Chapter 5
"What did you just say?!" Dumagundong sa buong kabahayan ang boses ni Axel nang marinig ang sinabi ni Dave sa kanya.
"Matanda na si Manang Sabel. Ano ba naman 'yong magdagdag ka ng isang katuwang niya rito sa bahay mo?" Tanong pa ni Dave.
"That's not for you to decide. Bakit ka biglang nakikialam?" Galit na tanong ni Axel sa kanya.
"Nagmamagandang-loob lang ako. Mukhang mapapagkatiwalaan naman si Ara. Try her first. Kung hindi maaasahan, eh 'di saka mo sisantihin," udyok pa ni Dave.
"I could easily find someone if I really need a helper in my house," tugon pa rin ni Axel.
Matigas talaga ang loob nito at mahirap makumbinsi. Pero wala sa bokabolaryo ni Dave ang sumuko at hindi maipilit ang gusto niya.
"Okay, ganito na lang. Kung pumalpak man siya, sagot ko siya. Just try and let her work here, Axel. Believe me, I have a strong feeling you will thank me later for doing this," pagkumbinsi pa ni Dave sa pinsan.
"I will thank you later? Or I will punch you later? Okay, I will let her work here for 1 month. That's long enough. Kung puro kapalpakan siya, I will dispose her like a garbage in the trashbin. Hindi na kita sasabihan kahit nasaang lupalop ka man ng Pilipinas o ng mundo," pagpayag na rin sa wakas ni Axel sa pakiusap ng pinsan niya.
"Great! Thanks, Bro! Kampante akong aalis mamaya. Huwag kang mag-alala, kahit hindi mo ako balitaan, kay Manang Sabel ako makikibalita," tugon naman ni Dave.
"Umamin ka nga. Do you like that woman?" Pag-usisa ni Axel sa kanya.
"I have to go now, baka ma-late na naman ako sa ni-rebook kong flight," biglang pag-iba ni Dave sa pinsan sabay talikod na rito.
"Siraulo ka, Dave! Huwag mo 'kong gagawing babysitter ng babae mo!" Pahabol na sigaw ni Axel sa pinsan.
"She's not my girl, Ax. Relax," natatawang sagot lang ni Dave bago tuluyang lumabas sa malaking pinto ng kabahayan.
Lalong napasimangot si Axel nang umalis na ang pinsan. What did just happened now? Pumayag talaga siya na tanggapin ang babaeng 'yon sa bahay niya? Is he doing the right thing? Paano kung pagnakawan siya nito? Well, that woman can't get anything from him since he's keeping everything in his vault.
Ngayon pa lang, parang nagsisisi na siya na pumayag siya. Hindi dapat siya pumayag sa pagpupumilit ng pinsan niya. Kahit na lumuhod pa ito, dapat mas nagmatigas pa sana siya. Napabuntung-hininga si Axel. Pwede naman niyang paalisin ang babae na 'yon kahit na ano pang oras niya gustuhin. Siya pa rin ang masusunod.
Tanghali na nang bumaba si Axel mula sa kwarto. Tinawag niya si Manang ngunit ang estrangherong babae ang humarap sa kanya. Nakapasok na pala ito ngayon sa kabahayan niya.
"Bakit ikaw ang narito? Nasaan si Manang Sabel?" Tanong kaagad ni Axel sa babae.
"Magandang tanghali po, Sir Axel. Ako po si Ara. Umalis po sandali si Manang Sabel. Pero sabi po niya babalik din siya kaagad may nakalimutan lang daw po siyang bilhin kaninang umaga," magalang na tugon naman sa kanya ng babae.
"Bakit nakikialam ka na sa kusina? Don't touch anything from there. Si Manang pa rin ang mag-aasikaso pagdating sa pagkain. Who knows if you plan to poison me?" Bintang kaagad ni Axel.
Napasimangot naman si Zara sa narinig niya.
"Hindi ko po 'yon gagawin. Pasensya na po. Sige po, sa labas na lang po ako. Doon na lang po ako maglilinis," mabilis na tugon naman ni Zara habang nakayukong naglalakad patungo sa malaking pinto papalabas ng kabahayan.
In an instant, that woman vanished in front of him. Madali naman pala itong kausap at nakakaintindi rin ng ingles. Kung gano'n, mas mabuti.
Nagtungo na lamang sa labas si Zara. Tama nga ang sinabi ni Dave at ni Manang Sabel sa kanya. May pagkamasungit nga ang may-ari ng Resort na ito. Wala pa man siyang nagagawa ay tila galit na kaagad ito. Mas mabuti kung iiwas na lamang siya para walang gulo. Kung ano ang ayaw nito, hindi niya gagawin. Susunod siya rito para kahit paano ay hindi naman siya mapalayas. Maswerte pa rin siya at kahit paano ay may nagmalasakit sa kanya noong kailangan niya ng tulong. Kung sakaling masasamang loob ang nakakita sa kanya? Malamang, baka hindi na siya humihinga ngayon. O kung ano na ang nakahinatnan niya ngayon.
Nagsimulang magwalis si Zara sa bakuran gamit ang isang walis tingting na may mahabang hawakan. Marami ang tuyong dahon na tangay malamang ng malakas na hangin noong umulan. Sa gano'ng eksena siya naabutan ni Manang Sabel.
"Oh, Hija? Bakit nasa labas ka? Napakainit, tanghaling tapat. Halika muna at pumasok sa loob. Baka mabinat ka niyan," sabi kaagad ni Manang Sabel nang makita siya.
Hinawakan pa siya nito sa kamay para alalayan na pumasok muli sa loob ng bahay.
"Manang," pagpigil niya pa sa matanda.
"Bakit? May problema ba?" Tanong naman nito kaagad siguro nang mapansin ang pag-aalinlangan niya.
"Wala naman po. Ayaw po yata ni Sir Axel na sa loob ako magtrabaho," pag-amin naman ni Zara sa matanda.
"Pinagalitan ka ba niya? Hayaan mo na 'yon. Mainitin lang talaga ang ulo no'n. Ako na lang ang bahala sa'yo," tugon din naman ni Manang sa kanya.
Nag-aalangan man, pero sumunod na lang din si Zara sa matanda. Iginilid muna niya lahat ng mga tuyong dahon na nawalis niya saka siya sumunod sa loob. Nagdahan-dahan pa nga siyang maglakad papasok sa loob para hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Sinundan niya rin si Manang sa kusina. Tanghali na pero ngayon pa lamang sila magluluto ng ulam. Nakapagsaing na si Manang kanina, talagang kulang lamang ang rekado na nabili niya. Tumulong si Zara sa paghihiwa ng mga gulay. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na niya nakita ang amo niya habang tumutulong siya kay Manang Sabel sa kusina. Nang matapos silang magluto ay kaagad naman siyang lumabas at nagtungo sa ibinagay na kwarto sa kanya na katabi lang din ng kwarto ni Manang Sabel sa gilid mismo ng malawak na bahay ng amo.
Ang sabi ni Manang Sabel sa kanya, ang katabing lote at building ang mismong Resort ng amo nila. Nakahiwalay ang bahay nito at restricted ito sa kahit na sino kahit na staff pa ng kanyang Resort. Hands-on daw talaga ito sa negosyo at talagang strikto. Kahit na maliit na detalye ay napapansin nito.
Hinintay na lamang niya na tawagin siya ni Manang kapag tapos nang kumain ang amo nila, saka na lamang siya ulit lalabas at sasabay na kumain sa matanda.
Nang makarinig siya ng katok mula sa pinto ay kaagad naman siyang tumayo at lumabas sa kwarto.
"Halika na, Hija. Tapos na kumain si Axel. Bumalik na rin siya sa kabilang Resort, baka gutom ka na," aya naman ng matanda sa kanya.
Totoo rin naman. Gutom na gutom na nga siya. Ala-una na rin kasi ng hapon. Mabilis nga niyang naubos ang pagkain niya. Ito yata ang unang pagkakataon sa buong buhay niya na sobrang bilis niyang kumain. Wala nang prim and proper na poise.
Naghugas din siya kaagad ng nga pinagkainan. Matapos no'n ay nagpatuloy na siyang muli sa pagwawalis sa tapat ng kabahayan. Ilang beses pa nga siyang nabahing dahil sa alikabok. Sementado ang tapat ng kabahayan pero paglabas mo sa gate ay puro buhangin na roon. Ibinalot niya kaagad sa supot ang mga basura at tuyong dahon na nadakot nita gamit ang dustpan. Itinali niya 'yon nang mahigpit at inilagay sa gilid kung nasaan nakalagay ang iba pang basura. Inaayos pa niya ang pagkakasalansan ng mga plastic ng basura nang biglang pumasok sa gate si Sir Axel.
"What are you doing there?" Nakabusangot na tanong ni Axel sa kanya.
Nagulat pa si Zara sa boses nito kaya nabitawan niya ang isang malaking plastic na binubuhat.
"Po? Inaayos ko lang po 'yong mga plastic ng basura," sagot naman kaagad ni Zara habang nakayuko pa.
"Don't try to fool me by acting busy when I'm around," malamig na tugon nito bago siya nito talikuran at iwan.
Napabuntong-hininga si Zara. Mali na naman ba siya? Inaayos lang naman niya ang mga basurang nakakalat sa labas. Itinali lang din niya ang mga plastic ng mga nabubulok, mali ba 'yon? Napailing na lang si Zara. Hindi na lang siya sasagot pa. Magta-trabaho na lang siya nang maigi. Marunong naman siya sa mga gawaing bahay. Walang kaso 'yon sa kanya. Hindi lang talaga siya sanay na pinagbibintangan o pinagsasalitaan ng masama dahil wala naman 'yong katotohanan. Hindi siya nagpapanggap, at hindi rin niya magagawa ang sinabi nito kanina na lalasunin ang kung sinuman. Nakakaramdam tuloy ng lungkot si Zara. Hindi lang talaga siya siguro sanay na may ganito ang pakikitungo sa kanya kahit na wala naman siyang ginagawang masama. Pero kailangan niyang magtiis. She was trying to survive and at least live her life differently.
Mukhang kailangan na niyang tanggapin na hindi naman lahat ng tao ay kakampi sa kanya. Hindi lahat matatanggap o maiintindihan siya. And that's okay. Hindi rin naman niya susubukin o pipilitin ang kahit na sino na unawain siya. Hindi naman kasi niya balak ikwento sa lahat ang mga pinagdaanan niya.