Chapter 3

1028 Words
Chapter 3   News broke out about the business woman's daughter who was kidnapped and later on murdered by still unknown suspects. Everything happened so fast.  "May kaaway ka ba sa negosyo, Mom?! Why would someone do this to Ate?! Of all people, bakit si Ate pa? Kinidnap na nga, pinatay at sinunog pa nila?!" Humahagulgol na sigaw ni Zabina. Isang linggo mula nang mawala si Zara, may natagpuang sunog na katawan ng isang babae sa gilid ng kalsada. Zabina was able to identify her Ate's belongings. From the watch, the remains of her favorite shoes, etc. Iyak na lamang nang iyak si Zabina nang makumpirmang Ate nga niya iyon. Sobrang sikip ng dibdib niya. Para siyang sasabog sa sama ng loob. Maraming panghihinayang, punung-puno siya ng galit at hinagpis. "I don't know, Zab. I don't know. Pero kung mayroon man, bakit si Ate mo ang pupuntiryahin nila? They should have aimed for me," umiiyak na sagot din ng kanyang ina. "Kasi si Ate ang tagapagmana mo. Isn't that obvious, Mom?! Should I prepare myself to get killed too? Ate is gone, of course, susunod na si Bunso," humahagulgol pa na sabi ni Zabina. She felt her heart being grasped tightly. Naaalala niya ang mga panahon na inaaway niya ang Ate niya pero hindi siya pinapatulan nito. Naaalala niya ang mga matatamis at inosenteng ngiti nito. She wished she could turn back the time. Sana nasabi niya noon na mahal na mahal niya ang Ate at inggit na inggit siya rito. Oo, inggit siya sa kapatid. Obviously, her Ate was the favorite. Panganay ito, matalino, mahinhin, at kayang-kayang sumunod sa yapak ng kanilang ina. Samantalang siya, siya ang black sheep sa kanilang magkapatid, madaldal, walang preno kung magsalita, pasaway sa klase noon. Never nagkaroon ng honor. At kung mapapapunta man ang kanilang ina sa school niya noon, 'yon ay dahil na-Guidance siya o mababa ang grades niya. She cried her heart out that night. Habambuhay na siyang may pagsisisi. Habambuhay nang may kulang sa pagkatao niya. She lost not just a sister, but a bestfriend too.  - Zara was still alive. She plotted those childish scheme for one single reason. Ayaw niya ng kahit na ano pang gulo. Ayaw niyang magkaroon ng kahihiyan o dungis ang pamilya nila nang dahil lang sa kanya. She believed it was the best for all of them. She did it not only for herself or for her peace of mind, but also for Mom and sister. She hired those men, she planned everything. Pati ang pagbili ng bangkay ng babae sa isang morgue para palabasin na bangkay niya? She was the mastermind on all of that. Gusto na lamang kasi niyang magpakalayo-layo. Hindi niya alam kung magiging mas masaya ba siya nang malayo sa kapatid at ina, pero alam niyang ito ang mas mabuti para sa kanya. Napadpad siya sa probinsiya ng Malay. Halos pitong oras na biyahe mula sa Maynila. Nagbus lamang siya at wala talagang plano kung saan pupunta. Pero dito siya dinala ng mga paa niya. She will try to live here and start a new life alone. Mas mabuti na ito. Malayo sa gulo, malayo sa pananakot. Sigurado siyang ngayong akala nila na patay na siya, wala nang ipangtatakot pa sa kanya ang Rupert na 'yon. Dala ang isang backpack na naglalaman ng damit niya, nagpa-ikot-ikot siya sa lugar doon. She needed to have a new identity. Pinaghandaan niya ang magiging buhay niya ngayon. She have her faked identification cards with her. Dahil hindi na niya maaaring gamitin pa ang tunay niyang pangalan na isasama na niyang ibabaon sa limot kasama ng dating buhay niya noon. Sinubukan niyang maghanap ng mapapasukan na trabaho sa mga Resort na nadadaanan sa malapit sa dagat. Pero karamihan ay tinatanggihan siya. Ang sabi ng mga napagtanungan niya ay mahirap daw talagang mag-apply kapag ganitong buwan, lalo na at hindi naman raw summer kaya hindi rin sobrang dagsa ang tao sa ganitong panahon.  Hindi lang yata sampung resort ang sinubukan niyang puntahan, at lahat ng ito ay tinanggihan siya. Nakakaramdam na siya ng pagod at gutom. Masakit na ang mga binti niya sa kakalakad mula pa kanina. Tinapay pa nga lang ang kinain niya mula noong umaga. Hapon na ngayon at panay tubig lamang siya. Hindi kasi siya makakain kapag ganitong marami siyang iniisip. Wala pa siyang trabaho na mapapasukan, wala rin siyang bahay na matutuluyan. Ang gusto sana niya kung maaari ay sa papasukang trabaho na rin sana siya makituloy. Pero kung hindi papalarin ay wala naman siyang ibang magagawa. Padilim na at nasa kalagitnaan siya ng paglalakad patungo sa isang resort na kanina pa niya natatanaw sa bandang dulo. Nagulat siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay pa no'n ay ang malakas na hangin. Nataranta si Zara kaya naman dali-dali siyang tumakbo papalapit sa silong ng Resort na dapat sana ay pupuntahan niya para subukang mag-apply ng trabaho. Kahit nakasilong na sa may bubong ay nababasa pa rin ng ulan si Zara dahil sa lakas ng hangin na dala ng ulan. Nilalamig na ang buong katawan niya at basang-basa na rin siya. Iniisip na lamang niya na dinadamayan siya ng panahon. Pinaparanas sa kanya ang isang bagyo o unos, pero pagkatapos ng lahat ng ito, ay isang kalmadong umaga at may makulay na bahagharing magpapakita sa kanya.  Niyakap niya ang sarili at humalukipkip sa mag gilid na sulok para hindi siya matangay ng hangin kung sakali man na mas lumakas pa ito. Taimtim siyang nagdasal. Ipinagdasal niya ang kanyang ina at kapatid na sana ay mabilis lamang makamove on at makapagpatuloy muli sa kani-kanilang buhay nila. She knows her sister, Zabina. She will cry for sure. Pero alam din niyang matatag ito. Sa kanilang dalawa, si Zabina ang mga pinakamalakas na personalidad. Wala yatang problema itong hindi kakayanin. Oo, magrereklamo ito. Kasama kasi talaga sa pagkatao ng kapatid niya ang magsalita, magreklamo o magkomento. But at the end of the day, she knows Zabina can surpass any challenges life might throw at her. Kaya nga kampante siyang iwan ito. Childish lang mag-isip, pero alam niyanv matatag ito. She can be at peace. She know, her sister can live without her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD