Fourteen
Lumabas si Islah ng unit ni Barbara. Bagsak ang balikat nito.
"What happened? Is she okay now?" tanong agad ni Tori na himala at lumabas sa lungga nito ngayon.
"She's not okay! It's her parent's 15th year death anniversary! Bakit ko nga ba nakalimutan 'yon? Napaka-insensitive ko!" himutok nito na napapadyak pa dahil sa inis sa sarili.
"So, wala tayong magagawa, 'pag ganyan 'yan gusto lang niyang mapag-isa!" ani ni Teri na tumalikod na at iniwan sila sa harap ng pinto ng unit ni Barbara.
---
Nakahiga lang si Barbara sa kanyang kama. Tamad na kumilos habang ang kaliwang kamay ay may hawak na maliit na notebook. Hindi pa tapos ang laban, tama si Islah kaya hindi siya pwedeng magmukmok na lang.
Tatlong tao pa ang dapat niyang kaharapin.
Hindi titigil ang organization hanggat nananatiling buhay ang mga iyon.
Natigilan si Barbara nang maalala si Zander. Kahit 'di niya nerereplyan si Trina madalas pa rin itong magpadala ng mensahe sa kanya.
Pabalik-balik raw si Zander sa apartment niya. Nag-aalala kung nasaan na siya.
Kahit si Cloe ay ganoon din at ang manager niya.
Paano siya babalik sa mga ito? Lalo pa't wala naman talaga siyang lugar sa buhay ng mga ito. Nakilala siya dahil sa laro't kasinungalingan niyang binuo. Ngayong alam na niya kung sino ang ulo ng organisasyon, ano pang rason niya? Dahil napamahal na siya kay Trina at sa pamilya nito? Tsk. Hindi nga niya alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. Hindi siya marunong sa ganoon, ang Alam lang niya ay magmanipula ng tao at emosyon ng mga ito.
At sino nga ba ang tatanggap sa tulad niya? Sampung taon lang ----nakapatay na siya. Nabuhay siya ng ilang taon na parang laro lang ang pagkitil ng buhay.
Hindi tumitigil hanggat hindi nananalo.
Si Zander, Hindi niya masasabing kakampi ito. Lalo pa't alam niyang lumalapit-lapit lang sa kanya dahil sa kasintahan nito. Ginagamit lang siya nito----naggagamitan lang silang dalawa.
'Yong nangyari sa kanila ng binata? Init lang iyon ng katawan. Na mahahanap nila sa iba. Nakuha niya ang impormasyon na gusto niya sa poder nito, plano rin niyang sirain ang ama nito---planong hindi niya ititigil kahit naging mabuti ang binata sa kanya.
Baka nga ito pa ang tumapos ng misyon na ito oras na malaman nito ang totoo. Lahat ng nalaman niya sa bibig mismo ni Christopher Laurel ay malaking tulong kaya mas naging madali ang lahat.
---
"Okay ka na?" ani ni Islah ng pumasok siya ng dinning hall. Dito sila kumakain kapag wala sila sa mood na magluto sa mga units nila.
"Yeah."
"Anong plano mo sa pamilya ni Laurel? Nasa isla pa rin sila!"
"Sa tingin mo hahayaan ko silang bumalik sa normal nilang buhay? Islah, hindi ako ganyang klase ng tao! Naniniwala ka ba sa akin kapag sinabi kong mabait naman ang mga taong iyon!"
"Girl, kahit naman mabait sila wala ka namang pakealam doon! May kasalanan ang ama edi pati ang asawa at anak! Ikaw pa!" ani nito na iiling-iling.
Ngumisi ang dalaga.
"Kelan ka pa nga ba nagkaroon ng pake? Ako nga lang ang love mo eh tapos 'yong mga girls dito!" ani nito.
"Sinong may sabi na love kita? Islah, do you forgotten? I don't know that word!" ani niya na nginisihan ito. Nakasimangot ang dalaga at ibinagsak ang kutsara nito.
"Ang bad mo talaga!" nag-iinarteng sabi nito.
"Oo bad ako Islah, matagal mo ng alam 'yan!" ani niya rito saka nagdesisyon na kumuha ng pagkain.
Libangan na talaga niyang inisin ito. Siya ang nakakita sa batang Islah noon na napagkamalang pa nilang patay at isinama niya sa grupo nilang walang pangalan.
Madalas umiyak si Islah noon dahil hirap na hirap na sa training samantalang hindi man lang nila nakitang nagreklamo si Barbara. Ni hindi nila nakitang ngumiti at tumawa ng kusa. Ginagawa lang nito ang dalawang bagay kapag nasa misyon ito. O kaya, kapag sinabi lang ng mga tao sa paligid nito. Mistulang robot dahil walang emosyon.
Pero kahit ganoon si Barbara, handa nitong salagin ang bala para sa mga kaibigan.
---
"Para kang timang, ayusin mo nga 'yang itsura mo!" ani ni Juan kay Zander. Kasalukuyan silang nasa apartment ng dalaga. Si Trina ay nagluluto sa kusina. Naabutan kasi nila itong naglilinis ng bakuran ng kaibigan nito.
"Shut up, Juan!" ani nito."I'm just f*****g worried to Ange---Ara!"
"Tell me, si Inna pa rin ba ang nakikita mo o si Angel na mismo?"
" I don't know!" aminado siyang matagal na niyang nakikita si Ara ng walang Inna na involve. She's beautiful, 'Yon nga ang una niyang napansin noong una niyang nakita ito sa club. Kahit makapal ang make up sobrang ganda pa rin nito. Mas lalo ding na-fru-frustrate ang binata, Lalo pa't may nangyari sa kanila nito. She's a virgin. Gabi-gabi naiisip niya iyon. Mababaliw na ata talaga siya kaiisip dito.
"Tsk, kung pagtsitsismisan n'yo ang kaibigan ko----make sure na wala ako! Nakakahiya naman 'di ba!" sarcastic na sabi ng dalaga."kalalaki ninyong tao, mga tsismoso!"
"Heto na naman po tayo, may dala ka bang tape d'yan? For once, gusto ko lang balutin ng tape ang bunganga nito." ani ni Juan. Parehong mabunganga.
"Kain na, ikaw Juan, 25 kanin---45 isang order ng ulam!"
"Hoy, niluto mo lang 'yon pero kami ang bumili no'n!" palaban ding sabi ni Juan.
"Ulol, wala akong pake, kung ayaw mong magbayad sa mga niluto ko 'wag kang kakain!"
"----trina!" natigilan sila sa malakas na tinig sa labas.
"Sino 'yon? Boyfriend mo?"
"Bwisit ka talaga, baka pag-untugin ko pa kayong dalawa!"
"Heay, Juan! That's enough!" saway niya. Tuwing narito silang dalawa wala ng ginawa kundi magbangayan ang dalawa. minsan sumasakit na lang ang ulo niya dahil sa mga ito.