Kabanata 4

1195 Words
AWTOMATIKONG pinangko ako ni Damon gamit ang matipuno nitong mga bisig. "Baka makita tayo ni Mama. She hated the Rutherford's, did you know that?" "I don't, I'm wondering why?" he said. I am now staring at him. Damn, he is so damn freaking hot. His perfect features really suit him. His authoritative aura is intimidating. "Staring is rude, honey," he teasingly said. I glared at him. I shifted my focus to a particular location. I snorted. "Natural na titigan kita. May mata ako!" inis kong sagot dito. "Palusot?" he sarcastically said. "Feeling mo lang 'yan. Teka muna, at saan mo ako balak gustong dalhin, aber?!" "Sa lugar kung saan malamig, at tayo lamang dalawa?" nakangising tugon nito sa akin. "Baliw!" Ang mabuti pa dalhin mo na lang ako sa looban kung saan naroon ang living room. Honestly, I feel so lightheaded and like I'm intoxicated." "Iinom tapos hindi naman pala kaya," tugon nito na nakangisi. "Nagbakasakali kasi akong baka sa pamamagitan niyo'n, maiaalis ko sa isipan na iisa lang kayo ni Duke." "Your bereaved boyfriend, right?" "Yeah, I missed him. And I love him so much," saad ko rito. Saka tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Inis na pinalis ko iyon gamit ang aking mga palad. "Sige lang, ilabas mo lang 'yan," ani pa nito sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang living room. Saka maingat ako nitong inilapag sa malambot na sofa. "Thank you," saad ko rito. "I assumed you were incapable of expressing gratitude." "Marunong rin naman akong magpasalamat. Lalo na at naging mabait ka ngayon sa akin." "Here, gamitin mo muna. Don't worry, walang sipon 'yan. Malinis 'yan," turan nito at inabot ang kulay puting panyo sa akin. "No, thanks. May sarili akong handkerchief dito," mataray kong saad dito. "Whatever," ani na lamang nito. "Now, you may leave." "Really, hindi mo man lamang ako bigyan ng pagkakataon na makapag-relax, Ms. Montenegro?" "Alright," sagot ko rito at isinandal ang aking ulo sa sofa. Damn! Umiikot pa rin ang aking paningin. "I guess, kailangan ko ng soup." "At saan ka naman maghahanap nang sospas?" "Wala akong sinabing maghahanap," diretsang sagot ko rito. "I thought, 'yon ang ibig mong sabihin." "Gusto ko sanang umuwi na. Kaya lang mukhang malabo. Matagal pa matatapos ang party na 'to," saad ko habang hinihilot ang sariling sentido. I closed my eyes. Parang gusto kong masuka. Damn! Palibhasa'y, hindi ako sanay na maraming iniinom na alak. Na carried away lang kasi ako sa aking iniisip kanina. Siguro, dahil narito pa rin ang sakit sa aking puso. Ang pagkawala ng aking minamahal. "Mahal na mahal mo talaga ang dati mong boyfriend." Idinilat ko ang aking mga mata at ibinaling ang tingin sa lalaking nasa tabi ko. "Yes, opposite nga lang kayo ng ugali." "Talaga?" "Anghel siya demonyo ka," sagot ko rito. "Wow! Ang sakit mo namang magsalita. Ang bilis mo namang makapanghusga ng tao, Ms. Montenegro." "Dahil iyon ang nakikita ko sa'yo, Mr. Rutherford." "Bago lang tayo magkakilala at 'yan agad ang narinig ko sa'yo, great!" naiiling na tugon nito sa akin. "Damon!" Kapwa kami napalingon sa maganda at seksing babae na ngayo'y papalapit sa aming kinaroroonan. "Hannah, you're here?" "Of course, hindi pwedeng mawala ang mga parents ko lalo na sa respetadong party na ito, Damon," malanding tugon ng babae. Nakikinig lang ako. Napasulyap ito sa'kin sabay taas ng isang kilay. Aba't tinaasan ko rin ito ng kilay. Hump! Naupo ito sa tabi ni Damon. At gano'n na lamang ang gulat ko nang awtomatikong hawakan ng babae ang batok ni Damon at siniil nito iyon ng halik. What the! Tumikhim ako. "Hmm, I forgot. May kasama pala tayo rito," ani ng babae. "Mabuti naman at napansin mo," pasaring sagot ko rito. "May mga mata ako, Ms. Montenegro," sagot nito. "So, you know me?" tanong ko pa. "Sino ba naman ang hindi makakikilala sa mga Montenegro? Of course, I am." "Then, good for you," tugon ko. "So, who's with you?" tanong ni Damon sa babae. Tila iniiwasan nito ang matinding tension na nangyayari sa pagitan ng babaeng kausap nito na napagtagumpayan naman nito. "My Tito Ferdinand. I missed you, Damon." "You're aware of how far we've come, right?" Napansin kong napasimangot ang babae sa narinig mula kay Damon dahilan para mapangisi ako. Ouch naman. So, meaning pala nito ay fling lang sila gano'n? Gosh! Kung makapag-react kanina akala ko naman tunay na girlfriend ni Damon. Duh! Kaloka nga naman. Muli, isinandal ko ang aking likuran sa malambot na sofa. I need to relax my system. Ramdam ko pa rin ang aking pagkahilo. "Excuse me, Ms? Are you alright?" Idinilat ko ang aking mga mata. At sinalubong ko ang tingin ng isang lalaki. Nakatunghay ito sa akin. "I'm with her," si Damon ang sumagot sa tanong na iyon ng lalaki. "Oh, apologies Sir." "No worries, it's okay," maagap na sagot ni Damon. "Just call me," ani Damon sa babae. Pinipigilan kong mapairap, baka akalain ng kasama niyang babae nagseselos ako. No way! I choose to maintain my posture naturally. Saka sumulyap sa akin si Damon. "You want soup?" tanong nito. Umiling ako rito. "Pwede na rin," sagot ko rito. "Magluluto ka para sa'kin?" "Nope, pwede naman tayong mag-request na magpaluto. Kung makapaghihintay ka." "Alright, dapat masarap, ha?" demand ko pa. Nailing lang ito sa aking sinabi. Mula sa sofa ay tumayo si Damon at tinungo ang dinning area. Naiwan akong nag-iisa. Dinampot ko ang remote control at binuksan ang malaking flat screen TV. Napasimangot ako nang makita ang ilang palabas. Walang magandang palabas. Kaya pinatay ko ang TV. Inayos ko ang sarili at naisipan na mahiga sa malambot na couch. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang may tumapik sa aking makinis na pisngi. Napasapo ako sa sariling ulo. Damn, ang sakit. "Hey, here's your soup," ani ng isang pamilyar na boses. Pupunas-punas pa ako at inaninag ang naturang mukha, hanggang sa masilayan ko ang gwapong mukha ni Duke? "Duke?" ani ko. "Damon," pagtatama nito sa akin. Saka lang ako bumalik sa dati kong huwisyo. "I'm sorry, I forgot," sagot ko rito. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Masuyong inayos ni Damon ang aking damit na kulang na lang ay makita na ang katotohanan. What the! "Ako na!" iritado kong saad dito. "Kainin mo na ang soup na 'to. Here, inumin mo rin ito para sa hangover mo." "So, mabait ka na naman ngayon?" mataray kong tanong dito. "Pakiusap, hindi ito ang oras para magtalo tayo sa isa't isa. Kainin mo na ito para mainom mo na rin ang gamot para sa hangover. Do you understand, Ms. Montenegro?" "Damon, hijo!" Napalingon ako sa lalaking tumawag kay Damon. Pansin ko ang masamang tingin sa mga mata nito sa akin. "Dad," sagot ni Damon at lumapit sa sariling ama. "You're mom was looking for you." "I see, pakisabi dad na pupunta na ako. Tinutulungan ko lang saglit si Ms. Montenegro." "I know," seryosong sagot ng Ginoo. Hindi ako naging komportable sa titig na ipinukol nito sa akin. I can see hatred from his eyes. Tulad ng galit na nakikita ko sa mga mata ni Mama kanina nang malaman nitong isang Rutherford si Damon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD