┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Naglalakad si Kimie sa tabing dagat, iniisip kung bakit sa dami ng resort na pwede nilang tuluyan ay pag-aari pa talaga ni Rouge ang napuntahan nila. Her floral sundress swayed with the breeze, and her sandals dangled in her hands. It was supposed to be a relaxing getaway kasama ang pinsang si Rasselle at ang kaibigan niyang si Lhezel, pero simula nang malaman ni Rouge na nandito sila, lahat na lang ay naging kumplikado dahil hindi siya hinahayaan nito na maligo sa dagat ng naka swimsuit kaya hindi talaga niya na-enjoy ang isang linggong bakasyon niya dito. Ito na ang huling araw nila sa Boracay, at mamayang hapon ay lilipad na sila pabalik ng Manila. Ngunit kahit pa anong pilit niyang damhin ang ganda ng tanawin at ang lugar, hindi mawala ang inis sa dibdib niya dahil tala