Thirteen
Dumating sina Zander sa gusali kung saan ayon sa nagpadala ng tip ay original na lugar kung saan nagaganap ang transaction ng grupo.
Pero bangkay na lang ng mga bantay ang nagkalat ng dumating sila. Sa bawat pasilyo ng lugar ay may mga bankay na kung hindi baril ang tumapos ng buhay, ay patalim na nakatarak sa mga noo ng mga ito.
"Z--ander!" malakas na tawag ni Juan. Nakasilip ito sa isang silid kung saan may naririnig siyang ungol.
Ngunit halos manghina siya nang makita ang kalagayan ng mga tao sa silid na iyon. Nakagapos ang mga ito, pare-parehong hubad. Pero ang mas malala roon wala na ang mga ari ng mga ito at lahat ay nasa kanilang mga bibig na. Umaagos pa ang mga dugo na talaga namang nakakakilabot.
---
"'Wag kang mag-alala Zander, lahat ng mga dinala sa ospital paglabas ng mga iyan ay sa kulungan na!" ani ng heneral na tumulong sa kanila.
Nagkalat sa paligid ang pulisya. Sinusuri ang mga bangkay. Tiyak silang dalawang tao lang ang may gawa nito dahil iyon ang pinagdiinan ng mga lalaking nakuha nila. Nakamaskara ang mga ito. Ganoon din ang sinabi ng mga bata na hero raw nila.
"General, kayo na ang bahala sa mga bata! 'Yong foundation na sinabi ko sa'yo, walang alam ang mga volunteers doon!" ani ng binata sa heneral. Tumango lang ang lalaki.
"Dude, let's go!" ani ni Juan na halata ang pamumutla ng mukha. Sumuka ito kanina dahil sa nakita nito. Kaya nanlalata ang lalaki at kanina pa gustong umuwi. Natagpuan ang halos nasa 45 na batang babae at lalaki sa isang damuhan. Ayon sa mga ito, Doon daw sila dinala upang magtago. Meron ding dalawang silid na puno ng mga babae at lalaki na walang kamuwang muwang sa nangyari.
---
"Nakausap mo na ba ang ama mo?" tanong ni Juan sa kaibigan."Wala ba talaga siyang ka-ide-idea kung anong kademonyuhan ang ginagawa sa loob ng foundation na iyon?"
"Nakausap ko na, wala raw!"
"By the way, anong balita kay Angel? Hindi na ba bumalik ng club?"
"Para s'yang bulang naglaho!" ani niya na saka nilagok ang laman ng kopitang hawak.
"Do you like her?" tanong ng kanyang kaibigan. Nagkibitbalikat lang si Zander.
"She's like Inna---"
"Hindi ko tinatanong kong tulad siya ni Inna!"
"So all this time, dahil kay Inna kaya ka nagpabalik-balik ng star club? Hindi dahil sa magandang babae na nagtratrabaho ro'n! Tsk, I get it now!" ani nito na umiling-iling pa.
Kahit si Zander na tanong din niya ang sarili. Dahil nga ba kay Inna?
---
"Hindi pa tapos ang laban mo Barbara, pero---kung umasta ka ngayon parang talo ka na! Ano ba kasing problema mo?"ani ni Islah na hindi nilulubayan ng tingin ang kaibigan na nanatiling nakahiga sa kama. Ilang araw na simula ng mangyari ang pagsugod nila sa foundation.
At ilang araw ng nagkukulong ang dalaga sa unit nito.
"B--arbara!" napapadyak pa ito.
Natigilan si Islah ng mapansing umiiyak na ang kaibigan.
"What happened to you?" ani nito saka sumampa ng kama.
"It's been 15 years!" usal nito. Saka lang natauhan si Islah. Nag-sink in din sa isip kung bakit nagkakaganito ang kaibigan.
---
"Mama, gusto ko sa birthday ko simple lang ang celebration!" ani ni Barbara. Hawak sa kanang kamay ang alaga niyang pusa.
"Why? Pwede ka naman naming bigyan ng Papa mo ng isang malaki at masayang birthday celebration?".
"Gusto ko po kasi, 'yong money na gagamitin itulong na lang natin sa mga kids sa foundation! 'Yong tinutulungan ni Papa! Madami po sa kanila, kailangan pambili ng gamot, damit tsaka need nila ng pagkain!" ani ng batang si Barbara. Malawak ang ngiti nito sa harap ng ina habang sinasabi iyon.
"Okay, kung 'yan ang gusto mo! Sasabihan natin sa Papa mo na 'wag ng mag-party!" ani nito.
Gabi, nasa sala ang mag-asawa. Sinasabi ng kanyang ina ang gusto niyang mangyari. Nang biglang bumukas ang pinto. Sunod-sunod na pumasok ang mga lalaki na armado ng baril. Nanigas sa kinatataguan si Barbara sa edad niyang sampu alam nya kung ano ang nangyayari.
Nagkubli siya sa gilid ng malaking vase. Dahil sa maliit na katawan hindi man lamang napansin ang bata.
Hindi niya marinig ang sinasabi ng mga ito. Basta na lang hinampas ng baril ang kanyang ama na nawalan ng malay.
At ang kawawa niyang ina ay basta na lang hinila at pinahiga sa sahig. Hindi niya dapat nakikita ito, pero heto siya kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano babuyin ng mga ito ang katawan ng kanyang ina.
Black King Organization, 'Yon ang mga markang nakatatak sa kanilang mga braso. Salitan sila sa katawan ng kanyang ina.
Habang walang malay ang kanyang ama. Nang gumalaw ito, bigla na lang itong binaril ng isang lalaki. At nang natapos ang mga ito dinig niyang sinabi ng isa na wala ng buhay ang kanyang ama at ang ina na habang binababoy ng mga ito ay sinasakal ito.
Saka inilagay ang mga ito sa body bag.
"Linisin mong mabuti rito, siguruhin mo ring maitutumba mo 'yong bata." ani ng lalaki sa tauhan nito.
Naiwan ang lalaki na agad nilinis ang sala ang mantsa ng dugo ay nilinis nitong mabuti. Tumayo si Barbara. Tumakbo sa silid ng magulang.
Kinuha niya ang naka-display na katana ng ama. Tinuruan siya nito noon na gumamit.
Hindi namalayan ng lalaking pakanta kanta pa ng bumaba ang bata. Dahil mahaba iyon hila-hila nito ang sandata. Nagulat na lang ang lalaki ng may tumagos na espada sa tiyan nito.
Binitiwan ng batang si Barbara ang katana, lumapit siya sa baril ng lalaki na nasa lamesita. Hindi na ito nakagalaw dahil sa pagbulwak ng dugo sa bibig nito.
Dinampot niya ang baril saka ikinasa iyon. At walang pag-aalinlangan na kinalabit iyon.
"Die, pasensya ka na, wala kang kapwa demonyong babati sa iyo sa impyerno, pero 'wag kang mag-alala susunod naman sila sayo!" ani ng batang wala man lang makikitang emosyon. Blanko lang ang mukha nito.
Biglang may lalaking pumasok. Akala niya mag-isa lang ito. Tinarget agad niya ang kamay nito.
"Sabi ni Papa, barilin ang kamay baka lumaban---barilin ang paa baka tumakbo!" aniya na pinatamaan din ang paa nito dahilan para mapaluhod ang lalaki.
Lugmok na ang lalaki na namimilipit sa kinasadlakan nito. Hinaklit nito ang panga ng lalaki at ipinasubo ang dulo ng baril.
"Barilin ang bibig para 'di na makapagsalita!" usal niya saka pinakawalan ang huling bala na natitira.
"At dapat, sunugin ang ebidensya!". ani nito na bahagyang bumungisngis.
Nilisan nito ang kanilang tahanan. Habang unti-unting tinutupok iyon ng apoy.