Kabanata 5

1249 Words
UMALIS si Mr. Rutherford na hindi man lamang ako tinapunan nang tingin. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Damon. Napasulyap ito sa akin. "Did you notice that?" tanong ko rito. "Yeah, the way he stare at you. Naalala ko ang tinging ipinukol ni Mrs. Montenegro sa'kin kanina. Hindi nagkakalayo sa titig na ipinukol ng aking ama sa iyo." "Kung ano man ang hindi nila pagkakaintindihan, tayo bilang mga anak ay labas na tayo do'n," saad ko. "Oo naman, hindi rin tamang makipagsabayan tayo sa away ng mga magulang natin." "Okay na naman ako rito. I can take care of myself. By the way, nakita ka na ba ng mga Alvarez?" "Yeah, kanina. Tulad mo'y napagkamalan din akong si Duke. Kung dati ay hindi ako naniniwala sa'yo. Ngayon, masasabi kong totoo nga ang sinasabi mo." "I told you, hindi ba?" sarkastikong turan ko rito. "Noraisa!" Halos mapaigtad ako nang marinig ang maawtoridad na boses na iyon ng aking inang si Norain. "Mama," maagap kong sagot. Mabilis na tumayo ako mula sa sofa, ngunit agad din akong inalalayan ni Damon. Muntik na akong mawalan ng balanse. Nahihilo pa kasi ako. "Layuan mo ang anak ko, Mr. Rutherford!" utos ng aking ina. "Mama, please?" "Sweetheart, stay calm," malambing na tugon ng aking amang si Mateo sa aking ina. "Past is past at hindi na pwedeng balikan pa. Hayaan na muna natin sila. Isa pa, alam mo namang nanggaling sa broken-hearted 'yang anak natin. Just let them be." "Pero hindi ako makapapay—" Hindi na pinatapos pa ni Papa si Mama sa sasabihin pa nito nang angkinin ni Papa ang mga labi ng aking ina. Damn! Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Kinikilig ako sa nasaksihan. Argh! Nakakainggit lang. "Kinikilig ka, no?" tudyo sa akin ni Damon. Maagap na nawala ang kakaibang ngiti sa aking mga labi. Nasundan ko na lamang ng tingin ang aking mga magulang. Sumenyas sa akin ang aking ama. Mabuti na lang at nakikinig si Mama kay Papa. Ang totoo niya'n gusto ko na talagang umuwi. Tumango ako rito na may ngiti sa mga labi. "I guess, hindi naman yata big deal kay Mr. Montenegro ang namamagitang hindi pagkasundo-sundo sa pamilya natin." "Siguro nga. Mas maigi kung gano'n. Akala ko nga malaking problema. Base na rin sa napansin mo, medyo panatag na ako," sagot ko rito. Muli, inalalayan ako nitong maupo. "Sige na, kainin mo na iyang sospas habang mainit pa." "Salamat," saad ko rito. "By the way, wala ka bang balak na umalis, hindi ba't kanina ka pa tinatawag nang daddy mo?" "Honesty, mabobored lang ako ro'n. They were just matching me into other girls. Which is I don't ever like, though." "Ayaw mo no'n malalagay ka na sa tahimik," nakangising saad ko rito sabay subo ng kutsara na may lamang sospas. "Nag-enjoy pa ako sa pagiging binata ko, Ms. Montenegro. Isa pa, hindi karera ang pag-aasawa." Hindi ko maitatangging napaka-hot ni Damon. Kahit saang anggulo tingnan kamukhang-kamukha niya talaga ang namayapa kong boyfriend. Damn, hayan na naman ang kalungkutan na siyang dumadalaw sa akin. Hanggang kailan ba ako babalutin ng kalungkutan. Nakagat ko ang pangibabang-labi. ''Hey, natahimik ka yata?" "Naalala ko na naman kasi siya sa'yo." "I can be him if you want," ani nito sa mapanudyong tinig. "Gago!" nakangiting tugon ko rito. "Son?" Kapwa kami napalingon sa magandang Ginang. Nang una'y nagulat ito nang makita ako. Pero agad din itong nakahuma. "Mom!" si Damon sabay tayo at nilapitan ang magandang Ginang. "K—kanina pa ba kayo nag-uusap ni Ms. Montenegro?!" nauutal na tanong ng Ginang na siyang hindi nakaligtas sa aking pandinig at sa reaksyon nitong kakaiba. "Hindi po ba sinabi sa inyo ni Dad, Mom?" "N—nope, he just said that you are with someone," nautal pa ring tugon ng Ginang. Ngumiti ito sa akin sabay. And I smiled at her genuinely. Nakita ko kung gaano kamahal ni Damon ang sariling ina. The way he hugged her mom and kissed her on her forehead. I'm wondering about kung totoong nakita na ba ng mga Alvarez si Damon. Sabagay, hindi ko napapansin ang mga Alvarez sa party na ito. Hindi ako sa sinasabi ni Damon. I'm sure, tulad ko'y magugulat rin ang mga Alvarez 'pag nakita ng mga ito si Damon Rutherford. "Hija, okay lang ba kung maiiwan ka na muna ng anak ko?" ani ng magandang Ginang sa akin, hindi makatingin ng diretso. "It's okay po, Tita." "Thank you," nakangiting tugon nito. Pero naroon sa anyo nito na tila parang gusto ako nitong iwasan. Naghatid iyon ng kakaibang kaisipan sa akin. Ipinilig ko na lamang ang sariling ulo. "We have to go, Ms. Montenegro," si Damon sabay kindat sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili na mapangiti rito. Nailing na lamang ako. Aaminin kong naghatid iyon ng kakaibang damdamin sa aking puso, hindi ko maipaliwanag pero totoong nagbigay saya iyon sa'kin. Ugh! "Ms. Montenegro, inutusan po ako ng iyong ina. Bumalik na raw po kayo sa mesang inuukopa ninyo." Napalingon ako sa isang waitress. "Gano'n ba? Alright, thank you." "You're welcome, Ma'am." Eksaktong nakasalubong ko ang kababatang si Clark. His intimidating eyes dart on mine. He smiled at me. Nasorpresa ako nang makita itong muli. "Noraisa!" "Clark, it's you! You're here?!" bulalas ko rito. Niyakap ako nito at hinagkan sa pisngi. "How are you, I—I've heard about what happened to — Duke," saad nito. Muli, bumagsak ang aking mga balikat. Hinatak ako nito sa matipuno nitong dibdib at niyakap. Saka tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. "I—I missed him, Clark," ani ko, pagdakay hindi ko napigilan ang sarili na humagulgol sa dibdib nito. "Sshh, I am here. Stop crying, I know." Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Clark. Clark is my one and only best friend. At aaminin kong masaya ako nang makita itong muli. "I am glad that your back, is it for good?" pagdakay ani ko rito. "Narito ako para hanapin ang ina ng anak ko," saad nito sa akin. Kunot-noo na hinarap ko ito. Nakangiting inalahad nito sa aking harapan ang kulay asul na panyo. "Here, used this." Agad na tinanggap ko iyon. "Thank you. Ina ng anak mo? Nag-asawa ka na pala?" takang-tanong ko rito. "Nope, pero may nakapagsabi sa'kin kung nasaan si Jelly. Kailangan ko siyang makita." "Si Jelly Regis, as in iyong pinsan ni Duke?! Naging kayo pala ni Jelly?!" bulalas ko rito. "Hindi, pero naka-one night stand ko siya sa isang motel sa Hong Kong. I found out na buntis siya sa anak ko kaya hinanap ko agad siya. At para hindi ko siya mahanap, alam mo bang mas pinili niyang ibigay ang anak namin sa akin. Paano 'yan? Naghahanap nang ina ang anak ko?" "Then, mag-hire ka ng wanted nanny na lang," nakangiting sagot ko rito. "I need your help, Noraisa para mahanap ang babaeng 'yon. Hindi niya pwedeng talikuran ang obligasyon niya para sa anak namin." "You like her?" nakangiting tanong ko rito. "The way you speak, mukhang ayaw mo na siyang pakawalan. But, what if kung may iba na pala siya?" "Well, I guess I need to stop looking for her. At siguro nga, mag-hire na lang ako ng nanny para sa maldita kong anak. C'mon, at kanina pa hindi maipinta ang mukha ni Tita Norain. Panay lambing naman si Tito sa Mama mo." Nailing na lamang ako sa narinig mula sa kaibigan. Saka namin nilisan ang looban ng naturang mansion at tinungo ang mesa kung saan naroon sina Mama at Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD