3rd Person's POV;
"Ay bongga may lahi." Komento ng baklang producer ng makita ang batang si Casspian na nagtatago sa likod ni Hzeck katabi si Cross na agad yumuko ng makita ang director.
"Okay Cross, kung hindi ka lang kailangan sa taping at hindi ka pinakiusap ni Arkhon hindi ako papayag magdala ka ng bata dito. Specially madaming wires and props dito delikado para sa bata alam mo naman ang ibig kong sabihin diba?" Ani ng Director na kinatango ni Cross.
"May bantay naman ang anak ko at---."
"Director we're take the responsibility, habang nagtatrabaho si Cross pwede naman kami magbantay sa bata." Sabat ni Lucas na mahinang tinapik si Cross.
"Fine, go to work na guys ... Cross you'll have 5 minutes para magprepare magsstart na tayo since hindi nakapagtaping ang buong grupo kahapon magdodouble time tayo." Ani ng director.
"Naiintindihan ko direk." Ani ni Cross matapos yumuko at ayain palabas si Hzeck at Casspian kasunod ang instructor ng team.
"Hzeck ikaw na muna bahala kay Casspian, wag mambabae." Bilin ni Cross na kinangiwi ng gwapong binata.
"Kuya Cross may Casspian na ako." Banat ni Hzeck na kinanguso ng batang lalaki matapos siyang buhatin ng lalaki at pisilin ang ilong ng alaga.
"Hzeck bata pa ang anak ko. =_= "
"I'm just kidding kuya Cross." Natatawang sambit ni Hzeck.
"Cass wag kang lalayo kay Hzeck okay? Be a good boy kina uncle Lucas." Ani ng binata matapos halikan sa noo ang anak.
"Opo papa bebehave lang po ako and pag may lumapit na girl kay Hzeck I will bite them po." Sagot ni Cass na kinakamot sa pisngi ni Cross.
"Magwowork na si papa bye baby." Paalam ni Cross matapos guluhin ang buhok ng anak.
"Hzeck call daddy, before mag lunch okay?" Bilin ni Cross.
"Okay kuya Cross, break a leg." Nakangiting sambit ni Hzeck na kinabuga ng hangin ng binata matapos guluhin ang buhok ni Hzeck kahit may ilang pulgada ang taas sa kanya.
"Lucas ikaw na bahala sa mga bata." Ani ni Cross na kinatango ni Lucas.
"Don't worry kami na bahala sa kanila." Ani ni Lucas na kinatango ni Cross bago tumalikod at sumunod sa mga staff na sumusundo sa kanya.
'Gosh ang gwapo.'
'Kapatid yata ni Cross.'
'Ang gwapo.'
"Sunod kayo sakin antayin natin si Cross sa next location nila para sa taping." Yaya ni Lucas sa dalawa.
"Uncle Lucas like niyo po ba papa ko?" Tanong ni Casspian na kinatawa ni Hzeck matapos takpan ang bibig ng alaga nang masamid ang binata sa sariling laway dahil sa tanong ng batang lalaki.
"W-What? A-Ano--- oo naman as a friend, mabait kasi Papa Cross mo kaya like ko siya." Sagot ni Lucas matapos ibaba ni Casspian ang kamay ni Hzeck.
"Ikaw na bata ka ang dami mong tanong." Ani ni Hzeck.
Kahit hindi makita ng binata ang mata ni Casspian alam niyang nakasimangot na ito at masama ang tingin sa kanya dahil dun---.
"Aray!"
Natawa si Lucas ng makitang kinagat ng batang lalaki ang guardian niya sa leeg para mapadaing ang binata.
"Hindi na nakakagulat na anak ka ni Cross." Natatawang komento ni Lucas matapos guluhin ang buhok ni Casspian na kinagulat nito ng bahagya ng mahawi nito ng konti ang buhok na nagtatakip sa mata ng batang lalaki.
"Ganda ng mata mo." Bawi ni Lucas ng mataranta ang bata at sumiksik kay Hzeck.
"Wag niyo na po ulit gagawin yun hindi komportable si Casspian." May galang na sambit ni Hzeck nang manahimik na ang batang lalaki dahil dun medyo naguilty si Lucas.
"Hey Casspian may hotchocolate si uncle Lucas, gusto mo?" Tanong ni Lucas na kinatingin ng batang lalaki.
"Chocolate?" Bulong ni Casspian na kinangiti ng binata.
"Yeah, tara muna sa tent ko bigyan ko kayo." Nakangiting sambit ni Lucas bago ayain ang dalawang bata.
---
"Masyado yata kayong close ng stuntman ni Navaeh."
Napaangat ng tingin si Arkhon mula sa binabasa niyang manuscript ng umupo ang co-star nitong si Valentine sa harap ng kinauupuan niyang upuan.
"Kung hihingin mo ang number niya sakin, sorry to tell you wala akong number niya." Bored na sagot ni Arkhon matapos ipako ulit ang tingin sa manuscript na hawak.
"Nah hindi ko siya type, he's stand to be a gorgeous than a guy at hindi ganun ang lalaking nasa taste list ko." Makahulugang sambit ni Valentine matapos bigyan ng nakakaakit na tingin si Arkhon at hawakan ang kamay ng binata na nasa lamesa.
"May gagawin ka ba mamaya after ng taping Arkhon? Baka gusto mo lumabas tayo para naman makapagrelax tayong dalawa." Dagdag ng dalaga.
"I have a busy schedule Velentine, siguro next time na lang." Tanggi ni Arkhon matapos tanggalin ang kamay niya sa lamesa na hawak ni Valentine at tumayo.
"Hanapin ko lang manager ko." Paalam ni Arkhon bago ngumiti at umalis dala ang manuscript.
Napataas na lang ng gilid ng labi ang dalaga ng makita ang reaksyon ni Arkhon.
"Yan ang gusto ko sa lalaki hot pa din kahit pa hard to get." Bulong ni Valentine matapos mapangisi habang nakatingin kay Arkhon na papalayo.
Cross Acosta's POV;
"Papa ang galing po niya." Komento ni Casspian habang buhat ko siya at pareho kaming nakatingin kay Arkhon na ngayon ay nasa loob ng isang classroom.
"Hade makinig ka wala akong kasalan---."
"Ano nanamang kasinungalingan ang sasabihin mo Bryan?" Umiiyak na sambit ng co-artist nitong si Valentine.
Hindi mapagkakailang maganda si Ms.Valentine at maaari siyang icompare sa isang tunay na anghel, napakaamo ng mukha nito at talagang napakafriendly.
Kaya karamihan sa mga kateam ko may gusto sa kanya dahil mabait daw ito at maganda na hindi ko naman alam kung totoo dahil iba ang pakiramdam ko sa kanya.
"Hade, please makinig ka ... si Kyle ... si Kyle ang---."
"Tama na! Hinding hindi na ako ulit makikinig sa mga kasinungalingan mo!" Sigaw ni Valentine who was portray Hade Villalosa.
Matapos nito lumabas sa classroom na kay Arkhon na lang nakatutok ang camera.
Nakayuko lang si Arkhon katulad ng nasa script.
"Cut!" Sigaw ni Director ng matapos ang scene nina Arkhon at Hade.
Matapos mag announce ni Director ng 15 minutes break para sa next scene, aalis na kami para bumaba ng building ng---.
"Cross."
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Arkhon na agad lumapit sakin at haplusin ang buhok ni Cass na agad bumati sa kanya.
"Overnight kasi mamaya diba? Then sabi ng director malaki daw yung chance na uulan mamaya at iniisip ko kung gusto mo si Cass pwede siya magstay sa room ko kasama yung kapatid mo." Ani ni Arkhon.
"Pwede naman sila sa tent mamaya nakausap ko na din naman si Lucas." Ani ko na kinagusot ng mukha ni Arkhon na hindi ko naman alam kung bakit.
"Hindi mo ba ako naintindihan? Uulan mamaya at gusto mo patulugin si Cass sa tent?" Tanong ni Arkhon na kinatingin ko kay Casspian na pabalik-balik ang tingin saming dalawa.
"Kagagaling lang sa sakit ni Cass, sige tatanggapin ko ang offer mo at hindi na ako magtathank you alam ko naman may kapalit din yun." Ani ko bago tumalikod at naglakad paalis.
"Papa ang bait ni daddy Ark---."
"Shhh baby baka may makarinig maissue daddy mo." Putol ko bago pangiti-ngiting pinisil ang ilong ng anak ko.
---
Dahil umuulan at ginamit yun para sa next scene, pareho kaming nabasa ni Arkhon dahil karamihan sa scene na nanduon ay ang labanan at habulan naming dalawa.
Halos malapit na magmidnight bago iniannounce ng director na pwede na magpahinga ang lahat, dahil sa basang-basa ako nang ulan matapos ko magpaalam kina Lucas at sa producer naglakad ako papasok sa gym ng university dahil nasa loob ng locker room ang gym ang bag ko at dun ang bathroom ng boys.
Matapos kong makapasok sa locker room pumasok na ako ng bathroom at walang kaano-anong hinubad ko lahat ng damit ko para magbabad sa hotwater.
Nakarinig ako ng yabag sa labas ng bathroom pero hindi ko na inabalang tingnan kung sino yun dahil dalawa lang naman kaming nabasa sa taping at isang tao lang ang maghahanap ng bathroom bukod sakin since pareho kaming basa.
"Holyshit!"
Rinig kong mura ng taong nagbukas ng pinto na kinatingin ko.
Nanlalaki ang mata niyang tumingin sakin pababa sa katawan ko na kinataas ng gilid ng labi ko ng matulala ito bago mabilis na tumalikod.
"What the f**k Cross! Magbihis ka---."
"Are you out of mind? Can't you see? Naliligo ako." Natatawang sambit ko bago pinatay ang shower at tingnan ulit ang nakatalikod na Arkhon sa pinto ng shower room.
"Pareho naman tayong lalaki anong inaarte mo?" Tanong ko bago ulit humarap sa shower at binuksan yun.
"Kung gusto mo abutin ng hating gabi, mag antay ka diyan hanggang sa matapos ako." Ani ko bago pumikit at damhin ang init ng tubig.
Kung iniisip niyong naiilang ako dahil nandiyan si Arkhon, Hell no actually may naiisip akong kalokohan pero since pavirgin ang gago malabong mangyari ang iniisip ko.