"P—PAANONG hindi ikaw si Duke?"
Kunot-noo na tanong nang aking ina sa lalaking katabi ko. Lumapit ako kay Mama at ipinakilala si Damon. "Ma, siya po si Damon," saad ko rito.
"Damon, who?"
"Damon Rutherford," magalang na sagot ni Damon sa magandang si Norain Montenegro. Masasabi niyang hindi kumukupas ang ganda ng naturang Ginang. Napakabata pa rin nitong tingnan. Masasabi niyang parang kapatid lang nito si Noraisa. At doon niya napansin kung saan nag-mana ang kagandahang-taglay ni Noraisa. Kaya pala pamilyar sa kanya ang mukha ng dalaga. Dahil ang ina nito ay ang magandang si Norain Montenegro.
Awtomatikong tumaas ang isang kilay ni Norain sa binata. "Hindi ako makapaniwala, honestly, ngayon ko lang din nalaman na may anak palang lalaki ang mga Rutherford. Please excuse us. Noraisa, c'mon!"
Pansin ni Noraisa ang kakaibang timpla ng boses ng kanyang ina. Hindi niya ito masisisi, mortal na magkakompitensya ang Rutherford at Montenegro. Sumunod siya sa sinabi nang ina. Ramdam pa niya ang mahigpit nitong hawak sa kanyang kabilang braso. Argh!
"Mama, may problema po ba?" sa wakas ay tanong ko rito.
"Yes, at ayokong nakipagkaibigan ka sa mga Rutherford, Noraisa!" galit nitong tugon sa akin.
"Pero, Mam—"
"Enough!" galit na turan ni Mama Norain sa akin. Ano'ng bang problema nito sa mga Rutherford?
"Mama, may problema po ba kayo sa mga Rutherford?" takang tanong ko rito.
"Stop it, ayokong pag-usapan ang pamilyang 'yan!" galit nitong tugon sa akin. "But, I can't believe what I saw, he looks like Duke."
Nang marinig ko ang pangalan ng namayapa kong kasintahan lihim akong nakaramdam ng lungkot. "Yeah, he really looks like, Duke."
"Saan ba kayo galing?" Narinig ko ang pamilyar na tinig na iyon ng aking amang si Mateo.
"Pa, kasama ko kasi si Damon Rutherford," sagot ko rito.
"Damon Rutherford?" kunot-noo na sabi ng aking ama.
"Hindi ka na pwedeng makipagkaibigan sa lalaking iyon, Noraisa!" paalala ulit ni Mama sa akin.
"Sweetie, bakit naman?" paglalambing na tanong ni Papa sa aking ina.
"Dahil hindi ko pa nakalimutan ang malaking problema na dulot ng pamilyang 'yan sa atin!" iritadong sagot ng aking ina.
"Sweetie, you should learn how to forgive."
Narinig ko ang malambing na boses ng aking ama na mula sa likuran namin. Kapwa kami napalingon ni Mama rito.
"Papa," ani ko at ngumiti rito.
"Huwag mo na lang pansinin ang sinabi sa'yo ng Mama mo, sweetheart."
"Alright, Pa."
"Sige na, mag-enjoy ka sa party."
"Salamat, Papa. Maiwan ko po muna kayo ni Mama," ani ko sa aking mga magulang, pero bago pa man ako tuluyang tumalikod, narinig ko na naman ang paalala ni Mama. I closed my eyes. Isang palaisipan sa akin kung bakit ito namumuhi sa angkan ng arogante at estrangherong lalaking iyon. Maybe, tatanungin ko si Papa kung ano'ng meron at kung bakit tila mainit ang dugo ni Mama sa mga Rutherford.
Pinili ko na lamang na tunguhin ang bulwagan at hinanap ang kasalukuyang mesa na inookupa namin. I guess, I need a drink.
"Brat!"
Hindi ko nilingon ang pamilyar na boses na iyon. Dahil alam kong ang damuhong si Damon lang naman 'yon. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad patungo sa mesa. Ramdam kong sinusundan ako nito. Kaya hinarap ko ito.
"At ano na namang gusto mo, Mr. Rutherford?" mataray kong tanong dito. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko ng maling tao ang kausap ko. What the! At nasaan ang mokong na 'yon.
"Excuse me, Miss. Montenegro?" ani sa akin ng isang gwapong chinito.
"I am so sorry, I thought —"
Naputol ang sasabihin ko pa sana nang nagsalita ang gwapong lalaking nasa harapan ko. "No, it's okay. By the way, nice meeting you here, Miss. Montenegro."
"Thank you, same here. And, you are?" nakangiting tanong ko rito. Napansin kong namula ang tenga nito, which is so adorable. He looks so cute? Pinipigilan ko ang sarili na matawa sa reaksyon nito. Parang teenager lang na nahihiyang mag-confess sa babaeng iniibig.
"Ranzel Lim," sagot nito sa tanong ko at inilahad nito ang palad sa aking harapan na siyang walang-gatol ko namang pinaunlakan at nakangiting tinanggap.
"My pleasure to meet you, Mr. Lim."
"Thank you, Miss. Montenegro. It's an honor to be notice by you."
"Really?" Lihim akong nagulat sa narinig mula rito. Hindi naman ako especial na tao para marinig ang katagang iyon. Tao lang din akong tulad ng ibang kababaihan.
"Yeah, and I am grateful that you spend time talking with me."
"I see," nakangiting saad ko. At doon ko lang nakuha ang ibig nitong sabihin. Palibhasa'y, takot ang ilang mga kalalakihan na lumapit sa akin. Hindi naman ako aswang para katakutan. Kaloka! Siguro, dahil na rin sa mataray kong aura.
"I was hesitate to approach you earlier, I was afraid that you might ignore me," he shyly said.
"And why should I do that?" I shook my head upon hearing those words from him.
"That's what I thought, since some people said that you are, you know what I mean. I'm afraid of being embarrassed in front of other people."
"And do you believe them?" I asked him.
"I have to admit that it used to be yes. But now that we've talked, I guess, it's a nonesense humor that is absurd."
"Some people are just too judgemental. Sometimes others take an action without even asking what is the real truth."
Pinakatitigan ko ang kopitang may lamang alak. Medyo nahihilo na rin ako, but I manage to act normal. Mahirap na. Well, kung pagbabasehan ko ang imahe ni Mr. Lim. Masasabi ko namang mapagkatiwalaan ang itsura nito.
"Are you, okay?" may pag-alalang tanong nito ng pasimpleng hinilot ko ang sariling sentido.
"I am," sagot ko rito. Ewan ko ba, pero biglang umikot ang aking paningin nang inumin ko ang laman ng kopita na kanina lang ay kinuha ko mula sa isang waiter. Pero sinikap kong labanan ang nararamdaman.
"There you are, Ms. Montenegro!"
Nang marinig ko ang boses ni Damon. Lihim akong nakaramdam ng kapanatagan. "Mr. Rutherford, can you help me please?" Sa wakas ay saad ko rito sa nanghihinang boses. Napansin kong lumapit sa akin si Damon. Sinikap kong tumayo sa malas ay muntik na akong matumba. Damn! Mabuti na lamang at maagap si Damon.
"Ms. Montenegro," si Mr. Lim na halatang nag-aalala rin. I smiled at him.
"Don't worry about me, narito na naman s—"
Pinutol agad ni Damon ang aking sasabihin. "I am his boyfriend," walang-gatol na sagot nito kay Mr. Lim na labis kong ikinagulat. What the!
Nagtagpo ang aming paningin. Nakita ko ang kakaibang ngisi sa maamo nitong mukha. Gosh, naaalala ko na naman ang namayapa kong boyfriend. At awtomatikong naramdaman ko ang pamilyar na kirot sa aking puso.
"Oh, by the way. Thank you for your time, Miss. Montenegro. I guess, I have to go."
Napapikit na lamang ako sabay iling. Gago talaga itong si Damon. Hindi ko alam kung ano'ng nakain nito at sinabi nito ang bagay na iyon. Inis na itinulak ko ito sa malapad nitong dibdib. In fairness ang tigas lang. Muli, ay nahilo ako at maagap ako nitong inaalalayan.
"You seem drunk. Where do you want me to take you? My place or your place?" mapanudyong tanong nito sa akin.
"Do you know that I felt more secure with you even if you're stupid?" I sarcastically said. I really want to spank his annoying stare. Damn!