3rd Person's POV;
Natawa ang binatang si Lucas ng makitang gumusot ang mukha ni Cross ng makitang sobrang laki ng jacket na pinahiram sa kanya ng binata.
"Pasensya na yan lang yung extra kong jacket dito." Ani ni Lucas habang pinipigilan ang sariling pisilin ang pisngi ng lalaki dahil mas nagmukha itong bata dahil sa jacket.
Para sa isang lalaki tama lang ang katawan ni Cross na may konting pagkaslim at sa height nito kung ikukumpara sa mga kasamahan sa team, may kaliitan ang lalaki.
Nung unang beses itong makita ni Lucas napagkamalan niya itong babae dahil sa amo ng mukha at nakaipit nitong buhok may ilan pang nagulat dahil hindi halatang malapit na ito mag 26 dahil mukha pa din itong highschool student.
"Bakit ka ganyan makatingin?" Singhal ni Cross habang nasa labas sila pareho ng tent ng binata.
"Hindi lang kasi ako makapaniwalang 26 kana at may anak." Ani ni Lucas na kinailing ng binata bago tumalikod at sumandal sa poste na bakal na nasa likuran.
"May asawa kana?" Tanong ni Lucas.
"Hindi ka din chismoso noh Lucas?" Ani ni Cross na kinangiwi ng binata.
"May husband ako at sa kasamaang palad hindi ako maalala." Sagot ni Cross na kinatigil ni Lucas.
"Husband?" Ulit ni Lucas.
"Hindi ako bakla, inunahan na kita ... nagmahal lang naman ako sa iisang lalaki." Ani ni Cross na kinangiwi ni Lucas.
"Wala akong sinabi sorry naoffend yata kita sa naging reaksyon ko kanina nagulat lang ako." Ani ni Lucas bago umiwas ng tingin at inumin ang hawak na beer.
---
Napahawak ng mahigpit sa railing ang binatang nasa itaas ng bahagi ng palapag habang nakatingin sa dalawang tao na nasa ibaba at nag-uusap.
"Now I know kung bakit niya ako dinidedma this past few days." Bulong ng lalaki na bakas ang inis at galit sa mukha.
Cross Acosta's POV;
Exact 5pm nagpaalam ako sandali kay Lucas para pumunta sa comfort room ng boys.
Maaga kasi simula ng taping namin mamaya kailangan kong ayusin ang sarili ko.
Habang naglalakad ako papunta ng comfort room napatigil ako ng makarinig ako ng ingay sa isang classroom.
Sarado ang ilaw pero may tao, out of curiousity at trabaho ko din bilang staff lumapit ako sa pinto at binuksan yun.
Humakbang ako papasok hanggang sa may magsara ng pinto galing sa likuran ko, dahil sa instinct mabilis na umigkas ang kamay ko na agad nasalo ni---.
"Arkhon." Ani ko.
Hindi ko maaninag ang mukha niya pero yung amoy sigurado akong si Arkhon ang nasa harap ko.
"Ibang klase din ang instinct mo ah." Walang buhay na komento ni Arkhon na kinatigil ko dahil may something sa boses niya na hindi ko maintindihan.
"Anong kailangan mo sakin?" Ani ko bago humakbang ng ilang metro.
"Sino ka ba talaga?" Ani ni Arkhon na kinatigil ko ng ilang minuto.
Hindi ako umimik hanggang sa humakbang si Arkhon palapit sakin.
Aatras ako ng bigla akong mapaupo sa isa sa mga upuan matapos kong maout balance ng bumangga ang likod ng tuhod ko sa upuan.
Tatayo ako ng yumuko si Arkhon at ikulong ako gamit ang mga braso niya na nakatungkod sa magkabilang bahagi ng lamesa na nasa magkabilang gilid ko.
"Tell me sino ka ba talaga?" Paos na tanong ni Arkhon.
"Hindi kita maalala, hindi ko alam ang pangalan mo o saan ka nakatira ... at mas lalong hindi ako makapaniwala na asawa kita." May diin na sambit ni Arkhon na kinasinghap ko ng bahagya ng maamoy ko ang pinaghalong mint at sigarilyo sa bibig niya.
"B-Bakit mo pa g-gustong alamin kung sino ako sa buhay mo kung ayaw mong maniwala." Ani ko na.
Hindi ko makita ang expression niya pero yung mga mata ni Arkhon basang-basa ko na naguguluhan siya at naiinis.
"Ginulo mo ang isip ko at sistema ko ng walang pasabi tapos itatanong mo yan kung bakit gusto kita makilala?" Naggigitgit na tanong ni Arkhon na kinataas ng gilid ng labi ko.
"Isa lang ibig sabihin niyan inlove ka sakin ... so? Bakla ka." May pang-aasar na sambit ko.
"Wha---."
Bago pa siya lumayo at bulyawan ako hinawakan ko ang likod ng ulo ni Arkhon at siniil ng halik.
Naramdaman kong nabato siya sa kinatatayuan niya pero imbis itulak ako medyo nagulat ako ng kusa niyang binuka ang mga labi niya para sakin at mas pinalalim ang halik naming dalawa.
3rd Person's POV;
Nagkatinginan si Nhate at Tobi ng pareho silang mapatingin kay Cross at Arkhon na nasa magkabilang panig ng field.
"Anong nangyari?" Tanong ni Nhate habang hawak ang ilang plastic bottle at nilalagay sa lamesa.
"Nagswitch ba ng kaluluwa sina Cross at Arkhon?" Tanong ni Tobi ng makita ang imaginary black aura ni Arkhon habang nakaupo at binabasa ang manuscript na nakabaliktad bago tumingin kay Cross na nakikipagtawanan sa mga kateam niya.
"Oy Arkhon nagbabasa ka?" Tanong ni Tobi matapos suntukin ng mahina ang balikat ni Arkhon at umupo sa upuang nasa harapan ng binata.
"Nakita mo namang hawak ko ang manuscript manager diba?" May inis na sambit ni Arkhon.
"Hindi ko iniexpect na may talent ka din pala sa pagbabasa ng nakabaliktad." Natatawang sambit ni Tobi dahilan para maibaba yun ni Arkhon at icheck.
"Look alam ko may problema ka ano yun?" Tanong ni Tobi na kinatitig sa kanya ni Arkhon hanggang sa gumusot ang mukha ng lalaki at---.
"f**k! Kadiri!" Ani ni Arkhon matapos mapatayo at umalis na kinatingin ng ilang staff.
" =_= Hindi naman siguro nagtatake ng drugs ang alaga ko noh." Parang tangang tanong ni Tobi sa sarili ng makita ang reaksyon at attitude ni Arkhon kanina bago tiningnan ang binatang naglalakad papunta kung saan.
His POV;
Sunod-Sunod ang mura ko sa isipan ng parang sirang plaka nagplay sa utak ko ang nangyari kaninang umaga.
'Tangna.'
Napapikit ako ng madiin bago bahagyang niluwagan ang suot kong necktie at umupo sa baitang ng hagdan kung nasan man akong palapag.
'Arkhon lalaki si Cross forpetes sake.'
Napasapo ako sa noo ng hindi man lang ako nakaramdam ng pandidiri pero bakit si manager nung inisip ko na siya yung nakahalikan ko kulang na lang masuka ako. Nandidiri ako f**k pero pareho din naman silang lalaki.
*riiing*
Napabuga ako ng hangin bago kinuha ang phone ko sa bulsa at sinagot yun ng hindi tinitingnan ang caller id.
["Kuya Cross kailangan mo umuwi dito ngayon nilalagnat si Casspian!"]
Napatigil ako bago tiningnan ang phone na hawak ko.
'Holyshit maling phone ang nadampot ko.'
"Pauuwiin ko na si Cross." Ani ko bago pinatay ang tawag at mabilis na umalis dun.
'Damn ang tanga mo talaga Arkhon bakit kasi yung phone ni Cross nadampot mo.'
Mura ko sa sarili ng maalala yung nangyari kaninang umaga.
FLASHBACK
Napaatras ako matapos ang nangyari huli na ng marealize kong sumagot ako sa halik ni Cross without thinking.
Dahil sa pagkataranta natabig ko yung cellphone ni Cross sa lamesa at dadamputin ko yun ng mahulog ang phone ko.
Nablangko ang utak ko ng maramdaman ko ang paghinga ni Cross sa tenga ko ng yumuko din ito para damputin ang phone niya.
Dahil sa pagmamadali mabilis kong kinuha ang phone na nasa harapan ko at lakad takbong umalis ng classroom.
END ODF THE FLASHBACK.
"Cross."
Napatingin ang mga kateam niya sakin kasama si Cross na nakakunot ang noong nakatingin sakin.
Napatikhim ako at umiwas ng tingin ng lumanding ang tingin ko sa punyetang labi ni Cross damn it.
"Anong problema?" Tanong ni Cross hindi ako umimik at inabot ang phone niya.
"May tumawag may sakit ang anak mo." Bulong ko bago tingnan si Cross na agad kinuha ang phone.
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Cross habang dinadial ang phone niya.
"Hzeck how is he? ... uuwi ako ... yes."
Matapos ibaba ni Cross ang tawag nilampasan ako nito, hindi ko alam ang nangyari basta namalayan ko na lang ang sarili ko na sinusundan siya papunta sa site kung nasan ang director.
"What?!"
"Hindi pwede may trabaho ka dito, wala akong pakialam kung nanay,tatay,ate, kuya mo ang may sakit ... hindi ka uuwi."
Yan ang narinig kong sinagot ng director ng makalapit ako.
"Director kailangan ako ng---."
"Direct pauwiin niyo na si Cross." Ani ko na kinatingin ni Director.
"Arkhon, double ng isa sa main cast si Cross at kailangan siya dito." May diin na sambit ng director na kinapokerface ko.
"5 years old lang ang anak ni Cross at siya lang ang magulang ng bata, once na may mangyari sa anak ni Cross kargo de konsensya mo yan hindi sa kompanya." Sabat ko na kinatigil ng director.
"Yah tama hayaan mo na director over time na lang bukas." Sagot ng isa sa mga producer.
"Arkhon ikaw mag-eexplain nito sa CEO at ikaw Cross bukas mag-oovertime ka hindi pwedeng hindi." Ani ng director.
"Salamat Direk, opo." Sagot ni Cross bago yumuko at umalis ng site.
"Kaloka may anak na pala si pogi sayang naman, uy direk baka pwede din natin gawing artista yung anak ni pogi siguradong may dating din---."
"Manahimik ka nga asikasuhin mo trabaho mo."
"Arkhon saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang taping." Harang ni manager ng lalabas ako nang site.
"Babalik ako Manager." Sagot ko bago ilahad ang kamay ko.
"Nasan ang susi ng kotse ko."