HINDI ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Mama. Nakikita ko sa aking pheripal vision na naiinis ito.
"Magkasama na naman ba kayo ng lalaking 'yon?" tanong nito na may halong inis. Napasulyap ako kay Papa para humingi ng tulong. Kumindat si Papa sa akin, which is nagbigay ginhawa sa aking damdamin.
"I think, she's mad at you. Balita ko, kanina ka pa niya hinahanap at huwag ka raw lumapit sa isang lalaki? Am I right?" mahinang bulong ni Clark sa akin sa simpleng paraan.
"Yeah, 'yong kamukha ni Duke. Si Mr. Rutherford," sagot ko rito.
"What?!" bulalas nito sa mahina pa ring boses. "Kamukha ni Duke, you sure?"
"I am. Sayang nga hindi mo siya naabutan. Para nga silang magkapatid kung titingnan mo."
"What if kung si Duke si Damon?"
Napatitig ako sa mga mata ni Clark. "That's impossible. Malayong-malayo ang ugali ng ungas na lalaking 'yon kaysa minamahal kong boyfriend!
"What if lang naman, ikaw naman react agad. You hated him?"
"Medyo, napaka-arogante rin kasi ng kurimaw na 'yon. At feeling gwapo!" inis kong tugon dito.
"Really? Kamukha ni Duke tapos kurimaw agad?" nakangising saad ni Clark sa'kin.
"Ewan ko sa'yo, isa ka pa, e!" napasimangot kong turan.
"I'm just kidding, though. I am excited to see that Damon Rutherford. If he was a Rutherford, bakit hindi pamilyar ang pangalan ni Damon? Honestly, kilala ko ang ilang Rutherford brothers."
"Ako man ay nagtataka rin. Hindi ba't sina Trance, Tyler, Dave, Zion and Drei Rutherford lang ang anak ni Mr. Rutherford?"
"But I've heard about the one hot Rutherford na anak sa labas ni Mr. Rutherford. Sigurado akong si Damon iyon," napapaisip na tugon sa akin ni Clark.
"I see, I remember that. Naalala ko ring may nabanggit si dad sa akin na baka si Damon nga ang sinasabing anak sa labas ni Mr. Rutherford. Bilib din ako kay Mrs. Rutherford at tinanggap niya si Damon."
"Nakita na ba ng mga Alvarez si Damon?" tanong sa akin ni Clark.
"Malamang? Hindi ako sigurado. T'saka, hindi ko napapansin ang mga Alvarez sa party na ito."
"Noraisa, mag-uusap tayo."
Napasulyap ako sa seryosong mukha ni Mama. Napalunok ako. Ibinaling ko ang tingin kay Papa. Ngumiti lang ito sa akin. Tila ba sinasabi ng ngiti nito na huwag akong mag-alala at siya ang bahala.
"Yes, Mama."
Sumenyas sa akin si Mama. Sumunod ako rito. Kinakabahan ako. Ayokong nagagalit ito sa akin. Iyon ang pinakaiiwasan ko. Tinungo namin ang Gazebo kung nasaan sina Kuya Caleb at Ate Bea.
"Caleb, Bea. Kayong dalawa, bantayan niyo itong kapatid niyo na hindi makalapit si Mr. Rutherford!" inis na utos ni Mama sa dalawa kong kapatid na kasalukuyang nag-uusap, I guess regarding sa business.
"Mama, sino sa mga Rutherford?" tanong ni Ate Bea sa aming ina.
"The illegitimate one," inis na tugon ni Mama dahilan para mapatitig ako sa mukha nito. I am so shocked of what I've heard from her.
"Illegitimate, si Damon Mama?!" bulalas kong tanong dito. Hindi ako nito sinagot, bagkus ay agad ako nitong tinalikuran.
"Noraisa, come here." Narinig kong tawag sa akin ng aking Kuya Caleb. Lumapit ako rito at tumabi rito.
"Where's, Ate Shantal kuya?" tanong ko rito, tinutukoy ko ang girlfriend nito.
"May period kaya tinopak na naman," simpleng sagot ng aking Kuya. Napasulyap ako kay Ate Bea na nakangisi habang kaharap ang sariling laptop.
"Business na naman? Hangga't dito ba naman sa party hindi niyo pinatus ang trabaho? Napaka-workaholic niyo naman!" kunot-noo kong tugon sa mga ito. "Have some fun naman, ate Bea. Kaya ka walang boyfriend," palatak ko pa.
"Alam mo namang wala akong time sa boyfie thingy na iyan, Noraisa. I am helping Papa para mapalago pa ang negosyo natin."
"Pero ate, for pete's sake malapit ka ng lumampas sa kalendaryo. Wala ka bang balak mag-asawa? Don't tell me, hinihintay mo parin si Mr. Mysterious?" Palatak ko sa kapatid kong si Ate Bea.
"Please, Noraisa. Can you keep quiet. We're working here," reklamo ni Kuya Caleb.
"Whatever, ang bored niyong kasama, promise. By the way, Kuya Caleb. Bakit ba hate ni Mama na makipag-usap ako kay Damon?"
"Damon, who?"
"Iyong anak ni Mr. Rutherford. The illegitimate one, sabi nga ni Mama kanina, hindi ba?" iritado kong tugon kay Kuya.
"Ba't ba ang taray mo?" ani Kuya Caleb sabay gulo ng aking wavy hair. Napanguso ako.
"Kuya naman, e. Iyong buhok ko," inis kong saad dito.
"Noraisa, keep quiet nga," ani Ate Bea.
"Ate, we're just talking here. Huwag mo na lang kaming pansinin ni Kuya Caleb." Nailing na lamang si ate Bea sa amin. Pagdakay, napahilot ito sa sariling sentido.
Ibinaling ko ang tingin kay Kuya Caleb. Seryosong nakatitig na naman ito sa sariling laptop. "Kuya, hindi ba pwedeng umalis ako. Nakaka-bored kasi kayong kasama," ani ko.
"Dito ka lang, kami ang mapapagalitan ni Mama. Alam mo naman si Mama, hindi ba?" ani Kuya.
Narinig kong tumunog ang cellphone ni Ate Bea. "Yes, Tito Rae."
"Si Tito Israel ba 'yang tumatawag, ate Bea?" tanong ko rito. Sumenyas si Ate na tumahimik ako. Nagkatinginan kami ni Kuya Caleb.
"Huwag kang maingay, nasa peligro kasi ngayon sina Tito Israel. Kasama niya si Ms. Barrios."
"That woman? Iyong sinabi sa'kin ni Ysah sa chat? Na ubod daw ng taray? Hindi ko pa siya na-meet ng personal. Pero, balita ko'y maganda raw 'yang si Ms. Barrios, kuya."
"C'mon, Noraisa. Hindi nagkakalayo ang ugali ninyong dalawa ni Ysah. Ang mabuti pa, tumahimik ka na lamang riyan," sita ni Kuya Caleb sa akin.
Tumayo ako mula sa couch. "I need to get out of here," bored kong tugon. Pagdakay naglakad palayo.
"Noraisa, come back here!" tawag sa akin ng kuya Caleb ko.
"Comfort room lang ako, Kuya," sagot ko rito.
Nakasimangot na naglakad ako at hinanap ang comfort room. Mag-retouch lang ako saglit ng face powder. Feel ko kasing tila haggard na Ang beauty ko.
"Excuse me, Manang. I am looking for a comfort room," ani ko sa isang kawaksi.
"Sasamahan ko na po kayo, Ma'am."
"Thank you po," nakangiting sagot ko rito.
Nakasunod lang ako rito. Makalipas ng ilang minuto ay narating namin ang tila parang private comfort room?
"Sige po, maiwan ko na po muna kayo, Ma'am."
Nakangiting napatango ako rito bilang pagtugon. Pumasok ako sa loob. Tinungo ko ang malinis at malinaw na salamin. Naghugas ako ng kamay. Mula sa bag kinuha ko ang aking face powder. Nang akmang magre-retouch na ako, gayon na lamang ang gulat ko nang may marinig akong kakaiba. What the! Gusto kong masuka. F*ck!
"Ahh, damn it! Deeper, Rae. Oh, sh*t! Hmmmm.."
Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong face powder. Nailing na lamang ako. Naririnig ko ang iba't ibang tunog na halatang iyon nga. What the!
"I'm cummming!"
Nanlaki ang dalawa kong mata nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ni Damon. Hollycow!
"Ako naman," narinig ko ani pa ng isang babae. Dalawa talaga?! Ugh!
Nagmamadaling ibinalik ko ang aking face powder sa aking bag at mabilis na nilisan ang bwesit na lugar na iyon. Napahilot ako sa sariling sentido nang sa wakas ay tuluyan na akong makalabas. I closed my eyes. I take a deep breath. Damn it! I inhale, exhale. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Si Damon having s*x with two woman?! Oh, gosh!