Chapter 4

1597 Words
Chapter 4 Sumakit na ang talampakan ni Mami sa kakasunod kay Leon. Talagang naglakad lang ito mula sa lugar nila hanggang sa kung saan man ang punta nito. Tatlumpung minuto yata itong naglalakad na walang hinto at nakasunod lang naman si Mami sa kanya sa hindi kalayuan. Nakiramdam lang siya sa gagawin nito. Tila nagmamasid lang din naman ito sa palagid at nagmamasid lang din siya sa gagawin nito. Tila may sinundan bigla na lalaki si Leon. Kaya sumunod din siya habang may sinusundan ito. Para lamang siyang anino nito. Nakasunod at ginagaya kung ano man ang gawin nito. Pero kinuhaan lang naman niya ito ng mga litrato at pagkatapos no'n ay umalis na rin ito at tila nagpasya nang bumalik sa building.  Napakamot na lang ng ulo si Mami. Nagpagod lang yata siya ngayong araw para sa wala. Hindi niya alam kung kailan ba siya dapat kumilos para isabotahe itong si Leon. Ang sabi lang naman sa kanya, kapag kikilos ito at tila may isasagawang na sa tingin niya ay kakaiba, kailangan niyang gumawa ng paraan para mapigilan ito. Or kung hindi man, ay dapat na masigurado niyang hindi ito magtatagumpay. Pero paano na niya masasabi na panahon na para kumilos siya? Palakasan na lang ba ng kutob? Kinagabihan ay sinubukan niyang magbukas ng aircon. Hindi niya alam gamitin ang ibang nakalagay sa remote dahil first time niya mag-o-operate ng aircon mag-isa. Kaagad siyang nakaramdam ng antok dahil na rin sa lamig. Ayos na ayos ang apartment na tinutuluyan niya ngayon. Kung pwede lang sana ay isasama niya ang nanay at dalawang kapatid niya rito. Siguradong matutuwa ang mga 'yon sa aircon. Napakainit naman kasi sa bahay nila. Lalo na kapag summer. Hindi rin naman sila makapagbabad sa electric fan dahil mahal ang magiging bill ng kuryente nila. Kaya madalas ay nasa labas na lamang nagpapahangin ang mga kapatid niya at nagpapaypay.  Habang nakahiga siya sa kama ay nagdadalawang isip siya kung dapat ba siyang matulog o dapat niyang abangan si Leon kung kikilos ito ngayong gabi? Pero tila nanaig ang pagod niya sa ngayong araw kaya ilang segundo pa lang siyang nakahiga at nakatilakbong ng kumot ay kaagad na siyang nahila ng antok.  Kasalukuyan siyang tumatakbo sa isang talahiban. Dalawang beses siyang lumingon at nandoon pa rin sa likuran niya ang dalawang lalaking nakasuot at nakatakip ng bonnet sa buong mukha. Hingal na hingal siya pero hindi siya maaaring huminto dahil may mga armas na panaksak itong hawak at sigurado siya na hindi siya bubuhayin ng mga ito kung sakali man na maabutan siya ng mga ito. Hindi siya maaaring mamatay na lang basta-basta.  Habang tumatakbo ay bigla na lamang siyang nadapa nang matisod siya sa isang malaking bato. Tumama ang tuhod niya sa sahig at nakaramdam siya ng hapdi pero pinilit pa rin niyang tumayo at tumakbo kahit pa-ika-ika siya. Nakaramdam siya ng pagkataranta nang makita niyang malapit na sa kanya ang dalawang lalaking humahabol. Pinilit niyang mas mabilis pa ang maging pagtakbo pero sa kundisyon ng tuhod niya ay mahirap gawin 'yon. Naramdaman niyang tila namanhid bigla ang binti niya kaya hindi niya ito naihakbang. Napaluhod siya dahil ro'n at nagulat na lang siya nang may biglang sumaksak sa kanya sa likuran. Napabalikwas siya ng bangon. Hingal na hingal siya habang nakaupo sa kama. Nilibot niya ang paningin sa buong lugar. Nasa kwarto naman siya ngayon. Pinunasan pa niya ang pawis sa noo niya. Malamig ang kwarto niya dahil sa aircon pero pawis na pawis siya dahil sa masama niyang panaginip. Bumangon siya para magtungo sa kusina at kumuha ng tubig. Akala talaga niya ay totoo ang pangyayaring 'yon. Akala niya ay mamamatay na siya. Napasandal siya sa dingding habang nag-iisip. Hindi na siya inaantok, samantalang alas dos pa lamang ng madaling araw.  Naisip niyang sumilip sa balkonahe ng kwarto niya. Nilingon niya ang kwarto ni Leon at nakita niyang kasalukuyang nakabukas pa ang ilaw nito. Malamang ay gising ito ngayong oras at kung ano pa man ang ginagawa. Sinilip niya ang pader at nakita niyang may maari siyang matapakan at madaanan para makapunta sa balkonahe ni Leon. Sinubukan niyang sumampa sa bakal na harang sa balkonahe niya at kaagad siyang tumapak sa makipot na simento. Bahagya pa siyang nakaramdam ng lula nang makita ang taas kung nasaan siya kaya nag-iwas kaagad siya ng tingin. Dahan-dahan siyang humakbang pa-abante at sumampa siya sa bakal na harang sa balkonahe ng kwarto Leon. Sumilip muna siya sa loob at nakita niyang nakaupo ito at naka-pwesto sa dinning area habang nasa harap ng laptop na tila abala at seryoso sa ginagawa nito kahit madaling araw na. Napaisip tuloy si Mami kung natutulog pa ba ang lalaking 'to? Nanatili siya sa pagkakaupo niya sa bakal na harang sa balkonahe. Hindi kasi siya maaaring tumapak pababa dahil baka makita na siya ni Leon. Nakita niyang bigla nitong dinampot ang cellphone at tila may tinawagan. Pilit naman niyang inilapit ang tainga niya para marinig bahagya ang usapan. "Tuloy ang plano mamaya. Wala nang atrasan," sabi lang nito at tinapos na rin kaagad nito ang tawag. Napaisip saglit si Mami. Ibig kayang sabihin ay kikilos na ito mamaya? Kaya malamang ay kailangan din niyang ihanda ang sarili niya sa kung ano man ang gagawin ni Leon. Kailangan din niyang mabantayan kung ano'ng oras mamaya ito aalis. Mabuti na lamang at nagising siya ngayong oras at naisipan niyang sumilip at makinig mula sa balkonahe nito. Balak pa sanang tumambay ni Mami nang kaunti sa pwesto niyang iyon dahil baka may malaman o marinig pa siya pero nakita niyang tumayo na si Leon nag-unat ng kamay at likod kaya dahan-dahan ay pa-unti-unti na siyang bumalik sa kwarto niya bago pa man siya nito maabutan. Baka makasuhan pa siya ng tresspassing o kung ano pa man.  Hindi na siya bumalik pa sa pagtulog dahil bukod sa masama niyang panaginip ay inaabangan din niya si Leon kung kailan ito aalis. Nagtimpla na siya ng paborito niyang 3-in-1 coffee at nag-almusal na rin siya ng tinapay na nabili niya sa convenience store kahapon. Silip siya ng silip sa pinto niyang bahagyang nakabukas dahil baka malingat lang siya saglit ay hindi na niya makita si Leon.  Nakadalawang kape na si Mami nang umagang 'yon kakahintay. At eksaktong ala singko ng umaga nang marining niyang bumukas ang pinto sa kabilang kwarto. Nakita niyang lumabas si Leon mula ro'n at tila maingat na naglakad. Hinintay niya munang makasakay ito sa elevator, sak siya nagmamadaling nagtungo sa fire exit para maghagdanan. Patakbo pa siyang bumaba. Halos tatlong minuto lang ay nasa ground floor na siya. Sinilip niya muna ang paligid at saktong kakalabas lang naman ni Leon sa building kaya maingat din namang sumunod si Mami sa kanya. Hindi siya gaanong lumalapit sa lalaki dahil pakiramdam niya ay makakatunog ito dahil sobrang tahimik pa ng kapaligiran. Ultimong paglaglag ng dahon at mismong paghinga mo ay maririnig dahil sa katahimikan ng paligid. Muling naglakad si Mami nang halos tatlumpung minuto sa kakasunod niya kay Leon. Mukhang bumalik ito sa lugar kung saan din ito nagpunta kahapon. Nagmanman muna ito sa paligid at tila nagtago sa may gilid ng pader habang may sinisilip. Mula sa malayo ay natatanaw ni Mami na tila may tatlong lalaki ang nag-uusap sa hindi kalayuan ni Leon. Nakita niya pang bumunot ng baril si Leon at tila susugod ito sa tatlong lalaki. Nakaramdam naman ng pagkataranta si Mami pero kailangan niyang mag-isip! Dahan-dahan nang lumalakad si Leon palapit sa mga lalaki.  Biglang pinunit ni Mami ang suot niyang t-shirt. Kahit paborito niya ang t-shirt na 'yon, ay wala siyang ibang choice dahil kailangan niyang mapigilan si Leon sa kung ano mang gagawin nito. "Rape! Tulong!" Sigaw bigla ni Mami habang tumatakbo papunta sa direksyon ni Leon. Tila na-alarma naman ang tatlong lalaki na nag-uusap sa di kalayuan. Si Leon naman ay tila nagulat din sa biglang pagdating niya nakatitig lang ito sa kanya. "Tulungan mo 'ko, please." Pakiusap pa ni Mami kay Leon pagkalapit niya rito. Hinawakan naman siya ni Leon sa magkabilaang braso at tila sinilip ang buong paligid. Nagsipag-takbuhan na ang tatlong lalaki kanina kaya nakita niyang itinago na ni Leon ang hawak niyang baril. "Nasaan ang gumawa nito sa'yo?" Tanong ni Leon sa kanya. Napalunok naman ng laway si Mami. Tumuro na lang siya sa bandang likuran niya at umarteng nanginginig ang katawan. Nagulat siya nang biglang hubarin ni Leon ang suot nitong jacket at ibigay sa kanya para isuot niya. "Sumunod ka sa akin. Huwag kang bibitaw sa braso ko. Hanapin natin ang gumawa nito sa'yo," sabi pa niya.  Kinuha nito ang kamay niya at pinahawak sa braso nito. Sumunod na lamang si Mami kay Leon habang dahan-dahan silang nagpupunta sa kung saan man ang itinuro niya kanina. "Sigurado ka bang dito 'yon? O baka nakatakas na ang walanghiyang gumawa niyan sa'yo?" Tanong pa ni Leon. Napa-isip tuloy si Mami. Mukhang mabait naman pala ang lalaking ito. Minsan ay may pagkasungit lang talaga kaya siguro siya nainis noon dito.  "Oo. Dito ako kanina nakatakas at nakatakbo. Pasensya ka na. Wala na kasi talaga akong ibang mahihingian ng tulong," tugon pa niya rito habang umaarteng nanginginig pa sa takot. "Sige. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong mahahanap natin ang nagtangka sa'yo. Tahan na. Gusto mo ba munang umuwi? Saan ka ba dapat pupunta?" Tanong pa nito sa kanya. Napangisi pa si Mami dahil naisip niyang mukhang maaasahan din talaga ang isang 'to. Maalalahanin na, marunong pang makipagkapwa tao. Kung ganito ay nasisiguro ni Mami na mapipigilan nga niya ito madalas basta hindi siya mauubusan ng ideya o kung ano pa mang klase ng pakulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD