08

1408 Words
3rd Person's POV; "Sa tingin ko kailangan niyo pa mas higpitan yung tali para hindi mahulog kung sino man aakyat sa taas." Ani ni Lucas habang kausap ang ilang miyembro sa team niya. Hanggang sa makita nito si Nhate na padaan sa tent nila. "Ayes!" Tawag ni Lucas na kinatingin ng binata bago humakbang palapit sa lalaki na agad lumabas ng tent. "Nasaan na si Cross? Kanina pa siya hinahanap ng director." Ani ng binata na kinakamot sa ulo ni Nhate. "Kanina ko pa nga tinatawagan, hinahanap na din ng ilang staff sa paligid baka kung saan lang pumunta." Sagot ng lalaki hanggang sa may mapansin silang binata na naglalakad papunta sa next location ng taping na kasalukuyang sinusundan ng tingin ng ilang staff na babae na nasa site. "Si Cross!" Sigaw ni Nhate bago palapit sa binata. "Cross!" Sigaw ni Nhate matapos akbayan si Cross na agad tinanggal ang earphone sa tenga. "Morning."bored na bati ni Cross kay Nhate. "Bagong gupit ah sign na ba yan ng magmomove on kana." Biro ni Nhate na kinagusot ng mukha ng binata. "Gago." "Broken ka Salves?" Sabat ni Lucas na kinatingin ng dalawa. "Morning." Bati ni Lucas na kinayuko ng bahagya ni Cross bago tuluyang maglakad at umalis sa harapan ng dalawa. "Mukhang hindi maganda gising ni Cross." Komento ni Lucas. "Hindi, yun yung badboy side ni Cross hindi ko alam kung anong nangyari siguradong may kinalaman nanaman ang kupal na yun kaya nagkaganyan si Cross." Inis na sambit ni Nhate na kinatingin ni Lucas. "Sinong tinutukoy mo?" Tanong ni Lucas. "Basta! Tara na lucas inaantay na din tayo dun." Yaya ni Nhate bago maglakad at sundan si Cross. -- "Cross hindi ka pa nagsstretching mamaya---." "Nagjogging ako papunta dito Lucas ayos lang ako." Ani ni Cross habang iniikot ikot ang braso niya hawak ang isang arnis. "Pogi aayusan na kita lika dito." Ani ng isa sa make up artist na pumasok sa tent at kinatingin ni Cross kina Lucas. "February 1 na simula na ang taping kaya kailangan mo na din magdisguise ng katulad na suot ni Navaeh sa mga susunod na scene.." Sagot ni Lucas ng makitang nagtataka si Cross. "Okay." Sagot ni Cross matapos ibaba ang hawak na arnis at sumunod sa mga make up artist palabas. -- "Wag ka masyadong pikon Kyle nagsasabi lang ako ng totoo." "Hindi ka nakakatulong Brian." Kasalukuyang nasa loob ng field sina Arkhon kasama ang ilang cast habang nagpapractice ng arnis at kasalukuyang magkalaban sina Arkhon at Navaeh. "Kung concern ka talaga kay Hade hindi mo itatago ang katotohanan diba?" "Cut!" Sigaw ng Director. "Okay guys next scene na tayo!" Dagdag ng director matapos umalis ni Navaeh sa field. "Nasan na si Cross?" Tanong ng director. Kasalukuyang inaayusan si Arkhon ng make up artist nito ng hindi sinasadyang mapalingon ito sa tent kung saan lumabas si---. "Kyaah perfect!" Tuwang tuwa na komento ng baklang make up artist na nag ayos kay Cross. "Tss." Ani ni Navaeh ng makita ang binata. Bumagay kasi dito ang uniform at ang blond nitong buhok isama mo pa ang natural pale skin at pink lips nito na mas nagpaangat sa lalaki. Napakanatural din ng angas ng lalaki kaya bagay na bagay dito ang character na may pagkabadboy. "Simulan na natin." Walang buhay na sambit ni Cross ng makalapit sa grupuhang nasa field. Pinaikot nito ang arnis sa kamay at mahinang hinampas yun sa hawak ni Arkhon. Nang makapwesto sila mahinang bumulong si Arkhon. "Binasa mo naman siguro ang manuscript diba? Sabihin mo lang kung kailangan kong bawasan ang pwersa para nama---." "Bring it on Arkhon wag mo ako maliitin." Walang buhay na sambit ni Cross na kinakunot noo ng binata. "Hindi kita minamaliit I'm Just concern---." Naputol ang sasabihin ng binata ng muntikan niya ng mabitawan ang arnis ng salagin niya ang tira ni Cross. "Kuhanan mo yan." Ani ng director habang patuloy pa din sa paglalaban sina Cross at Arkhon. Katulad ng nasa script kailangan bitawan ni Cross ang hawak na arnis at hahampasin siya ni Arkhon pero bago pa yun makalapat sa ulo ng binata, binitin yun sa ere ni Arkhon. "Arkhon! Gosh bakit hindi mo tinuloy?" Tanong ng producer. "Director pwede ba edit na lang natin ang part na ito." Ani ni Arkhon na kinagusot ng mukha ni Cross bago tumayo at pinagpagan ang sarili. "Arkhon for petes sake hihinaan mo lang ang paghampas hindi yun ikamamatay---." "Si Navaeh na lang hahampasin ko." Putol ni Arkhon na kinatawa ng ilang staff ng murahin siya ni Navaeh. "Jusmiyo porsanto." -- Gusot ang mukha ni Arkhon ng matapos ang taping ng hindi niya man lang nakita ang lalaking sa hindi niya alam na kadahilanan ay hinahanap ng mata at sistema niya. "Maganda ang kinalabasan ng unang araw sa taping bakit pang biyernes santo yang mukha mo, daig mo pa ang nalugi." Tanong ni Tobi ng makita ang alaga sa loob ng nagsisilbing dress room ng mga cast. "Mind your own freaking business Revere." Inis na sagot ni Arkhon bago tumayo at naglakad palabas. Gabi na at kanina pa tapos ang taping pero hanggang ngayon nasa university pa din si Arkhon kung saan ang main location nila para sa series. Naglalakad sa hallway si Arkhon ng mapatigil ito at napahawak sa ulo ng pumintig nanaman yun. 'Arkhon.' Napamulat ng mata ang binata ng makakita siya ng isang scene sa hallway. Isang lalaki na nakatalikod at may kausap na grupuhan na malabo sa kanyang paningin. "Arkhon!" Sigaw ni Tobi ng makita ang binata na napahawak sa railing habang hawak ang ulo. "Arkhon ayos ka lang?" Nag-aalalang sambit ng manager matapos alalayan si Arkhon na nakapikit ng madiin habang hinahabol ang hininga at sapo ang ulo. Cross Acosta's POV; Maaga pa lang nasa taping location na ako, hindi kasi ako gaanong nakatulog sa bahay lalo na mag-isa lang ako sinundo kasi ni daddy sina Casspian sa apartment kahapon para sa check up ng anak ko at mamayang gabi pa uwi nila. Bukas ang ilaw sa field pati na din ang ilang tent at 100% sure ako walang gaanong tao dito bukod siguro sa mga staff dahil may ilang gamit na naiwan dito sa university. Nang makakita ako ng vending machine lumapit ako dun habang kinakapa ang barya ko sa bulsa. Buti na lang may 15 pesos pa ako natira sa pamasahe ko kahapon. Matapos kong ilabas yung pera sa bulsa isa-isa kong hinulog yung mga buong limang piso at pinundot yung botton sa ibaba ng can coffee. "Kung minamalas ka nga naman. =_=" bulong ko ng makitang hindi bumaba yung binibili kong kape. Aalis na sana ako ng marinig ko yung pagtunog ng vending machine at makakita ako ng anino galing sa likuran ko. "Here." Napatigil ako ng paglingon ko may nag-abot sakin ng kape at nakita ko si---. "Lucas." Ani ko matapos abutin yung can ng coffee na inabot niya. "Sobrang aga mo naman yata." Komento ni Lucas matapos buksan yung hawak niya at tingnan ako. "Ikaw din naman." Pabalyang sagot ko bago pilit na binubuksan ang kape na hawak ko, hindi kasi maiwasang manginig ng kamay ko dahil sa sobrang lamig. 'Bakit kasi nawala sa isip ko magdala ng jacket? =_=.' "Akin na." Napatingin ako kay Lucas ng kuhanin niya yun at buksan. "Bukas na." Ani ni Lucas bago iabot ulit yun sakin na kinatango ko bago kuhanin yun at bahagyang inumin habang pinaiikot yun sa mga palad ko. Iba na talaga panahon sa pilipinas pag mainit sobrang init, pero pag malamig kulang na lang snow. Tahimik lang kami ni Lucas habang nakatayo sa magkabilang bahagi ng vending machine at nakatingin sa field kung saan nagkalat ang ilang props sa taping kahapon. "Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?" Basag ni Lucas na kinatingin ko. Nakasandal siya sa vending machine at ako dalawang metro lang yata layo ko sa kanya kaya kitang-kita ko kung pano niya ako pinasadahan ng tingin. "Nawala sa isip ko magdala ng jacket." Sagot ko. "Malamig dito tara." Yaya ni Lucas bago humakbang palapit sakin at hawakan ang braso ko para hilahin. "Oy teka kaya ko maglakad." Reklamo ko pero hindi siya umimik. Binagalan niya ang paglalakad at nilagay ang isang kamay ko sa bulsa ng suot niyang jacket. 'Arkhon.' Yun ang salitang pumasok sa isip ko ng gawin yun ni Lucas dahil minsan nang ginawa yun ni Arkhon nung time na nasa university kami. Kukuhanin ko ang kamay ko ng mas higpitan niya ang pagkakahawak dun na kinatingin ko kay Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD