Chapter 4
Ilang oras na walang tigil ang malakas na hangin at ulan. Sobrang nilalamig na si Zara. Nangangatog na ang buong katawan niya. Wala rin namang ibang tao sa labas dahil nga sa lakas ng hangin kaya wala rin siyang ibang mahingian ng tulong. Naramdaman na lamang niya na parang lumalabo na ang paningin niya. Ang kaninang malamig at maingay na paligid ay parang naging biglang mapayapa.
-
Nang humupa ang malakas na ulan, saka lamang nakalabas si Dave mula sa Resort ng pinsan nitong si Axel. Huli na siya at malamang hindi na siya aabot sa dapat sana ay flight niya. Matagal pa ang biyahe niya papunta sa airport pero susubukan na lamang niyang i-rebook ang flight.
Pagkalabas pa lamang niya sa gate, laking gulat niya nang may bumungad sa kanyang isang katawan ng babae na nakahandusay sa gilid lang din mismo ng gate. Nakaramdam siya ng pagkataranta. Nagdalawang isip pa nga siya kung lalapitan ba niya ito. Pero mukhang buhay pa naman ang babae, namumutla lang ang kulay ito.
"Axel! Manang!!!" Sigaw niya nang makapa niyang may pulso pa naman pala ito.
Bumalik siya sa loob para humingi ng tulong dahil mukhang hindi siya naririnig ng mga tao roon.
"Ano ba 'yon, Dave? May nakalimutan ka ba? Akala ko ba late ka na?" Tila inis na tanong sa kanya ng pinsan niyang si Axel.
"May tao sa labas," siwalat niya.
"Ano naman ngayon?" Tanong lang pabalik nito sa kanya.
"Manang, halika. Tayo na lang ang mag-usap," sabi na lamang ni David sa matandang kasambahay ni David.
"Ano ba ang mayroon, Hijo? Bakit parang natataranta ka yata?" Nagtatakang tanong ng matanda habang nakasunod naman dito.
Ramdam niyang nakasunod din sa kanila ang pinsan niyang si Axel.
"Santisima! Diyos ko po!" Bulalas ng matanda nang makita ang babaeng nakahandusay sa tapat.
"Who is she?" Tanong kaagad ni Axel.
"She's still alive. Pero inaapoy siya ng lagnat. We need to do something, Axel!" Sabi pa ni Dave sa pinsan.
"Why would I do something? Hindi ko naman 'yan kilala. Dalhin mo sa ospital! Then, leave her there," Mariing tanggi naman kaagad ni Axel sa kanya.
"Malayo ang ospital dito, Axel. Baka hindi na siya umabot nang buhay. Nasa tapat siya ng gate ng Resort mo. Kung mamatay 'yan? Nilalagnat 'yong tao. We just need to apply first aid to her," kumbinsi pa ni Dave sa pinsan.
"Bahala kayo. Do what you want," galit na tugon ni Axel bago tumalikod at umalis para iwan sila ni Manang Sabel.
"Ipasok natin siya sa loob, Hijo," utos pa ng matanda.
Kaagad namang tumango si Dave at sumunod. Binuhat niya ang babae. Pinulot naman ni Manang Sabel ang mga gamit nito. Sa kwarto ni Manang na nasa baba lang at gilid ng kusina dinala ang babaeng nakita nila sa harap na kasalukuyang inaapoy ng lagnat ngayon. Kaagad namang naghanda ng bihisan si Manang pati na rin ang tubig at bimpo na ipangpupunas niya sa katawan ng dalaga.
"Are you playing superhero now?" Seryosong tanong ni Axel sa pinsan niya na naghihintay sa labas ng kwarto ni Manang Sabel dahil kasalukuyan nitong binibihisan ang babae.
"What? I was just concerned. Nakakaawa naman 'yong babae. Hindi ka ba naawa sa itsura niya? She looks helpless," paliwanag pa ni David.
"I don't give a damn. Who knows? She might be a criminal?" Sagot lang ni Axel.
"No, she doesn't look like one. She has an angelic face. She looks like she can't even kill a bug," pagtatanggol pa ni David sa side ng babae.
"Looks can fool you, Dave. Be careful. Once that woman wake up, I want her out of my territory," deklara pa ni Axel.
"Palakasin mo naman muna siya kahit one or two days lang," hirit pa ni Dave.
"You want me to throw her out now? You choose," tanong ni Axel.
"Oo na. Papaalisin na namin sa oras na magkamalay siya. Wala kang puso," pagsang-ayon na lamang ni Dave sa pinsan.
"Ano na ang plano mo sa flight mo?" Tanong ni Axel.
"Late na rin naman ako. Bukas na lang ako magre-rebook ng flight," tugon ni Dave.
"So, that woman made you stay? Samantalang si Tita Agnes, hindi ka mapigilan?" Tanong ni Axel.
Tita Agnes is Dave’s Mom.
"No, that's not the case. Baliw ka ba?" Tanggi naman kaagad ni David.
"Siguraduhin mo lang, Dave. Kick that woman out once she gain consciousness," paalala muli ni Axel sa kanya bago siya nito muling iwan.
Napailing na lang si Dave. Masyado talagang galit sa mundo ang pinsan niyang 'yon. Pati inosenteng kawawang babae, pinag-iinitan? Hinayaan na lamang niya ang isang 'yon. Naghintay siya hanggang sa lumabas na si Manang sa kwarto nito.
"Kumusta po siya, Manang?" Tanong kaagad ni Dave sa matanda.
"Mataas pa rin ang lagnat niya, Hijo. Pero hindi na siya nanginginig kagaya kanina. Kailangan na lamang natin siyang mapainom ng gamot. Pupunasan ko pa rin ang buong katawan niya para tuluyan nang bumaba ang temperatura ng katawan niya," paliwanag naman ni Manang Sabel kay David.
"Sige po, kukuha ako ng gamot. Maraming salamat po, Manang," tugon naman ni Dave.
"Walang anuman, Hijo. Babalik na ulit ako sa loob para mabantayan ko ang lagay no'ng babae. Kumatok ka na lang mamaya sa pinto, ha?" Tugon naman nito.
Tumango na lang naman si David at pagtalikod ng matanda, saka naman siya pumasok sa bahay ni Axel para maghanap ng kahit na anong gamot na pwede sa lagnat. Nang makita niya ang first aid kit mula sa cabinet sa main bathroom, saka siya bumalik sa kwarto ng matanda.
-
Lumipas ang buong magdamag na walang malay ang babae. Kahit paano ay wala na ang lagnat nito. Nawala na rin ang pagkaputla ng balat nito at mukhang nakatulog na ito nang mahimbing. Hinihintay na lamang ni Manang Sabel na magising ito para mapakain kahit papaano ng lugaw man lang.
"Nasaan po ako?" Narinig ni Manang ang isang mahina at mahinhin na boses habang abala siya sa pagtutupi ng mga nilabhang damit.
Nang lingunin niya ang kama, saka niya nakita na may malay na rin sa wakas ang babaeng nakita nila sa tapat ng gate ng resort kahapon.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Hija? Narito ka sa loob ng Abraham's Paradise ngayon, nakita ka kasi namin kahapon na walang malay sa harap ng gate nitong resort at mataas rin ang lagnat mo," tugon naman ni Manang Sabel.
"Maraming salamat po," tipid na tugon ni Zara.
"Walang anuman, Hija. Pinsan ng may-ari nitong resort ang nakakita sa'yo. Sa kanya ka magpasalamat, ipinakausap ka kasi niya sa pinsan niya," kwento pa ng matanda sa kanya.
"Sige po. Magpapasalamat po ako sa kanilang dalawa," tugon naman ni Zara.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ni Manang.
"Ara po. Ara Basco," mabilis na tugon niya.
Ara Basco ang pangalan na ipinalagay niya sa mga pekeng ID niya. Tumango-tango naman sa kanya ang matanda.
"Ako naman si Manang Sabel. Katiwala ako ng may-ari nitong resort na si Axel. May niluto akong lugaw, Ara Hija. Kaya mo na bang kumain nang mag-isa?" Tanong ni Manang.
Tumango naman siya kaagad.
"Sige, kumain ka na muna. Sasabihan ko lang muna si David na gising ka na," paalam ni Manang Sabel sa kanya bago ito tuluyang lumabas mula sa pinto ng kwartong tinutuluyan niya.
Nanghihina man, pero pinilit pa rin ni Zara na magkilos. Kahapon pa siya gutom. Mabigat pa ang pakiramdam niya ngayon pero kahit paano ay hindi na siya nakakaramdam ng hilo.
Nang matapos siyang kumain ay iniligpit niya ang pinagkainan niya na mangkok at baso ng tubig. Ininom na rin niya ang gamot na nakalagay sa gilid ng tray. Maya-maya pa ay naramdaman niyang may kumatok mula sa pinto at kasunod no'n ay ang pagbukas nito. Akala niya ay si Manang Sabel ang papasok mula ro'n ngunit hindi. Isang lalaki ang bumungad sa kanya. Kaya kaagad naman siyang napatayo mula sa pagkakaupo niya sa kama.
"Okay lang, maupo ka lang. Baka nanghihina ka pa eh. Sinabi kasi ni Manang na gising ka na raw, kaya nagpunta ako rito. Ara raw ang pangalan mo? Ako si David, pwede mo 'kong tawaging Dave," pakilala naman nito sa kanya.
"Maraming salamat po, Sir Dave. Nabanggit po ni Manang Sabel sa akin na kayo raw po ang nakakita sa akin kahapon. Utang na loob ko po sa inyo ang buhay ko," taos-pusong pasasalamat naman ni Zara.
Ngumiti naman si Dave kaagad sa kanya.
"Wala 'yon. Ako lang ang nakakita sa'yo, pero si Manang Sabel naman ang nag-alaga sa'yo buong magdamag. Mabait 'yon si Manang. Saka huwag mo na akong tawaging Sir. Mukhang magkasing-edad lang naman tayong dalawa," nakangiti sabi sa kanya ni Dave.
"Salamat po ulit," tugon ni Zara.
"Taga-rito ka ba? Pasensya na kung magtatanong ako, ha? Okay lang kung ayaw mong sagutin. Pero bakit mag-isa ka lang at anong ginagawa mo bakit ka nasa harap ng resort at walang malay?" Tanong ni Dave.
"Napadpad po ako rito kasi naghahanap po ako ng mapapasukang trabaho. Wala po akong kamag-anak o kahit na isang kakilala dito sa lugar ninyo," paliwanag naman ni Zara.
Tumango-tango naman si Dave habang nakikinig sa kanya.
"Saan ka ba galing?" Tanong muli ni Dave.
"Sa Maynila po. Pinaalis po ako ng dati kong pinapasukan sa trabaho, kaya napadpad po ako rito kasi kahit ano'ng bus lang po ang sinakyan ko," paliwanag ni Zara.
That was half true. Totoo namang kahit na anong bus lang ang sinakyan niya. Hindi naman talaga niya alam ang lugar na ito noon.
"Kailangan mo ng trabaho? May pamilya ka na ba? Asawa o anak?" Tanong pa nitong muli.
"Wala pa po," mabilis na tugon ni Zara.
"Sige, tanggap ka na. Dito ka na lang magtrabaho. Kailangan ni Manang ng katuwang dito sa bahay ng pinsan ko. Saktung-sakto. Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala kay Axel. Medyo masungit lang 'yong may-ari nitong resort, pero pwede ka namang magpanggap na bingi o manhid kapag nandiyan siya sa paligid," anunsyo pa ni Dave.
"Po? Sigurado po ba kayo? Binibigyan niyo po ako ng trabaho?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Zara.