05

1250 Words
3rd Person's POV; "Percy bakit ka pumayag? Kalalabas lang ni Cross nung isang linggo!" Bulyaw ni Cohen na kinagusot ng mukha ng binata ng sugurin siya nito sa opisina. "Cohen wala akong magagawa okay? desisyon niya yun with approval ni tito Cadmus si tito pa nga naglapit sakin." Ani ni Percy na kinahilot ni Cohen sa sintido. "Hindi ba naisip ni Cross na posibleng makatunog ang mga Freya." Ani ni Cohen. "Kung may magpapasok sa kanya galing sa atin, eh wala naman." Ani ni Percy na kinatingin ng binata. "Bukod sa hinanapan ko lang siya ng agency na mapapasukan niya para makaaccess sa E.G, wala na akong naitulong pa kaya nga mas lalo akong nag-aalala." Ani ni Percy. "Ano ba kasing binabalak ni Cross? Sina tita Aila nga walang nagawa para pabalikin si Arkhon." May inis na sambit ni Cohen na kinangiwi ni Percy. "Kilala mo siya Cohen kung hindi niya madala sa pakiusapan, hihilahin ka niya ng sapilitan.=_=" Cross Acosta's POV; "f**k!" Mura ni Nhate ng masubsob siya sa harapan ko. Hahampasin siya ng isa sa miyembro ng sanggain ko yun gamit ang arnis na hawak ko. "Practice lang ito bakit kailangan mo siya saktan?" Ani ko na kinataas ng kilay ni Lucas. "Wag kang mangialam, manager lang yan dito at trabaho niyang---." Naramdaman ko ang tingin ng lahat sakin ng hampasin ko upper waist ni Lucas at itutok sa kanya ang dulo ng arnis na hawak ko, matapos nito mapasigaw sa sakit ng hampasin ko siya sa part na walang gear. "Salves! Anong ginawa mo kay Lucas?!" Tanong ng isa sa mga called friend ng hambog na nasa harap ko. "Practice." Bored na sagot ko ng lapitan nila ang gago. "Baguhan ako dito at trabaho mo din na iassist ako ng maayos diba? Basic step lang ang ginamit ko hindi mo man lang nasalag yun." Ani ko na kinatingin sakin ng masama ni Lucas. Susugudin ako ni Gino ng humarang si Nhate at pagitnaan kami. "Tama na! Kung ayaw niyo malaman ito ni Director tumigil na kayo." Sigaw ni Nhate na kinataas ng gilid ng labi ko ng tingnan ako ng masama ni Lucas. "Anong nangyayari dito?" Hindi ko na inabalang tingnan ang producer na lumapit samin matapos makita ang little scene namin kanina. "Nagkatuwaan lang kami." Sagot ko bago tumalikod at humakbang palayo. "Cross teka!" Habol ni Nhate matapos ako pantayan sa paglalakad. "Cross kailangan mo makisama teka." Ani ni Nhate ng hubarin ko ang casket at protection gear matapos namin makarating sa tent. "Hindi ako mamatay sa hampas ng arnis Nhate, mamatay ako sa sobrang init." Ani ko pagkatapos kong alisin lahat yun at damputin ang mineral water na nasa lamesa. "Halata nga pati yung instructor pinatulan mo sira ulo ka." Pailing iling na sambit ni Nhate bago kumuha ulit ng tubig sa cooler at inabot sakin. Nang maubos ko yung laman ng mineral water kinuha ko yung isa at binuhos ko sa ulo ko. "Cross!" Sigaw ni Nhate bago kinuha yung mineral na hawak ko. "Sira ulo ko ba? Gusto mo na bang mamatay? Nagyeyelo yung tubig." Ani ni Nhate. "Naiinitan ako okay? Hindi ko kaya yung init sa field." Nakapokerface na sagot ko. "Cross." Napatingin kami ni Nhate ng lumapit ang isa sa mga kateam namin. "Pinatatawag ka ni Lucas." Hindi ako umimik matapos kong tingnan ang mga kateam ko na nasa field lahat sila nakatingin sa tent. "Susunod ako." Ani ko bago kinuha yung arnis sa lamesa at bumuga ng hangin. 3rd Person's POV; "Mukhang nagkakagulo ang mga kinuhang stuntman ng producer." Ani ng binatang nakaupo sa isa sa mga monoblock na nasa loob ng tent at pinanonood ang grupuhan ng mga lalaking nasa field. "Wala akong pakialam sa kanila magpatayan pa sila." Sagot ni Arkhon habang umiinom ng juice at may hawak na manuscript. "Si Mr.Gorgeous yung nag-aaway pati yung instructor ng team." Automatic na napaangat ng tingin si Arkhon at napatingin sa pwesto ng grupuhan ng marinig ang sinabi ng manager. Hindi maiwasang mapako ang tingin ng binata kay Cross na kasalukuyang Sando at rip jeans lang ang suot na mas nagpaangas sa dating ng binata, isama mo pa ang basang buhok at katawan nito na mas nagpaangat sa lalaki. "Holyshit!" Mura ni Arkhon at napatayo ng nabitawan pala nito ang hawak na juice. "What the hell Arkhon ano bang ginagawa mo?" Ani ng binata na napatayo na din ng makitang mabasa ang ilan pang gamit ni Arkhon sa lamesa. "Sir Arkhon kakausapin na daw kayo ng director." Ani ng inassist na P.A para sa binata matapos nito lumapit sa dalawa at tulungan ang manager na punasan ang mga nabasang gamit ni Arkhon. "Freya! Pumunta kana dito pinatatawag kana ng director." Sigaw ng isa sa mga cast na mukhang papunta na din sa tent ng director. "Pumunta kana dun Arkhon pareho tayong malilintikan pag hindi ka pa umalis." Ani ng manager matapos abutin ang tissue at punasan ang manuscript na hindi naman gaanong nabasa. Cross Acosta's POV; "Anong kailangan mo?" Gusot ang mukhang tanong ko ng ipatawag ako ng hambog na instructor namin. "Fine gusto ko magsorry sa ginawa ko kay Nhate at nung unang beses na pumasok ka sa team." Ani ni Lucas na kinatingin ko. Hindi ko alam kung nag stiff siya o ano pero imbis pansinin siya naiiling na lumapit ako sa lamesa at uminom ng juice. Ang init dito mukhang nabigla ang katawan ko sa ganitong klima. I mean nasa pilipinas pa din naman ako pero hindi ako naeexpose sa init isama mo pa na limang taon akong tulog. "Hindi ako bumibigdeal ng ganung mga kaliit na bagay." Bored na sambit ko habang nakatalikod. "Ayusin mo na ang sarili mo, may ilang stunt tayong ipapractice ngayon ... medyo mahirap ang stunts kaya humanda ka." 3rd Person's POV; Habang nag rereahearsed ang maincast na ginagawang series nina Arkhon tahimik na pinagmamasdan ni Cross ang binata na ngayon ay pilit finofocus ang sarili sa trabaho. "Hade layuan mo si Kyle, alam kong boyfriend mo siya pero---." "Hade!" "Cut!" Announce ng director ng matapos ang isang page ng manuscript at magawa yun ng tama ng main casts. "Perfect! Goodjob guys, hindi na masama para sa first day, pakiassist na sila ... next scene na tayo." Nakangiting sambit ng director matapos tingnan ang tatlo na nasa unahan. "Ang galing mo Arkhon." Nakangiting komento ni Valentine isa sa co-star ni Arkhon. "Salamat." Ani ni Arkhon bago pilit na ngumiti at umalis. Habang naglalakad hindi maiwasang tingnan ng masama ni Arkhon si Cross na nasa kalayuan na ngayon ay nakangising nakatingin sa kanya at umiinom ng juice habang nakaupo sa isang mahabang upuan na nasa loob ng tent. "Ano bang nangyari sayo Arkhon? Nakadalawang beses kang ulit sa line mo at talagang nakakapanibago yun para sa perfect record mo na hanggang take 1 lang nitong apat na taon mo sa industry." "May putangina kasing tingin ng tingin sakin." Nanggagalaiting mura ni Arkhon na kinatingin ni Revere sa tent na hindi kalayuan sa pwesto nila. "Si Mr.Gorgeous eh ano kung tinitingnan ka?" Nagtatakang tanong ng manager na kinatingin sa kanya ng masama ni Arkhon. "What the heck bud lahat ng nandito sayo nakatingin at kay Mr.Gorgeous ka lang na intimidate, talaga bang inaatake ka ng anxiety mo pag inlove ka?" Banat ni Tobi na kinamura nito ng hampasin siya ng lalaki nang hawak na manuscript. "f**k you!, I'm a Freaking straight, f**k off Revere." May inis na sambit ni Arkhon matapos magwalk out. "Oy Freya! Joke lang masyado kang pikon." Natatawang sigaw ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD