"EASY, I just can't resist you. I just can't stop myself na kintalan nang mumunting halik ang makinis mong balikat, brat?" pilyong tugon ni Damon sa dalaga na sa tingin niya'y halatang nagpupuyos sa galit at sa labis na pagpipigil. Pero tumigil siya sa ginagawa. Baka matuhod na naman nito ang kanyang gitnang-hita.
Ngumisi lang sa kanya ng pagkatamis-tamis ang naturang dalagang kasayaw. Hinapit niya ito palapit pa sa kanyang matipunong katawan. This time, he can feel her sexy breast bumping on his hard chest. What the! Ngunit hindi niya inaasahan ang ginawa ng pilyang Montenegro. Inapakan nito ang kanyang paa dahilan para mapangiwi siya sa sobrang sakit.
"You deserved it, idiot!" ani ng dalaga sa kanya na ngayo'y pinukol siya ng tila nakamamatay na tingin.
"Damn you, my lady. Remember that you owe me more," nakangising turan niya rito.
"Ang kapal ng mukha mong gago ka!" asik nito sa kanya. He playfully bite his lower lip.
"At ako pa ngayon ang may makapal na mukha matapos mong banggain ang mamahalin kong kotse at basta mo na lang akong iniwan sa gitna ng kalsada without a formal apology? Pwede kitang ipakulong, Ms. Montenegro."
"Then do it, at sa tingin mo naman natatakot ako sa'yo? Ibinigay ko sa'yo ang calling card ko. Now tell me, paano mo ako maipakukulong, Mr.?"
"What if I tell you na itinapon ko ang calling card mo? Pwede akong magsinungaling sa kanila at sabihing basta mo na lang ako iniwan sa gitna ng daan," nakangising saad ni Damon sa dalaga, ngisi ng tagumpay. Nakita niya kung paano natigilan ang dalaga.
"You jerk!" mahinang asik nito sa kanya. Sinubukan nitong magpumiglas mula sa kanyang hawak pero hindi niya ito hinayaan. Nag-enjoy siyang asarin ang malditang Montenegro. Namumula na ang maamo nitong mukha sa sobrang inis. Mabuti na lamang at hindi sila halata na tila nag-iiringan.
"Just let me dance with you, my lady. I am enjoying teasing you for being so bratty," nakangiting turan ni Damon sa dalagang hindi maipinta ang mukha.
"This time, pagbibigyan kita. Pero oras na mag-krus ulit ang landas natin. I'm gonna punch you right through your damn, good looking face, asshole!" asik na sagot nito sa kanya. Natawa siya sa sinabi nito.
"How cute, my lady," pagdakay turan niya sa dalaga.
Hindi na man nagtagal ay natapos ang naturang sayaw. Awtomatikong binitiwan niya ang naturang dalaga. Walang lingon-likod na naglakad ito palayo sa kanya. Pero hindi niya napigilan ang sarili na hindi ito sundan. Palihim niyang sinundan ito.
NAISIPAN ni Noraisa na tunguhin muli ang hardin. Damn it! Kailangan niyang mag-isip ng maigi. Paano na lang kung totoong patawan siya ng kaso ng lintik na lalaking iyon? Napahilot siya sa sariling sentido at bumuga ng hangin. Argh!
"Frustrated of something?"
Maagap na napalingon si Noraisa sa lalaking nagsalita. At hindi nga siya nagkamali, ang kumag nga na kaalit niya. "Sinusundan mo ako? At talagang gusto mong masampal kita, ha, gano'n ba?!" asik niya rito at nilapitan ito pagdakay marahas na itinulak sa matipuno nitong dibdib. Ngunit napaigtad siya nang hawakan ng mga palad nito ang kanyang mga kamay. Biglang naalala ni Noraisa ang unang pagkikita nila noon ng dati niyang nobyo. Awtomatikong pumiksi siya mula sa pagkakahawak ng naturang lalaki.
Hindi niya namalayan ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Damn! Napakatagal na ng mga pangyayari pero bakit nga ba sariwa pa sa kanyang alaala ang nangyaring trahedya.
"You're crying?" tanong sa kanya ng lalaki.
"Ay hindi ako umiyak, tumawa lang ako," pamimilosopo ni Noraisa sa lalaki saka siya napahagulgol muli. Damn it! Hindi niya kayang pigilan ang labis na emosyon na namayani sa kanyang puso. Dinadalaw na naman siya ng matinding kapanglawan at kalungkutan. Hanggang kailan ba siya matatahimik sa anino ng lalaking nag-iisang minahal ng kanyang puso?
"Gano'n, pero humagulgol ka, gusto mo i-shot na lang natin 'yan? Hindi ko man alam ang dahilan nang pagluha mo. But always remember, lahat ng bagay ay may kapanahunan. Hindi man sa ngayon, maybe, sa tamang panahon. Is it about sa boyfriend mong kamukha ko? Honestly, I'm curious about him. Kung mararapatin mo, gusto ko sanang makita ang larawan niya."
"He looks exactly like you, para kayong pinagbiyak na bunga ng lalaking tinatangi ko," sagot ni Noraisa sa binata. "Sa tuwing nakikita kita naalala ko siya sa'yo, pero magkaiba kayo sa pag-uugali. Anghel si Duke samantalang ikaw ay isang demonyong ang sarap sunugin sa nagliliyab na asupre," ani niya sa binata na halatang may inis sa boses.
"Imbes na magalit ka sa'kin bakit hindi na lang tayo maging magkaibigan?" tanong nito sa kanya.
"Ayokong makipagkaibigan sa mga taong hindi mapagkatiwalaan. Wala akong kaibigan, pili lang ang mga taong kina-kaibigan ko. Iyon ay ang mga taong sa tingin ko'y may magandang pag-uugali," sagot ni Noraisa sa naturang binata.
"Alam mo bang hindi maganda ang mag-pataw nang paghatol sa kapwa?"
"Hindi mo lang naintindihan ang nais kong ipunto, Mr. ang mabuti pa'y umalis ka na at iwan mo ako rito. Hindi ko kailangan ang isang taong katulad mo rito!" may diing tugon pa ni Noraisa sa naturang binata.
"Gusto lang na man sana kitang i-comfort sa kapighatian mong nararamdaman ngayon, but I guess, sa tingin ko mas naiinis kang makita ang pagmumukha ko, or may I say, dahil naalala mo sa'kin ang namayapa mong boyfriend."
"Leave me alone!" asik ni Noraisa sa gwapong binata.
"I'm sorry but I just can't leave you here, just take some look sa paligid mo. Sa tingin ko'y lasing na ang lahat. At alam mo bang kanina habang sinusundan kita napansin ko ang ilang grupo ng mga kalalakihan na napatingin sa gawi mo at nagbulung-bulungan. Ramdam kong may balak silang hindi maganda sa'yo. Kaya, pasalamat ka at narito ako bilang si Superman para iligtas ka sa naturang kapahamakan," ani ng binata kay Noraisa.
"Ah gano'n, jusko na man ang corny mo namang magsinungaling. Honestly, hindi bagay sa image mo. Para ka kasing praning na desperadong mapansin ko," pagdakay saad ni Noraisa sa binata. Nagulat siya nang magpakawala ito nang malutong na halakhak. Napasimangot siya sa tinuran nito.
"Hindi pala ako pwedeng maging artista, gano'n na ba ako kahalata para magsinungaling?" nakangising turan ng lalaki. Pinukol lang ito nang mataray na tingin ni Noraisa.
Naputol lamang ang pag-uusap nila nang marinig niya ang tinig ng kanyang ina na si Norain Montenegro. Maagap na sumagot si Noraisa sa tawag ng sariling ina.
"Narito ako, Mama!" sagot niya agad sa mahal niyang ina.
"There you are, kanina ka pa namin hinihintay ng Pap-" hindi na natapos pa ng ina ni Norain ang sasabihin nang makita ang imahe ni Damon.
"Good evening, Mrs. Montenegro. Glad to see you tonight, ma'am," magalang na turan ni Damon sa ina ni Noraisa na ngayo'y bakas sa mukha ang labis na pagtataka.
"Mama, siya po si Damon. Hindi po siya si Duke," maagap na turan ni Noraisa sa ina. Pansin niya ang pagkunot ng noo nito sa sinabi niya. Bakas sa mukha ng sarili niyang ina ang labis na pagtataka.