3rd Person's POV;
Literal na napanganga ang ilang staff ng maperfect ni Cross ang stunts pati na din ang pagkabagsak nito na kahit yung director mahinang napapalakpak.
"Ay bongga niya dun." Komento ng assistant director.
"Napakanatural ng pagbagsak ni Cross hindi nga yata yun tumingin sa ibaba." Komento ni Tobi ng makita ang ginawa ni Cross.
"Nagawa mo Cross." Natutuwang sambit ni Nhate na kinangiti ni Cross habang hawak ang braso.
"Verygood." Napatigil si Cross ng guluhin ni Lucas ang buhok niya.
"Madali lang yun para sakin tss." Pagyayabang ni Cross na kinatawa ng binata matapos tabigin ang kamay ng lalaki na nasa ulo niya.
"Wala ka din namang angking kayabangan noh Cross." Biro ni Lucas dahilan para magpabalik-balik ang tingin sa kanila ni Nhate.
"Tss para yun lang tuwang-tuwa na kayo madami pang susunod na scene."
Napatingin ang tatlo kay Arkhon nang sabihin yun ng binata bago sila nakapamulsahang lampasan kasunod ang manager at ilang staffs.
"Ang angas talaga ng taong yun." Gusot ang mukhang komento ni Lucas.
"Hindi naman yun dating ganun down to earth ang kilala namin---."
Naputol ang sasabihin ni Nhate ng pasimple siyang siniko ni Cross nang mapatingin sa kanya si Lucas.
"Kilala niyo si Arkhon?" Tanong ni Lucas.
"Artista si Arkhon sinong hindi makakakilala sa kanya." Depensa ni Cross bago tumalikod at lumabas ng tent.
"Oy saan ka pupunta Cross." Tawag ni Nhate.
"Tatawagan ko si Casspian." Sagot ni Cross bago inangat ang phone niya at iwinagayway yun habang naglalakad palayo.
"Casspian? Who'se that guy?" Tanong ni Lucas bago tingnan si Nhate na napakamot sa ulo.
"Anak yun ni Cross." Sagot ni Nhate na kinabago ng expression ni Lucas.
"May asawa si Cross." Tanong ni Lucas na kinatingin ni Nhate.
Pero bago pa niya masagot ang lalaki tumalikod na ang binata at umalis.
Cross Acosta's POV;
Napangiti ako ng magpop ang mukha ni Casspian sa screen matapos ko tawagan si Hzeck.
"Hi papa!" Bati ni Casspian matapos kumaway ng makita ako.
"Hey baby, how are you?" Tanong ko ng makita ko siyang kumakain.
"I have eaten my lunch na po papa, you want some?" Yaya ni Cass na kinangiti ko.
"Kumain na ako baby boy by the way sorry if hindi mo ako naabutan sa bahay, nalaman ko kay Hzeck na inaantay mo ako kagabi." Ani ko na kinatigil ni Cass bago ngumiti.
"I understand naman po na kailangan niyo mag work." Sagot sakin ni Casspian bago yumuko at kumain.
'Where's daddy?'
'Sorry young master maaga umalis si Master Cadmus madami daw siyang aasikasuhin sa opisina.'
'But this is my birthday.'
'Hindi ko na siya nakikita sa palasyo.'
'Sorry young master.'
Napabuga ako ng hangin ng maalala ko nanaman ang side ko na yun.
"Next time papaalam ako sa director kung pwede kita isama sa site namin." Ani ko na kinatingin ni Casspian.
"Papa! Really? Isasama niyo na ako?!" Excited na sambit ni Casspian na kinatawa ko ng mahina ng makita kong muntikan na mahulog si Casspian kung hindi siya nasalo ni Hzeck.
"Baby magingat ka sa susunod muntikan ka nanaman mahulog." Ani ko na kinangiti ng malapad ni Casspian.
"It's okay papa, Hzeck always save me." Sagot ni Casspian na kinailing ko.
"Pero kailangan mo pa din magingat, ngayon naniniwala na ako kay Tito Iggy mo na may pagkalampa ka." Natatawang sambit ko na kinanguso ng anak ko.
"Papa, you always bullying me." Hirit ng anak ko.
"Baby hindi ka ba nahihirapan makakita niyan? Masyado ng mahaba ang buhok mo." Ani ko ng mapansing tinatakpan ng bangs ni Casspian ang mga mata niya.
"Papagupitan kita next ti---."
"N-No daddy, ayokong makita nila ang eyes ko ... they keep calling me monster, tuwing nakikita nila ang eyes ko." Sagot ni Casspian na kinatahimik ko.
Iba ang mata ni Casspian kaysa sa karaniwang bata, hindi ko masabing may problema siya sa mata dahil minsan ko na itong pinacheck up at sinabi ng doctor na wala namang problema sa paningin ang anak ko.
Napakarare lang ng ganitong eye color sa isang tao at bilang lang sa daliri ang may ganitong case.
"Papa I'm not a monster naman diba?" Tanong ni Casspian na kinatawa ko ng mahina.
"Casspian ang gwapo mo namang monster." Sagot ko bago ngumiti.
"You're special baby." Ani ko.
"Kuya Cross is right Cass hindi ka monster." Sangayon ni Hzeck.
Habang tinitingnan ko ngayon si Cass hindi ko maiwasang matakot para sa anak ko. Ganito ba talaga ang magulang? Pakiramdam ko pag may taong umargabyado sa anak ko makakapatay ako.
Aminado akong iba si Cass, special siya hindi lang ang mata niya pati na din ang pagiging carrier niya kahit lalaki ang anak ko.
"But Hzeck---."
"Hindi ka monster sa paningin namin ni kuya Cross, ang ganda kaya ng eyes mo." Putol ni Hzeck bago inipitan ang buhok ni Casspian na kinangiti ko ng mas makita ko ang mukha ng anak ko.
"Hzeck don't do that."
"Tayong tatlo lang naman dito bakit mo itatago yan."
Isang oras ang lunch kaya halos isang oras din kami nagkwentuhan nina Hzeck at Casspian, pinanood ko lang sila habang naglalaro.
Ganito lumilipas ang araw ko at para sakin itong time lang na ito ang nagiging special dahil kay Casspian.
Tuwing nakikita ko si Casspian mas nagiging desidido ako makuha si Arkhon lalo na ganitong pamilya ang nais namin mabuo. Kung maaalala niya ako siguradong matutuwa siya once na makita si Casspian.
'Pero ano nga bang gagawin ko para maalala niya ako? Babalik pa din ba siya sa Arkhon na nakikilala ko pag naalala niya ako?'
Matapos kong magpaalam kay Casspian dahil 5minutes na lang bago ang next rehearsed nina Arkhon, umupo muna ako sandali sa lilim ng puno para magpahinga dahil kahit papano sumasakit din ang katawan ko dahil sa mga stunts na ginagawa ko nitong mga nakaraang araw.
Iniisip ko pa lang na uulitin ko ang mga yun nextmonth nalulula na ako hindi ko naman magawang magreklamo dahil yun lang ang tanging paraan para mapalapit ako kay Arkhon at makausap siya na hindi ko magawa dahil laging may camera at mga staffs na laging nakabuntot sa kanya.
Pano ako kikilos kung laging may mga matang nakasunod sa bawat galaw niya.
"Ibang klase ka din nagagawa mo pang humilata diyan habang yung mga kasamahan mo nasa site at nagpapractice."
Speaking of the demon, minsan mas gusto ko na lang manahimik siya at ngumiti sa harap ng camera atleast duon nakikita ko yung Arkhon na nakilala ko kahit malayo.
"As far as I know artista ka hindi director, kung magpahinga man ako ngayon wala kanang pakialam dun." Ani ko bago humilig sa kabilang side para maiwasan kong tingnan ang walang hiyang sumisira ng araw ko at the same time dahilan kung bakit ako nandito.
Isa ito sa problema ko tuwing nagkakaroon kami ng oras mag-usap walang magandang nangyayari kaya kailangan ko talaga gumawa ng plano para makausap ko siya ng maayos nang hindi kami nag-aaway.
"For your information Mr.Acosta ang pamilya ko ang may ari ng entertain---."
Napatigil ako kami pareho ni Arkhon matapos ako mapatingin sa kanya ng tawagin niya ako sa tunay kong apilyido.
"Acosta?" Ulit ni Arkhon nang mapahawak ito sa noo dahil sa sobrang frustration.
"Naalala mo ako?" Ani ko matapos ko tumayo at hawakan si Arkhon.
"Anong sinasabi mo?" Gusot ang mukhang sambit ni Arkhon matapos tabigin ang kamay ko.
"Hindi kita kilala." Singhal sakin ni Arkhon at aalis ito ng hawakan ko ulit ang braso niya.
"Arkhon naalala mo ako tinawag mo akong Acosta." May diin na sambit ko na kinatingin niya sakin ng masama.
"As far as I know Salves ang apilyido mo hindi Acosta." Sagot ni Arkhon na kinagusot ng mukha ko.
"Arkhon, Cross Salves Acosta-Asuncion ang ang dala kong pangalan ... for petes sake kasal tayo." Ani ko na kinakunot ng noo niya bago napatawa ng malakas at tabigin ang kamay ko.
"Nababaliw kana ba? joke ba yun?" Natatawang sambit ni Arkhon na kinapokerface ko.
"Ano isa ka din sa die hard fan ko? Ibang klase yung joke mo ah? Asawa kita? Are you out of mind sa tingin mo papatol ako sayo?" Nagpipigil ang tawang sambit ni Arkhon.
"Lalaki ako at lalaki ka din ... ow wait? Are you a gay." Tumatawang sambit ni Arkhon na kinailing ko na lang.
"Yeah same gender at alam natin pareho na mahal natin ang isa't isa, pareho din tayong lalaki that time." Walang emosyong sambit ko na kinataas ng gilid ng labi ni Arkhon.
"Kung totoo man yan ayoko ng maalala dahil ni sa panaginip hindi ko nakita ang sarili ko na kasal sa tulad mo, I'm not into a LGBT thingy at kasiraan yan sa image ko."