10

1386 Words
3rd Person's POV; Napamura na lang si Cross sa isipan ng wala siyang makitang taxi kahit saan. Dahil sa pag-aalala mas pinili nitong tumakbo papunta sa labasan para duon kumuha ng masasakyan. "Damn!" Mura ni Cross makalipas ang ilang minuto ng makaramdam siya ng sobrang pagod. Matapos huminto ng ilang minuto tatakbo ulit siya ng may sumulpot na sportcar na bigla na lang humarang sa kanyang daan. "Hop in." Ani ni Arkhon matapos buksan ang sasakyan galing sa loob. "Arkhon." Ani ni Cross. "Sakay hahatid kita sa inyo." Ani ni Arkhon na agad kinatalima ng binata bago sumakay at sinara ang kotse. "Maraming salamat." Ani ni Cross matapos isuot ang seatbelt at paandarin yun ni Arkhon. "Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa pero may utang ka sakin." Ani ni Arkhon na kinapokerface ni Cross pero imbis umalma pinili na lang nito manahimik at tumingin sa labas. Huminga ito ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili para maiwasang mag-alala masyado sa anak. "Hindi ko alam kung saan ang bahay niyo, turo mo na lang sakin yung daan." Ani ni Arkhon. "Cross." Tawag ni Arkhon nang hindi umimik si Cross hinawakan nito sa balikat ang binata dahil sa pagkabigla natabig yun ni Cross na kinatingin ng binata. "Sorry." Ani ni Cross na nagulat din sa ginawa. "Nanlalamig ka, baka lagnat laki lang yun masyado kang napaparanoid." Ani ni Arkhon bago mas pinabilisan ang pagpapaandar ng kotse. "Hindi mo ako naiintindihan, hindi ka magulang." Sagot ni Cross na kinangiwi ni Arkhon. "Hindi ko din naman pinangarap." Sagot ni Arkhon na kinatingin ni Cross sa labas ng bintana. "Kasi wala kang naalala." Bulong ni Cross. "Nasaan ba ang ina ng anak mo at ako ang hinahabol mo?" Flat na tanong ni Arkhon. "Balak mo bang ipaako sakin ang responsibilidad ng babaeng yun ha?" Tanong ni Arkhon ng---. "Labas si Casspian dito Arkhon kung wala ka din naman magandang sasabihin tungkol sa anak ko, manahimik kana lang." Putol ni Cross. "Baba mo na ako dito, salamat." Ani ni Cross pero hindi yun hininto ni Arkhon. "Bakit ayaw mo ihinto yung kotse." May inis na sambit ni Cross. "Hindi diyan ang bahay niyo." Sagot ni Arkhon na kinagusot ng mukha ni Cross. "Kukuha na lang ako ng taxi ihinto mo na it---." "Sorry kung naooffend ka sa mga sinasabi ko, pero hindi ko intention na may masabi na kung ano sa anak mo." Putol ni Arkhon na kinatahimik ni Cross ng ilang minuto. "This past few days frustrate lang ako dahil hindi ko alam kung pano kita pakikitunguhan." Ani ni Arkhon na kinatingin ni Cross. "Hindi ako nakakapag isip ng ayos pag nasa paligid ka kaya pilit kitang pinalalayo sakin, iniinis at ginagalit pero nung time na ikaw na ang umiiwas hinahanap naman kita, naguguluhan ako pero parehong ayokong nasa tabi kita o lumayo ka ng sobra." Dagdag ng binata na kinaiwas ng tingin ni Cross. "We need to take it slowly, I guess." Ani ni Cross na kinatingin sa kanya sandali ni Arkhon bago tumingin ulit sa kalsada. "Anong gagawin ko?" Tanong ni Arkhon na hindi alam ni Cross kung para ba sa sarili o sa kanya ang tanong. "Just open yourself for me, let me in then ... I'll let you decide, kung hindi magwork lahat ng ito at hindi mo ako maalala sa loob ng dalawang buwan, titigil na ako at hindi na kita guguluhin." Ani ni Cross na kinatigil ni Arkhon. Napahawak na lang ng mahigpit sa manubela ang binata ng maguluhan nanaman siya sa sariling nararamdaman, matutuwa ba dahil sa idea na hindi siya guguluhin ng binata o maiinis dahil bigla na lang nagdecide ng ganun ang lalaki. -- "Cass!" Tawag ni Cross matapos pumasok sa isang apartment kasunod si Arkhon na agad gumusot ang mukha ng may makita siya dun na apat na naggagwapuhang lalaki. Ang isa dun ay niyakap si Cross bago inaya papasok sa isang kwarto. "Arkhon." Napatingin ang binata ng tawagin siya sa tatlo. Kilala ng binata ang tatlo sa mukha dahil laging laman ang mga ito sa magazine at dyaryo specially isa sa pamilya nito ang kalaban ng mga Freya pagdating sa business pero ang hindi iniexpect ng binata ang stuntman na nagtatrabaho sa kanila ay may mga bigtime na kaibigan. "Papa." Bulong ng batang lalaki na nakahiga sa kama ng makita ang ama na nag aalalang hinahaplos ang buhok niya. "Ano bang ginagawa mong bata ka? Pano ka nagkasakit, Hzeck diba dapat nasa palasyo kayo?" Ani ni Cross ng makita ang guardian na may dalang basin. "Nagpupumilit kasi umuwi dito si Cass kuya Cross, nag-aalala siyang wala kang kasama dito ... pag-uwi naman namin wala ka kaya--- patawad kuya." Ani ni Hzeck na kinabuga ng hangin ng binata bago tumayo at kinuha yung basin para punasan ang anak. "Papa, may work ka po diba?" Tanong ni Casspian matapos makita ang hindi kilalang lalaki na pumasok sa kwarto kasunod sina Iggy. "Mas mahalaga ka baby kaya pagaling ka agad." Ani ni Cross bago bahagyang punasan ang pisngi ng binata. "Sorry papa." Bulong ni Casspian. "Para saan naman?" Tanong ni Cross bago tingnan ang anak na bahagyang namumula dahil sa lagnat. "Kung hindi po ako nagkasakit hindi po kayo aalis sa work niyo." Sagot ni Casspian na kinatigil ni Cross. "Anak makinig ka kay papa mas importante ka sa kahit na anong bagay kahit pa sa work ko." Ani ni Cross. "Cross itigil mo ng kalokohan na ito." Ani ni Cohen na kinatingin ni Cross. "Napapabayaan mo na ang anak mo forpetes sake, para lang sa lalaking yan isinasantabi mo ang anak mo." Napatigil ang mga taong nasa loob matapos ituro ni Cohen si Arkhon na nasa pinto na agad gumusot ang mukha ng duruin siya ng lalaki. "Teka bakit ako nadamay dito?" Sabat ni Arkhon na kinatingin sa kanya ng masama ni Cohen. "Dahil sayo naging miserable ang buhay ni Cross tapos itatanong mo kung bakit ka nadamay dito." May diin na sambit ni Cohen lalapitan siya ni Arkhon ng humarang sina Percy at Chase. "Tumigil na nga kayong dalawa! Nasa harap kayo ng bata." Singhal ni Percy kina Arkhon at Cohen. "Papa." Tawag ni Casspian ng makitang napayuko ang ama. "Wag na po kayo magworry, wag kayo makinig kay papa Cohen mas gusto ko po na happy ka." Ani ni Cass na kinatingin ni Cross sa anak. "I know naman po yung reason bakit niyo kailangan umalis." Ani ni Cass bago pilit na bumangon at bumulong kay Cross. "Handsome po ng daddy ko like me." Bulong ni Cass na kinangiti ni Cross bago niyakap ang anak at kinis sa noo. "Sorry baby, pero sige aalis---." "No." Napatingin ang lahat kay Arkhon ng lumapit ang binata sa kama at lumuhod sa gilid ng kama para pantayan ang batang lalaki. "Pwede kang pumunta sa site kung saan nagwowork ang papa mo, para makita mo din kung gaano kagaling ang papa mo sa work." Ani ni Arkhon magsasalita si Cohen ng takpan ni Iggy ang bibig ng binata. "Arkhon wag kang mangako sa bata, baka magalit ang director pag nagsama ako ng bata sa trabaho." Ani ni Cross na kinatingin ni Arkhon. "Ano igigive up mo yung nasimulan mo na? May potential ka at kailangan namin ang tulad mo sa kompanya." Sagot ni Arkhon bago tingnan si Casspian na agad kuminang ang mata. "T-Talaga po lagi ko na kayo makikita ni papa?" Tanong ni Casspian na kinatigil ni Arkhon matapos siyang yakapin ng batang lalaki. "Cass---." "Oo naman pero dapat behave ka dun." Ani ni Arkhon bago dahan-dahang niyakap pabalik ang batang lalaki. --- "Hindi ko alam kung pano magpapasalamat sayo." Ani ni Cross matapos nilang lumabas ng kwarto ni Casspian na ngayon ay natutulog na. "Hindi ko kailangan ng thank you maniningil ako next time, wala ng libre ngayon." Hirit ni Arkhon na kinapokerface ng binata. "Di hindi na ako magpapasalamat utang pala yun." Ani ni Cross habang naglalakad sila palabas ng apartment. "Kailangan ko ng bumalik sa taping sasabihan ko na din ang director tungkol sa bata." Ani ni Arkhon matapos buksan ni Cross ang pinto at makalabas siya. "Arkhon yung totoo bakit mo ako tinutulungan?" Ani ni Cross na kinatigil ng binata matapos abutin ang phone na inaabot ni Cross sa kanya. "Sinagot ko na yan kanina, hindi ko alam." Sagot ni Arkhon bago tuluyang tumalikod at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD