pwesto ng director. "Direk ang ibig niyo bang sabihin si Navaeh na pagagawin niyo ng stunts?" Sabat ni Arkhon na kinatingin ni Navaeh na ngayon ay inaayusan ng make up artist nito. "Director hindi ako papayag ang taas ng babagsakan ko at isa pa may phobia ako sa height." Banat ni Navaeh. "Hindi namin agad mapapalitan si Cross kahit gustuhin man namin siya palitan, hindi pwede dahil sa team namin siya lang ang ka body build ni Navaeh." Ani ni Lucas. "Director pagbigyan niyo na look malaki ang potential ng batang yan madiscover in future, nakakapanghinayang stuntman lang siya." Sabat ng assistant director na kinailing ng Director bago bumalik sa upuan at mag gesture. "Magpahinga muna kayo at ikaw kausapin mo ang alaga mo." Ani ng director na kinangiti ng instructor bago yumuko at naglakad palapit kay Cross na bahagyang nakayuko. "Tara na." Yaya ni Lucas matapos hawakan si Cross at ayain papunta sa kabilang tent. "Tss." Ani ni Arkhon ng makita ang paghawak ni Lucas sa braso ni Cross. "Sarap siguro maging jelly ace." Out of the blue na sambit ni Tobi na kinatingin ni Arkhon. "Anong Jelly ace? =_=." Pokerface na tanong ni Arkhon sa manager. "Jelly, Jelly ganun yung may pahawak tapos alala---." "Choose Revere, mananahimik ka o ipapakain ko sayo ng buo itong hawak kong manuscript." Singhal ni Arkhon na kinatawa ng binata. --- "Anong nangyari?" Tanong ni Nhate ng makitang nilalagyan ni Lucas ng oinment ang braso ni Cross. "Napasama lang yung huling bagsak ko." Ani ni Cross na kinailing ni Nhate. "Cross ilang beses ko na kasing sinabi sayo na hindi pwedeng physically fit ka lang, kailangan mo din ng emotion specially sa harap ng camera at isa ka sa double ng main cast." Ani ni Lucas bago tumayo at lumabas ng tent. "Wala pang isang buwan since ng lumabas ka ng ospital Cross, wag mo namang abusuhin ang sarili mo." Ani ni Nhate matapos lumapit kay Cross at umupo sa tabi ng binata. "Alam mo naman ang reason kung bakit ako nandito at kung bakit kailangan ko ito gawin." Sagot ni Cross na kinabuga ng hangin ni Nhate. "Gusto mong maibalik si Arkhon diba? Gusto ko na din na maalala niya tayong dalawa at maibalik yung dating siya, pero Cross hindi ka makakalapit kay Arkhon kung nasa ganito kang sitwasyon. Andito kana din naman bakit hindi mo na iaccept ang opportunity besides malaki ang chance mo na maging artista at mas makalapit pa kay Arkhon." "Nhate alam mong hindi ko ito forte diba? Hindi ko pinangarap maging artista." Ani ni Cross bago tumayo at naglakad palapit sa lamesa. "Cross ito ang daang tinatahak ngayon ni Arkhon, for petes sake 50/50 chance lang na makuha mo si Arkhon sa loob ng dalawang buwan." Ani ni Nhate na kinahawak ni Cross ng madiin sa dulo ng lamesa. "May potential ka pagdating sa ganito Cross hindi ka mahihirapan kung makikipagsabayan ka." Dagdag ng binata bago lumapit kay Cross at bahagyang tapikin ang balikat ng binata. "If you like it or not kailangan mo din makipagsabayan para hindi mawala ang momentumn mo sa buhay ni Arkhon ngayon." Ani ni Nhate bago tumalikod at umalis. --- Nasa taas ngayon ng isang building si Cross na nasa ikaapat na palapag. Sa baba nito ang patong-patong na foam para manatiling ligtas si Cross pagbagsak nito. "Cross kaya mo yan!" Cheer ni Nhate sa hindi kalayuan na sinundan din ng ilan sa kateam ni Cross. Hindi nagpakita ng emosyon si Cross pero hindi katulad nung mga nauna nanatili na itong kalmado. "Cross alam mo na ang gagawin diba?! Pagbilang ko ng tatlo talon na!" Sigaw ng isa sa mga Assistant producer na nasa taping. "Isa! ... dalawa! ... tatlo!" Cross Acosta's POV; "Tatlo!" Pagbilang ng tatlo mabilis akong tumalon sa ere at pumikit bago umikot. 'Cross ito ang daang tinatahak ngayon ni Arkhon, for petes sake 50/50 chance lang na makuha mo si Arkhon sa loob ng dalawang buwan.' Pagmulat ko ng mata, nagkasalubong ang mata namin ni Arkhon. Tama si Nhate kung gusto ko makuha si Arkhon sa mga Freya kailangan kong gamitin ang sarili kong paraan. Nakuha ko na minsan si Arkhon at magagawa ko ulit yun ng pangalawang pagkakataon. 'Hindi ko hahayaang makalimutan mo ako Arkhon lalo na ang mga pangakong binitawan mo na hanggang ngayon pinanghahawakan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD